Share

Chapter 2

Damien was my boyfriend for six years, but I realized that it doesn't depend on how long your relationship was. If the other half cheated once, that person would surely do it again. How ridiculous.

“Jeanne, sino ‘yon?” nakangiting tanong ko habang itinuturo ang lalaking nakikipagtawanan at tumutugtog ng gitara.

He was smiling from afar while talking to his friends, and he looks so friendly.

“Alin?” tanong ni Jeanne.

“Iyong tumutugtog ng gitara?”

“Ah, si Damien. Hindi naman marunong 'yan, hawak lang ‘yong gitara. Gusto lang magpa-pogi,” aniya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan iyong Damien na nakikipag kulitan. Totoong hindi nga siya marunong maggitara at puro strum lang.

I giggled when I realized that he looks cute and friendly. 

“Anong buong pangalan?”

“Hindi ko alam. Hindi naman ako ang nagpangalan diyan. Sandali, bakit ba?!” inis niyang tanong dahil kanina ko pa siyang ginugulo.

“Ang gwapo niya. Bakit ngayon ko lang siya nakita?” nakangiting tanong ko.

“Babae, araw-araw kang late. May sarili kang schedule, ‘teh! Taliwas pa ang schedule nila satin,”  aniya.

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at patuloy na pinanood si Damien sa pakikipag-usap doon sa mga kasama niya.

“Bakit mo ba tinititigan? Malandi yan, ‘wag mong papatulan,”

pagbabanta ni Jeanne sa akin.

“Hindi naman siguro. Huwag kang ganiya.” I pouted. Napaka judgemental naman nito.

“Ay, hindi pala siya malandi. Babaero nga pala yung right term.”

Tumigil na siya sa paggawa ng output at bumaling sakin.

“People change.”

Totoo naman ah? Everybody deserves a second chance!

“Well, cheaters don't. Sa ganda mong iyan ay hindi ka papalampasin niyan,” aniya.

Napatigil ako sa pagtitig kay Damien. He suddenly looked at our way. Hindi ako sigurado kung ako ang tinitingnan niya. But if he's looking at me, I might have a heart attack!

Nabigla ako lalo na nang unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Then, he winked at me. Napaiwas ako kaagad ng tingin at inatake ng kaba.

“Tara na, Jeanne,” sambit ko at mabilis na nilikom ang gamit ko mula sa lamesa.

“Huh? Bakit?”

“Basta, tara na,” nagmamadaling sabi ko. Nahulog pa ang iba kong gamit sa sahig kaya siguradong nakakahiya iyon!

Damn it!

I picked it up from the floor and quickly walked away.

Gosh, I probably look like a loser nerd who got noticed by her bad boy crush! It was damn embarassing.

I hugged my pillow and remembered my sacrifices for our relationship. Subalit kahit anong pag-alala ko, hindi ko pa rin pinagsisisihan ang bawat nangyari.

Why would you regret meeting someone you love even if he broke your heart? Kahit saang anggulo tingnan, minahal mo pa rin siya.

“Sorry,  River, hindi talaga eh,” pambabasted ko sa lalaking may hawak ng bulaklak para sa akin.

His lips parted and he tried to look away. Hinawakan niya ang labi niya bago muling tumingin sa akin. I saw a hint of pain in his eyes na hindi ko inaasahan.

“Ano? Pero Sandra, ilang linggo pa lang akong nanliligaw,” sambit niya. The pain on his eyes is very evident. His eyes are sparkling because of the pool of tears. I let him court me, but I realized that it was a huge mistake.

Hindi ako makapaniwalang isang tulad niya ay manliligaw sa akin. He's handsome, at sa totoo lang ay kilalang kilala siya at maraming nagkakadarapa para sa kaniya.

It's just that....

“I don't want you to hope for me. I like someone else, River, and I think it's just not fair if I'll let you court me.”

“A-Akala ko ba... tayo..."

“I'm sorry, forget it. I like someone else,” I said.

His lips twitched and his eyes closed tightly. After that, he looked at me before he slowly nodded.

“Alright, I understand.”

I sighed when I realized that I didn't want to reminisce about that.

I parked my car and put on my shades back before I went inside the cafe where Jeanne and I agreed to meet.

