Share

Chapter XX

LOVELY’S POV~

"Me? I was just -- nobody." sagot ko pa.

"No, Lovely. Out of nowhere bigla kang sumulpot sa buhay ko, and all of the sudden, everything has changed." saad pa ni Jake, at bgila siyang pumikit. Mukhang tinatangka niya akong halikan ah.

"Does that change for becoming a better person of you?" tanong ko pa at atras ng kaunti para ma-interrupt ang paghalik niya sa akin.

Natigilan naman si Jake at tumingin ulit sa akin. Napakuyom labi pa siya bago tumungo sa akin.

"I would take that as a compliment." nginitian ko naman siya.

Saglit kaming nagkatinginan ng mata sa mata at napansin ko naman ang sincerity sa kanya. Siguro nga may totoong Jake Carter sa likod ng image niyang ito.

"And, you know what? There's something else I'm good at but nobody knows too." paghaya niya pa sa akin ng kamay niya.

"At ano naman yun, Mr. Carter?" pagabot ko naman ng kamay ko sa kanya.     

Bigla naman niya akong hinatak at pinayakap sa kanya. Inihiga niya pa ako na parang sa sayaw.

"I can tango." saad naman niya habang nakapahiga pa ko sa kanya at kinabigla ko yun.

Si Jake? Nagta-tango? Gusto ko talagang matawa!

"Really?!"

"Yes. When I was in the grade school, but still I can dance." saad niya pa at tinayo na niya ako sabay paikot pa sa akin na tila nagsasayaw nga kami.

"Hindi ako marunong ng tango na yan! Budots lang." biro ko pa.

"Hahaha! Sige, aaralin ko rin yang budots para sayo." saad pa ni Jake at pinaikot niya ulit ako papalapit naman sa kanya, at ngayon ay magkaharap na kami. Pumayakap na siya sa akin na parang magsasayaw na lang kami ng slow dance. Kumapit rin naman ako sa balikat niya at pumayakap. Nag-slow dance lang kami ng mga oras na yun at tila wala ng nagsalita.

Sa totoo lang, kung mag-i-imagine ako ng dream date ko, Jake did it better. Way better than I could ever imagine.

"Nagusap lang kayo? As in?" tanong pa ni Irma na palakad-lakad na parang hindi pa rin mapakali.

"I mean, hindi ba siya naging super sweet sayo, like naging intimate?" pagusisa pa ni Prim sa akin.

Nangiti at tinunguan ko lang naman sila bilang tugon ko.

"Of course, sasabihin ni Jake lahat ng bagay na gustong mong marinig sa kanya. Magiimbeto siya ng kwento para may something in common kayo, mga ganun." paliwanag pa ni Irma. "Ang importante sa ngayon ay ma-push na ito ni Lovely para magawa na natin ang plano natin sa kanya sa final game sa hotel room. Di ba Love?"

Tumungo naman ako kay Irma. "Right. Of course. I can do that." pasigurado ko pa. Pero sa totoo lang, parang may pagaalangan na ako. Ano naman kayang plano pa nila?

"Oh no. Oh no no no." tila pagdududa sa akin ni Prim. "Alam ko yang ganyang reaksyon na yan."

Napalapit at tingin naman sin Irma at Agnes sa amin.

"He got you under his spell!" pagsiwalat pa niya at tila hindi naman din ako makapaniwal sa mga sinasabi niya? Ako?

"Ha? Ako? Nako, hindi noh! Ano ba kayo guys.." paliwanag ko pa pero bakit parang walang gustong lumabas na salit sa bibig ko?

"Ikaw ang ano ba, Lovely?! You can't lose focus! Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Tandaan mo, nagpapanggap ka lang sa harap ni Jake! May kailagan pa tayong gawin sa finals at sa birthday party niya." saad pa ni Agnes.

Tumungo-tungo naman ako sa kanila bilang pagsangayon.

"Love, tandaan mo, lahat kami naniwala din sa mga salita ni Jake. Pero sa totoo lang, walang sino man sa atin ang nakakaalam ang totong motibo niya. Kung ano ba talagang tumatakbo sa isip niya." dagdag pa ni Prim

Bigla namang kinuha ni Irma ang cam recorder niya.

"Yes, there is! Alam ko na para mapaniwala ka." nginitian naman din niya ako ng nakakaloko at saka inalisan kami doon.

Hindi ko alam pero bakit may pangamba akong nararamdaman.

Umiling-iling naman sa akin sina Agnes at Prim.

Third Person's POV~

"I'm here at the basketball team locker room reporting behind the enemy line. And I'm going to reveal what really that Jake Carter dirty locker room secrets about the girls he's been dating with." saad pa ni Irma sa tapat ng cam recorder niya. 

Narinig naman din niya ang mga boses na ng mga lalaki kaya hinarap na niya sa siwang ng pinto ng cabinet kung saan siya nakatago para makapag-record ng mga usapan at ginagawa ni Jake kapag kasama na niya ang mga kaibigang lalaki.

Pumasok ang mga player at ibang nasa basketball team including si Jake Carter napumuwesto sa locker nila.

Naglolokohan pa ang mga ito na nagpapatunog ng utot gamit lang ang kili-kili at kamay nila. Tila nagpapaligsahan ang mga ito sa palakasan ng nagawang tunog.

"This is disgusting.." bulong pa ni Irma habang focus lang sa pag-record sa ginagawa nila.

"Oh? Etong malupit. No hands!" biglang pwesto pa ng kaibigan ni Jake na si Tommy sa harapan ng cabinet kung saan nakatago si Irma at umutot ng malakas habang nakataas ang dalawang kamay.

Nagtawanan naman silang lahat, habang si Irma ay halos mapasigaw na at masuka-suka sa baho ng utot na naamoy niya.

"Easy lang di ba?" 

"Nice work!" bati pa ni Jake sa kaibigan at patungo sa cabinet kung saan nakatago si Irma. "Oh?! Tommy?! Nachos?!" tila natigilan i Jake dahil naamoy din niya ang mabahong utot nito roon. Nagpagpag at hawi pa siya ng kamay para mawala ang amoy pero naroon pa rin. "Kadiri ka! Itae mo na yan!" at hindi naman na natuloy si Jake patungo sa cabinet para kumuha sana ng towel.

Halos mamatay-matay naman si Irma sa baho roon, nakatakip na ang bibig at ilong niya.

"So dude, sama ka samin mamaya? Dun ulit sa bar. Daming chicks dun!" pag-aya naman nung Tommy kay Jake.

"Naah, I'll hang out with Lovely later tonight." sagot naman ni Jake habang nakaupo at nagaayos ng sapatos niya.

"Ha? Pipiliin mo na yung babae mo kaysa sa amin mga solid friends mo?" tila pagkunsensya pa nito sa kanya.

"Haha.. Hindi naman sa ganun. Pero syempre, ngayon palang kami nagkakasama ni Lovely eh." prenteng sagot naman ni Jake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status