Share

Kabanata 4

Sa wakas ay dumating na din ang araw na inaasam ni Angelo ngunit imbes na matuwa ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon kasi ang araw na magsasama sila ng pinakanaiinisan niyang homosapien sa iisang bahay.

"Kung tumakas nalang kaya ako," sa isip ni Angelo habang inaayos ang damit niya. Napangiti siya sa kanyang naisip at dali-dali siyang pumunta sa pinto at akma na sanang lalabas ng pintuan.

"Oh, Aimie saan ka pupunta?" ang tanong ni Mark na kadadating lang sa kwarto ni Angelo.

"Ah, eh wala magpapahangin lang," natatarantang sabi ni Angelo. "Nice timing pre, kung kailan ko naisipang tumakas saka ka din susulpot."

"Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Mark.

"Naku wag na, total nandito ka rin lang naman bakit hindi nalang tayo umuwi?" nakangiting mungkahi ni Angelo kay Mark ngunit sa kaloob-looban niya ay inis na inis na siya kay Mark. Hindi niya talaga kayang makasalamuha ang homosapien na ito papaano nalang kapag tumira na sila sa iisang bubong baka mapatay niya ito ng wala sa oras.

"Ikaw ang bahala," ang sabi ni Mark sakanya at tsaka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Sus, pangiti-ngiti ka pa hilahin ko yang bibig mo." Sa isip ni Angelo ngunit sa labas ay ngumingiti pa din siya kay Mark upang hindi makahalata ang impaktong nilalang na sasabog na siya sa galit dahil sa pagmumukha nito. Napakagwapo kasi ng homosapien na kaharap niya at lubos ang kanyang pagkainggit dito, gwapo din naman sana siya at mas higit pa ang kagwapohan niya laban kay Mark kung hindi lang lumipat ang kaluluwa niya sa katawan ng isang babae.

"Let's go," ang sabi ni Mark at dun lang bumalik sa kanyang ulirat si Angelo. Nakita niyang nailagay na ni Mark sa bag niya ang kanyang mga gamit. 

"Sure," ang sabi ni Angelo tsaka kinuha ang bag niya mula kay Mark. "Tsk, may palet's go, let's go ka pang nalalaman. Kala mo ikaw lang marunong mag-english ako din tol, mas mataas pa nga siguro ang marka ko sa english keysa sayo. Pero biruin mo responsable ka din naman pala, buti alam mong mag-impake ng mga gamit nang hindi kita inuutusan."

Lumabas na sila Mark at Angelo sa silid ng ospital at akma na sana silang papasok ng elevator nang bilang nilagyan ng guard ang pinto ng elevator nang karatola. 

"Pagpasensyahan niyo na ma'am at sir under maintenance po ngayon ang lahat ng elevator sa ospital maghagdanan nalang po kayo." Ang sabi ng guard sakanila, pagkatapos niya itong sabihin sa kanila ay yumuko ito at agad umalis upang lagyan din ng karatola ang iba pang elevator sa palapag na iyon.

Agad namang napangiti si Angelo sa sinabi ng guardya mukha kasing tadhana na ang kumikilos upang maisagawa niya ang plano niyang pahirapan si Mark.

"Ah, Mark paano yan under maintenance ang elevator nila, nasa 17th floor tayo ang layo pa ng hagdanan mula sa kinatatayuan natin tsaka kailangan pa nating  maghagdan papuntang ground floor." Nag-aalalang sabi ni Angelo kay Mark ngunit ang totoo niyan ay natutuwa siya sa naisip niyang kalokohang gagawin kay Mark.

"Tama ka, pasyente ka pa naman baka mapano ka pa. Paano ba to... hindi tayo pwedeng maghintay dito dahil sigurago akong matatagalan ang pagkukumpuni nila sa elevator at baka gabihin tayo paghinintay pa nating maayos ito." Nag-aalalang sabi ni Mark kay Aimie.

"Hahaha umaayon ang lahat sa plano." Sa isip ni Angelo.

"May naisip akong solusyon pero sa tingin ko hindi ka papayag," ang sabi ni Angelo.

"Ano ba ang naisip mong solusyon?" takang tanong ni Mark kay Angelo.

"Simple lang naman..." seryosong pagkakasabi ni Angelo at agad din naman niyang pinutol ang sasabihin na animo'y napakaseryoso ng kanyang idudugtong ngunit ang totoo niyan ay pinipigilan lang niya ang kanyang sarili na huwag tumawa nang malakas.

"Ano ba yon?" hindi makatiis na tanong ni Mark. "sabihin mo na."

"Kargahin mo ako." seryosong sabi ni Angelo kay Mark. 

Nang marinig ni Mark ang sohesyon ni Aimie nang buo ay parang lumaglag ang panga nito. Hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig dahil wala namang problema si Aimie sa paglakad at makakaya naman niyang lumakad sa hagdanan. Samantalang si Aimie/Angelo naman ay labis ang pagpipigil ng kanyang tawa dahil sa pagmumukha ni Mark.