Pagpasok ko ay nakita ko na kaagad siya na kumakaway.

“So, what's up? Saan ang lipad mo kahapon? Balita ko ay co-pilot mo si Lionel? Masarap ba?”

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya.

“Masarap alin?” naguguluhang tanong ko.

“The co-pilot?”

“Shut up.”

“Joke lang! Ayaw mo talaga kay Lionel? Sayang naman, akin na lang,” aniya.

Napairap na lang ako at napatingin sa labas.

“Bakit ba naka shades ka pa?”

tanong niya.

I removed the magnetic shades and faced her with only my glasses.

“Oh my God! Why are your eyes like that? Have you been crying or did you do drugs?” she asked.

I rolled my eyes and took a sip from my drink. This girl is crazy!

“Why would I do drugs?”

I asked. Nang harapin ko siya ay nakahalukipkip na at masama ang tingin sa akin na para bang alam na niya ang nangyari.

“Nambabae na naman, ano?”

taas kilay na tanong niya.

Napapikit ako ng mariin. Ito na naman yung mga luhang tumigil kanina.

They are slowly falling again.

“Paano mo nahuli?” tanong niya.

“Nakita ni Aubree sa bar kagabi.”

“Sandra, sabi naman kasi namin sayo hiwalayan mo na, eh!”

inis na sabi niya. She took tissues and used them to wipe my tears.

“I can't just break up with him, Jeanne.  We've been together for too long. Ikakasal na din kami."

“Ikaw sabihin mo nga sa akin,” aniya. “Mahal na mahal mo ba talaga si Damien?”

Natigilan ako at nagtaka sa tanong niya.

“What? Of course, Jeanne. Magmula noon alam mo iyan—”

“Baka naman kasi nanghihinayang ka na lang sa pinagsamahan niyo.”

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. It may have hitted me, but I know to myself that it's not like that.

“Mahal ko siya, Jeanne. I love him right from the very beginning.”

“Kagaya ng pagmamahal mo noon kay—”

“Shut up,” pigil ko sa kaniya. “Don’t mention his name.”

“But Damien doesn't love you as much as you do, Sandra! Hindi mo ba iyon nakikita?” Tumungo ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo pa rin mula saking mata.

“He loves me, Jeanne. I know he does.”

Umawang ang labi niya at saka siya bumuntong hininga. “Anong gagawin mo ngayon? Iiyak na lang?”

I sighed. Inisip kong mabuti kung ano ang dapat kong gawin. And somehow, I need to face the consequences after my decision.

“I- I'll make this right. Aayusin ko,”

naiiyak na sabi ko.

“Ano ba naman, Sandra. Hindi porke't sanay ka nang masaktan ay magtatanga-tangahan ka na rin.”

“Trust me, Jeanne, it's gonna be okay,” I told her.

Matapos ang pakikipag-usap kay Jeanne ay napagpasyahan ko na kung saan ako sunod na pupunta.

I went to my car and bid goodbye to her. Mabuti na lang pala at wala siyang trabaho ngayon.

I drove my car and went to Damien’s condo unit. May kalayuan iyon mula sa café. Hindi na ako nag-abalang tawagan pa si Damien.

Later on, I heard my phone ringing.

'Love' it is what's flashed on the screen. Wala namang iba kung hindi si Damien.

“Hello, Love?” I answered his call.

“Hey, how are you? I missed you already. Hindi ka ba pupunta rito?” tanong niya.

I breathed heavily before smiling as if he could see me.

“Papunta ako riyan. Wala ka bang trabaho?”

“Wala, ininvite lang kami ni Mr. Del Fuego para sa party mamaya sa isang club. Okay lang ba na sumama ako?”

tanong niya.

“Oo naman. Anong oras ba?”

“Eight o'clock. Kaya pumunta ka na dito, Love.”

“Malapit na ako. I'll just go there, ibababa ko na,”

sabi ko bago pinutol ang tawag. I parked my car at the parking lot of the condominium and used the lift to go to the 6th floor.

“Love! I missed you so much!”

Damien exclaimed when he saw me.

Ngumiti ako at yumakap sa kaniya. He hugged me tighter before holding my chin up to give me a soft and long kiss.

