Share

When the Skies are Gray
When the Skies are Gray
Author: Captain Maria

Chapter 1

“Flight Attendants, prepare for landing, please,” I announced.

I stared at the firm runway where we are going to land. Inayos ko ang aking salamin at naghandang mabuti. Mahigit isang linggo rin akong hindi nakauwi. Our overseas flight required us to stay there dahil na rin sa sunod-sunod na flights.

I missed home already. Miss na miss ko na rin si Damien.

Noong ibinaba ng kasama kong piloto ang landing gear ay ngumiti na ako dahil sa pagka sabik.

I gave my full attention to give this flight a smooth landing.

Bahagyang sumulyap sa ‘kin si Lionel, but I didn't look back.

He should concentrate. Alam niyang hindi ko palalampasin ang pagkakaroon ng magandang landing.

But I know that he's also good at this.

When we touched down, I smiled a bit as we continued and reduced our speed.

Nang makatigil kami ay saka ko naramdaman ang galak sa naging lipad. It was tiring. Nakakangalay at minsan ay nakakairita pero kahit ganoon ay maayos naman naming tinahak ang himpapawid.

It was a long trip. Gusto ko na lang mahiga at magpahinga ngayong gabi. Well, I still need to catch up with my boyfriend, of course. I missed him so much.

“That was a nice flight, Sandra,”

Lionel said and smiled at me.

Nginitian ko rin siya habang papalabas na kami. Hindi ko itatangging maganda talaga ang flight namin ngayon. Although, this isn’t my first time to have a good landing, masarap pa rin sa pakiramdam.

“Yeah, it was,” I said.

“It was nice working with you,”

he sweetly said.

Napatawa naman ako at kinuha na rin ang luggage bag. He's very obvious! Kahit ilang beses ko na yatang sinabi sa kaniya na hindi ko siya pinapayagang manligaw ay tuloy pa rin siya.

“C'mon, Lionel Marcus, don't be like that. Hindi naman ito ang unang flight na tayo ang magkasama,” sambit ko at bahagyang tumawa.

He just smiled at me. Lionel was my batchmate at the Cadet Pilot Program, at noon pa man ay idineklara na niya kung ano ang motibo niya sa pagkakaibigan namin.

Sadly, we're just not on the same page.

“What's your flight tomorrow?” he asked.

Umiling naman ako at saka ngumiti.

“Tomorrow and the day after are my days off. Vincent said that he'll offer me something on the following days,” I said.

“I see, paniguradong isusuggest ka na naman noon sa mga kakilala niyang businessman,” aniya.

Tumawa naman ako at tumango.

Vincent, the CEO of the airline, was my classmate in Business Ad. Sometimes, there are fellow businessmen who ask him for Pilots. Minsan ay ako ang ipinapahiram niya, at sila ang nagbabayad sakin.

Maybe, he'll offer me another one, eh?

“May gagawin ka ba mamaya?” Lionel asked.

Umiling naman ako at bumaling sa kaniya. Pinagtaasan ko siya ng kilay, parang tinatanong kung bakit niya iyon gustong malaman.

“Coffee? Or let's have dinner?”

Bahagya akong napatawa sa tanong ni Lionel sa akin.

“Sorry, I can't. Alam mo naman si Damien,” I told him honestly. Seloso ang fiance ko at siguradong kapag nalaman noon na kasama ko si Lionel na lumabas ay tiyak na mag-aaway lang kami.

Even though there’s nothing between me and Lionel, mas mabuti na rin siguro na iwasan ko siya kaysa naman mag-away kami ng fiance ko.

Dahil siguro sa sagot ko kanina kaya nakangiwi ngayon si Lionel habang nakatingin sa akin. I smiled at his reaction, but I won’t take back my answer.

“You're still together?” he asked. He was pissed as if it was a sin that we're still together.

Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. I showed him my left hand. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang nakalagay doon. He held my hand and looked closely at it.

“Y-You're—”

“Engaged,”

I continued what he's saying.

Napaawang ang bibig niya at tumingin siya sa akin. I can see the pain in his eyes while he's looking at me. He's my friend, and I don't want to hurt him, but I don't want him to hold on to what he's feeling for me.

