Kabanata 2.1

Napakibit balikat na lamang ako ng mawala na siya sa paningin ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan ko.

“Ano let’s go?” pag-aalok niya ulit. Inilingan ko na lang siya dahil hindi ako mabilis magtiwala sa mga tao.

“Hindi pa kita kilala Sir. Sorry.” Pagpapaumanhin ko saka nilampasan na siya pero hinarangan pa rin ako kaya napahinto na lang ako sa paglalakad ko.

“Ihahatid lang naman ganda eh. Saka kilala ako ni Kyler ang boss mo pinsan ko yun So don’t worry by the way my name is Louie.” Inilahad niya sa akin ang kamay niya na siyang tiningnan ko lang hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi pero wala naman sigurong masama at ikabahala dahil pinsan niya naman pala si Sir Kyler.

“Keisha Mae po Sir.” Pagpapakilala ko sa kaniya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

“So ano tara na?” pag-aaya niya sa akin.

“Huwag na po Sir nakakahiya.” Pagtatanggi ko sa kaniya.

“Walang nakakahiya ganda. Let’s go.” Kahit na nag-aalinlangan ay sumama na lang ako sa kaniya dahil baka gabihin pa ako sa uwi dahil sa pagtatanggi ko sa paghahatid niya.

“Pinag-overtime ka ng boss mo pero hindi ka man lang hinatid? Napakagentleman talaga ng pinsan kong yun.” Pagbasag niya sa gitna ng katahimikan sa loob ng kotse niya.

“Ok lang naman po yun Sir. Kasama yun sa kontrata saka wala siyang sinabi na hatid sundo niya ako pero bayad ang bawat overtime ko.” Sabi ko dito. Kita ko naman sa mukha niya ang pagngisi niya dahil dun.

“Well sa lahat ng naging secretary ni Kyler mukhang ikaw lang ang kakaiba sa kanila.” Sinulyapan ko lang siya at ibinalik na ang atensyon sa harapan ko. Wala naman akong pakialam kung anong klaseng secretary meron siya dati at kung anong klaseng secretary ako sa kaniya.

“Sa gilid na lang po Sir.” Sabi ko sa kaniya at dahan dahan niyang ipwenesto sa gilid ang kotse niya. Tinanggal ko na ang seatbelt ko saka nagpaalam.

“Maraming salamat sa paghatid Sir.” Sabi ko dito saka isinarado ang pintuan niya pero pansin ko ang pagbaba ng bintana nito.

“Walang anuman ganda. Para sayo.” Sabay kindat niya sa akin at pinaandar na ang kotse. Napataas na lang ang kilay ko dahil dun. Mukhang babaero ang isang yun. Tsss

--

“Good morning Mrs. Santos.” Bati ko sa kaniya ng makasalubong ko siya.

“Siya nga pala Keisha yung mga papel na binigay ko sayo kahapon binigay mo ba kay Sir?” tanong niya sa akin at ang binabanggit niyang papel ay ang kailangang reviewhin ni Sir.

“Opo Mrs. Santos.”

“Pakiremind mo sa kaniya baka nakalimutan niya. Kailangan na kasi yun ngayon.” Tinanguan ko na lang si Mrs. Santos at dumiretso na ako sa office ni Sir. Inislide ko na ang ID ko sa pintuan ng office ni Sir Kyler saka pumasok. Naabutan ko naman ang opisina niyang walang katao tao. Baka wala pa si Sir. Kinuha ko na lang ang white folder kung saan nakalagay ang mga schedule ni Sir.

“May meeting siya ngayon with the board of directors at lunch kasama ng mga president ng ibang kompanya.” Kung alas nwebe ang meeting niya hanggang 11 tapos lunch kasama ng mga president. Paano niya marereview ang mga papel na binigay ko kahapon? Nareview niya na kaya sa bahay niya? tumayo ako sa upuan ko at tinungo ang lamesa na sir.

“Patay wala pang pirma lahat.” Sambit ko na lamang ng makita at buklatin ko ang mga papel na binigay sakin ni Mrs. Santos.

“What are you doing?” napatalon na lang ako sa kinalalagyan ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Sir.

“Pasensya na po Sir. Pinapaalala nga po pala ni Mrs. Santos na kailangan na raw po ngayong araw ang mga papel na ito.” Saka ko ipinakita sa kaniya ang hawak kong mga papel. Hindi siya nagsalita at diretso siyang pumunta ng swivel chair.

