Kabanata 2

"Teka, parang kilala ko tong taong to," ang sabi ni Angelo sa kanyang isip. Agad naman nitong sinuri ang kabuuan ng lalaking bigla nalang pumasok sa kwarto.

Habang inaalala ni Angelo kung saang lupalop ng Pilipinas nito nakita ang lalaki ay bigla itong nagsalita.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki na hinahabol pa din ang hininga.

Bigla namang napangiwi si Angelo sa tanong ng lalaki, "pre, kita mo na ngang nasa hospital bed ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Malamang sa malamang hindi ako ok, yung totoo shonga ba ang mga tao dito?"

"Yeah," tipid na sagot ni Angelo, ayaw niya kasing makipagtalo sa lalaki, masasayang lang ang laway niya.

"Good to hear that." Ang sabi naman ng lalaki habang pumunta sa malapit na upuan sakanya at saka umupo.

Tinignan naman ni Angelo ng masama ang lalaki ramdam niya kasing di sila magkakasundo nito. Para kasing magkaiba ang kanilang mga energy forces.

Tahimik lang silang dalawa ni isa sakanila walang planong magsalita at lubos naman itong pinasasalamatan ni Angelo baka kasi humatong lang sa gulo ang lahat kung magsasalita ang taong kasama niya ngayon dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga brain waves.

Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang hindi na matiis ni Ian ang nakakabinging katahimikan. Halos tatlumpong minuto na din kasing katahimikan ang bumalot sa kanila kaya napilitan na si Angelo na basagin ang katamikan.

"Ano palang pangalan mo tol?" may angas na tanong ni Ian sa lalaki.

Pero ang hindi alam ni Angelo ay sa paningin at pandinig ng lalaki ay para itong isang babaeng nagpapacute.

Nangunot ang noo ng lalaki, alam niyang nagpapacute ang babaeng kaharap niya pero ang hindi niya mawari ay kung bakit may salitang "tol" sa hulihan.

"Aimie ayos ka lang ba?" takang tanong ng lalaki, hindi nito lubos maisip kung bakit kakailanganin pang hingin ni Aimie ang kanyang pangalan kung magkakilala naman sila.

Napaismid naman si Angelo sa kanyang narinig, kailan pa naging Aimie ang pangalan niya? Ngunit bago pa niya ito matanong sa lalaki ay rumihistro sa utak nito na ang tinutukoy niyang Aimie ay ang katawang pinasukan niya.

"Lintek naman oh sa dinami-dami ng tao sa mundo na pede kong pasukan, sa katawan pa talaga ng isang babae. Anong gagawin ko?"

"A...ayos lang ata ako?" Hindi nito alam kung ano ba ang dapat isagot sa lalaki, "naku naman Angelo mag-isip ka ng magandang idadahilan...ah alam ko na."

"Pasensya na hindi kasi kita matandaan. Ikaw ba yung nakabunggo saakin?" pagpapatuloy ni Angelo.

Pinagpapawisan si Angelo nang malamig, nanalangin siya na sana bumenta ang pagpapalusot na ginawa niya. Habang hinihintay niya ang sagot ng lalaki ay bigla namang dumating ang doctor.

"Mr. Castro, nandito na pala kayo." Ang sabi ng doctor habang inaabot nito ang kamay ng lalaki.

Napaawang ng kunti ang bibig ni Angelo sa sinabi ng doctor,

"Kita na nga niyang nasa harapan niya ang tao tatanungin pa niya..." ngunit bago pa niya matapos ang kanyang iniisip ay bigla nalang nanlaki ang kanyang mga mata.

"Teka, Mr. Castro...Castro ang apelyido niya...Hindi kaya..." Agad niyang iniwaksi kung ano mang ideya ang pumasok sa isip niya. "I...impossible naman mangyari yun b...baka kapatid  siya ng asawa ni Aimie?...Tama kapatid siya."

Bigla nalang napatawa si Angelo na para bang nasisiraan na ng bait. Bigla namang napatingin ang lalaki at ang doctor kay Ian.

