Share

Kabanata 3

Pagtakas 

Anim na oras ang nakalipas.

Mariin na pumikit si Denver nang tawagin siya ng kanyang anak na si Anna, umaasang lingunin siya nito pero buong lakas niya 'yung nilabanan na huwag maging mahina. Maaari man masama ang gagawin niya pero maiintindihan din siya ng anak niya balang araw. Rinig narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ng bunso nitong anak sinisigaw ang pangalan niya. 

Ito na lang ang sa tingin niya ang  paraan para pare-pareho silang mabuhay. 

Kung sa iba mali ang desisyon niya pero bilang padre de pamilya kailangan niya ng mamili para sa ikakabuti nilang tatlo. 

Malakas si Anna sa lahat ng bagay, 'di siya marunong sumuko sa anumang laban. Maparaan kaya  positibo itong makakaligtas siya sa kamay ng taong pinagkakautangan niya, kumpara kay Davina'y tiyak hindi ito makakatagal at baka mas piliin nitong mamatay na lang kaysa  gawin siyang asawa ng 'di kilalang lalaki.

Nagtungo siya sa lugar kung saan pinag-usapan nila ni Cassandra na magkita, sa likod ng hotel kung saan bihira lang ang tao ang dumaraan doon. 

On the other hand,  hindi mapakali si Davina sa kanyang inuupuan 'di maiwasang hindi mag-alala sa kambal niyang si Anna. She doesn’t know  why she’s feeling like this pero normal na ginagawa nila ito para makatakas siya sa mga reporter na hindi kailangan makipag siksikan sa kanila at maging hot topic siya. Yes, she knows that’s part of being an actress ,but she also has a life too naman. For god sakes some fan of her hindi magpapatalo to the point nagkaroon siya ng bruises every time ganon ang nangyayari tuwing hinaharap niya ang mga fans niya. So, sometimes she hates it and this is the best solution her dad advice. 

One more thing, mukha lang malakas si Anna yet she always heard Anna silently crying in her room. 'Di man siya magsabi sa kanila alam niyang nahihirapan at nasasaktan din ang kapatid niya. And sometimes she thinks they are selfish both her dad, Anna took care of everything in their family even the household chores and working part-time jobs just to earn money. Nagkakaroon na rin siya ng kutob na may problema sila sa money. 

Nagbulag-bulagan siya dahil alam niya kapag tinanong niya si Anna, tatanggi lang ito. Kaya naiinis siya sariling ama. Minsan makasarili ang ama at nalilipat ang responsibilidad niya sa kambal niya. 

Pero mas naiinis siya sa sarili niya na napakahina niyang tao. And she admit it, kay Anna rin siya umaasa pero 'di ibig sabihin no'n wala siyang pakialam sa nararamdaman ng kambal niya. Sa lahat ng kita sa bawat movie na ginagampanan niya sa pag-aartista tinatabihan niya ang kapatid ng pera at kung ano-anong magandang regalo bilang pasasalamat at pag-aalaga sa kanya. Still, Anna refused the money and the things she’s giving to her and she gave up on that. She just going to buy her anything and gave it to her without asking her since she will only rejected her. 

She’s the one that should protect them since she’s the eldest, kung wala lang siyang sakit sa puso ay siya ang mag-aalaga sa dalawa pero hindi! Napakawalang kwenta niyang kapatid kaya ginawa niya ang lahat sa pamamagitan ng pagiging artista nito para makatulong din kahit papaano. Though, it wasn’t enough for them in everyday expenses and also, pang emergency lang ang money na kinikita niya supposed to be but her father, she doesn’t know. Nakakaramdam siyang may nangyayari behind her back sa family niya and every time she asked her dad, and Anna they will change the topic at alam niyang nagsisinungaling na lang sila sa kanya. Despite that, she let them. 

Kagat-kagat ang mga daliri na 'di mapalagay hinintay ang dad niya at kapatid niya na  bunso. When he saw her dad coming from her direction where their car located and she’s in. She opened the car para salubungin ang dad niya. 

