Share

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
Author: Misa_Crayola

Blurb

Naging kabayaran si Anastacia ng ama sa isang babaeng negosyante para maging tagasilbi nito. Pero ang inaakalang tagasilbi ng tahanan ay wala palang katotohanan. Sa isang black market pala siya nito dadalhin at ibebenta sa mas malaking halaga.

Maraming mga matang nanlilisik at pula ang sumisiyasat sa kanya sa kinalalagyang malaking hawla. Nanginginig siya sa sobrang takot. Sa  edad na siyam ay nakakikita si Anastacia ngayon ng mga bampira na hindi niya inakalang mga totoong nilalang.

Sa pamamagitan ng hindi nalalamang kurensiya ang naging bentahan kay Anastacia.

Hindi magawang umiyak o kumilos man lamang ni Anastacia dahil sa takot na nararamdaman dahil pakiramdam niya papatayin siya, sino man sa mga ito ang makakuha sa kanya. Mas tumriple ang takot niya nang sabihing nabili na siya ng isang mag-asawang bampira.

Dinala siya ng mga ito sa lugar ng mga bampira, at nasisiguro ni Anastacia na nasa ibang daigdig na siya. Doon nakilala niya ang kaedarang si ‘King’ na anak ng mga bampirang nagdala sa kanya sa lugar. Ito raw ang pagsisilbihan niya hanggang kamatayan ayon sa mag-asawa.

Malaking problema ng ibang batang bampira si King at magagalitin din ito at mapanakit pero kapag bumabaling ito sa kanya ay ngumingiti ito na parang isang anghel. Hanggang paglaki nila ay ganoon si King sa kanya at umaasa siya sa lihim na pangako nito na aalis sila sa lugar na ‘yon at pakakasalan siya nito kapag dalawampu’t isa na ito at may kalayaan nang magdesisyon malayo sa mga magulang.

Labing-siyam na taong gulang sila nang biglang mawala si King, lumipas ang tatlong araw bago dumating ang balitang pinatay si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Ang organisasyon ay kinilala sa pangalang ‘Ashes and Blood’ ito ang mga berdugong pumapatay sa mga kapwa nito bampira.

Pinalaya siya ng magulang ni King at binigyan ng pera para sa pagsisimulang mag-isa. Iyon daw ang kahilingan ni King, ang magkaroon siya ng kalayaan kung mawawala ito ng mas maaga. Pero imbis na maging masaya, pighati at pagdaramdam lamang ang pumuno sa puso ni Anastacia. Hanggang malaman niya ang organisasyon ng mga Vampire Hunter na ‘Carolus Rex’ doon napuno siya ng kagustuhang patayin ang nasabing mga bampirang pumatay kay King. Malinaw na ang gusto niya lang ay maghiganti.

Nagkaroon na rin naman si Anastacia ng bagong mamahalin, pero ipinangako niyang bago lumagay sa tahimik ay makilala niya ang pumatay kay King at mapaslang ‘to ng mga kamay niya.

Pero ang gumimbal sa kanya ay kabilang na si King ng ‘Ashes and Blood’ at hindi ito tunay na namatay. Ang lalaking minamahal niya nang husto ay buhay at kalaban nila ngayon dahil ang layunin nito sampu ng mga kasamahan ay pananakop sa daigdig ng mga tao.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status