PROLOGUE
Pinanghinaan ng tuhod si Anastacia, maging ang kamay niyang may hawak na baton na isang Vampire weapon ay muntikan na niyang mabitiwan dahil sa lalaking papalapit nang papalapit sa kanya.
Napalunok siya nang ilang ulit. Maaaring isa lamang ‘tong imahinasyon. Patay na ito, anim na taon na ang nakalilipas.
“Annie! Lumayo ka sa kanya!”
Pilit bumabangon ang sugatan at duguang si Vince na isang Vampire Hunter at karelasyon ni Anastacia sa loob ng isang taon. Nangangamba ito dahil mukhang natakot si Annie sa lalaking papalapit dito.
Sumugod sila sa abandonadong gusali na ‘yon dahil may nakapagsabi na iyon ay isa sa lugar na pinaglalagian ng ibang miyembro ng ‘Ashes and Blood’ ang mga berdugong bampira na walang pinipiling patayin. Malaking banta rin ang mga ito sa sangkatauhan dahil ang plano ng mga ito ay sakupin na ang daigdig at pamunuan ng mga bampira. Pero ang higit apatnapung kasama nila ay wala ng malay o ang mas malala pa ay baka binawian na ng buhay dahil sa tindi ng labanan na naganap.
Hindi makita ni Anastacia ang mukha ng lalaki na dahil ang luha niya ay hindi matigil kaya nanlalabo na ‘to sa kanyang paningin. Kahit pa mas naging matapang ang hitsura nito nasisiguro niya na ito ang lalaking hinding-hindi niya makalilimutan habang nabubuhay siya.
Lumapit ang mukha nito sa kanya kaya nabigla si Anastacia at dahil sanay siyang lumaban ay naiwasiwas niya ang baton at naihampas dito na ikinagulat niya rin. Wala siyang planong saktan ito. Pero laking pagkabigla niya rin na nahawakan nito ang kanyang Vampire Weapon at wala lang dito ang bolta-boltaheng kuryenteng inilalabas niyon sa palad nitong nakahawak doon.
“Master, nasa labas na lahat ng kasama natin. May limang malubhang nasugatan at nauna na sa lugar para maagapan.”
Iyon ang nagpabitiw sa lalaki sa kanyang baton dahilan para talikuran siya nito.
“Tatapusin ko na ba sila?” tanong ng isang bampira nang makita pa silang dalawang buhay.
“Hindi na kailangan, maganda rin na may magbabalita sa mga Vampire Hunter sa sinapit ng mga kasama nila.”
Nakagat ni Anastacia ang ibabang labi, hindi na ‘yon pagkakamali, si King, si King ang bampirang ‘yon at ang boses nito ay hindi niya makalilimutan.
“King!”
Natigilan sa paglalakad ang lalaki at ang kasama nito.
“King, ikaw si King, hindi ba?” malakas ang sigaw ni Anastacia para masigurong narinig nito.
Nilingon siya ni King at nginitian kaya nabigla si Anastacia.
“Magkakilala ba tayo?”
Babalikan siya ni King pero humarang na sa harapan niya si Vince.
“Annie, ano bang nangyayari sa ‘yo?” pagalit na tanong ni Vince.
“Pero—”
Imbis na humakbang palapit si King muli ay ngumiti na lamang ito at nag-iwan ng mga salitang, “Magkikita pa naman uli tayo.” Saka naglaho kasama ang kasama nito.
“Young Master!”
Nanghihina ang mga tuhod ni Anastacia hanggang tuluyan siyang gumiba sa kinatatayuan at bumagsak ng tuluyan. Nagsimulang mag-init ang kanyang mga mata. Nakikita niyang nag-aalala si Vince sa kanya pero hindi niya halos naririnig ang sinasabi nito. Ang laman ng isipan niya ay ang lalaking nakita kani-kanina lamang--ito ang lalaking minahal niya nang husto. Ito ang dahilan bakit siya nakabalik sa lugar ng mga tao, matapos niyang maging alipin sa loob ng halos sampung taon. Ito ang nangakong magkasama nilang tutunguhin ang lugar ng mga tao sa ikadalawampu't isang taong gulang nila at pakakasalan siya nito.
