Share

Chapter XXIX

NAGMAMADALI NA RIN si Lovely na sumakay ng kotse niya at nag-drive paalis ng bahay nila.

Kailangan na niyang maayos ngayon ang sinimulan niyang problema mula sa kanila ni Jake at sa mga kaibigan niya.

Sa kabilang banda, nauumipsa na ang party ni Jake para sa kanyang kaarawan. Tila nasa isang malaking bar club sila at maraming taong nagpunta roon, may banda, free drinks, mga nagsasayawan, maraming pagkain at iba pa. Tila isa itong malaking frat party o parang concert na ang lahat ay wiling makisaya.

"Happy birthday, Jake!"

"Happy birthday!"

Kada bati kay Jake ng mga kaibigang namamataan siya. Sumampa pa siya sa stage at tumatanaw-tanaw sa buong lugar na tila may hinahanap. Pagkainom niya ng beer niya ay bumaba na rin siya at nakita ang best friend na si Blake.

"Happy birthday, bro."

"Thanks, bro."

Pagyakapan pa nilang dalawa.

"Napansin mo na ba si Lovely?" tanong pa ni Jake pagkakalas niya rito.

Umling muna si Blake. "Nope." tinapik siya ni Jake at umalis kaagad na tila gustong mahanap si Lovely kung naroon na nga ba ito sa party niya.

"Hey? Nakita mo ba si Tommy?" pasigaw pang tanong ni Irma dahil sa isang kaibigan ni Jake dahil maingay ang buong lugar.

"Nasa stage, nagse-setup ng sound system!" sigaw ring sagot nito sa kanya at tinuro si Tommy sa stage.

"Thanks!"

Napatingin naman si Irma sa stage at nakita nga si Tommy na nagaayos ng kotseng may naka-setup na mga speaker bilang sound system. Nakisiksik silang tatlo sa mga taong nagpa-party para makalapit ng stage. Nagkakatinginan pa sila at napapangiti na tila may binabalak na ikatutuwa nila.

"That was a jam right there from our band! And now, this is Jake Carter's toast time! Com' on ma, come up here!" pag-announce pa ni Tommy mula sa stage habang may hawak na beer cup. "Well, birthday comes once a year, and you'll be thanking for all your motherf*cking blessings!" nakaakyat naman na si Jake ng stage at tila natutuwa ginagawa ng kaibigan niya. "Alright! Meron kaming motherf*cking birthday cake presents sayo Jake, and let's who'll you be -- spanking!" paghila pa ni Tommy ng tela sa gigantic surprise cake.

Biglang lumabas naman doon ang dalawang sexy na babaeng naka-swimsuit pa na tila regalo kay Jake. Naghiyawan naman ang mga tao at palakpak sa kanila. Lumabas ang dalawang babae roon at kumapit kay Jake sa magkabila. Tila natutuwa naman si Jake sa mga ito.

"Hey, Tommy!" pagtawag pa ni Irma kay Tommy ng makalapit ng stage.

"Yo, mamacita!" paglapit rin ni Tommy kay Irma.

"Here! May video greetings din kaming ginawa para kay Jake. From all the girls of our school." pagkindat pa ni Irma dito.

"Oh? Me like it. I'll play it on!" pagkuha naman ni Tommy ng disc.

"Okay, perfect. Thanks." paglayo rin ni Irma sa stage at tumabi na siya sa dalawang kaibigan sa baba.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday dear Jake Carter..."

Pagkanta naman na kay Jake ng happy birthday song ng mga tao. Nakita naman nila na mukhang sina lang na ni Tommy ang disc at nagkangitian naman ang tatlo na tila may inaabangang pasabog.

"Happy birthday to you...."

"Woooah!"

Sakto namang dating ni Lovely sa lugar at tila nakita niyang naguumpisa na nga ang kasiyahan rito. Naglakad siya papalapit pa at nagpangita si Blake na na nasa gilid lang atnapatingin lang rin sa kanya.

"That was hot! Now, take a look at this real hotter!" saad pa ni Tommy at may nag-play na sa malaking monitor sa may stage. Mga schoolmates at faculty nilang bumabati kay Jake ng happy birthday rin. Gumawa pa sina Agnes ng cheer step rito at banners. Napatingin at nood naman doon ang lahat.

"Love! Lovely!" sigaw naman kaagad ni Jake mula sa stage ng sa wakas at makita na niya si Lovely. Tumalon pa siya pababa rito para kaagad na malapitan ito. "You made it!" - Natutuwang bati naman si Jake rito. "Com'on wish me a happy birthday." at hinigit niya si Lovely paakyat ng stage.

Kinabigla naman ito ni Lovely na hindi na malamang ang sasabihin rito. Inabot sa kanya ni Jake ang mic at tinuro-turo pa siya ni Jake sa mga tao kaya lalong lumakas ang mga hiyawan ng mga ito. 

"Jake, this is not why I'm here." saad pa ni Lovely pero parang hindi siya pinapakinggan ni Jake.

Iniharap naman siya ni Jake sa monitor kung saan may nag-play na pagbati sa kanya. Napansin din ni Lovely na naroon na pala ang tatlong kaibigan na nasa baba lang ng stage at nakatingin rin sa kanila. HIndi naman makapaniwala ang mga ito na ganun ka-proud si Jake kay Lovely.

"I just want to show and prove it to you -- If anybody wants to know -- that I am whipped!"

Narinig ni Lovely na nag-play ito sa monitor kaya napatingin siya rito.

Nakita niya ang mga documented meet ups, dates at pag-confess ni Jake sa kanya.

"Wow, this is so cool." pagkabilib pa ni Jake dahil hindi niya rin akalain na may nagvi-video sa kanila.

"Never done this before, so hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko."

"Love, you're the one."

"Will you be my girlfriend, Lovely?"

Tila naantig naman ang mga tao, nagpalakpakan at kantyawan sila rito.

"Wooooah!"

"Jake Carter, there's only one guy for me --"

Biglang labas ni Lovely sa monitor na tila ito yung kinunan nila noong apat sa journalism room na pinag-practice pa siya. Nabigla naman si Lovely at nanakbo papunta sa sound system. "And you are not ---" pagputol na ng video.

Tila ang lahat ng tao ay nagulat rito at nadismaya. Lalong-lalo na si Jake na biglang natulala at puno ng pagtataka.

Dahan-dahang lumapit ulit si Lovely kay Jake.

"Wha -- what's going on?" tanong pa ni Jake kay Lovely.

"Ahm, there's something I have to say, Jake." tila hindi naman malaman ni Lovely kung saan pa huhugot ng kapal ng mukha ngunit kailangan na niya itong gawin. "This entire time that I'm just pretending to be a bunch of stuff that I am not." tila gustong maipitan ni Lovely ng dila sa sinasabi niya ngayon. "So you'll fall for me." tila nangingilid naman ang luha niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status