Kabanata 3

"Asawa mo."

Halos lumuwa ang mga mata at mabingi ang mga tenga ni Angelo sa kanyang narining. Sa lahat kasi ng pedeng isagot sa kanyang tanong ang kinatatakutan niya talagang mga kataga ang binitawan ni Mark.

"A...asawa, nagbibiro lang tong lalaking to diba? Paano kami magiging mag-asawa kung pareho kaming lalaki?"

"Hahaha joke ba to?" Natatawang tanong ni Angelo kay Mark. "Tol, di pa ko nasisiraan ng bait, kahit gwapo ka di ako pumapatol sa kapwa kong lalaki."

Napangunot naman ang noo ni Mark sa kanyang mga narinig. Naisip niyang baka malala ang natamong pinsala ni Aimie sa kanyang utak dahil sa aksidente.

"Paano mo naman nasisiguradong lalaki ka?" mahinahong tanong ni Mark kay Angelo, dahil kung totoong malala ang pinsala ni Aimie ay kakailanganin niya itong subaybayang mabuti.

Napangiwi naman si Angelo sa kanyang narinig, "Ha, tinanong mo talaga kung sigurado akong lalaki ako. Pre, wala ka bang mga mata? Sa kagwapohan ko palang sumisigaw ng lalaki ako. At higit sa lahat kita mo tong mga muscles ko. Isang suntok ko lang nakahandusay ka na sa sahig."

Tuturuan sana ni Angelo nang leksyon si Mark ngunit bago pa niya maibuka ang kanyang bibig ay dumapo ang kanyang paningin sa dalawang bundok sa kanyang dibdib. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, nakalimutan niyang nasa katawan siya ng isang babae.

"Lintek naman oh, nabuhay nga ako ulit ngunit naging babae naman ako. Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot." mangiyak-ngiyak na sabi ni Angelo sa kanyang isip.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Mark. Nakita niya kasing paiba-iba ng expresyon ng mukha si Aimie. Nung una kasi para itong baliw dahil sa katatawa, sunod para naman itong nakakita ng multo dahil sa bigla nalang itong namutla at panghuli para itong batang ninakawan ng candy dahil sa pagbusanggot ng mukha nito.

"Wala." May paghikbing tugon ni Angelo.

"May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Mark.

"Tinatanong mo pa talaga kung may masakit saakin, ikaw kaya ang mapunta sa katawan ng isang babae, tignan natin kung hindi ka mamomoblema."

Napailing nalang si Angelo sa kanyang naisip. Ngunit sa pag-iling na iyon ni Angelo ay inakala ni Mark na pagod na ito at gusto nang magpahinga.

"Magpahinga ka muna." Maypag-alalang sabi ni Mark kay Angelo.

Walang nagawa si Angelo kundi sundin si Mark sa kanyang sinabing magpahinga muna dahil sa totoo lang ay napagod ang kanyang kaluluwa sa mga natuklasan.

Agad nakatulog si Angelo at dahil dito ay napangiti si Mark, napansin niya kasi na ang laki ng pinagbago ni Aimie. Sa ilang oras lang na magkasama sila mas naging expressive at naging madaldal ito kumpara noong una silang nagkakilala.

Kung papipiliin si Mark ay parang nagugustuhan niya ang bagong Aimie na may amnesia kumpara sa dating Aimie na halos hindi  kumikibo. Ngunit ang nararamdaman niyang ito ay ibabaon muna natin sa pinakailalimang parte ng kanyang puso dahil ito ay uusbong sa tamang panahon.

Napailing nalang si Mark sa kanyang naiisip. Kumuha siya ng mansanas na nasa mesa at sinimulan itong balatan upang pagkagising ni Aimie ay meron itong makain.

Makalipas ang ilang mga araw ay unti-unti nang bumuti ang pakiramdam ni Angelo at dahil na din sa pagbuti ng kanyang kalagayan ay sinabihan siya ng doktor na maaari na siyang makalabas ng hospital. Lubos ang kanyang kagalakan ng marinig iyon dahil sa totoo lang aburido na siyang makalabas ng hospital, bukod kasi sa bagot na bagot na siya ay hindi pa niya gusto ang mga pagkaing inihahain para sa kanya. Gusto na talaga niyang makakain ng mga masasarap na pagkain hindi yung mga pagkaing walang lasa. Ngunit ang mga rason na binanggit ay mga mabababaw lamang na dahilan kung bakit nais na niyang makalabas. Ang totoo kasi, gusto niya lamang iwasan ang isang taong kinaiinisan niya sa buong buhay niya, kung pede nga sa imburnal siya magtago gagawin niya talaga makaiwas lamang sa homosapien na iyon.

Hindi na makapaghintay si Angelo na dumating ang bukas, bakas sa kanyang mukha ang kagalakan, dahil sa wakas makakauwi na din siya sa kanyang tinitirhan at higit sa lahat hindi na niya makikita ang taong kinaiinisan.

Masayang nag-iisip si Angelo ng kanyang mga gagawin kapag nakauwi na siya sa kanyang inuupahang tirahan ng maalala ang isang mabigat at nakapanlulumong katotohanan.

"Bakit!" biglang sigaw niya sa loob ng tahimik na kwarto.