Anim na taon, anim na taon siyang naniwalang patay na ito.
At anim na taon niyang dinala sa damdamin ang galit sa mga bampirang miyembro ng 'Ashes and Blood' pero nakita mismo ng mga mata niya si King, isa ito sa miyembro no'n.
Chapter 1Nanginginig ang mga palad ni Anastacia habang pinagmamasdan ang mga nakamaskara at pormal ang kasuotan na tumitingin sa kanya mula sa kinalalagyang hawla. Nayakap niya ang sarili dahil sa takot sa mga nanlilisik na pulang mga mata nito. Nayakap niya ang sarili dahil sa panlalamig nang buong katawan.Siyam na taong gulang pa lamang siya at hindi naiintindihan kung bakit nasa harapan siya ng mga hitsurang tao pero tila kung tatanggalin ang mga maskara ng mga ito ay mga halimaw ang kanyang makikita dahil kakaiba ang mga ruby nitong mga mata.Hindi siya makaimik, makasigaw o makaiyak man lamang. Para bang umatras ang kanyang dila sa oras na ‘yon.Naging kabayaran siya ng ama sa utang ng pamilya nila. Ayon sa negosyanteng si Mada’am Florenza na pag-aaralin siya nito at parang inampon lamang siya nito dahil bibigyan siya ng magandang buhay. Dahil hikahos ang kanilang pamilya kaya para makabayad sa utang at magkaroon siya n
Chapter 2Namangha si Anastacia nang makita ang mabulaklak na hardin na nilalakaran ng lalaking buhat-buhat siya. Iba ito sa driver, at nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Nauuna sa kanila ang mag-asawang nakabili sa kanila. Inikot niya ang paningin at tanging ang malaki’t nakamamanghang mansion lang ang tahanan na naroon—hindi, mayroon pa siyang isang nakita na mukhang natatakpan lang ng malaking mansion.Mapuno rin ang lugar, para iyong isang paraiso.Nag-angat din siya ng mukha sa kalangitan at makulimlim iyon. Sa pagkakaalam niya gabi sila umalis sa gusali kung saan siya kinuha ng mag-asawa. Pero ngayon, mukhang papasikat na ang araw. Pero bakit parang buwan ang nakikita niya?“Gising na siya Master, Mada’am.” Bigay impormasyon ni Calixto sa mag-asawa.“Mabuti naman, nakauwi na rin ba si King?” tanong ng babaeng bampira.“Yes, mada’am, may bago ring liha
Chapter 3“Anastacia! Anastacia!”Tumataas na ang kilay ng Head ng mga servants na si Mada’am Rosel dahil sa hindi pagpansin sa kanya ng labing-walong taong gulang na si Anastacia na mukhang abalang-abala sa pagde-daydream at nakakakalumbaba pa nga sa mesa ng silid nito.“Anastacia!” mas malakas na tawag ni Lady Rosel.Napaigtad naman si Anastacia at gulat nang makita ang galit na galit na hitsura ni Lady Rosel.“Mada’am Rosel!” Kaagad tumayo si Anastacia at muntik ng makalimutang isara ang kanyang diary.“Nariyan na ang Master King.”Hindi mapigil ni Anastacia ang ngiti pero pilit na pilit siyang hindi iyon mahalata.“Sandali, sandali, sandali!” Hinila siya ni Mada’am Rosel sa Balikat. “Nasaan ang bakal mo sa leeg?”“Ay, pasensiya na Mada’am.”Ka
Huminga nang malalim si Anastacia. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama ni King, ang kanyang Young Master. Naliligo ito at naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Nahawakan niya ng pasimple ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nagdudulot ‘yon sa kanya ng kaba at katuwaan. Noon pa man, iyong excitement na nararamdaman niya tuwing magiging sila lamang sa silid ay mas naipakikita niya rito ang kanyang pagmamahal. Pero kaba rin dahil baka may makahuli sa kanila. Hindi na bago ang pumapasok siya sa silid ni King, para na siyang anino nito kung nasa bahay. Lahat ng gusto nito ay idudulot niya, iyon ang ganap niya sa mansion na ‘yon. Pero hindi alam ng mga nasa labas ng silid na kapag sila lamang dalawa ay tumitigil ang pagiging tagasilbi niya rito. Nabigla pa si Anastacia nang lumabas si King na nakaroba. Nakabagsak ang buhok nito at kahit sa anong sitwasyon at pagkakataon, walang lalaking nakahigit sa hitsura nito. Maaaring dahil gusto niya ‘to kaya sa paningin
