Share

Chapter 8

Bumalik sa alaala ni Anastacia ang nakaraan nila ni King, isa sa unang araw niya sa tabi nito. Sa aklatan ay naroon sila at panay ang kain nito ng cookies kesa gumawa ng takdang-aralin nito.

“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.

Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.

“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”

“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.

“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.

“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.

Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.

“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos ‘wag ka ng umiyak kasi pumapangit ka pag gano’n—ah! Baka umiyak ka na naman!” napakamot ‘to sa batok.

“P-puwede ko ‘tong kainin?” tanong ni Anastacia.

“Oo naman, hindi naman ‘yan nakalalason.” Bumalik ‘to sa upuan at bumuntong-hininga. “Maupo ka riyan, tulungan mo ‘kong gumawa ng assignment ko.” Iniusog nito ang libro sa katapat. “Dali, maupo ka na.”

Kaagad naman naupo si Anastacia dahil baka sumigaw na naman ang kanyang Young Master.

“Sagutan mo ‘yan para matapos ako kaagad,” tumawa pa ‘to.

Kinakabahan si Anastacia dahil baka magalit ‘to kapag nalaman na hindi niya ‘yon kayang sagutan.

Panay uli ang kain nito habang nagsasagot. Minsan ay bigla ‘tong sumisigaw at kumakanta na ikinagugulat ni Anastacia.

“Bakit hindi mo pa ‘yan sinasagutan?” tanong ni King nang umiinom na ‘to ng juice.

Napaiyak si Anastacia nang bigla ‘tong magtanong. Muntik pang maibuga ni King ang iniinom sa pagkagulat pero mabuti at nalunok nito ‘yon.

“Bakit umiiyak ka na naman? Hindi naman kita inaaway, ah!”

“H-hindi ako marunong magbasa at m-magsulat…”

Natahimik si King.

“Hindi?”

Tumango si Anastacia.

“Bakit hindi?” tanong ni King.

“H-hindi naman ako nag-aral,” mahinang sagot ni Anastacia.

Tila naman nahulog sa malalim na pag-iisip si King.

“Gusto mo bang turuan kita?” tanong ni King.

Nagliwanag ang hitsura ni Anastacia.

“Tuturuan kita kasi para masagutan mo na mga assignment ko,” nangisi si King.

“Sasagutan ko ‘yan kapag marunong na ‘ko.” Namimilog at umaasa si Anastacia.

“Sabihin mo muna na iyong ‘Napakabuti mo, Young Master’,” malaki ang pagkakangiti ni King.

“Napakabuti mo, Young Master!”

Nabigla pa si King sa naging pagsigaw nito.

“Napakasuwerte mo na ako pa mismo ang magtuturo sa ‘yo.”

“Napakasuwerte ko ang Young Master pa ang magtuturo sa ‘kin!” malakas uling sabi ni Anastacia.

Napakamot sa batok si King. Mukhang wala na siyang kawala sa paningin niya.

Doon nagsimula ang pagtuturo nito sa kanya, iyon ang naging laro nila dahil nagkunwari ‘tong maestro at siya ang estudyante. Dahil napapadalas ang pagbabasa ng pantig ni Anastacia ay tinuruan na rin ‘to ni Kaya kaya mas bumilis ang pagkakatuto ni Anastacia.

Nang matapos sa pagbabalik-tanaw ay nangiti na lang si Anastacia. Kailangan niyang magtiwala kay King. Ngayon ay nasa sala ‘to kausap si Nymfa na malinaw na gustong maging malapit kay King. Nakikisama si King rito pero madalas ay pinagsusungitan nito si Nymfa.

Nakatayo lamang siya malapit sa mga ‘to.

“Hey!” Itinaas ni Nymfa ang palad.

Alam kaagad ni Anastacia na siya ang tinatawag nito kaya kaagad siyang lumapit.

“Yes, ma’am?” nakangiting tanong niya rito.

“Juice, naubos ko na kasi, same flavor.” Tukoy nito sa juice nito.

