LOVELY’S POV~
*Kriiing... Kriiing...
Rinig naming pag-ring ulit ng phone ko kaya napatingin kaming lahat rito.
"Si Jake kaagad yan? Ang bilis ah?" usisa pa ni Prim.
Nagkibit balikat naman ako kasi unknown number eh. Tila umusod silang lahat papalapit sa akin para marinig kung sino ito.
"Hello?" pagsagot kong muli.
(Hi! Lovely, right? This is Stephen. Irma's friend. Is she there?) diretso nitong sagot sa akin na tila pinagtaka ko naman. Si Stephen? Yung ka-team mate ni Jake?
Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at inabot kay Irma. Tila nagtaka naman silang lahat. "It's yours. Friend mo daw."
"Huh?" hindi naman makapaniwala si Irma. Inabot din niya ang phone ko at tinapat na sa tainga niya. "Hello? -- Hey! Ikaw pala yan. Oh bakit ka napatawag?"
Nagtinginan naman kaming tatlo at lumapit-lapit kay Irma nang kausapin niya yung Stephen sa phone.
"Ah, oo kasi alam mo na, group study lang." tumayo naman na si Irma na tila umiiwas samin. Inilayo niya pa ang mukha ni Agnes na halos nakadikit na rin sa phone ang tainga.
Hindi ko alam pero parang kinikilig ako para sa kanya?
"Sinong Stephen yun?" takang tanong pa ni Prim.
"Si Stephen Schneizel. Best center ng team. Let's just say, siya siguro ang pumapangalawa sa magaling, next to Jake." paliwanag pa ni Agnes.
“Oh?” as Prim formed an ‘O’ to her mouth.
"Ahh, paano naman sila naging magkaibigan daw nito ni Irma?" tanong ko naman. Oo nga't kilala ko yang si Stephen, pero parang hindi ko naman napapansin na close pala sila nitong ni Irma?
"Ang alam ko, childhood best friends sila. Then since, dinate nga nitong ni Irma si Jake, medyo nag-laylow ang friendship kasi alam niyo na." paliwanag naman ni Agnes. "Mukhang matagal na yatang may gusto yang Stephen na yan kay Irma, kaso ang tingin lang nung isa, friends sila." pagbulong naman ni Agnes sa amin.
"Ahh.. Kaya.." sabay naman din naming napagtanto ni Prim.
Napatingin naman din kami kay Irma na halos nasa labas na ng kwarto ko sa pagkausap dun sa Stephen niya. Hmm..
"Sana all!" sigaw pa ni Prim na tila nangaaasar kay Irma.
Pinandilatan naman kami ni Irma ng mata na tila nagsusuway na huwag kaming mangasar sa kanya.
Hindi naman din namin maiwasang hindi mangiti dahil nakangiti pa rin siya habang kausap ito.
AT dahil medyo epic ang first date kuno namin ni Jake, hindi ko rin alam na kung papaano ba niya ako napapayag na sumama sa kanya sa isang tunay na date daw. Malamang syempre na-encourage ako nitong tatlong fairy-god mother ko, pero ang nakakatawa lang ay doon sa cafe/resto na pinagtatrabahuan ko niya rin ako dinala kagaya ng pagdala niya sa tatlo noon doon.
"Tek -- hindi ba tayo dito?" pagpigil sa akin ni Jake habang magkahawak kamay kaming naglalakad papasok dito sa cafe/resto. Nauna kasi akong maglakad sa kanya at patungo na sa table five na lagi niyang pinapa-reserved.
Nginitian naman ako ng mokong. "Nah, hindi diyan ang pina-reserve ko para sa atin." at hawak kamay pa rin niya akong hinatak papuntang veranda. Nakasalubong pa namin si Josy na tila hindi makapaniwalang magkasama kami ni Jake ngayon. Nabitawan niya pa ang malaking round tray na hawak niya at natapon ang lahat ng nakalagay roon.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pa.
"Well, I could tell you. But -- I gotta kill you." panlalandi - I mean, biro pa ng mokong. "Com'on!" paghatak niya sa akin at nanakbo kami patungo sa may bay view.
