Share

Alcavar Dynasty: The Black Sheep
Alcavar Dynasty: The Black Sheep
Author: Jean Longakit

Chapter One: Walong Letra

"Please Lorraine do it for me, please. I can't break her heart so please."

She's crying in front of me. Sinugod nya ako dito sa bahay ko at nag mamakaawa. Hindi ko alam kung bakit nya ito sinasabi at ginagawa sa akin.

"Please help me sis. I don't want her to know about this at habang hindi pa nya alam, hindi ko na sya sasaktan pa. Mahal na mahal ko si Janice and I can't do this. Pagod na akong mag panggap sa harapan nya kahit na nasa malayo sya ngayon. I can't do this anymore. Ayoko nang mahirapan at mas lalong mahirapan si Janice."

"P-pero Tanya hindi maganda yang plano mo at seriously, ayoko."

Ininom ko ang alak na nasa baso ko pagka sabi niyon.

"Pero bakit Lorraine? Mahal mo ang asawa ko at alam ko 'yun. Noon pa man! at ngayon na binibigay ko sya sa'yo para alagaan at mahalin, ayaw mo naman? What is wrong with you!?"

Napataas na ang boses nya at lalo namang nag kunot ang noo ko.

"Seriously? What is wrong with me?"

Idinuro ko ang sarili ko and smirked.

"Sino ba ngayon ang nasa bahay ko at ibinibilin sa akin na mag panggap na ikaw sa asawa nya? Tanya what the fuck?"

Dugtong ko.

Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Okay, kambal. I'm sorry about that. Pero hindi ko naman 'to gagawin kung hindi ako desperado. I'm hopeless at wala na akong ibang pag asa kundi ikaw. I want to leave her with someone I know na aalagaan at mamahalin sya. Yung hindi sya sasaktan. Please, I can't fight anymore. Stage 4 na ko Lorraine please maawa ka naman sa akin."

Patuloy lang sya sa pag iyak.

Oo, mahal ko nga ang asawa nyang si Janice. Hindi ko naman ginusto pero ano bang magagawa ko, nandito na eh.

Tanya always gets what she wants at hindi ko alam kung naging push over lang talaga ko. Pinababayaan ko lang sya sa kung anong gusto nyang gawin sa buhay nya. Kami yung tipo ng kambal na identical physically pero sobrang laki ng difference namin. Sa aming dalawa, ako yung taga gawa ng gulo, yun ang pag kaka alam nila. Pero ang totoo, ako ang nag lilinis ng gulo ni Tanya. Kapag may kapalpakan syang nagawa, tinutulungan ko sya at kung meron akong nagawa, hindi ko sya iniistorbo ako gumagawa ng paraan para ma plantsa ang gusot.

Si Tanya ang favorite ng parents ko, they made that very clear to me. Sya lagi ang the best, ang magaling, ang tama at perfect. Kaya sumobra sa confidence at ego boost ang kambal ko na 'to.

"Kambal, please? This is the last time na hihingi ako sa'yo ng tulong."

Ibinaba ko ang glass of bourbon sa coffee table at huminga ng malalim.

"I'll think about it."

Nakita ko ang pag silip ng liwanag sa mukha nya.

"Salamat Lorraine. Thank you."

She wiped those tears that are coming down on her cheeks.

"Don't thank me yet. Hindi pa ako pumapayag. I said I'll think about it."

Walang tigil ang pasasalamat niya sa akin. Nang gumabi na ay dito ko na sya pinatulog sa bahay ko.

Do I really have to think about it? Syempre mahal ko si Janice. Sino ba naman ang ayaw makasama at maging asawa ang taong mahal nya. It's a win for me, but what about Janice? Paano naman ang feelings nya kapag nalaman nya ang totoo? I believe na walang lihim na hindi nabubunyag and paano kung mahalata nya? Ang dami naming differences ni Tanya. She's a selfish bitch sa totoo lang.

I think I can't do it. I can't play that part. I can't be her at sigurado akong mabubuking kaagad ng asawa nya na ako 'to. Si Lorraine at hindi si Tanya.

"Good morning ma'am Raine"

Masiglang bati sa akin ni Basha na syang kasambahay ko.