Nagpakawala siya ng buntonghininga bago umiwas ng tingin at saka marahang ibinaba ang  aking kamay.

 “Sorry,”

he said.

“It's alright. I didn't want you to hope for me,”

I said.

"Well, it was my fault. Moving on isn't easy, Sandra,"

he said.

I just smiled at him. Napalingon ako sa gilid at nakita ang isang Aircraft Mechanic na nakatingin sa amin.

“Hi, CK!”

I waved at her. Bahagya naman siyang nagulat at saka nahihiyang kumaway din at ngumiti.

She's the cutest person I know. I can't believe that she's an aircraft mechanic. Akala ko noong una ay flight attendant siya.

Nagbalik ako ng tingin kay Lionel na nasa akin pa rin ang paningin.

“Let's go. Susunduin ka ba?”

he asked.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. It's our last flight tonight, and we're ready to go home.

“No, I have my car,” I said.

Tumango naman siya. I didn't expect that he'll be this kind after I told him that I was engaged with Damien. Matagal na akong gusto ni Lionel, but I love my boyfriend.

Matapos ang mga kailangan naming gawin ay umalis na rin kami kaagad.

“Nasaan ang sasakyan mo?” tanong niya.

“Narito.”

Nagpunta kami sa parking lot at itinuro ko ang aking sasakyan.

I went to my Hyundai Sonata. Akala ko ay aalis na rin siya pero sumunod pa rin siya sa akin patungo roon.

Binuksan ko ang pinto ng aking sasakyan bago ko siya hinarap.

“Bye,”

pamamaalam ko. Tumango siya at nang makapasok ako ay sinara niya pa ang pintuan ko para sa akin.

Nginitian ko pa siya bago ako nag seatbelt at saka ko pinaandar ang aking sasakyan paalis roon. It is awkward!

Habang nagmamaneho ako ay naisipan kong tawagan si Damien. I dialled his number and connected it with the AirPods.

Nakangiti ako habang hinihintay ang sagot niya. It rang a few times before he answered it.

“Love!” he greeted as he answered the phone.

I was so excited and relieved that he answered. Gosh, I missed him so much!

“Love! Kamusta? Nagising ba kita? Nag dinner ka na? Pauwi na ako. Punta ako sa condo mo?” I asked excitedly. I want to cook dinner for us!

“Ah...uhm...ano kasi...wala ako sa condo ko eh,” he said.

Napaawang ang bibig ko. I felt slightly disappointed. Tiningnan ko ang orasan at alas diez na ng gabi.

“Talaga? Nasaan ka? Hindi ka makakauwi?”

I asked, still hoping.

“H- Hindi eh, may usapan kasi kami ng mga workmates ko. Kasama namin si Boss kaya baka medyo mag-inuman rin. Sorry Love, ah? Babawi ako,” aniya.

Bumuntonghininga ako at saka napangiti na lang.

“Okay, sige. I love you,” asik ko.

“Bye, I love you too.”

Ibinaba niya kaagad ang tawag. Engineers are damn busy.

Sabagay, hindi naman trabaho iyon. At least, he's doing well with his friends.

Naisip ko na dumiretso na lang sa aming bahay at doon na lang kumain. I parked my car inside the garage. Pagkababa ko ay nahuli ko pa si Aubree na nagkukumahog papasok ng bahay.

“Hoy, san ka pupunta?” tanong ko sa kaniya.

Napatigil naman siya sa pagtakbo at saka tumungo. Nakasuot siya ng jacket na itim at may croptop sa loob, naka pantalon, at may hawak na purse.

“Lasing ka ano?” tanong ko ulit sa kaniya.

“H-Hindi po, Ate! Hindi po,” aniya.

“Eh saan ka galing?”

“S-Sa bar po.” Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya.

“Eh ‘di lasing ka nga?” halos pasigaw kong tanong.

“Hindi po, Ate! Galing po kasi ako kina Farah, tapos inihatid ko lang po siya sa bar kasi naroon ang boyfriend niya,”

aniya.

Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. Pumikit-pikit siya at kabado pa ring tumingin sakin.

“Promise, Ate! Amuyin mo pa ako,”

aniya.

Tumango ako at lumapit sa kaniya.

