I Made Her Heartless
I Made Her Heartless
Author: Rhea mae

Simula 1.1

Napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha ng makita nanaman ang ika-dalawampung secretary niya sa nang-aakit nitong galaw. Blanko niyang tiningnan ang wala pang isang buwan niyang secretary.

“Stop” sa malamig niyang tonong sabi sa secretary niyang unti unting nag-aalis ng saplot. Walang pinakinggan ang secretary niya at patuloy itong naglagay ng icing sa kaniyang malamang hinaharap.

“I said stop!” sa oras na ito galit na siya. Ayaw niya sa mga taong hindi marunong makinig sa bawat salitang sinasabi niya. Kinuha niya ang cellphone niya at denial ang numero ni Mrs. Santos na siyang naghahanap ng secretary niya.

“Come here and call the security guard now!” napapikit na lamang si Mrs. Santos sa narinig niyang sigaw mula sa kabilang linya. Alam na niya kung anong ibig sabihin nanaman nito. Dali dali silang umakyat ng office ng kanilang boss.

“Ibaba niyo yan at ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya sa building na ito!” utos niya sa dalawang security guard.

“Ano ba bitawan niyo ako! Kyler ayaw mo ba ako? Ito na nga oh binibigay ko na sayo ang sarili ko ayaw mo pa” blanko niyang tiningnan ito at tinaasan ng kilay. Ikinumpas niya na lamang ang kaniyang kamay na lumabas na sila.

Tumalikod na siya at nagpamulsa habang tanaw ang tanawin sa kaniyang bintana habang si Mrs. Santos ay nakayuko na habang naghihintay ng sasabihin ng kaniyang boss.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo Mrs. Santos” panimula pa lamang ng boss niya pero nagsitayuan na ang mga balahibo niya. Patuloy na nakayuko si Mrs. Santos habang nilalaro niya ang mga daliri niya. Hindi nagsasalita si Mrs. Santos kaya hinarap na siya ng kaniyang boss.

“I need secretary na hindi mahuhulog sakin, na hindi ako magugustuhan hangga’t maaari yung pangit Mrs. Santos! Pangit, mataba maitim basta lahat nasa kaniya na huwag lang yung walang alam!”

“Opo sir. Ngayon din” pagkasabi ni Mrs. Santos iyun ay dali dali siyang umalis at tumakbo sa office ng kaniyang boss.

Napahilamos na lamang uli ito dahil dun.

Siya si Kyler Stanford ang nagmamay-ari ng isang gulayan sa Pilipinas. Ang pinakamalaking distributor ng gulay. Bata pa lamang siya ay magaling na siya sa larawan ng negosyo kaya sa taong labing siyam ay naging isang negosyante na siya at nagmamay-ari ng Greenland.

Napalago niya ito ng ganung kabilis kaya sa taong dalawampu’t apat ay isa na siyang makapangyarihan at kinatatakutan ng ibang kompanya.

KEISHA POV

“Saan ba ako maghahanap ng trabaho dito” kanina pa ako lakad ng lakad para makapaghanap ng trabaho at pangatlong araw ko na ito na naghahanap pero hanggang ngayon wala pa rin.

Sa sobrang init pumasok na muna ako sa isang building para magpalamig. Pangarap ko ring maging empleyado sa ganitong klaseng building pero malabong mangyari dahil 2nd year college lang natapos ko. Ang hirap mag-isa walang karamay. Napabuntong hininga na lamang ako kapag naaalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko.

Bakit ba kasi nabuhay pa ako tapos ang mga magulang ko parehong patay. Namatay silang dalawa dahil sa car accident samantalang ako nabuhay. Bakit ba hinayaan pa akong mabuhay kung parehong magulang ko namatay. Hindi na ako nakatapos ng pag-aaral dahil hanggang dalawang taon lang umabot ang perang naiwan nila sakin.

“Kailangan ko ng makahanap agad agad ng secretary ni Sir Kyler dahil kung hindi mayayari ako” napatingin ako sa nagsalita ng ganun at dali dali ko siyang nilapitan.

“Ah ma’am excuse me po”

“What do you need?” tanong niya sa akin.

“Narinig ko po kasing naghahanap kayo ng secretary baka pwede po ako” alam ko naman na ang kapal na ng mukha ko dahil dun eh kailangang kailangan ko na eh. Tiningnan niya ako pababa kaya napatingin din ako sa sarili ko. Wala namang mali sa suot ko ah.

