Share

Chapter XV

MAY KUMATOK-KATOK sa may bintana ng kotse ni Jake at kaagad naman ibinaba ni Lovely ito.

"Hi!" 

Pagbungad ni Prim rito na tila nai-excite sa gagawin niya.

"So paano na toh? Ihahatid niya ko samin? Anong ibig sabihin nito? Anong gagawin sa akin ni Jake? Anong gagawin ko?" natatarantang mga tanong pa ni Lovely.

"Wait! Chillax ka lang okay? Just breathe!" sinunod naman siya ni Lovely na nag-breathe in and out para kumalma pero hindi pa rin maiwasang hindi kabahan. "Eto na yung moment na kailangan siya ang mahulog sa spell mo."

"Do you think he's gonna make a move? Mamanyakin na ba niya ako?"

"Girl, no! Unless gusto mong magpamanyak?!"

"No!" tila nandidiri na nagaalala naman si Lovely.

"Baka i-kiss ka lang niya, pero kung gusto mo ng rated SPG kaagad abah bahala ka na dyan!" saad pa ni Prim rito.

Natameme naman si Lovely rito.

"Good kisser ka ba?" tanong pa ni Prim.

"Ewan ko, paano ba malalaman yun?"

"Bakit? Hindi ka ba sinasabihan ng mga nakahalikan mo kung good kisser ka ba?"

Tila napagtanto naman ni Lovely ang tinutukoy ni Prim. Dahil ni wala pa naman siyang nahahalikan ni isang lalaki.

"Ah? Nako, I'm a bad kisser!"

"Okay stop! Sige, ang kailangan mo lang ay one light kiss. Like, you'll gonna leave him wanting more. You'll leave him hanging in the middle of that kiss. Ganun lang kadali." paliwanag pa ni Prim.

Hindi pa rin maunawaan ni Lovely ang sinasabi nito dahil hindi pa nga siya nakaka-experience na makahalik. Nagkibit balikat lang din siya rito bilang tugon.

"Oh boy, don't tell me I gotta show you how." kaagad na sumakay si Prim sa kotse ni Jake sa driver's seat.

"Teka, ngayon mismo?"

"Oo! Lika!" paghatak pa ni Prim sa batok ni Lovely na naglapit sa mga mukha nila. "Ganito, hatakin mo siya at kumapit ka sa batok niya. Dapat mai-lock mo siyang ganito kalapit sayo." saad pa nito sa pag-demo niya sa lapit ng mukha nila ni Lovely. Natutulala naman si Lovely sa kanya. "Laruin mo konti ang buhok niya tapos tingnan mo ang mga labi niya. Then, tumingin ka sa mga mata niya at mabagal na lalapit sa kanya para humalik, pero hindi pa! Parang aakitin mo lang siya nun." 

Tila sinasulo naman ni Lovely ang mga sinsabi ni Prim at taimtim na nakikinig rito.

"Then that's the time you'll give him a one light kiss.." saad pa ni Prim at hinalikan nito si Lovely sa labi kagaya ng sinasabi niyang dapat gawing paghalik ni Lovely kay Jake.

"Oh Holy mother of God! Laplapin mo naman siya." 

Nagulat sila ng may magsalita sa tapat nila na isang lalaki na mukhang nasaksihan ang ginawa nilang demo kiss.

"Umalis ka nga ditong manyak ka!" sigaw naman ni Lovely at inilawan niya ito. Kaagad rin namang nanakbo ang lalaki palayo sa kanila.

"Shit!" sabay naman nilang saad ni Prim ng makita sa harapan nila si Jake na papunta na sa sasakyan niya. Tila nasisilaw ito sa head lights kaya hindi sila napapansin sa loob.

"Dali! Magtago ka na lang dyan sa likod!" pagtulak pa ni Lovely kay Prim na dali-daling tumalon sa likurang bahagi ng kotse nito para makapagtago.

"Love? Can you kill the lights?" saad naman ni Jake ng makalapit na ito banda sa kotse.

"Ah, hey?" tila hingal na hingal naman si Lovely dahil sa tense ng nangyari. Kamuntik na silang mahuli ni Prim.

Sumakay si Jake sa driver's seat at tila napansin ang paghangos ng dalaga. "You okay? What's wrong?"

"Na- nothing! Humihinga lang ako. Alam mo na, breathing exercise." palusot naman ni Lovely rito at nginitian lang siya ni Jake.

Pinaandar na ni Jake ang kotse niya at tila lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Lovely dahil alam niyang kasama nila si Prim sa likod ng kotse niya.

"Si Prim nasa kotse pa." saad naman ni Irma habang nakatutok sa tablet niya.

"Ha?!" pagtugon naman sa kanya ni Agnes sa tabi niya na naglalagay ng lipstick.

"Slut on the truck!" sigaw pa ni Irma at inabot kay Agnes ang tablet niya. Kaagad na siyang pumuwesto sa driver's seat ng kotse niya at pinaandar ito. Kailangan nilang masundan sina Lovely at Jake.

"So, anong gusto mong music?" tanong naman ni Jake kay Lovely habang nag-drive ito.

"Good music?" tila wala sa sarili si Lovely dahil mas inaalala niya si Prim na nasa sasakyan din. Baka mahuli sila ni Jake.

"Okay, I got it." prenteng saad pa ni Jake at tila may dinudukot mula sa likuran ng kotse niya.

Nanlalaki naman ang mata ni Lovely na napatingin roon dahil alam niyang naroon si Prim. Napatingin sa kanya si Jake at kaagad naman niya itong nginitian lang na parang wala lang pero bumalik siya sa pasimpleng pagtingin nito sa likuran.

Samantalang si Prim naman na nagtago pa sa varsity jacket ni jacket, todo iwas sa kamay nito na baka makapa siya.

"Here!" tila nakuha na ni Jake ang gusto niyang makuha at sina lang niya kaagad ito para mapatugtog.

"You like Beatles?" tila nagulat ngunit kinatuwa ni Lovely ng marinig niya ang pinatugtog ni Jake.

"Tell me you're not, and I'll kick you out of my car." preskong saad naman ni Jake sa kanya.

"No, I - I love them!" tugon naman kaagad ni Lovely ngunit bigla siyang hinampas ni Prim mula sa likuran at tila may napagtanto siya. "I mean, okay naman sila. Siguro. Ewan." pahabol naman niya ring saad sabay irap pa kunwari na hindi niya ito nagugustuhan. Hindi niya akalaing may ganitong side rin si Jake.

Patuloy lang sa pag-drive si Jake habang nakangiting sinusulyap-sulyapan si Lovely at kumakanta-kanta sa tugtog ng Beatles. Sinusubukan namang ipasawalang bahala ito ni Lovely pero deep inside of her, gusto na niyang kiligin rito.

Sa likuran naman nila, tahimik lang si Prim na minamasdan si Jake na wagas makangiti kay Lovely. Ngunit ng magtatakip na ulit siya ng jacket ay may napansin siya sa gilid niya at kinuha niya ito.

"What the --" bulong na lamang niya sa sarili at tinago ang bra na nakita roon. Marahil naiwan ito doon ng isa sa mga naka-hook up ni Jake.

"So, what are your secrets?" pambasag naman ni Jake sa katahimikan nila sa kotse. Magaling talaga itong makaisip ng paguusapan.

"Ah, well.. If I have told you, I have to kill you." palusot na lang ni Lovely rito.

Nangiti lang si Jake sa kanya na tila hindi talaga makuha nito ang loob niya. Napapakagat labi na lang din si Lovely.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status