“Ayoko na, Nate! Tama na! Masyado na akong nasasaktan. Sapat na sa akin 'yong mga nakita ko kasama mo ang Hailey na 'yon. Oo, alam kong wala akong laban sa kanya dahil wala akong ganda na maipagmamayabang. Mahirap lang din kami at wala akong luhong maipapakita sa kanila kumpara sa babaeng 'yon. Alam ko naman na ginamit mo lang ako simula pa lang n’ong una.”
“Alam ko rin na pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo. At ang totoo ay hindi mo naman talaga ako minahal! Minahal mo lang ako sa paraan ng panloloko!” Bulyaw ni Steffany kay Dave at bigla itong umiyak.
Lumapit si Dave sa kanya at akmang hahawakan ang kamay nito nang bigla rin itong umatras.
"Sa tingin mo ba ay gano’n talaga ang pakay ko sa ‘yo, Ianne? Na ginamit lang kita at hindi talaga kita minahal nang totoo? Saka Ianne, ni hindi mo nga ako hinayaang magpaliwanag. Ni hindi mo rin alam kung ano 'yong nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ako sa ’yo. Kapag hinahabol kita. At sa tuwing kinakausap kita ay binabalewala mo lang ako na parang hindi mo nakikita! Ni hindi mo nga ako pinakinggan.”
"Napaka-unfair mo rin, Ianne! Hindi ko intensyon na saktan ka dahil unang-una ay hindi ko 'yon ginawa. Ako mismo 'yong gumawa ng bitag pero ako rin 'yong biktima. Mahal kita, Ianne. Mahal na mahal. At kahit makipaghalikan pa ako sa ibang babae, ang labi mo pa rin ang gusto ko. Kahit sinong babae pa ang gusto akong makasama, ikaw pa rin ang mas gusto ko," seryosong sabi niya kay Steffany.
Ni isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita’t gumawa ng ingay dahil lahat kami ay dalang-dala sa sagutan nilang dalawa. Hindi ko mawari kung umiiyak na rin ba si Dave ngayon o hindi. Nakalagay kasi sa script na iiyak siya sa harapan ni Ianne—which is si Steffany.
"Simula pa lang no’ng una kitang makilala, alam ko na mahal na kita. Naging matalik tayong magkaibigan at palihim kitang minahal. Natatakot akong malaman mo noon na mahal kita kasi ayokong masira ang pagkakaibigan nating dalawa, kaya mas pinili kong idaan na lang sa biro ang lahat. Hanggang sa ipinakilala mo ako sa mga magulang mo at ganoon din ako sa mga magulang ko. Niligawan kita nang personalan dahil gusto ko ng totohanin itong nararamdaman ko para sa ‘yo."
"Ilang beses mo na ring pinagdudahan ‘yong pagmamahal ko sa ‘yo. Kaya palagi kong sinasabi sa ‘yo na magtiwala ka lang sa akin, kasi kahit kailan ay hindi kita kayang lokohin. At hindi peke ‘tong pagmamahal na nararamdama ko sa ‘yo, Ianne. Kung anuman ang nakikita at nararamdaman mo ay totoo ang lahat ng 'yon. Iniyakan kita nang sobra at natatakot akong mawala ka sa buhay ko. At nang minsang sinabi mo sa akin na gusto mo ng maghiwalay tayong dalawa ay hindi ako pumayag. Ayoko dahil sobra kitang mahal. Alam mo ‘yon, Ianne. Kasi alam ko, at naniniwala akong mahal mo rin ako. Kaya hindi ko magagawa ‘yong mga ibinibintang mo sa akin na niloloko lang kita.” Lahat kami ay nagulat nang marinig namin ang sinabi ni Dave, dahil wala ‘yon sa eksena. Kaya napailing ‘yong direktor namin at ipinatigil ang kanilang pagsasagutan.
"Teka nga, ano bang pinagsasabi mo Dave?! Jusko, wala sa script 'yon! Ano ba naman ‘yan. Saka okay na sana ‘yon e! Nandoon na ‘yong mga emosyon na hinahanap ko.”
Muli itong umiling at huminga nang malalim. Alam kong ako ‘yong pinapataaman ni Dave kanina. Talagang sinadya niyang sabihin ‘yon. Kaya agad na bumigat ang pakiramdam ko’t aaminin kong kinakain na ako ng konsensya ko ngayon.
Huminga nang malalim si Dave at napayuko saka marahang umiling. Bigla siyang napatingin sa akin, at nang makita niyang nakatingin din ako sa kanya ay umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa akin.