"As I was saying Mr. Castro, Si Mrs. Castro po ay nakakaranas ng post-traumatic amnesia dahil sa pagkakatama ng kanyang ulo sa cemento nang mabangga ito ng sasakyan." Ang sabi ng doctor habang patuloy pa din ang pagtitig sa babae, sa tingin kasi nito ay mukhang nawalan ito ng iilang turnilyo sa ulo.

Napabuntong hininga nalang si Mr. Castro sa kanyang narinig ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit hindi siya maalala ng asawa.

"Babalik pa po ba doc ang alaala niya?" tanong ni Mr. Castro.

"Hindi ko alam, maaaring temporary o permanente ang amnesia ni Mrs. Castro." Ang sagot ng doktor habang binabasa ang examination results ni Angelo.

"Mas mabuti kung huwag mo siyang istress at bago ko makalimutan ay kakailanganin pala niyang dumaan sa iilang test upang malaman kung mayroon pang ibang sakit na nararamdaman ang iyong asawa." Pagpapatuloy nito.

"Makakaasa po kayong hindi ko siya isstress at marami pong salamat dok." Ang tugon ni Mr. Castro sa doktor.

"Oh siya sige ako'y aalis na dahil mukhang kailangan niyo ng quality time para sa isa't-isa." Ang sabi ng doctor sabay kindat at mabilis na umalis sa kwarto.

Napatawa naman ng mahina si Mr. Castro sa inasal ng doktor.

"Mark Akkin Castro." Ang sabi ni Mr. Castro habang nakatitig sa babaeng nasa hospital bed.

Bigla namang natauhan si Ian sa kanyang narinig.

"Huh?" Tanging nasabi ni Ian.

"Mark Akkin Castro..." pag-uulit na sabi ni Mr. Castro. "pangalan ko."

"Ah..." bigla nalang napatigil si Ian sa kanyang sasabihin at bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata. Nagtaka naman si Mark sa inasal ng babaeng kaharap nito, mukha kasi itong nakakita ng multo.

"Ikaw!" gulat na sabi ni Ian.

"Bakit ba minamalas ako ngayon; una naaksidente ako, pangalawa naging babae ako..ay hindi pala, nasa katawan ako ng isang babae, pangatlo nalaman kong ang katawang pinasukan ko ay may asawa na. At ang malala makikita ko ang karibal ko sa lahat ng bagay. Yung totoo may mas malala pa ba dito?" 

Nagulat naman si Mark sa inasal ni Aimie. "May problem ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Ikaw ang problema ko." mabilis na tungon ni Ian.

"Huh?" Takang tanong ni Mark.

"Lintek naman oh ikaw ang problema ko, ikaw na karibal ko sa lahat ng bagay. Lahat na lang kinuha mo saakin pati girlfriend ko dati inagaw mo. Lagi nalang akong pumapangalawa sayo, kung hindi dahil sayo hindi kami magbbreak. Bakit ba kasi napakaperfecto mo?" Mahabang litanya ni Ian sa kanyang utak.

"Wala yon pasensya na." Tiim bagang sabi ni Ian, kahit gustong-gusto niya nang basagin ang pagmumukha ng karibal niya pero kailangan niyang magtimpi muna, sapagkat may mga katanungan pa siyang dapat masagot. At alam niyang si Mark lang ang makakasagot nito.

"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Mark.

"Wala naman. Nga pala kapatid ka ba ng asawa ko?" Ang tanong ni Ian habang palihim siya nanalangin na sana hindi si Mark ang asawa niya.

Napatawa naman si Mark sa tanong ni Aimie sa kanya. Napaisip ito na nawala talaga ang lahat nang alaala ng babae.

"Una sa lahat bata pa ang kapatid kung lalaki para mag-asawa at ang nakatatanda kung kapatid ay babae." Seryosong sabi ni Mark

Hindi mapigilan ni Ian ang pagtaas ng kanyang kilay sa sinabi ni Mark.

"Kung gayon ano ba kita?" nagtitimping tanong ni Ian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status