Umupo ako sa hapag kainan at hinawakan ang mug na inilapag ni Basha sa table ko.

"Thank you, nagising na ba si Tanya?"

"Ay nandyan ba sya? Hindi pa lumabas ma'am eh. Kanina pa po ako gising hindi pa sya nalabas eh"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilapag ang coffee na hawak ko at pumunta sa kwarto kung saan natutulog si Tanya.

"T, gising ka na ba?"

I knocked.

"Tanya?"

I knocked again.

Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pinto ng kwarto.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kama na maayos at tila walang humiga dito.

"Uh, Tanya?"

Lumabas ako sa terrace ng kwarto pero wala sya doon.

Palabas na sana ako ng kwarto nang mapansin kong nakasarado ang pinto ng CR.

"Tanya, nandyan ka ba?"

"T?"

"Kambal?"

Imposibleng hindi nya ako naririnig dahil wala namang ingay sa loob ng CR.

Pinihit ko ang pinto pero naka lock ito.

Kinabahan ako bigla.

"Basha! Bashaa!"

"Po? Ma'am?"

Narinig kong sagot nya mula sa baba.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at sumilip sa kanya.

"Keys! Dali!"

"O-opo opo ma'am!"

Nagmadali syang kunin ang duplicate keys ng bahay at dali daling iniakyat ito sa akin na nasa harap ng pinto ng CR.

Pag bukas ko ng CR ay nagulantang ako sa sumalubong sa akin.

"Basha! Help me! No, no no no kambal no!"

I pulled her out of the blood bath. I kept myself together because it won't help if I lose it.

We immediately ran to the hospital.

Kahit na huli na, kahit na malamig na ang bangkay ng kambal ko, ay dinala ko parin sya sa ospital and I don't even know why.

"Ma'am, nasa morgue na po si ma'am Tanya."

Inabutan ako ng bottled water ni Basha at umupo sa tabi ko.

"Ma'am nakikiramay po ako sa inyo"

Naka tulala lang ako sa sahig ng ospital.

"Please help me sis. I don't want her to know about this"

"Mahal na mahal ko si Janice and I can't do this"

"Pagod na akong mag panggap"

"I can't do this anymore"

"Ayoko nang mahirapan"

Nag fflash back sa akin ang mga sinabi nya kagabi. It's like a nightmare.

"Damn it! Bakit hindi ko yun naintindihan!"

Wala sa sariling naibulalas ko.

"Tumingin ako kay Basha."

"She told me things kagabi Basha. Bakit hindi ko 'yun na gets!? Bakit? Eh di sana napigilan ko sya! I'm such an idiot!'

Galit ako sa sarili ko. Sobra dahil ang tanga tanga tanga ko! And now I don't know how to face it. Ang katotohanang wala na ang kapatid ko.

Basha pat me on the back.

"Ma'am hindi nyo po kasalanan ang nangyari. Wag nyo po sana sisihin ang sarili nyo"

I just cried. At pagkatapos kong umiyak ay kinailangan ko nang mag pakatatag ulit dahil oras na para malaman ng babaeng mahal ko, si Janice na patay na ang asawa nya. Kailangan nya nang malaman ang lahat lahat.

Nakumbinsi ako ni Basha na umuwi na lang muna at magpahinga habang inaayos pa ang funeral ni Tanya. Si Basha ang tumulong sa akin na mag asikaso ng mga bagay bagay dahil wala ako sa sarili ko.

Come on Janice pick up

Rrrrriiiiiiiing. . .

Rrrrriiiiiiing. . .

"Yes Raine kamusta na?"

"Janice"

"Ang serious ng boses mo ah. May problema ba?"

"Janice nasaan ka ngayon?"

"Nandito sa kotse nag ddrive ako ngayon bakit?"

"Okay, park your car, now."

"Bakit? You're scaring me"

"Basta Janice just listen to me and do it."

"Okay. Sige"

"Good"

"Ano ba kasi yun? May problema ka na naman ba sa babae o wala kang magawa at pinag ttripan mo ako?"

She chuckles.

"Naka park ka na ba?"

"Ito na po madam. Parked."