“Maganda ka iha, maputi at payat baka hindi ka tanggapin ng boss namin” napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Base ba sa katawan at itsura ang pagtanggap sa isang trabaho sa panahon ngayon.

“Sa katawan na po ba titingnan ang pagkuha ng isang empleyado?” kunot noong tanong ko sa kaniya.

“Hindi mo kasi naiintindihan iha.” Sagot niya lamang sa akin. Akmang aalis na sana ulit siya ng harangan ko ulit ito.

“Sige naman na po hayaan niyo akong makausap yung boss niyo.”pagmamakaawa ko sa kaniya desperado na talaga akong makuha sa trabahong ito.

“Mapapagalitan ako ng boss ko iha kung ikaw ang kinuha ko.”

“Sasaluhin ko ho lahat ng galit at sisi kapag nangyari yun. Pangtatlong araw ko na po kasing naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon wala pa ring resulta.” Desperadang sabi ko. Pinagmukhang kawawa ko ang boses at mga mata ko para makumbinsi ko siya. Magsasalita pa sana siya ng biglang sumingit samin yung guard.

“Hayaan mo na Mrs. Santos kung hindi siya tinanggap ni sir atleast ginawa mo na at alam niya na yun sa sarili niya. Hayaan mo na yung bata.” Laking pasasalamat ko sa guard na iyun ng pumayag si Mrs. Santos pala. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis bago ko sinundan si Mrs. Santos.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa building na ito mukhang malawak at malaki. Napaatras na lamang ako ng mabunggo ko si Mrs. Santos dahil huminto pala siya.

“Magfocus ka ayaw ni sir ng tatanga tanga.” Humingi na lamang ako ng paumanhin at yumuko dahil dun bakit ba parang ang seseryoso ng mga tao dito. Pumasok na lamang kami sa elevator at pinindot niya ang ikadalawampung palapag.

Pagkabukas ng elevator hudyat na nasa ikadalawampung palapag na kami ay lumabas na si Mrs. Santos na siyang sinundan ko. Maraming pasilyo pa siyang nilikuan bago kami nakarating sa isang pintuan kung saan may karatulang ‘President Office’. Huminga munang malalim si Mrs. Santos bago siya kumatok sa pintuan. Bakit parang napakaproblemado ni Mrs. Santos para namang lunggaan ng mga leon at tigre ang papasukin niya.

Hindi nagtagal ang pagbukas ng pintuan at pinapasok kami.

“Sir nandito na po si Mrs. Santos.” Agaw atensyon niya sa lalaking nakaupo at nakatalikod samin. Napayuko na lamang ako ng tumayo siya at naglakad palapit sa amin.

“Look at me.” ani nito sa malamig na boses. Marami na akong pinagdaanan kaya bakit pa ako padadala sa mga ganitong mga tao. Unti unti akong tumingala at tumingin sa kaniya. Walang bakas ng takot at pangamba. Kita ko sa  kaniya ang walang expression niyang mukha. Tinitigan niya ako at ganun din ako sa kaniya. Walang mali sa suot ko at lalong walang mali sakin. Sinundan ko ang bawat tingin niya sakin pababa. Bakit parang uso dito ang tingnan ka mula ulo hanggang baba. Hindi ako gumalaw ng simulan niya akong ikutin na animoy eneeksamin ang aking buong katawan. Huminto siya sa harapan ko at tumitig muli bago ilipat ang atensyon kay Mrs. Santos na siyang nasa tabi ko at nakayuko na.

“Anong sinabi ko sayo Mrs. Santos. Sinabi ko na maghanap ka ng pangit at hindi magkakagusto o magtatangkang magkakagusto sa akin!” nagpintig ang tenga ko hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil sa sinabi niya. Napatawa na lamang ako at napangisi dahil dun na siyang dahilan ng pagtingin niya sa akin.

Tinitigan ko siyang mabuti ng walang takot dahil hindi naman ako natatakot sa kaniya. Well yes may itsura siya gwapo. Inikutan ko rin siya kung paano niya ako inikot kanina. Magagandang katawan,matipuno at matangkad pero mayabang at mahangin.

“Stop it. Huwag mo akong ginagaya babae. Hindi mo ako kilala.” Sa malamig na boses pa rin nito. Huminto ako sa harapan niya at tinitigan ulit saka ngumisi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Apl Colorado Sibayan
wow angganda...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status