"Wait -- "
"Here's our table." saad naman ni Jake pero wala naman akong nakikitang naka-set up na mesa dito at -- Oh - oh!
"Oh my gosh.."
Tama ba itong nakikita ko?
Third Person's POV~
Pagkapasok nila Lovely at Jake sa cafe/resto, kaagad ring sumunod sina Irma, Agnes at Prim sa mga ito. Dala-dala pa rin ni Irma ang tablet niyang monitor para sa boob cam ni Lovely.
Dahan-dahan silang dumudungaw sa mga tables na naroon ngunit tila hindi nila makita ang ito na nakaupo.
"Nasaan sila?" tanong pa ni Agnes at naglakad napatungo sa hallway banda ng cafe/resto.
"Parang humihina yung signal nila." saad pa ni Irma.
Nakita naman ni Prim si Josy na nagiiyak habang nagwawalis ng mga nagkalat na basag na plato at baso na natapon niya kanina.
Tumuro ito sa labas na tila alam na nito kung sino ang hinahanap nila.
Nagkatinginan pa sila sa isa't isa at kaagad naman din nanakbo palabas ang tatlo.
"Okay, ang dilim ng monitor. Hindi naman ganito toh nung unang gamit natin eh." pagaayos pa ni Irma sa tablet niya.
"No effin' way!" napahinto sila sa sinabi ni Agnes na halos hindi makapaniwala. Sabay namang napatingin sina Prim at Irma kung saan ito nakatingin.
"A boat? Nakapag-request ba kayo sa kanya na sa boat? I've never been on a boat!" hindi rin makapaniwalang komento ni Prim ngmakita nilang dumaan ang yacht style boat kung saan naka-setup ito na parang may nagdi-date.
Tinuro pa ni Agnes ito at nakita nga nila si Jake na nagbukas ng champagne habang nakaupo sa tabi niya si Lovely. Halos mapanganga silang tatlo rito.
"Nobody asked to be on a boat." sagot naman ni Irma.
"Ni hindi ko alam na may boat pala ang ungas na toh?" tila inis ding saad ni Agnes.
"Baka hindi kayanin ni Lovely ang sitwasyon na toh." pagaalala naman ni Irma.
*Iiing....
"Oh no! I'm losing them." pag-panic naman bigla ni Irma ng lumalabo na ang signal niya sa monitor. Inalog at pindot niya pa ito para umayos. "I'm losing them!"
Bigla rin namang dinutdot ito ni Prim at inilayo niya rito. "Hey!" pagsuway niya rito.
(Do you know that this is the perfect place to have a kiss?) saad pa ni Jake sa linya.
(Kiss talaga ha?) tila natutuwang sagot naman ni Lovely sa kanya at kaagad namang nagmadali ang tatlo para makalapit sa boat para mas makasagap ng signal sa mga ito.
Ngunit nakalayo na ang boat nila Jake at Lovely patungo sa gitna ng dagat.