“Ilang taon ka nga ulit pwedeng mag-inom?”

tanong ko.

“T-Twenty one  po,” aniya.

“Ilang taon ka na?” tanong ko.

“Eighteen.”

“Oh? Mukha kang fourteen,” pagbibiro ko na ikinanguso niya.

“Grabe ka, Ate!” aniya.

Tumawa naman ako at umakbay sa kaniya.

“Tara, kumain na ba kayo?” tanong ko.

“Hindi pa po. Hindi ko alam kung kumain na sina Mama,” aniya.

Nang makapasok ako sa bahay ay sumalubong agad si Mama at si Kuya Angelo.

“Oh? Akala ko bukas ka pa uuwi?”

tanong ni Kuya Angelo sa akin.

“Akala ko rin eh,” malungkot na sabi ko.

“Makikitulog ka ba sana sa condo ng gago mong boyfriend?”

inis niyang tanong. Kung takot sa akin si Aubree ay takot naman ako kay Kuya Angelo.

“Angelo, huwag kang ganiyan. Ikakasal na si Damien at ang kapatid mo,” Mama said.

Ngumiwi lang si Kuya sa akin bago nagpatuloy sa pag drawing.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

“Hindi pa. Maliligo muna ako at magbibihis bago kumain,” sabi ko.

“Mabuti pa nga. Sige na mag-iinit na akong tubig para makaligo ka na.”

“Sige po. Salamat, Mama.” Ngumiti ako at hinila na ang gamit ko papunta sa aking kwarto.

Kasunod ko si Aubree hanggang makarating sa kwarto.

“Ate,”

pagtawag niya

I smiled as I looked at her.

“Oh? Bakit?”

Kumurap siya at napakamot sa batok.

“Ano kasi...”

Hinintay ko ang sasabihin niya, ayaw ko kasi na kapag nagsasalita ay ganoon. Kinakabahan ako.

“N-Nagkausap ba kayo ni Kuya Damien? Bakit hindi ka nakapunta sa condo niya?”

tanong niya habang nakangiti.

Ngumuso naman ako bago inalala ang sinabi ni Damien.

“Kasama daw ang mga katrabaho niya eh,”

sambit ko.

Tumango naman siya at nagkamot ulit sa batok, parang hindi mapakali.

“Bakit mo natanong?”

"Eh kasi ate..."

“Pinapakaba mo ako, Aubree.” Pinilit kong magtunog natatawa.

“N-Nakita ko si Kuya Damien kanina...”

Nawala ang ngiti ko sa labi habang pinakikinggan siya. Kaagad namasa ang gilid ng aking mata at humapdi ito.

“Saan?” I asked.

“S-Sa bar. Akala ko nga hindi siya pero nagkamali ako,”

aniya.

Tumango-tango naman ako.

“Nakita ka niya?” tanong ko habang pinipigilan ang mga luha.

“H-Hindi. Umalis sila kaagad noong kasama niyang... babae,” aniya.

Tumulo ang luha sa aking mata. I remembered how he sounded a while ago. Ang pagsagot niya sa tawag ko ay parang kakaiba.

“Ate, nambababae ba si Kuya Damien?”

inis niyang tanong sa akin.

I immediately put my index finger on my lips, telling her to stay quiet. Nginitian ko siya pagkatapos.

“‘Wag mong sasabihin kay Mama at kay Kuya ang nakita mo ha?”

halos nagmamakaawa kong pakiusap sa kaniya.

“Ano? Pero, Ate...”

“Please, sa atin lang ito. Pati kay Damien ay ‘wag mong sasabihin,”

I said and smiled at her. Kumunot ang kaniyang noo, hindi naiintindihan kung bakit ko ginagawa ito.

“Bakit? Hindi pwedeng ganito, Ate. Huwag kang pumayag na niloloko ka lang niya,” aniya. “Ate, nambababae si Kuya Damien!”

Bumuntonghininga ako at pinahid ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. I smiled at my sister who's annoyed already.

“Aayusin ko ito, ako ang bahala,”

I said as if I can stop my fiance from cheating on me.

Captain Maria

Disclaimer: This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

| 3
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Ang sakin nman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status