Share

Chapter XIX

NANG NAKAHANAP NAMAN din ng maliit na speedboat ang tatlo at kaagad na sumakay roon para makasunod sa boat ng dalawa.

"Com'on! Kailangan makalapit pa tayo sa kanila para makasagap ng signal sa boob cam ni Lovely!" - Pagmamadali pa ni Irma.

"I can't! This motor sucks! Alangang magsagwan ako di ba?!" - Sagot naman ni Prim na siyang nagpapatakbo ng speedboat ngunit mabagal ito dahil may kalumaan na.

"Wala na bang ibibilis ito? Ako ng magsasagwan baka mas mauna pa tayo sa boat nila!" - Inis pang saad ni Irma.

"Eh di kunin mo yung sagwan at umpisahan mo na!" - Sagot rin ni Prim sa kanya.

"Teka nga!" - Nagtungko si Agnes sa tabi ni Prim sa likuran ng speedboat kung saan si Prim ang nagpapatakbo nito. "Akin nga yan!" - Hinatak niya ang controller at pinaandar ng mabilis. Bumilis nga ang takbo nila ngunit saglit lamang.

"Ahh!"

Biglang nahinto ang motor ng speedboat nila at tumigil sila sa pagandar.

"Nice one, Agnes." - Sarcastic namang saad ni Prim rito. "Gusto mo talagang sumabog pa tayo dito eh noh? Nagmamagaling ka!"

"Ah, nagmamagaling?" - Kinuha ni Agnes ang fishnet na may handle at hinampas-hampas ang motor ng speedboat nila.

"Tama na! Agnes!" - Pagawat pa ni Irma rito at inagaw niya ang fishnet na pinanghampas ni Agnes.

Ginalaw-galaw pa ni Agnes ang handle ng motor at saka hinatak ang trigger para umandar itong muli. Ngunit bigla itong natanggal at nahulog sa tubig.

Tila natulala naman silang tatlo.

"Oaky, okay. We're gonna be fine. We’re gonna be fine." - Saad pa ni Prim at kuha ng phone niya para tumawag sana ng tulong. "Oh no!"

"What?" - Agnes

"No -- no signal."

Kaagad rin dinukot ng dalawa ang mga phone nila at tiningnan kung makakatawag sila ngunit wala nga rin itong mga signal.

Tila napagtanto na nila ang nangyayari sa kanila. Nakaramdam sila ng panic na at takot dahil nasa gitna sila ng dagat, malayo sa bay shore, malayo sa boat nila Lovely at Jake.

"Thank you, Mr. Martines." - Pagpapaalam pa ni Stephen sa kakilalang mangingisda, at kinawayan naman siya nito bago umalis gamit ang speedboat niya.

Humarap si Stephen kina Irma, Agnes at Prim na tila ginaw na ginaw dahil ilang oras rin silang palutang-lutang doon sa gitna ng dagat. Mabuti na lamang ay may nag-patrol na mangingisda na kakilala ni Stephen at nahingian ng tulong ng mga ito.

"Thank you, Step."- Tila nahihiyang saad naman ni Irma at hindi makatingin ng diretso rito.

Nang makita sila ng mangingisda ay dinala naman sila sa kabilang parte ng shore kung saan nakaparada ang ilang mga bangka. Nakatawag naman na sila at si Stephen nga ang tinawag na tulong ni Irma dahil alam niyang alam nito dito dahil minsan ay nangingisda ito kasama ang daddy niya.

"Wala yun. Teka? Ano bang ginagawa niyo sa gitna ng laot ng ganitong hating gabi? Don't tell me --"

"Yes! We're fishing!" - Sagot naman ni Prim.

"Oh -- kay. Pero sana next time sa madaling araw at hindi yung bangkang walang makina ang gamitin niyo. Who knows? Baka mapano ulit kayo diyan." 

"Yes, yes. We understand. Can you takes us home na?" - Tila wala ng ganang saad ni Irma at nauna ng maglakad sa kanila.

Nagkibit balikat naman na lang na sumunod si Stephen kay Irma.

"Sana all.." - Sabay pang bulong nila Agnes at Prim at sumunod na rin sa paglalakad ng dalawa. 

Lovely's POV~

"Oh my gosh! What happened?"

"Anong ginawa niyo pa dun sa boat?"

"Nag-kiss ba kayo dun? Ilan beses?"

Mga natatarantang bungad naman sa akin kaagad ng tatlo ng makita akong pumasok dito sa journalism room. Hindi pa nga ako nahihinto sa paglalakad papasok oh?

"Tell us everything!" sabay pa nilang tatlong tanong sa akin na parang daig pa mga NBI na kailagan kong sagutin lahat ng yan?

"Ah, alam niyo na girls.. Di ba naka-date niyo na rin naman siya before." paliwanag ko pa.

"Oo, but not in a high seats. Alone!  What the hell happened out there?" tanong pa rin ni Agnes na hindi mapakali. Actually, silang tatlo!

"Ahh, wala naman. The usual lang, you know. Nagusap, kwentuhan. It was nice." safe answer ko naman sa kanila. Safe answer talaga? Bakit? May dapat ba akong itago?

Up until now, I still couldn't believe that Jake take me on a really nice date here at the boat seats. I never expected this one. I'm sure those three girls too.

Matapos ang candle light dinner namin, one of the unexpected things we could ever do here in our date is feeding the fishes at the sea. Yes, nagpakain kami ng mga isda rito. Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Jake. Akala ko panay panguuto na naman sa akin ang gagawin niya at sweet-sweetan para maka-score. Argh!

But tonight? Ibang Jake Carter yata ang kasama ko. He's sweeter yet gentleman.

"Yeah, one of the greatest experienced I've ever had is swimming and feeding the dolphins. I would like to be back in Sydney to experience that again." masayang kwento naman niya sa akin.

"Really? You liked that things?"

Tumungo naman siya sa akin. "Oo naman. Even swimming with the whale sharks? It was amazing." dagdag niya pa ang I was surprised.

"Why? Mukha bang hindi ako gumagawa ng mga ganung bagay?" tanong niya pa sa akin at nginitian ko naman siya.

"Oo. Mukha kasing mga clubs and parties ang pinupunta mo sa mga ibang lugar. Alam mo na, meeting with girls, hooking up with them." pabiro ko pang pamamarangka sa kanya, tinawanan naman din niya ako.

"That's not fair!" natatawa niya pa ring saad. Siguro may part din sa mga sinabi ko ang tama. "Well, I'm not surprised though. Not everyone knows me."

"Not everyone? Everybody knows you. You're the captain of the team, the most popular guy in school."

"Yeah, and it actually pressures me. Ganun yung pagkakakilala nila sa akin eh. So, you know? Parang kailangan kong i-maintain yung ganung image ko. Parang lahat ay umaasa na maging ganun ako." paliwanag pa ni Jake.

"Pati ba mga paghabol sayo ng mga babae, dapat i-maintain mo?" direct to the point ko namang tanong at napatingin siya sa akin ng seryoso.

"Not at all. It actually, intimidating trying to impress you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status