Share

Kabanata 26

Kaito, ex-wife.

“Ey, don’t you think Mr. Black is being possessive to you? Look, he even dared to kiss you in public. Ah, nice one, buddy. Your relationship with him is getting closer. Or did—”

Marahas kong binagsak ang kutsilyong hawak ko sa pagbabalat ng mansanas na ikinagulat niya at ni Ethan na pinaghahandaan siya ng pagkain na binili namin ni Kuya Ethan kanina sa baba dahil nga gutom daw ito at ayaw ng pagkain sa ospital.

Kaso mukhang ‘yong pagpunta ko rito ay isa pa ‘atang pagkakamali, kung hindi lang sa bilin ng mama niya ay hahayaan ko na silang dalawa ni Ethan dito na magsama total ay mukha naman magkasundo ang dalawa. Psh.

“Kung kakain ka, kumain ka na lang hindi ‘yong kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo. Mukhang hindi dapat sa tiyan ang tinamaan sa‘yo e, dapat sa bunganga total wala namang kwenta ang lumalabas diyan,” matigas ang boses ko bago naglakad sa kanya dala-dala ang platito na may lamang mansanas na binalat ko para sa kaniya dahil ang unggoy ay ayaw daw kumain
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status