"Okay, Janice, You need to come home, Tanya is dead she killed herself she's suffering from stage 4 Leukemia she didn't tell you, she hid it from you at ngayon na stage 4 na sya hindi na nya kinaya lumaban then I found her dead. She slit her wrists."

I did it. Sa isang iglap ay nasabi ko na ang dapat nyang malaman. She deserves to know everything.

"Janice? Are you still there?"

"Y-yeah. Joke ba 'to Raine? Kasi hindi nakakatuwa."

"I wish Janice. I wish I'm just joking but I'm not."

"I-I h-how did it? When did? What the fuck is thiiis!?"

Narinig ko ang pag iyak nya mula sa kabilang linya.

"I'm so sorry Janice. I'm sorry"

"I don't understand what happened Raine. Okay pa kami kagabi! Ang saya saya pa nya. Nag plano pa kami na mag tatravel kami sa December pero bakit!? Bakit nya ako iniwan!?"

Wala akong masabi. Wala akong maidugtong sa mga sinasabi nya kaya nakinig lang ako.

"We promised to each other, in sickness and in health pero bakit ganito!? Raine hindi ko matanggap! Ang sakit sakit!"

"Sshhh.. hey hey hey, Janice I know, I know na masakit but you have to pull yourself together. You have to come home. Tanya would want to see you beside her."

Sa ngayon, tutulungan ko syang mag hilom without taking advantage of her.

"Y-yes you're right. I'm going to find a flight today at sana meron akong makuha. I will come home to Tanya."

Narinig kong mas maayos na ang boses nya at tumigil na sya sa pag iyak.

One thing I like about Janice, she's tough, really tough.

Nang ibaba namin ang phone ay huminga ako ng malalim. She's coming home at excited akong makita sya but sad dahil makikita kong nahihirapan sya.

Tanya, ano ba kasi tong ginawa mo. Bakit mo iniwan yung babaeng sobrang nag mamahal sa'yo. Hindi mo lang alam kung gaano ka kaswerte dahil minahal ka nya.

Hindi ko namalayang nakatulog ako kung hindi pa ako nagising sa pag katok ni Basha sa kwarto ko.

"Ma'am, tumawag na po kasi yung sa punenarya. Naka set up na raw po lahat at mamayang 6pm ay ready na daw po si ma'am Tanya."

Mapait akong ngumiti kay Basha at saka naligo at nag ayos.

Rrrrrrring. . .

Rrrrrrring. . .

"Hello Janice?"

"Raine, nakakuha ako ng flight. I'm on my way to the airport para sa flight ko mamaya."

"Okay sige. Just hold on okay? We'll wait for you Janice. Tanya is waiting for you"

Pag kababa ko ng phone ay umalis na kami ni Basha at pumunta sa funeral home kung saan ibuburol ang kambal ko.

"Tanya"

Naisambit ko sa hangin nang makita ko ang kabaong ng kambal ko. Nanood lang ako sa mga nag set up hanggang sa natapos sila. Si Basha na ang pinakausap ko at tumanghod lang ako sa harap ng ataul ng kakambal ko.

"Please accept our condolences Raine"

Ramdam ko ang pakikiramay sa akin ng mga bisita. Mga close friends at cousins ang pumunta tonight. Yung iba naman ay manggagaling pa sa iba't ibang bansa kaya kakaunti pa lang ang naka dalaw tonight.

Si Basha ang mostly nag asikaso sa mga bisita, pinapunta ko na rin ang isa nyang anak na si Alice para makatulong sa mama nya.

"Thank you for coming tito, tita."

Nakipag beso ako sakanila.

"Ano ba talaga ang nangyari hija?"

Umupo kami sa mahabang couch.

"Kasi po tita, may sakit po kasi talaga sya, Leukemia and she's already in stage 4. Hindi na po nya kinaya yung sakit kaya po,--"

Napatigil ako sa pag sasalita at nagsimula na namang mangilid ang luha ko.

"nag suicide po yung kakambal ko"

Sobrang sakit sa dibdib ang mamatayan ka ng kakambal. Kahit na mag kaiba kami ng ugali ay naroon parin ang pag mamahal ko para sa kakambal ko.