“Let me see.” Ani nito at binigay ko sa kaniya ang mga hawak kong papel. Napakalamig talaga. Tsss

“Anong gagawin ko dito Sir?” tanong ko ng iabot niya sa akin ang kabibigay ko lang na mga papel.

“Gusto kong ikaw na magreview niyan and sign it in my behalf.”

“Naku Sir baka po hindi sang-ayon sa inyo mapirmahan ko.” Pagtatanggi ko dahil may takot at kaba akong nararamdaman.

“No, just read it. Alam kong BSBA ang kinuha mo kaya alam kong may alam ka about sa mga ganiyan. Minor lang yan hindi ko naman pinapaubaya sa iba kung major.” Medyo mahaba nitong sabi. Kahit na nag-aalinlangan ako ay kinuha ko na ang mga papel at umupo sa upuan ko.

Inumpisahan ko na itong binasa at tungkol pala ito sa mga kagamitan na balak palitan ng kompanya. Sinabi na rin dito ang mga dahilan kung bakit kailangan ng palitan. Kung may proweba naman pala sila edi sang-ayunan na lang natin dahil ang mga trabahador naman ang kawawa kapag nagtitiis sila sa mga equipment na may mga sira na. Habang pinipirmahan ko ay rinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng mesa ko at binasa ang notification na nagpop up dun.

‘Meeting with the board of directors’ basa ko sa reminders ko. Nilingon ko si Sir at kita ko ang focus niyang atensyon sa mga papel na nasa table niya.

“Excuse me Sir?” agaw atensyon ko sa kaniya pero sinagot niya lang ako ng Hmmf.

“May meeting po kayo ngayon with the board of directors.” Paalala ko rito at sinipat niya naman ang relo niya.

“9 o’clock right?” paninigurado niya sa oras ng meeting niya.

“Yes Sir.”

“Ok just give me more 10 minutes.” Ani nito. Siguro 5 minutes before the meeting siya pupunta. 8:45 pa lang naman kasi. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at inaprobahan ko lahat. Pansin ko ang pagtayo ni Sir pagkalipas ng ilang minuto, hindi naman na ito nagsalita at diretsong lumabas ng office niya. Kwenenta ko na lang kung ilang total ang aabutin ng bawat equipment na bibilhin. Last naman na ito tapos ipapapirma ko na lang sa kaniya yung total ng gastos kung approve ba siya sa halagang ilalabas ng kompanya niya.

Kung ito na lang gagawin ko kung ganun maghihintay pa ako ng ilang oras niya dito sa office niya para papirmahan ang huling papel.

Matiyaga na lang akong naghintay sa kaniya dito sa office niya at ginugol ko na lang ang oras ko para magbasa basa tungkol sa business at manuod para kahit papaano ay may alam ako baka dumating yung oras na ipaubaya na sakin ni Sir yung mga papel na kailangan niyang pag-aralan bago aprobahan atleast may alam na ako.

Lumipas ang ilang oras at napatingin na lang ako sa pintuan ng bumukas ito at iluwa si Sir mula dun.

“Siya nga pala Sir ito po yung kailangan niyong aprobahan.” Sabi ko sa kaniya ng makaupo na siya sa upuan niya. Niluwagan niya na muna ang necktie niya bago kinuha sakin ang papel.

“A hundred thousand.” Basa niya sa total ng mga equipment na kailangang bilhin. Kinuha  niya na ang ballpen niya at mabilis na pinirmahan ito saka iniabot sa akin.

“Salamat Sir.” Kinuha ko na sa table ko ang iba pang mga papel na kailangan ko ng ibigay kay Mrs. Santos.

“Siya nga pala Sir may lunch po kayo with the presidents.” Paalala ko sa kaniya bago lumabas ng office niya at pinuntahan na si Mrs. Santos.

“Ito na po ang mga papel Mrs. Santos.” Iniabot ko sa kaniya ang mga papel at tiningnan ng maayos kung lahat ba may pirma.

“Ikaw nagpirma tama?” tanong niya sa akin ng mapansin sigurong hindi pirma ni Sir Kyler ang nandun.

“Opo Mrs. Santos pero pinakita ko naman kay Sir Kyler.” Sabi ko dito at tumango lang siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status