Share

Chapter XXV

"OH STEPHEN! Nandyan ka pala!" pasimpleng saad pa ni Agnes at kaagad na tumakas at nanakbo sa hallway palayo doon.

"Hehe.. Bye!" saad lang din ni Prim at nanakbo na kasunod ni Agnes palayo.

Tila hindi naman malaman ni Irma kung saan babaling ang tingin. Alam niyang nakatingin sa kanya si Stephen pero hindi niya magawang lingunan ito.

"Good night!" pagmamadali pa nito at kaagad na tumalikod kay Stephen para umalis na ngunit hinarangan siya nito ng braso at na-corner siya sa pader. HIndi pa rin matingnan ni Irma ito ng diretso.

"Care to share something?" pagkulong na ng tuluyang ni Stephen kay Irma sa loob ng dalawang braso niyang nakatukod sa pader. "Ha Irma?” paglapit pa niya ng mukha kay Irma na lalong inilihis ni Irma ang tingin sa kanya.

"Ahm -- ehem!" tila nag-clear throat naman ito muna. "Ahm, wala naman. Alam mo na group study. Hehehe" pagpapalusot pa nito.

"Its game finals Irma, I don’t think na may klase kayong hababulin bukas kasi Sabado." sarcastic ring tugon ni Stephen dito.

"Ah eh.. Bakit ba ang dami mong tanong? Syempre magkakaibigan na kami kaya magkakasama na kami!" depensa pa nito.

"Oh? You're suddenly friends with Jake's girl and exes!"

"So? Past is past!"

Nakatingin lang din si Stephen kay Irma na hindi kombinsido sa sagot niya. Nilabanan na lang din ng tingin ni Irma si Stephen kahit pa malapitan sila.

"You can't lie to my face Irm. I know you're doing something off."

"It's not that what you were thinking." pagsandal na ni Irma sa pader.

Lumayo naman na si Stephen kay Irma na tila nagpipigil ng inis. "Why can't you just move on and him do his shits? I don't understand why you're still obsessed with that jerk." singhal pa nito.

"I'm not obsessed with him!" singhal ring sagot ni Irma rito kaya napatingin sa kanya si Stephen.

"What did you see in him that you can't see in me?" tila nagulat din si Stephen sa sinabi.

"What?" hindi naman din makapaniwala si Irma sa narinig.

"Na -- nothing. Good night." pamamaalam nito bigla kay Irma at pumasok na sa kwarto niya.

Buong taka pa rin naman si Irma kung tama ba ang narinig niyang sinabi ni Stephen sa kanya. At bakit? Bakit niya ito nasabi.

"HEY Jake! Love the butt!"

"Yung pwet mo ang screen safer ko! Haha!"

Mga kantyaw naman kay Jake ng mga schoolmate niya matapos ang nangyari sa kanya sa hotel. Napapailing na lang siya at iwas sa mga ito kahit pa sinusundan siya ng tingin at halos siya ang pinaguusapan.

Halos gusto naman pagpalamon ni Jake sa hiya na. Sinuot na lang niya ang hood niya para hindi siya mapansin ng mga ito dahil kahit saan siya magpunta ay ito ang sinasabi sa kanya.

May mga nakita pa siyang posters na nakapaskil sa mga pinto at pader ng school kung saan ay yung nakasuot lang siya ng thong. Irma at Agnes ang may pakana ng pagkabit ng mga posters, at si Prim naman ang nagpakalat ng mga pictures online.

Hindi na lang pinansin ni Jake ang mga iyon at dumiretso na siyang court para sa practice nila.

Pagkapasok niya ay tila nagulat pa sa pagdating niya ang mga ka-team na para bang inaasahan nilang hindi na ito magpapakita. Napatingin kay Jake ang lahat, napatingil din ang ilan sa pagpa-practice.

Confident pa ring pabagsak na ibinaba ni Jake ang bag.

"Oh tara! Shirtless practice muna tayo!" pagutos niya pa sa mga kasamahan at naglapitan naman ito sa kanya.

Hinubad niya ang shirt niya at tinanggal ang pampatong na jogging pants. 

Since naka-shorts na lang siya, napansin ng mga kasamahan niya na tila nakasuot siya ng thong. Ang thong na pinasuot sa kanya ni Lovely.

"Woaaah.."

"Dude? Seriously? Nakasuot ka ng thongs sa practice?" tanong pa ng kaibigang si Tommy na napapakamot pa ng ulo.

Pinapasa naman ni Jake ang bola sa kanya. "Bakit hindi?"

Napailing-iling na lang ang kaibigan sa kanya at bumalik na sa pwesto nila na nakatapat sa ring.

Napansin naman din ni Jake na nagpasukan ang ilang estudyante sa court na tila gustong manood ng practice nila. Hindi naman usual yung ganito karaming nanonood sa kanila, siguro dahil na rin sa chismis at napansin ng ilan ang pagsuot niya ng thongs ulit ngayon. Tila mga nagaabang ito ng gagawin niyang kahihiyan na naman.

Sinimulan ni Jake mag-dibble ng bola. "Alam niyo bang napaka-comfy nito na parang wala ka lang suot?" saad niya pa habang nakatingin sa kanya ang lahat na tila nagtataka at natatawa.

"Sobrang breezy. Hindi kumukulubot sa pwet. Kailagan mo lang ng tamang size para sayo." - Dagdag niya pa saka nag-dribble papalapit sa ring at nag-exhibition ng tumbling sa pag-shoot ng bola.

Nagulantang naman ang lahat at namangha sa ginawa ni Jake.

"Wooooah!"

"Oh man!"

"What?!" pagyayabang pa ni Jake at tila naibalik na naman sa kanya ang pagkabilib ng mga tao sa school nila.

Inayos-ayos niya pa ang strap ng thong niya. "Alright guys, assemble!"

Nang sumunod na araw sa practice nila ay tila nakumbinsi nga ni Jake ang mga ka-team kung gaano ka komportable magsuot ng thong. Kaya sa araw na ito, halos lahat ng sa basketball team niya ay mga nakasuot na ng thong.

Mas lalong dumami ang mga nanonood sa kanila at hindi makapaniwala na mga naka-thongs na rin ang lahat ng sa basketball team. Mukhang napakalakas talaga ng impluwensya ni Jake sa mga ito.   

Habang nakapila sila para sa shooting, tila pakiramdam nga nila na gumaan sila at mas komportableng kumilos para maglaro. Mas gumaling sila at bumilis, si Jake naman ay pinanindigan na ito sa lahat. Bumilib rin ang coach nila dahil nahikayat sila ni Jake sa kabila ng naging kahihiyan nito.

Matapos ang exhibition shooting na si Jake pa mismo ang huling nag-shoot, nagpalakpakan naman ang audience na kaeskwela nila pati na rin ang coaches nila sa kanya.

Sa kabilang banda, narinig ni Irma ang mga bulong-bulungang ito kaya nagtungo rin siya sa court para silipin ang practice nila Jake.

"Oh my -- unbelievable!" nasabi na lang ni Irma sa phone niya habang kausap si Prim.

"Hindi ko alam pero mas lalong kumukulo talaga ang dugo ko sa hinayupak na Jake na yan eh. Parang gusto ko siyang putulan na lang!" inis pang sagot din ni Prim sa linya niya at nakita ang ilang estudyanteng halatang mga nakasuot din ng thongs. "At talagang naging fashion statement pa toh ah?! Ugh!" napairap na lang siya sa inis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status