Tuloy pa rin ang pag entertain ko sa mga bisita, minsan naman ay tulala lang ako sa kabaong nya.

"Ma'am baka gusto nyo po munang mag pahinga"

It's almost 5am. Unang lamay palang ni kambal ngayon pero parang ang tagal tagal ko na syang hindi nakakasama.

"Hindi naman ako inaantok Basha, sige na mag pahinga ka na muna, si Alice nasaan?"

"Pinag pahinga ko na po kanina pang alas dose, para mamaya sya muna dito at makapag pahinga ako"

"Sige na mag pahinga ka na muna, wala pa namang tao ngayon."

"Hindi ma'am mamaya nalang kapag nandito na si Alice."

Rrrrriiiiiing!!

Rrriiiiiiiinnnnggg!!

Naputol ang usapan namin ni Basha nang mag ring ang phone ko.

"Hello? may I speak with Miss Lorraine Alcavar?"

"Speaking, who's this?"

"Hi Miss Alcavar I'm Inez from Allied Care Hospital, do you know miss Janice  Montecarlo?"

"Yes, she's my sister-in-law, bakit? Is something wrong? Anong nangyari?"

I looked at Basha, she knew something's not good dahil napatayo ako habang nakakunot ang noo.

"Ma'am I'm sorry to bear the bad news but miss Dorroteo is in critical condition, she's one of the victims ng sumabog po na plane and she needs her family. We kept calling her wife miss Tanya Alcavar but she's unreachable."

"O-Okay okay sige pupunta ako!"

Napaupo ako sa upuan nang ibaba ko ang phone ko.

"Bash.."

"Ma'am ano pong nangyari??"

"Si Janice naaksidente yung plane na sinasakyan nila."

Dali dali akong tumayo at tinungo ang ataul ng kambal ko.

"Kambal, help me pray for Janice, sana maging okay sya, aalis muna ako pupuntahan ko sya."

Nag mamadali akong sumakay sa kotse at sinet sa GPS ang  ospital kung saan dinala si Janice.

Sobra akong kinakabahan at nag aalala sakanya. Losing my kakambal is way too much for me. I can't take it anymore kung isa pang taong sobrang importante sa akin ang mawawala sa akin.

Kumuha muna ako ng mga damit sa bahay at saka dumaan sa burol at dumiretso dito.

Naging successful ang operasyon ni Janice. Nagkaroon kasi ng internal hemorrhage sa utak nya kaya naging kritikal ang kundisyon nya.

Anim na oras ang iginugol ng mga doktor sa loob ng operating room dahil hirap na hirap silang i save sya. Salamat nalang dahil ngayon ay stable na ang vital signs nya pero sabi ng mga doktor ay titingnan parin namin ang sitwasyon nya.

Ilang araw na syang hindi pa gumigising, sabi ng mga doktor ay in coma pa sya dahil sa trauma sa utak nya dahil sa internal bleeding, kaya naman wala akong pahinga dahil nag sasalit salit ako, sa ospital, sa burol, sa ospital ulit tapos burol ulit. Nahihiya ako kay Basha dahil halos wala syang pahinga, kaya pinapunta ko na ang mga maid  mula sa mansion nila mama at papa, tatlo pa kasi ang maid doon, sila ang nag mamaintain ng bahay namin doon kahit na hindi na ako doon nakatira, o si Tanya.

"Doc, kamusta na po ang lagay ni Janice?"

"Sa ngayon miss Alcavar, ganun parin ang vital signs nya, stable pero wala paring response sa brain activity nya, pero keep on talking to her, she can hear you. And please, kapag nagising sya bigla, call us immediately."

"Okay doc, salamat po"

Malungkot kong pinihit ang pinto ng kwarto ni Janice at iniisip na sana ay magising na ang mahal ko.

"Mahal?"

Napatingala ako at tumigil ang mundo ko nang umalingawngaw sa utak ko ang mga katagang iyon.

"Janice? Janice? Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo?"

"Mahal, I had a dream, a very bad  dream I thought you're dead! I can't! Mahal I can't live without you!"