Nakatayo lamang kahanay ng mga naninilbihan si Anastacia. Pilit ang ngiti kompara sa ibang mga kahanay. Masaya ang usapan sa hapagkainan at mukhang masyadong malapit sa isa’t isa talaga ang pamilya ni Nymfa at King.Sa kabisera ang nakaupo ay ang Master na si Ezekiel. Sa kahit na anong pamilya ang nauupo sa kabisera ay ang may-ari ng mansion at pinakamataas. Maaari lamang siyang mapalitan sa puwesto kung ang magiging bisita ay mula sa mga Pureblood Vampire.Sa kanang bahagi ay pamilya ni Nymfa, ang ama nito na si Master Damian at ang in ana si Mistress Lara. Sa kaliwa ay naroon naman si King at ang ina nito.Hindi nakikita ni Anastacia ang hitsura ni King dahil nasa likuran siya nito. Bilang maid servant nito, kailangan ay palagi siyang nasa likuran nito.“I’m sorry for the surprise visit, Mr. and Mrs. Vezarius,” boses iyon ni Mistress Lara.“No, it’s okay, no worries. You really surprised us
“Malakas na ang ulan, hindi pa bumabalik si Anastacia,” ani Kaya, ang isa sa kasamahan ni Anastacia sa silid. Tinitingnan niya sa babasaging bintana ang daanan sa mansion kung may naglalakad roon, baka sakaling si Anastacia na ‘yon pero hindi.“Ihahatid naman siya ng isa sa mga butler kung sakali. Magpahinga ka na at kababalik mo lang,” ani Estella sa kasama. “Ginawa mo ng anak si Anastacia.”“Nag-aalala talaga ‘ko dahil nasa edad na ‘to na siya. Lalaki rin ang Young Master,” ani Kaya nang makaupo sa gilid ng kama. Siya ang nasa gitnang bahagi ng tatlong kama. Si Anastacia ang malapit sa bintana, at sa pintuan naman si Estella na kaedaran niya.Nang dumating si Anastacia ay twenty na siya at ito naman ay siyam. Labing-isa ang tanda niya rito. Nasa dalawampu’t pito na siya ngayon at tama si Estella, imbis na kapatid ay tinitingnan niyang parang anak si Anastacia.“W
“Mistress, may sulat mula sa kastilyo.” Nag-angat ng tingin kaagad si Rossana sa narinig. Abala siya sa pagbabasa ng fashion magazine no’n sa balkonahe. “May dry sealed ng kastilyo at mukhang imbitasyon.” Kung ibang sulat ‘yon ay ipababasa niya na kay Calixto, pero dahil galing ‘yon sa kastilyo na pugad ng mga Pureblood Vampire ay siya na ang nagbasa ng nilalaman no’n. “What’s that?” tanong ni Ezekiel sa asawa nang makaupo na sa harapan nito. Kaagad naman na nagsalin ng tsaa sa tasa nito si Calixto. “Invitation, pero hindi para sa ‘tin. Para kay King,” nakangiting sabi ni Rossana. Tiningnan ni Rossana si Calixto, “Ipatawag mo si Elena, sabihin mo na gagawa siya ng kasuotan.” Kaagad namang tumungo at nagpaalam si Calixto. “Para kay King?” tanong ni Ezekiel. “Sa tingin ko ay imbitasyon ‘to sa mga Royal Blood, tumitingin na sila ng mga gusto nilang Royal Knight o ipapasok sa kanilang pamilya. Magandang oportunidad
Bumalik sa alaala ni Anastacia ang nakaraan nila ni King, isa sa unang araw niya sa tabi nito. Sa aklatan ay naroon sila at panay ang kain nito ng cookies kesa gumawa ng takdang-aralin nito. “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya. Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya. “Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.” “Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to. “I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito. “Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas. Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya. “Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na