Kabanata 1.2

"Tsss asa siya. Yabang niyang iyun." Nilingon ako ni Mrs. Santos na nakangiti bago sumubo ulit ng pagkain. Kumain na lang din ako dahil baka bigla siyang may ipagawa hindi pa ako nakakakain. 

Inayos na namin ni Mrs. Santos ang mga pinagkainan namin saka ibinalik sa mga staff ng cafeteria. 

"Siya nga pala sumunod ka sakin at may mga papel na kailangang ireview ni Sir." Sumunod na lang ako kay Mrs. Santos at pumasok sa isang opisina na per cubicle ang table. Kita sa mga mukha nila ang pagkaseryoso sa mga trabaho nila. Sa papel at computer lang nakatuon ang mga atensyon nila. May mga nasa mid 30's na at parang mga kagragraduate ang mga nandito meron ring mga nakaOJT. Kita ko kasi sa mga ID nila,nakalagay na OJT at intern. 

"Pakisabi kay Sir na ireview ang lahat ng ito tapos pirmahan niya na rin kung approve ba sa kaniya lahat iyan." Iniabot niya na sa akin ang ilang mga kapirasong papel at kinuha ko. Tinanguan ko na lang si Mrs. Santos at inutusan na akong lumakad na. 

Pagkapasok ko sa office ni Sir naabutan ko siyang nakatutok pa rin sa laptop niya. Kumain man lang ba ang lalaking ito. 

"Excuse me Sir?" agaw atensyon ko sa kaniya nilingon niya lang ako saglit pero ibinalik din agad ang atensyon sa laptop. Ibinaba ko ang mga papel na binigay sakin ni Mrs. Santos.

"Sabi ni Mrs. Santos na pakireview daw po Sir tapos pakipirmahan na rin daw po kapag approve sa inyo." Sinagot niya lang ako ng okay at patuloy na sa ginagawa niya. 

"May kailangan ka pa?" tanong niya sakin ng mapansing hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. 

"Kumain ka na ba Sir?" tanong ko sa kaniya. Tumigil siya panandali sa ginagawa niya at tiningala ako. 

"None of your business." Tanging sagot niya at humarap nanaman sa laptop niya. Sungit talaga paano ako magkakagusto sa kaniya kung ang pangit ng ugali. Lumabas na lang ako ng office niya at nagpuntang cafeteria. 

Bakit ko pa nga ba pakikialamanan kung kumain na ba siya o hindi pa. Tiningnan ko na lang ang dala dala kong pagkain at pabalik na ng office niya. 

"What is that?" tanong niya ng ibaba ko sa table niya ang dala kong pagkain na nakalagay sa mga plastic na baunan. 

"Pagkain Sir malamang. Ano ba sa tingin mo?" pilosopo kong sabi. Bakit ko pa ba kasi ito kinuhanan ng pagkain eh. 

"Hindi kita inutusan na ipagkuha ako ng pagkain." Ani nito sa malamig na boses. Alam ko naman eh sa hindi ko kayang magtrabaho ng hindi kumakain yung kasama ko eh. 

"Pwede ba Sir kumain ka na lang. Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka ng maayos kung walang laman ang tiyan mo. Tsss." Pagtataray kong sabi sa kaniya. Tiningnan niya lang ang pagkain na nasa mesa niya saka sakin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil dun. 

"Ano bang pakialam mo?" masungit niyang sambit. Wow grabe ako na nga itong concern sa kaniya siya pa itong mataas ang pride. 

"Sabi ko kainin mo na lang. Makakapag-isip ka ba ng maayos sa ginagawa mo kung yang tiyan mo kanina pa nagrereklamo kaya hindi ka natatapos tapos eh. Dinadaig pa ang kulog kung tumunog."

Napahawak na lang siya sa tiyan niyang katatapos lang ulit magreklamo. Bahala siya eat it or leave it. Tinalikuran ko na siya at umupo na lang sa table ko. Hindi ko na siya pinansin pa ng mapansin kong nakatingin siya sa gawi ko. Kita ko sa peripheral view ko na ginalaw niya na ang pagkaing dala ko. Napangiti naman ako dahil dun hindi naman pala mahirap pakisamahan kahit na dinaig pa ang babaeng may dalaw.

