Kabanata 1.1

Tinanguhan ko na lamang si Mrs. Santos sa lahat ng sinabi niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto sa pintuan ni Sir Kyler.

Kumatok na muna si Mrs. Santos bago pumasok sa loob ng office ni Sir. Naabutan namin siyang nakatalikod mula samin at tinatanaw ang tanawin sa bintana niya. Nang maramdaman niya ng nasa loob na kami ay saka siya humarap samin at umupo sa kaniyang swivel chair. 

"You may leave Mrs. Santos." Dahil sa sinabi niyang iyun ay may kaunting kaba akong naramdaman dahil dalawa na lamang kami dito sa loob ng kwartong ito. Pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Santos ay may kinuha siyang white folder sa ilalim ng lamesa niya at inilagay sa ibabaw nito. 

"Introduce yourself first woman." Ani nito at huminga akong malalim para pormal na magpakilala. 

"Nice to meet you sir. I'm Keisha Mae Almiro 20 years old. I didn't finish college because of financial problem but I assure you that I will do my best to do my job." Maikli kong pakilala.

Napataas ang kilay niya dun pero saglit lang iyun. Iniabot niya sa akin ang kaninang hawak niyang white folder. 

"Diyan mo isulat lahat ng mga schedule ko at lagi mong ipaalala sakin. Ayusin mo ang trabaho mo." Tumango na lamang ako sa kaniya at kinuha na ang white folder. Nang buklatin ko ito puro mga oras date at kung anong ganap sa mga araw na iyun. 

"I want you to move my schedule in another paper saka mo itapon sa b****a pag natapos mo." Sinunod ko na lamang ang sinabi niya saka inilipat sa ibang papel ang mga nakasulat dito sa isang bond paper. Napakabusy niya naman palang tayo. May meeting pa siya mamayang 7pm.

"Huwag ka jan magsulat may table ka naman." Nilingon ko itong boss kong nakatingin na sa akin. Itinuro niya ang isang mesang hindi naman kaliitan na malapit sa bintana. So kung ganito kasi yung ayos niya. Yung table ni Sir malapit din sa bintana pero sa tapat ng mesa niya ay mesa ko rin. Inayos ko na ang mga papel na inaayos ko sa table at saka lumapit sa sinasabi niyang table ko. Bago ako umupo nilingon ko na muna siya pero tutok na ang atensyon niya sa laptop niya. 

Halos gusto kong sumigaw dahil sa saya kasi naman eh para rin akong may sariling office kumbaga may kasama lang ako. Oh my God hahaha. It is my dream na makapagtrabaho sa ganitong building, may office may sariling table tapos, tapos My God I can't believe hahaha nakaswivel chair ako mga sis. Masaya na ako sa ganito kahit na secretary lang pero huwag kong nilalang kasi naman eh double salary hahaha. Pero bigla na lang akong napatigil sa ginagawa ko dahil wala pa nga pala akong pinipirmahan na kontrata. Napabalik ako sa wisyo at pinagpatuloy ko na lang ang sinusulat ko. Pwede ko naman sigurong tanungin sa kaniya about the contract diba? Nilingon ko siya pagkatapos kong isulat lahat ng schedule niya. Pero ilang minuto na akong nakatitig sa kaniya hindi ko pa rin natatanong. Ang seryoso naman nitong magtrabaho, ang bata pa niya para maging isang makapangyarihang tao. Tinitigan ko ang makakapal niyang kilay, matangos na ilong katamtamang hugis na mga mata at manipis na labi sa taas na siyang bumagay sa makapal niyang labi sa baba. 

"Are you done memorizing my face?" mabilis kong iniwas sa kaniya ang mga mata ko at napakamot na lamang ako sa batok ko ng marealize kong kanina pa pala siya nakatingin sa akin. My God Keisha ano bang pumapasok sa utak mo at tinitigan mo ang mukha niya. Palihim kong kinakagat ang aking labi dahil sa kahihiyan na iyun.

"I'm asking you." Kalmado nitong sabi. Binuklat ko ulit ang white folder saka kunwaring nagsusulat pa ako.

"Alam kong kanina ka pa tapos jan. Do you need anything?" huminga akong malalim at hinarap ko siyang nakangiti. Magtatanong lang naman kaya anong masama? 

"Ah Sir kasi po nagsisimula na akong magtrabaho pero wala pa po akong pinipirmahan na kontrata?" hindi ko siguradong sabi. Pagkasabi ko nun may kinuha siyang mga papel na nasa gilid niya kaya inilihis ko na ang paningin ko dun baka isipin masyado naman akong desperada para lang sa kontrata baka mamaya wala pala silang kontrakontrata dito at trabaho agad agad. 