She  tried to hug me, animo batang nag susumbong na may umaway sakanya.

Pero dahil mahina pa ang katawan nya ay maluwang na yakap lang ang naibigay nya.

"Mahal, please don't leave me like that. Ayoko. Ayokong mawala ka sakin. Hindi ko kakayanin!"

Patuloy sya sa pag iyak and I don't know what to do. I don't know how to tell her na totoo ang nangyari at hindi iyon isang panaginip lang.

"Doc, bakit ganun? Anong nangyari? Bakit ang akala nya ay buhay pa ang asawa nya? Ang kakambal ko?"

"Miss Alcavar, she's suffering from Selective Amnesia. She can't remember that part of her memory where she lost her spouse and it manifested in her dreams at akala nya panaginip lang ito. "

"Is there any chance na bumalik yung ala ala nya doc?"

"Miss Alcavar, mas makabubuti sa kundisyon nya na hindi ma stress, hindi pa kakayanin ng system nya ang mag luksa. She may suffer from a nervous breakdown and remember she just recovered from a critical condition. It's up to you now, Miss Alcavar if you'll let her believe that you're her wife, or not."

Napatango nalang ako.

Napaupo ako sa upuan at natulala sa sahig.

Paano?

Paano ako mag papanggap at tatanggapin na ako ang inaakala nyang asawa nya?

Huminga ako ng malalim at saka nag desisyon.

Marahan kong pinihit ang pinto ng kwarto at pilit na ngumiti.

"Hi mahal"

Bati nya sa akin na may malaking ngiti sa labi.

"Ah--eh..J-Janice.."

Kakamot kamot ako ng ulo habang palapit sakanya.

Huminga ako ng malalim bago ulit nag salita.

"Kamusta pakiramdam mo...mahal?"

"Okay lang ako mahal. Medyo masakit ang tahi ko at ang ulo ko pero kaya ko naman 'to. As long as you're here"

Inabot nya ang palad kong nakapatong sa braso nya at marahang pinisil ito.

"With me, beside me. I'm so sorry for being away for so many months. I missed you so so much Tanya."

Napa iwas ako ng tingin sakanya nang sambitin nya ang pangalan ng kakambal ko. I felt guilty in my system.

Kaya ko bang pangatawanan 'to? Damn it!

"Are you okay? You seem quiet."

Pilit nyang hinahabol ng tingin ang mga mata ko.

"Y-yes. More than okay now that you're here"

Nakangiti kong sabi sabay harap sa kanya.

"I missed you so much, my wife. Can I get a kiss and a hug?"

I slowly wrapped my arms around her then kissed her in her forehead.

"Hmmm"

Nagulat ako nang idiin nya ang ulo ko at inabot ng labi nya ang labi ko. Hindi man ako ready pero nakasabay parin sa galaw ng labi nya. Ang sarap sarap. Ang tamis. Ibang iba kumpara sa mga labing nahalikan ko. Ngayon ko lang nahalikan ang labi nya, Omg! First Kiss namin!

Marahan kong mas dinama ang halik nya. Napapaungol sya sa halik ko at marahan nyang hinihimas ang batok ko.

"Hmmm"

I moaned nang maramdaman ko ito.

"Wait"

Naputol ang pag halik ko nang mag salita sya.

"What?"

Maang na tanong ko.

"Hindi ka nakikiliti?"

Tanong nya.

"Huh? Saan?"

"Sa batok? Ang lakas kaya ng kiliti mo dyan! I always tickle you while we are kissing diba then you'll end up getting mad kasi kinikiliti kita HAHAHA"

Natawa ako sa sinabi nya.

"Haha uhm, I dunno. Maybe because I'm so,"

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at bumulong.

"Horny"

Nag katinginan kaming dalawa at marahan nyang hinampas ang braso ko.

"Love!"

Saway nya sa akin.

"Hahahahaha it's your fault! You made me!"

Pang aasar ko sa kanya.

"I love you so much, mahal kong Tanya."

Kumirot ang puso ko sa narinig ko.

Kahit pala anong gawin ko, ang salitang mahal kita mula sa kanya ay hinding hindi madudugtungan ng pangalan kong walong letra.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status