"Dad!!" He called him, nang malapitan ang ama. Ginala niya ang paningin at  kumunot ang noo ng hindi niya makita ang bunsong kapatid na babae,  "Where's my twinnie?" hanap niya sa kambal. 

"She'll be fine. Let's go inside the car. We need to hurry up and leave this place," utos ng ama niya na nagmamadali. 

"Wait, pa! Na saan nga si Anna?!" pigil niya sa ama nang hawakan siya sa braso niya para sumakay sa sasakyan. 

Her dad took a deep breath he looks so stressed and depressed too. Kaya mas lalo siyang kinabahan at hindi tumigil tanungin kung nasaan ang twinnie nito. May mga senaryo ng tumatakbo sa brain niya but she shook all of her thoughts— "Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa 'yo ang lahat, mas importanteng makatakas muna tayo," alog ng dad niya nang hawakan siya both her shoulder. 

Naguluhan si Davina, "Kailangan natin makalayo  sa lugar na ito, naintindihan mo ba ako, Davina?" kunot noo  pag papaintindi sa kanya ng dad niya. "But Anna—" her father cut her off and shot her a glare . "Na sa maayos na si Anna, kaya 'wag mo na siyang intindihin pa. Ang kailangan natin gawin ngayon makaalis tayo rito. Naintindihan mo ba ako, Davina?" he said in a calmer manner but Davina feels na may tinatago sa kanya ang dad niya. 

Bumaba si Cassandra sa front seat na hawak ang iPhone X niya. "Mr. Montenegro, nakausap ko na po yung pinsan kong Manager sa NAIA may bakanteng dalawang tickets pa papuntang Thailand. Ipapadala na lang daw niya sa email mo at ipaprint mo lang daw ito, at pwede na kayo makalipad palabas ng bansa," balita niya. 

Napatingin sa kanya si Denver at paulit-ulit na tumango "Okay! Great! Thank you so much Ms. Forteza, I owe you this one," hindi niya mapigilang hindi maging masaya sa balita nito. 

Pero ang anak niyang si Davina'y magkaiba sa nararamdaman ng ama sa katotohanan na lalabas sila ng bansa. "Ano?! Aalis tayo ng bansa?!" pahiyaw na tanong niya. 

Hindi siya pinansin ng ama at hinila patungong front seat para sumakay na sa loob ng puting Toyota na nirentahan lang niya sa kaibigan. Kinabit nito ang seatbelt, "I promise, I'll tell you everything later when we finally leave this place. But for now, you must listen and follow me, no buts. Are we clear Davina Montenegro?" ang boses ng kanyang ama ay may halong pagkabahala sapagkat 'di ito sigurado sa kahihitnan ng gagawin niya. 

Tatakas sila paalis ng bansa upang magtago marahil kilala niya si Mr. Black ang taong pinagkakautangan na hindi ito madaling maloko. At kapag nabuko siya sa ginawa niya tiyak na hahanapin sila nito. Hindi niya papalagpasin ang ginawa niyang pangloloko sa kanya. 

Davina couldn’t do anything and just agreed to her dad and tumango na lang sa dad niya despite being confused sa nangyayari. 

Sinarado ni Denver ang pinto at hinarap si Cassandra. "Ms. Cassandra, hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan sa lahat ng tulong mo sa amin ng aking anak na si Davina. Alam ko sa pagtulong mo'y pagkawala rin ng kita mo dahil mawawalan ka ng talent pero kahit gano'n pumayag kang tulungan akong makatakas sa humahabol sa amin," pasalamat nito sa ginang. 

Ngumiti si Cassandra upang ipakita na naiintindihan siya nito, "Ayos lang po sa akin. Malaki rin po ang utang na loob ko sa inyo, noong naghirap ang pamilya namin kayo ang tumulong sa amin at kung 'di rin dahil  kay Davina, hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon. Basta ang importante nasa mabuting kalagayan si Davina. At isa pa, marami rin akong mga talents kaya hindi ako mawawalan ng kita. Sadya lang si Davina ang siyang paborito ko sa kanilang lahat dahil porsigido ito sa kanyang pag-arte," mahabang lintaya niya  'di naalis ang ngiti sa labi. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status