"Sign this paper and this. Basahin mo munang maigi. Understand?" tiningala ko siya dahil nasa harap na siya ng table ko saka bumalik sa table niya ng ibaba niya na ang mga papel.

Una kong binasa ang kontratang may nakalagay na 2 years contract mabilis ko itong pinirmahan at sinunod ang isa pang papel. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng mabasa ko ang mga rules na nakalagay dito. Talaga bang naninigurado siyang hindi ako magkakagusto o mahuhulog sa kaniya. Grabe napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa mga binabasa ko. 

Rules no. 1. Don't fall for me or else you're fire.

Rules no. 2. You always have overtime don't worry your overtime is paid. 

Hanggang rules no. 10 puro don't fall for me.

"Ang hangin talaga." Bulong ko sa sarili ko pero sa tingin ko narinig niya rin. So what? Nagpapakatotoo lang naman ako. 

"What did you say?" nilingon ko itong sakin na nakatingin. 

"Sabi ko ang hangin mo talaga. Talagang nilagay mo pa dito na don't fall for you." Napaikot na lamang ang mga mata ko dahil dun. Gwapo ka nga ganiyan naman ugali mo mahangin at mayabang. Ano feeling lahat ng babae magkakagusto sa kaniya? Wow lang ha. 

"Maganda na yung naninigurado gusto ko kung trabaho trabaho lang. Hindi isasama sa trabaho ang personal issue." Nyenyenye whatever asa ka naman na mahuhulog ako sayo. Pinirmahan ko na lang ang mga rules niya dun saka ako tumayo at nilagay sa table niya. 

"Can I request?" diretso kong sabi sa kaniya. Tutal may rules siya about personal niya gusto ko ako din. 

"Off course you can. What is it?" hindi niya ako nilingon ng sabihin niya yun bagkus nakatitig ito sa laptop niya at patuloy na may pinipindot na kung ano man. 

"Sasabihin ko ang gusto kong sabihin sayo." Tiningala niya ako at isinandal ang likod sa malambot niyang swivel chair and he cross his legs. 

"Fine better than to seduce me." sarap batukan eh asa ka ghorl. Nginisian ko na lang siya dahil dun. 

"Asa ka. Yabang mo." Walang preno kong sabi saka bumalik sa table ko. Pagkaupo ko pansin ko sa peripheral view ko hindi niya inaalis ang tingin sakin. 

"What?" taas kilay kong tanong pero ang gago nginisian lang ako. Woah that's new nagkaroon ng kulay ang mukha niyang wala man lang kaemoemosyon. 

Lumipas ang oras at lunch time na ngayon. Wala pa naman siyang masyadong pinapagawa sakin eh. Patungo na ako sa cafeteria ng kompanyang ito ng makarinig ako ng mga bulong bulungan. 

"Pustahan tayo. Wala pang isang buwan o dalawang buwan dito tanggal na yan." Rinig kong sabi ng isang babaeng mga nasa 25 ang edad.

"Huwag ka bakla ang balita ko binigay ni Sir ang passcode niya sa office and bongga dun din siya nakaoffice kasama ni Sir Kyler. What a lucky girl." Ani pa ng isang baklang ang kapal kapal ng foundation sa mukha. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko kesa makinig pa sa mga chismisan nilang wala namang kabuluhan. 

"Keisha come here." Rinig kong tawag sakin ni Mrs. Santos ng makita ko kung san siya nakapwesto ay lumapit na rin ako kaagad sa kaniya.

"Hi Mrs. Santos" bati ko sa kaniya saka ko inilapag ang hawak hawak kong pagkain. Nilingon ko ang mga empleyadong parang sakin nakatutok ang atensyon. Kaniya kaniya silang iwas ng tingnan ko sila isa isa. 

"Huwag mo na yan sila pansinin. Malamang nagtaka nanaman lang yan sila dahil iba nanaman kasama ko." 

"Kailan po ba nafired yung huling secretary ni Sir Kyler?" curious kong tanong kay Mrs. Santos na sumusubo na ngayon ng pagkain niya. Nginuya at nilunok niya muna ang laman ng bibig niya bago niya ako sinagot. 

"Kanina lang?" 

"PO?" gulat kong sagot. Grabe naman yung kanina lang natanggal ang secretary niya tapos may kapalit agad.

"Kaya nakikiusap akong kung magkaroon ka man ng nararamdaman kay Sir ilihim mo na lang at huwag mong ipapahalata. Kahit ako'y pagod na sa paghahanap ng secretary niya."

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Nerman Marcera
over naman ung sagot ng girl sa magiging boss nya,sa novela lang nang yayare hahaha.
goodnovel comment avatar
Myra Diaz
nice story
goodnovel comment avatar
Angelina Agulto Julian
galing nung bagong secretary.hnd natatakot sa boss niya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status