Mabilis ko ng inayos ang table ko ng makita ko sa wall clock ang oras na siyang uwian na. Isasakbit ko na sana ang bag ko ng tanungin ako ni Sir Kyler.

"Where are you going?" 

"Ah ano po Sir uuwi na?" medyo nag-aalinlangan kong sabi sa kaniya. 

"Oh I see. I'm sorry if I didn't tell lately na mag-oovertime ka." Dahan dahan kong ibinalik sa sabitan ang bag ko ng sabihin niya iyun. Bakit kailangan ko pang mag-overtime. Napatigil na lang ako sa sarili kong tanong ng maalala kong nakalagay nga pala dun sa papel na lagi akong mag-oovertime. 

Ano naman sanang gagawin ko kung mag-oovertime ako ngayon? Umupo na lang ako sa upuan ko at hinintay pa si Sir para umalis. Mag-oovertime ba siya dito at mag-oovertime din ako para may kasama siya? 

Hinintay ko pa siya at nagpangalumbaba na lang sa table ko. 

"Let's go" sambit nito at mabilis na isinuot ang coat niya. Mabilis ko ring kinuha ang bag ko at sumunod na sa kaniya palabas ng office niya. Pansin kong halos wala ng mga tao dito sa building na ito bukod sa security guard na nakikita kong nagpapatrol. Nakalabas na kami at diretsong basement isang kotse na lang ang nakaparada dito siguro kotse niya na lang base sa gandang modelo nito. 

"Sakay." Napataas ang kilay ko dahil dun at tiningnan siya sa mga mata na nagtataka. 

"I have meeting now right?"tanong niya sa akin na mabilis ko ring tinanguhan. 

"Kaya sakay. Sasama ka sakin sa meeting to take note all the topics that we discuss." Mabilis niyang sabi. Pumasok na siya sa driver seat at sumakay na rin ako sa likod. 

"Dito ka sa harap, hindi mo ako driver." Ani niya at hindi na lang ako umangal pa at lumipat na sa harap. Pinaandar niya na ang kotse niya hindi ko na alam kung san ang tungo nito. 

Pumasok kami sa isang hotel at enescortan kami ng dalawang staff dito at pinapasok sa isang kwartong parang council hall. 

"Good evening." Bati niya sa mga taong nasa loob na. Yumuko lang ako at sumunod sa kaniya. Umupo na siya sa pangalawang upuan at tumayo ako sa gilid niya. 

"Bakit hindi mo paupuin ang secretary mo Mr. Stanford?" nilingon ko ang nagsabi nun at isang matandang nasa 40s na. Nang napansin niyang tumingin ako sa kaniya ay ginawaran niya lang ako ng ngiti at nginitian ko na lang din siya.

"Sit down Ms. Beautiful." Nginitian ko ang isang lalaking parang nasa mid 20s pa lang parang kasing edad ni Sir Kyler. Umupo na ako sa upuang binigay niya sa akin. 

"Salamat." Tanging nasabi ko. Tiningnan lang ako ni Sir Kyler at ibinalik ang paningin sa mga kasama niya. Halos lahat ng mga kasama niya sa meeting ay mga nasa 30s or 40s, sila lang bata, si Sir Kyler at ang lalaking nagbigay sakin ng upuan. Nag-umpisa na silang magdiscuss about their meeting. Nakinig lang ako sa kanila at tinake notes ang mga mahahalagang napagmeetingan nila. 

"Mauna na po ako Sir." Paalam ko ng matapos ang meeting nila at tinanguhan na lang ako. Sabay sabay na kaming lumabas ng building at kakaliwa na sana ko ng habulin at harangan ako ng kasama ni Sir Kyler sa meeting. 

"May kailangan po kayo Sir?" tanong ko sa kaniya ng huminto siya sa harapan ko. 

"Hayaan mong ihatid kita Pretty." Pag-aalok niya sa akin. Pansin ko ang paglingon niya sa likod ko kaya tiningnan ko rin kung ano ba yun. 

"Sir." Tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang nandun pa sa exit. Hindi niya ako pinansin at dirediretsong umalis. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marlene Sangalang
very smart and stright with traits girl
goodnovel comment avatar
Mymona Kasim
Napakaganda ng novel na ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status