NANG NAKAHANAP NAMAN din ng maliit na speedboat ang tatlo at kaagad na sumakay roon para makasunod sa boat ng dalawa."Com'on! Kailangan makalapit pa tayo sa kanila para makasagap ng signal sa boob cam ni Lovely!" - Pagmamadali pa ni Irma."I can't! This motor sucks! Alangang magsagwan ako di ba?!" - Sagot naman ni Prim na siyang nagpapatakbo ng speedboat ngunit mabagal ito dahil may kalumaan na."Wala na bang ibibilis ito? Ako ng magsasagwan baka mas mauna pa tayo sa boat nila!" - Inis pang saad ni Irma."Eh di kunin mo yung sagwan at umpisahan mo na!" - Sagot rin ni Prim sa kanya."Teka nga!" - Nagtungko si Agnes sa tabi ni Prim sa likuran ng speedboat kung saan si Prim ang nagpapatakbo nito. "Akin nga yan!" - Hinatak niya ang controller at pinaandar ng mabilis. Bumilis nga ang takbo nila ngunit saglit lamang."Ahh!"Biglang nahinto ang motor ng speedboat nila at tumigil sila sa pagandar."Nice one, Agnes." - Sarcastic namang
LOVELY’S POV~"Me? I was just -- nobody." sagot ko pa."No, Lovely. Out of nowhere bigla kang sumulpot sa buhay ko, and all of the sudden, everything has changed." saad pa ni Jake, at bgila siyang pumikit. Mukhang tinatangka niya akong halikan ah."Does that change for becoming a better person of you?" tanong ko pa at atras ng kaunti para ma-interrupt ang paghalik niya sa akin.Natigilan naman si Jake at tumingin ulit sa akin. Napakuyom labi pa siya bago tumungo sa akin."I would take that as a compliment." nginitian ko naman siya.Saglit kaming nagkatinginan ng mata sa mata at napansin ko naman ang sincerity sa kanya. Siguro nga may totoong Jake Carter sa likod ng image niyang ito."And, you know what? There's something else I'm good at but nobody knows too." paghaya niya pa sa akin ng kamay niya."At ano naman yun, Mr. Carter?"
NASA LOOB PA rin si Irma ng locker room ng basketball team at patuloy na kinukuhaan ng video sina Jake at ang mga kasamahan nito."Oh com'on man! Sa sobrang pagsama-sama mo sa mga babae na yan, nagagaya ka na sa kanila!" tila pangaasar pa nito kay Jake at kinantyawan naman si Jake ng mga kasamahan nilang naroon. Napatigil naman si Jake sa ginagawa at napatingin kay Tommy."Woaaaah?!""Dude, walang ganyanan." saad pa ni Jake."Nako Jake! Please tell me, hindi ka papa-under sa mga yan!"Nagkantyawan naman ulit ang mga kasamahan nila sa locker room. Napatingin naman din si Jake sa mga ito.Tumayo si Jake at hinarap ang mga ito. "Boys, alam niyo naman na ganito lang talaga ako ka-effort sa mga dini-date ko. Sobra lang akong sweet at caring. Great things takes time." saad pa niya."Oh please?"komento naman ni Irma sa naririnig sabay irap niya pero sinasarili lang niya ito.Napatingin naman
TILA PATULOY PA rin ang bangayan ng mag-ina ng makita na naman ni Lovely na mukhang sasama na naman ang ina niya sa dating na nitong naka-date noon ngunit iniwan lang din siya."Kung sino man ang makarelasyon ko, wala ka na dapat pakialam dun." seryosong sagot naman ni Mercy sa anak niya."Are you serious, ma? Can you imagine growing up with a mom only dates jerks? Tingin mo ba hindi nakakaapekto sa akin yun? Na hindi ako apektado na nakikita ka na lang palaging sinasaktan at iniwan ng mga walang kwentang lalaking kinakarelasyon mo?" halos mangiyak naman si Lovely sa inis dahil ayaw na niyang makitang muli ang mama niya na gigising na naman isang araw na umiiyak.Kinuha na ni Lovely ang mga bag niya at nag-walkout na lang sa mama niya. "See you tomorrow." pagbukas niya ng pinto at nakitang nakatayo pa rin doon si Intro na tila nagaabang. "Wag mong kalimutan isara yung pinto pagtakas mo bukas ah." saad niya pa rito at tuluyan ng umalis.Nagkatinginan