"Paano ako makakauwi kung ganito ang itsura ko," umiiyak na sabi niya kasabay nito ang pagtulo ng sipon sa kanyang ilong, "sigurado akong palalayasin ako ng kasera, dahil hindi niya naman ako kilala."

Bigla nalang tumayo si Angelo sa kanyang kinahihigaan at naglakad na parang baliw sa kanyang kwarto, masuwerte na lang at nasa pribadong silid siya at hindi sa isang pampublikong silid dahil pagnagkataon sa mental ang hantong niya at hindi sa kanyang tirahan.

"Bakit ba kasi ako naging babae, paano ko malulusutan ang masunggit na kasera na iyon"? paulit-ulit na tanong niya sa kanyang utak habang pabalik-balik ang lakad sa loob ng kanyang kwarto.

"Sabihin ko kayang ako ang asawa ni Angelo?" biglang naisip ni Angelo, tsaka tumawa ng matagumpay, ngunit hindi din ito nagtagal at napalitan naman ng lungkot ang kanyang mukha, "impossibleng maniwala saakin ang kasera na iyon, alam niyang wala akong dinedate ngayon, tapos may biglaang asawa. Hindi pwede ang ideyang magpanggap akong asawa ko ang sarili ko."

"Paano kaya kung sabihin kung tatay ko si Angelo?" muli ay nakangiti na naman siya sa kanyang naisip, ang talino niya talaga, ngunit tulad din ng nauna ay bigla na naman itong napasimanggot, "hindi din pede ang ideyang ito, baka sa mental pa ako ipadala ng kasera, sino ba naman ang magkakaroon ng anak sa edad na siete?"

Mas lalong bumilis ang paglakad ni Angelo, para itong toro na nawalan ng ulirat, bigla nalang itong tumawa ng mahina ngunit hindi tumagal ay lumakas ang kaniyang tawa, kung titignan niyo ang sitwasyon ni Angelo ay malamang tatawag kayo agad ng isang psychiatrist, dagdagan mo pa ang magulo nitong buhok maniniwala talaga kayong takas sa mental ang kaharap niyo.

"Tama!" biglang sigaw ni Angelo pagkatapos niyang tumawa at guluhin ang kanyang buhok, "magpapanggap nalang akong lalaki, dahil kung tutuusin naman ako si Angelo ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo, lalaki ako sa loob at labas!"

"Ang galing mo talagang mag-isip Angelo, kailangan ko lang magdisguise, ang galing ko talaga ako na ang matalino."

"Hahaha..." tumawa siya ng matagumpay, ngunit agad siyang napatigil sa pagtawa.

Bigla nalang kasing bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at lumuwa dito ang kahuli-hulihang taong nais niyang makita sa buong buhay niya. Bigla nalang siyang namula dahil sa pagmumukha niya ngayon.

"Ayos ka lang Aimie?" nag-aalalang tanong ni Mark kay Angelo dahil sa parang baliw na pagmumukha ng huli.

"Ah...eh...o..ou ayos lang ako," ninerbyos na tugon ni Angelo kay Mark.

"O, lupa ako'y lamunin mo na, handang-handa na akong tumira sa imburnal." naiiyak na naisip ni Angelo

"Sigurado ka?" hindi kumbinsidong tanong ni Mark kay Angelo.

"Oo naman hehe nag-eehersisyo lang ako, alam mo na bukas na ang labas ko." parang baliw na sabi ni Angelo.

"Sana gumana ang palusot ko." Nagdadasal na sabi ni Angelo sa kanyang isipan.

"Ganun ba," maikling tugon ni Mark. Napangiti naman si Angelo dahil mukhang gumana naman ang kanyang palusot. "by the way nakapag-impake ka na ba?

"Oo naman, excited na akong makauwi." Masayang sabi ni Angelo kay Mark.

"Good, sa totoo lang mas madali kitang maaalagaan kung doon ka sa bahay natin mananatili at sabi din ng doktor mas dadali ang paggaling mo kung nandoon ka sa bahay." Ang sabi ni Mark.

Napanganga naman si Angelo sa kanyang narinig.

"Ano!" biglang sigaw ni Angelo, "sa inyo ako titira?"

"Bakit may problema ba?" nagtatakang tanong ni Mark.

"Oo, bakit naman ako titira sa bahay mo?" tanong ni Angelo kay Mark, hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang tumira sa iisang bobong ng homosapien na kinaiinisan niya sa buong buhay niya.

"Kinalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo noong ilang araw?" tanong ni Mark kay Angelo.

"Na ano?" pabalik na tanong ni Angelo.

"Na asawa kita." sagot ni Mark kay Angelo.

"Tapos?" takang tanong naman ni Angelo kay Mark.

"Tapos?" pabalik tanong naman ni Mark.

Hinayupak na to ako unang nagtanong, tapos ibabalik naman sa akin. Ano ngayon kung mag-asawa kami, hindi naman yun dahilan kung bakit kailangan namin magsama sa isang bobong.

"Teka, a...asawa?" Bigla nalang napanganga si Angelo sa kanyang nalaman.

"Mukhang na gets mo na ang ibig kung sabihin." Natatawang sabi ni Mark.

"I...ikaw at a...ako sa i...isang b...bobong?" nauutal na sabi ni Angelo kay Mark.

"Oo," nakangising sabi ni Mark habang nakatingin kay Angelo.

"Kill me now" ang sabi ni Angelo sa kanyang kaloob-looban.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status