“O, bakit? Anong proble—”
Nagulat ako nang bigla niyang binaon ang noo niya sa dibdib ko habang nakapamulsa siya. Napatingin lang ko sa kanya at narinig ko ang mabigat niyang paghinga.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin at ang laki ng mga ngiti nila sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim at muli siyang tinanong.
“Bakit? Ano bang problema, Dave?” sabi ko sa kanya at agad siyang umiling.
“Na-miss lang kita.”
“Kristoper!”Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kumakain kasi ako at nakaupo sa isang monoblock chair habang isine-celebrate namin ang aming farewell party sa isang beach resort kasama ang mga kaklase’t guro ko.Nang mapagtanto ko kung sino ‘yong tumawag sa akin ay agad na napakunot ang noo ko’t gumuhit sa mukha ko ang pagtataka.“O, Dave? Bakit, may problema ba?” tanong ko sa kanya nang malaman kong siya lang pala ang tumawag sa akin.Si Dave ay ‘yong bestfriend ko. Sa katunayan nga, sa iisang middle class subdivision lang kami nakatira. Mabait siyang kaibigan sa akin, at minsan din naman ay makulit. Ngunit hindi niya alam ang tunay kong kasarian, ‘yan iyong pagkakaalam ko.Pero noong minsang may nam-bully sa akin ay agad niya akong pinuntahan at nagsuntukan pa sila mismo sa harap ko. At nauwi sa isang malaking gulo. Malas nga lang kasi na-guida
Handa na kaming lahat para umuwi, at isa-isa na kaming pumasok sa loob ng bus. Gusto ni Dave na magkatabi kaming dalawang nakaupo kaya pumayag ako. Pumuwesto ako malapit sa bintana habang suot ang aking earphones at nakikinig ng mga kanta sa aking cellphone.Nakadungaw sa bintana at tulalang pinagmamasdan ang iba kong mga kaklase na papasok pa lang sa loob ng bus. Naramdaman kong may sumusundot sa braso ko kaya agad akong napalingon kay Dave at nagulat ako dahil nakatingin pala siya sa akin, na nakangisi. Nagulat ako sa kanya at agad na inalis ang suot kong earphones sa aking tenga saka kunot-noo siyang tiningnan.“O, bakit?” untag ko at nakita ko siyang napailing habang nakangisi pa rin.“Wala naman, kanina pa kasi kita tinatawag. E, hindi ka naman nakikinig,” sabi niya sa ‘kin kaya mas lalong napakunot ang noo ko. “Pansinin mo naman kasi ako…”Nakanguso pa niyang sabi kaya natawa ako sa kakulitan niya at
Tatlong araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa ala-ala ko ang gabi kung saan ninakawan ako ng halik ni Dave sa labi ko. At sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring ‘yon ay bigla na lang akong naiilang lalo na kapag kasama ko siya.E, sino ba naman kasi ang hindi maiilang sa ganoong sitwasyon?Isang araw, habang nanunuod kami ni Dave ng movie sa sala sa bahay, ay medyo malayo ‘yong distansya sa pagitan naming dalawa habang nakaupo sa sofa. Masyado siyang naka-focus sa panunuod, na hindi niya napansing ilang minuto ko na akong nakatitig sa kanya at malalim na napapaisip.Minsan, makikita ko siyang nakangiti dahil sa pinanuod namin. Maya’t-maya pa ay bigla na lang siyang tatawa. Kaya tahimik ko siyang ino-obserbahan at nagulat nang bigla siyang magsalita habang nakatuon pa rin ang mukha niya sa flatscreen tv sa harap niya.“Matutunaw ako niyan sa kakatitig mo, Top,” pabirong sabi niya sa akin kaya bahagyang nanlaki a
Hinawakan ko ang noo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kadahilanang inaapoy na siya ng lagnat.“Shit! Nilalagnat ka, Dave.”Hindi ko napigilan ang sarili ko na magmura at sinapo rin ang leeg niya para masiguro kung talaga bang nilalagnat siya at hindi nga ako nagkakamali. Agad akong napatayo at aalis na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong niya sa akin at marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.“Kukuha lang ako gamot.”Paglabas ko ng kuwarto ay agad kong pinuntahan si Nay Ester para tanungin kung may gamot pa ba kami para sa lagnat, at sinabi niyang naubusan na kami ng stock. Tinanong pa niya ako kung bakit ko raw kailangan ng gamot at sinabi kong nilalagnat si Dave.Kaya sinabi niyang ipagluluto niya ito ng sopas at nagpasalamat ako kasi katulad ko ay anak na rin ang turing niya kay Dave. At kahit umuulan nang malakas ay nagpasama ako kay
