Sincerely, Elena
Sincerely, Elena
Author: frustrated_writer
Prologo

Nakaupo ako sa konkretong upuan sa silong ng malaking puno na sumasangga sa malamig at mapayapang kalangitan. Sandali kong ipinikit ang aking mata at sininghap ang sariwang hangin na nakapalibot sa buong kapaligiran. Iminulat ko ang aking upang pagmasdan ang kuwintas na nakapalibot sa aking leeg. At sa pagkakataon na iyon, hinawakan ko ito nang mahigpit, kasama ng mga alaalang nakakabit dito.

Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng pagkakataong makita siya muli. Sa tagal ng panahon na lumipas, marami na ang nangyari at marami na rin ang nagbago sa aming buhay. Minsan napapatanong ako kung naalala pa ba niya ang mga panahon na magkasama kaming dalawa.

Ang mga alaala na kasama ko siya.

Napangiti ako sa pananabik habang pinagmamasdan ang nakaukit na pangalan sa aking kuwintas.

Subalit, bakit ganoon, tila nakaukit pa rin sa aking puso ang kanyang presensya, na wari’y mga alaalang nagmarka sa aking isipan.

Napalingon ako sa paligid nang marinig ko ang mga mahinang yapak sa kalatagan ng damuhan. Napalingon ako sa tunog ng yabag at humawi ang aking titig sa aninong papalapit sa akin.

Ngumiti siya nang bahagya sa aking habang posturang nakatayo sa aking harapan na tila may gustong sabihin. Gayunpaman, hindi makakailang bakas sa kanyang mga mata ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Si Dante.

Anong ginagawa niya rito?

Sinagot ko siya nang marahan na ngiti at naglaan ng espasyo sa aking kinauupuan. Kaagad naman siyang marahan na umupo sa tabi ko, habang patuloy na nakatitig sa masukal na karagayan ng kalawakan.

Panandalian ko siyang tiningnan at binaling ang aking mga titig sa tanawin. Hinintay ko siyang magsimulang magsalita ngunit ang tanging narinig ko lamang sa kanya ay ang kanyang mahinang pagbuntong-hininga. Hindi siya umimik ng ilang mga minuto at ang ugong ng hangin ang tanging umaalingawngaw sa paligid.

Naramdaman ko ang pag lamig sa patuloy na pag kumpas ng sariwang hangin sa kapaligiran. Tila'y unti-unting binalot ng kadiliman ang langit at tanging mga kumikintab na ilaw sa puno ang nagbigay liwanag sa taimtim na gabi.

Mga ilang sandaling nakalipas, narinig ko ang kanyang malalim na boses. "Elena..."

Napatingin ako sa kanya. "Hmmm?"

"Ba’t nandito ka sa labas?” tanong niya sakin na tila may pagtataka.

Huminga ako ng malalim at ninamnam ang simoy ng hangin. "Wala lang, nagpapahangin lang ako. Maingay din kasi sa loob," saad ko.

Napangiti siya sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago." Napatitig siya sa akin nang malalim na tila may iba pa siyang gustong iparating.

"Tsss." Napangiti ako. Lumingon ako sa kanya at pabirong sumagot, "Ikaw, ang laki ng pinagbago mo."

Tumaas ang kanyang kilay at binaling ang tingin sa kawalan. "Talaga? Parang hindi naman."

Tumungo ako sa kanya na tila may lungkot sa aking boses. "Oo, hindi na ikaw ang Dante na nakilala ko." Hindi na ikaw ang Dante na minahal ko...

"Ako pa rin naman si Dante. I just think a lot had happened in the past that made me this way," paliwanag niya. Tinukod niya ang kanyang palad sa

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status