“How's your flight?”

he asked after kissing me.

I smiled at him and hugged him more.

“It was good.”

Kumalas ako sa yakap at naupo sa kama habang pinag-iisipan kung sasabihin ba o hindi ang nakita ni Aubree.

“Sinong Co-pilot mo kahapon?” tanong niya.

He pulled me to bed and cuddled me.

“Si Lionel,”

walang ganang sagot ko.

Lumayo siya at nakangiwing tumingin sakin.

“May gusto pa rin ba sa iyo ang gagong iyon?”

galit na tanong niya sa akin.

Bumuntonghininga ako at walang ganang tumingin sa kaniya. Nawawalan na ako ng gana sa kalokohang ito.

Umupo ako sa kama at ganoon din siya. Nakatitig siya sakin habang ako naman ay nakatingin sa kawalan.

“Mayroon pa rin daw,” sagot ko. Sinabi ko ang totoo dahil ayaw kong matulad sa kaniya. Ayaw kong magsinungaling.

Hindi na ako nabigla nang umuga ang kama dahil sa pagsipa niya roon.

“Gago ba siya? Bakit ba ayaw kang tigilan ng hayop na ‘yon? At bakit magkasama kayo sa flight?”

galit niyang tanong.

I did my best not to roll my eyes or glare at him for being this ridiculous. Parang ako pa ang nagloloko sa aming dalawa, ah?

“Damien, hindi ako pwedeng tumanggi sa flight,” I tried to explain.

“Then choose your co-pilot or something. Ayaw kong nakakasama mo si Lionel,”

aniya.

“I can't do that, Damien! Hindi pwede ang ganoon sa trabaho.” I am slowly losing my cool because of his stupid reasons and demands

“Then change your Airlines! Mag-apply ka sa iba.”

My lips parted and I stared at him. Ngayon, ito at siya ang galit kahit siya naman talaga ang nambababae.

“Damien, two years pa lang ako sa Airlines ko. It should be ten years! Ano ba? Hayaan mo na si Lionel—”

“Fuck it, Sandra! Tapos ano? Palagi kayong magkasama? Most of your flights are international at tuwing kailan ka lang umuuwi. Malay ko kung anong nangyayari sa inyo?”

Parang kumulo ang aking dugo dahil sa akusasyon niya sa akin. Napailing ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

I stood up to face him. I wanted to go home because I missed him so much, tapos ang maririnig ko ay ang panloloko niya sa akin.

Now, he's turning the blame on me. This is bullshit!

“What the hell, Damien? Wala ka bang tiwala sa akin?”

I confronted him.

Natigilan siya at lumambot bigla ang kaniyang ekspresyon. Para bang nagulat dahil sinagot ko siya. He reached out for my hand and held it.

“I went home to see you because I miss you and all I get is your accusations?!”

“I-I'm sorry, Love. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. I was just... jealous,” mahinang sambit niya kahit bakas pa rin ang galit at iritasyon.

“What are you jealous of? You're the only one I love!” sumbat ko sa kaniya hindi lang para maliwanagan siya na walang namamagitan sa amin ni Lionel, kundi para na rin maisip niya na kahit alam kong hindi lang ako ang babae niya ay siya lang ang mahal ko.

Mahal na mahal ko pa rin siya. Stupid isn't it?

“I know, pero layuan mo si Lionel, please. We're getting married!” aniya.

“Yes, Damien, we're getting married, but do you really love me?” Kompronta ko sa kaniya.

Binawi ko ang kamay ko at sinalubong ang gulat niyang ekspresyon. Napalitan iyon ng pagtataka bago siya lumapit pa ng bahagya.

“What kind of question is that? Of course, I do!”

“Really, Damien? So, ilan kaming mahal mo?” galit na

tanong ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya at lumapit siya sa akin. Umatras ako pero hinuli niya ang parehong siko ko.

“What are you talking about?”

“My sister saw you with a girl yesterday! Ano, mahal mo rin iyon?!”

“No, Sandra! Ikaw lang! Did you fucking get it? Ikaw lang ang mahal ko!”

galit na sabi niya.

His veins were very evident. He then pulled me to kiss me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status