Share

Kabanata 27.2

Anna’s PoV

Naghanda lang ako ng dalawang takal ng bigas, sibuyas, bawang at luya na dinamihan ko na para ipanlalagay ko na lang ito mamaya sa ibabaw ng lugaw kasabay ng manok para magkalasa naman.

Total gutom na rin ako ay dadamihan ko na at lalagyan ko na ng dekorasyon ang lugaw na lulutuin bago pa ako mairita rito sa boss kong bugnutin na baka sakali'y mabawasan ang kasungitan kapag pinakain ko. Psh.

Nagpalambot muna ako ng manok at nilagyan ko ito ng tatlong rekado; paminta, patis, betchin at pinakulo ito. Hinanda ko na rin ang isang kawali at pinainit ito, nang uminit na ay nilagay ko na ang mantika at hinintay ko lang ding uminit bago nilagay ang halos dalawang bilog na bawang na hiniwa kong maliliit hanggang sa maging golden brown na ito bago nilagay sa platito, at dito ko na nilagay ang sibuyas. Nang makita kong puwede nang ilagay ang bigas ay nilagay ko na ito, ginisa ko muna ito ng mga ilang segundo bago naglagay ng tubig hanggang sa pinakuluan ko na, inilagay ko na rin ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status