Tulog lang ako buong biyahe papunta sa bahay ng tita ko. Magkatabi kaming dalawa ni Dave. Nagising lang ako sa kalagitnaan ng biyahe namin na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat niya saka ang mokong ay pa-simple pang umakbay sa akin. Napatingin ako sa harapan namin para tingnan kung ano ang ginagawa nila mama, papa at kuya at nakita kong natutulog din si kuya sa harap namin. Si mama naman ay nakatingin lang sa labas habang si papa ay focus lang sa pagmamaneho. Muli kong tiningnan si Dave at pinagmasdan ang maamo niyang mukha, and at that moment ay napangiti ako.Na-realize ko lang kasi na ang suwerte ko pala sa kanya. At saka ang dami na ng ginawa ni Dave sa akin at ni isa man lang sa ginawa niya ay hindi ko pa nasusuklian. Pero balang araw ay masusuklian ko rin lahat ng mga kabutihang nagawa niya sa akin at sa buhay ko.Ala sais na kaming nakarating sa bahay ng kapatid ni mama, na si Tita Veronica. Pagbaba namin ng van ay agad na bumungad sa amin ang malawak na p
Halos hindi na ako kausapin ni Dave matapos 'yong nangyari sa amin kanina sa kuwarto. Halatang iniiwasan niya ako kaya wala rin akong magagawa kasi ginusto ko rin 'yon. Pati nga sa pagkain namin ng agahan ay tahimik lang siya at walang kibo. Kaya pasimple lang akong napapatingin sa kanya at aamin ko na nasasaktan din ako. Hay, bakit ang hirap. Ang gusto ko lang naman ay sumaya pero bakit ganito ang igaganti sa akin ng tadhana? Nang matapos siyang kumain ay agad siyang nagpaalam na lalabas muna ng bahay para magpahangin. Walang nakapansin sa kanila sa pag-iwas niya sa akin maliban na lang kay kuya na alam kong napapansin niya ang pagiging ilag sa akin ni Dave ngayon. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa nang makaalis siya pero ako na 'yong unang umiwas ng tingin sa kanya kasi alam ko kung ano ang sasabihin niya sa akin mamaya. Sinundan ko siya sa labas pagkatapos ko rin kumain at nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng punong mangga, at nakatingin sa mga
Paggising ko ng araw ding ‘yon ay wala na sa tabi ko si Dave. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto, nagbabaka-sakali na baka makita ko siya pero kahit anino niya ay wala. Kaya bumangon na lang ako at lumabas ng kuwarto ko saka tumungo sa kusina para kumain. Naalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal. Napatingin ako sa orasan at mag-a-alas onse na pala ng umaga.Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko si Nay Ester na nililinis 'yong kitchen sink at hinihugasan ‘yong mga ginamit na kawali.Naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa akin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik at kumuha ng plato saka kutsara't tinidor sa lagayan at umupo sa harap ng mesa."Nay, nakita niyo po ba si Dave? Wala na kasi siya sa kuwarto ko nang magising ako," tanong ko kay Manang Ester at binuksan 'yong nakatakip na food cover sa gitna ng mesa.May nakahain na roon na kanin saka ulam kagaya ng itlog, bacon saka hotdog. Agad akon
Halos libutin ko na ‘yong buong subdivison para lang makita siya. Kanina pa ako palakad-takbo at pinupuntuhan 'yong mga posibleng lugar na maaari niyang puntahan pero bigo akong makita siya roon. Pumunta na rin ako sa bahay nila ngunit walang tao roon kaya agad din akong umalis. Pansin ko rin na parang hindi maganda 'yong panahon ngayon kaya hindi magtatagal ay bubuhos din ang malakas na ulan. Iniisip ko rin kung saan siya puwedeng magtungo at isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan at iyon ang playground. Kaya agad akong tumakbo papunta roon kahit na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko na inisip na mababasa ako kasi ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Dave. Pagdating ko roon ay agad ko siyang nakitang nakaupo sa swing at bahagyang nakayuko. Nilapitan ko siya at nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niyang inangat ang kanyang tingin sa akin, pero agad din niya itong iniwas. Bumuntong-hininga ako at tinitigan siya saka nagsalita. "I'm sorry,