“Sandali lang, m—”

“Nymfa, hindi mo dapat utusan si Anastacia. Maraming servant dito at kahit ang magulang ko ay kailangan pa ng permiso ko bago siya kumilos.”

Naramdaman kaagad ni Anastacia ang galit sa boses ni King.

“P-pasensiya na, Ms. Nymfa, tatawag na lamang ako ng gagawa—”

“Ano bang big deal do’n, King? Pare-pareho lamang naman silang tagasilbi.”

Kapag may kausap na iba si King hindi niya ‘to pinipigilan dahil master niya ‘to. Sa pribado lamang niya ‘to nakakausap kung sakali.

“I don’t think you should come here for me, Nymfa. Kung hindi mo alam ang rule and respect, bumalik ka sa pag-aaral.” Tumayo si King, halata ang galit nito.

“What the hell? For that servant of yours na inutusan ko magagalit ka?”

“What happened?” tanong ng kadarating lang na si Mistress Rossana.

“King got mad at me because of this servant!”

Dinuro pa ni Nymfa si Anastacia.

“Kahit noon pa, parang ang boba nitong babaeng ‘to kaya dapat nga palitan niya na ‘to. Why not a personal male servant?”

Nakaramdaman naman ng kaba si Anastacia. Paano kung maisipan ng magulang ni King na palitan siya?

Nabigla kami ng ina ni King nang hawakan sa mukha ni King si Nymfa na nabigla rin.

“King, what the!” Halatang naalarma si Nymfa.

“King, let go!” mariing utos ng ina nito.

“I don’t like you. I’m just entertaining you because of my parents. Don’t ever come here again or I’ll kill you.”

“King!” nabigla ang ina nito.

“Young Master, bumitaw ka na, please?” ani Anastacia. “Hindi naman ako nasaktan do’n. Normal lang ‘yon—”

“Anastacia, hindi normal ang mga sinabi niya sa ‘yo!”

Nagulat si Anastacia sa pagsigaw ni King.

“At sino ba siya para pakialamanan kung sino ang nasa tabi ko dapat? Hindi ko nga ‘to kapamilya at hindi ko rin siya kaibigan. Hindi ko rin alam bakit paulit-ulit na pinagsisiksikan ng babaeng ‘to ang sarili niya kahit wala naman akong malinaw na interes sa kanya! Kahit ang magulang ko hindi ko alam kung ano ang nakita sa babaeng ‘to!”

Binitiwan nito si Nymfa na halata ang pagkatakot.

“Kapag bumalik ka pa at lumapit kay Anastacia, hindi kita iiwanan ng hindi kita nasasaktan.” Mariing pananakot ni King.

“Young Master—”

Hinila na ni King si Anastacia.

Ang ina ni King ay naalarma sa aksiyon ng anak. Para kay Anastacia. Iyon ba ‘yong damdaming maglalaho rin? Parang masyado silang naging carefree ng asawa. Kailangan nila ng seryosong aksiyon sa ginawa ni King.

Lalaki si King, sa batas ng mga bampira, pinakamahalaga ang lalaki dahil sila’y lipunang patriyarkal. Walang importansiya ang babae katulad sa nakasanayan ng mga tao. At kung sinaktan nito si Nymfa, wala lamang iyon, para lamang itong nanakit ng kapwa nito lalaki.

Kaagad dinaluhan ni Rossana si Nymfa na mukhang nakaramdam ng takot.

“Young Master!”

Nahintatakutan si Anastacia nang suntukin nito ang sariling pintuan. Kahit napakatigas ng pintuang ‘yon ay nagawa nito ‘yong wasakin. Galit na galit ‘to. Maging ang hawak nito sa kanya ay halos hindi na nito namalayang napakahigpit na. Nasasaktan na si Anastacia pero pinili niyang huwag magsalita.

“Anong karapatan niya para sabihin ‘yon?! Kung hindi ako nagpigil baka mapatay ko siya!”

Halata ang galit ni King, maging ang ibang servant ay napapatingin at biglang tumutungo.