MATAPOS NILANG ma-briefing si Lovely sa gagawin, kaagad din naman na itong pumuwesto sa tapat ng laptop at sinumulang tawagan si Jake thru video call."Aba! Lovely M.is requesting a video call to Jake C.!" saad pa ni Tommy na tila nangaasar ng lumitaw sa laptop ni Jake ang tawag ni Lovely. Nakikigamit kasi ito dahil naglalaro.Kaagad namang lumapit doon si Jake mula sa banyopara tingnan nga kung totoo ito. "Alright, labas ka muna dun pre." utos naman ni Jake sa kaibigan ng makita nga ang request call ni Lovely. "Sara mo pinto ah.""He-he! Hinay-hinay lang pre ah." pangaasar pa nito at tapik sa balikat ni Jake bago tuluyang lumabas ng kwarto.Kaagad ring pumuwesto si Jake sa mesa katapat ng laptop niya. Inayos pa niya ang buhok niya bago sagutin ang tawag."Hey there." nakangisi namang bati kaagad nito kay Lovely sa kabilang linya."Hi." bati naman din ni Lovely. "You alone?" tila binago ni Lovely ang tono ng boses niya para mas m
LUMABAS NGA SI Jake at dumaan sa bintana niya para makatagos sa balcony at makatawid mula sa gilid ng hotel building na tila akala mo siya si Spiderman. Mabuti't wala naman nakakita sa kanya dahil gabi naman.Maingat itong tumatawid sa bawat balcony dahil konting pagkakamali niya ay maaari siyang mahulo roon. Halos hindi naman din siya makatingin sa baba dahil sa taas ng kinalalagyan niya. Hindi niya rin maunawaan ang sarili bakit pinapahirapan niya ng ganito ang sarili para lang sa isang babae.Nang makarating siya sa balcony ni Lovely, napansin niyang patay na ang ilaw sa kwarto nito at tila wala ito roon. Napansin niya kaagad ang ilaw sa banyo ng kwarto at inaakalang naroon siguro ito. Dahan-dahan niyang binuksan at pumasok sa pinto ng balcony.Tinanggal naman niya ang towel na nagsilbing tapis niya at suot nga niya nag thongs na binigay nila Prim. Palundag naman siyang nahiga sa kama nito at pumuwesto kung saan makikita kaagad siya kung sakaling lumabas na i
"OH STEPHEN! Nandyan ka pala!" pasimpleng saad pa ni Agnes at kaagad na tumakas at nanakbo sa hallway palayo doon."Hehe.. Bye!" saad lang din ni Prim at nanakbo na kasunod ni Agnes palayo.Tila hindi naman malaman ni Irma kung saan babaling ang tingin. Alam niyang nakatingin sa kanya si Stephen pero hindi niya magawang lingunan ito."Good night!" pagmamadali pa nito at kaagad na tumalikod kay Stephen para umalis na ngunit hinarangan siya nito ng braso at na-corner siya sa pader. HIndi pa rin matingnan ni Irma ito ng diretso."Care to share something?" pagkulong na ng tuluyang ni Stephen kay Irma sa loob ng dalawang braso niyang nakatukod sa pader. "Ha Irma?” paglapit pa niya ng mukha kay Irma na lalong inilihis ni Irma ang tingin sa kanya."Ahm -- ehem!" tila nag-clear throat naman ito muna. "Ahm, wala naman. Alam mo na group study. Hehehe" pagpapalusot pa nito."Its game finals Irma, I don’t think na may klase kayong hababulin
NAPANSIN NAMAN NI Irma na tila kapapasok lang ni Stephen sa court room na tila nagtataka bakit ang daming tao rito. Hinatak niya ito palayo sa ilang tao. Tila nagulat naman si Stephen sa ginawa niya pero sumunod lang din siya kay Irma."Don't tell me naka-T back ka rin?!" diretsong tanong ni Irma."Ha?!" buong pagtataka naman nito sa tanong ng kaibigan.Napatingin naman si Stephen kina Jake at sa mga ka-team niya, napagtanto na niya kung bakit tila ang daming tao ngayon rito sa court room nila. Hindi naman na niya napigilang matawa dahil hindi siya makapaniwala na mga naka-suot pala ang mga ito ng thongs kaya siguro madami biglang nanonood."Aren't you proud that it made more popular now than people shaming him?" sarcastic namang tugon ni Stephen kay Irma. Inirapan naman siya nito at tumingin sa ibang direksyon."Ugh.." nagpaikot pa ito ng kamay niya sa harap."Don't worry, hindi ko ipapahiya ang sarili ko para lang suportahan yang si Carter