“Kahit sino hindi ka puwedeng utusan ng gano’n lalo na ang pagsalitaan ng gano’n! Hindi ka sa kanila, sa ‘kin ka! Nakakagalit nang husto!” Tinadyakan nito ang pintuan na nasira ng tuluyan. Ang tila bakal na pintuan ay tila manipis na bagay lang sa lakas nito.

Ang isang palad ni Anastacia ay humaplos sa likuran nito.

“Huminahon ka, King, hindi ako nasaktan at alam ko na hindi mo ‘yon hahayaan.” Mahina lang ang mga sinabi ni Anastacia, pero sapat ‘yon para unti-unting kumalma si King.

Hanggang maging ang pagkakahawak nito sa kanya ay lumuwag. Pumasok sila sa silid nito. Dinala siya nito sa isang kuwarto sa silid nito kung saan naroon ang mga laruang collection nito. Mga uri ‘yon ng baril na kung tutuusin lahat ay tunay, pero laruan ang tinawag nito.

Nang maisara nito ang pintuan ay kaagad nitong hinalikan si Anastacia.

Ikinawit naman ni Anastacia ang palad sa batok nito.

Naitulak naman siya nito sa pintuan. Malalim ang halik, parang doon nakakalimutan nila ang kanina lamang ay nakasira ng kanilang katahimikan.

Sa lahat ng pagkakataon, alam ni Anastacia na nagpipigil ‘tong angkinin siya kahit payag naman siya at hindi tumututol kapag nararamdaman niyang sa iba na sila patungo.

Hindi rin ang oras na ‘yon ang araw na aangkinin siya nito.

Dahil nahiga lang sila sa inilatag nilang sapin sa lapag. Umunan si Anastacia sa braso nito at niyakap ito.

Darating din ang oras na magagawa nilang maging malaya pareho sa kanilang damdamin.

**

Nang gabi ring ‘yon habang nahihimbing si Anastacia sa piling ni King ay ang pagkasira naman ng pangarap ni Kaya. Sa gabing ‘yon, pinagsilbihan niya bilang masunuring alipin ang kagustuhan ng kanyang Master. Sa bawat pag-angkin nito sa kanya ay ang pagpapamukha sa kanya na isa lamang siyang alipin. Walang kakayahang tumutol o manlaban. Buong gilas pa ring susundin ang mga nais nito. Iyon na ang araw na nalubog siya sa putik at habang tumatagal, mahihirapan na siyang umahon sa putik na ‘yon dahil magiging ganap na siyang pag-aari at alipin ni Ezekiel Bezarius.

Masakit ang pakikipagsiping sa bampira.

Halos mawalan ng ulirat si Kaya sa bawat pag-iisa ng kanilang katawan.

Iba ang bampira sa tao, ang ibang tao kung mahina ang katawan nito ay maaaring mamatay sa ganoong aktibidad.

Iba ang init ng mga ito pagdating sa pakikipagtalik. Parang mga gutom na hayop sa kagubatan. Nawawala ang katinuan habang hindi lumilipas ang init ng katawan.

Maging ang pagkagat nito sa kanyang balikat, hita, hanggang leeg ay isang bangungot para kay Kaya.

Napakasakit. Parang gusto niyang mamatay na lamang kesa paulit-ulit na pagdaanan ang ganoon kasakit na karanasan.

Hindi pala isang biro o kasabihan lamang ang mga nalaman niya sa ibang mga alipin. Mayroon daw namatay na mga alipin sa pakikipagtalik lamang noon. Nagiging paborito raw ng kanilang Master ang isang alipin kung hindi ‘to mamamatay sa pakikipagtalik. Ibig sabihin, hindi lang isang beses niya ‘yong pagdaraanan.

Sana ay mamatay na siya sa oras din na ‘yon para hindi na maulit pa ang gabing tila paulit-ulit siya nitong dinala sa kamatayan at sinagip para lamang muling patayin.

Misa_Crayola

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng sensuwal na usapin.

| 1
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Allan Cambay Española
ano ka ngayon nymfa natikman mo rin ang Lupita ni king huwag mong hahamakin SI Anastasia
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status