"Kasi, alam mo naman pasyente ako kakalabas ko palang ng ospital, hindi lalabas pa pala ako. Hindi ako puwedeng mastress sabi na yan mismo ng doktor." Ang sabi ni Angelo na hinusayan talaga ang pag arte upang mauto niya si Mark.

"Nakakastress ba ang palakad sa hagdan?" takang tanong ni Mark.

"Oo naman, biruin mo nasa 17th floor tayo ang layo pa kaya ng tatahakin natin makapunta lang sa ground floor, ang laking stress non." pagpapaliwanag ni Angelo sabay kumpas ng kanyang kamay. "tsaka wag kang mag-alala hindi ako mabigat."

Walang magawa si Mark kundi magbuntong hininga nalang at gawin ang sinasabi ni Angelo. Inisip nalang niya na baka nga makakadulot ng stress ang paglalakad sa hagdanan.

"Sige na nga papasanin na kita." Ang sabi ni Mark tsaka lumuhod upang makasampa si Aimie/Angelo sa kanyang likod.

Ngiting tagumpay naman si Angelo nang pumayag si Mark sa kanyang suhisyon, hindi pa nga nito mapigilang lumundag sa tuwa.

"Hehehe wag kang mag-alala hindi ako mabigat." Maamong sabi ni Angelo ngunit sa kaloob-looban ay para itong nakawalang unggoy dahil sa kagalakang nagtagumpay ang kanyang plano.

Pagsampa ni Angelo sa likod ni Mark ay randam ng huli ang bigat ni Aimie, nung una nga ay hindi ito halos makatayo.

"Ang gaan ko lang diba?" masayang tanong ni Aimie at tanging kinakabahang tawa lang ang naging tugon ni Mark.

Nung una ay nakakaya pa ni Mark ang pagbuhat kay Aimie/Angelo ngunit habang tumatagal ay parang hindi na makatayo si Mark dahil bukod sa ang haba pa ng kanilang tatahakin ay sobrang bigat pala ni Aimie, nagtataka nga siya kung ano ang kinain ni Aimie at naging ganito ito kabigat maari din sigurong epekto lang ito ng pagkaoospital niya at naging mabigat ito.

Si Angelo naman ay inienjoy lang ang kanyang puwesto sa likod ni Mark at tumatawa pa ito sa kanyang kaloob-looban dahil sa paghihirap na dinaranas ni Mark. "Oh ano ka ngayon, hehehe epektibo talaga ang pagkain ko ng marami sa makalipas na araw, magagamit ko pala ito ngayon kung alam ko lang sana mangyayari to kumain pa ako ng marami kanina."

"Kaya mo pa ba?" tanong ni Angelo kay Mark baka kasi sabihin ng huli sa wala itong pakialam sa paghihirap nito, na sa totoo naman ay wala talaga.

"O..oo kaya ko pa naman," kahit hirap na si Mark at parang mawawalan na siya nang malay ay sinabi niya pa ring ayos lang siya ayaw niya kasing mastress nang lubusan si Aimie.

"Wag kang mag-alala alam kong kaya mo yan," pagpapalakas ng loob ni Angelo kay Mark.

Napangiti naman si Mark sa kanyang narining. Ang dating pagod niya kanina ay parang nawala nang sabihin ni Aimie na naniniwala ito sa kanya. Kaya naman mas lalo niyang binilisan ang kanyang paglakad.

Nang makarating sila sa ground floor ay tagaktak ang pawis si Mark at halos humandusay na ito sa sahig dahil sa pagod. Para namang naawa ng kaunti si Angelo sa kalagayan ni Mark ngunit dahil sa gwapo siya ay tinigasan niya ang kanyang puso nang maalala niyang kailangan niya pa palang pahirapan ang homosapien na kasama niya.

Habang nasa ganuon silang sitwasyon ay biglang may isang guardiya ang lumapit sa pinto ng elevator at kinuha ang nakapaskil na karatula na may nakasulat na "under maintenance" at sinabi sa mga taong nasa malapit sa kanya na pwede nang gamitin ang elevator.

Nang marinig ni Angelo ang sinabi ng guardiya ay hindi niya napigilang humagalpak ng tawa sabay turo kay Mark.

"Hahaha, nako tol kung hinintay lang sana natin na maayos ang elevator edi sana hindi ka napagod," ang sabi ni Angelo habang tumatawa.

Si Mark naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pangyayari. Humiga nalang ito ulit sa sahig at nawalan ng malay.

"Hoy, pare anong nangyayari sayo wag mong sabihing inatake ka na diyan," nag-aalalang sabi ni Angelo sabay alog kay Mark "hoy ano ba bumagon ka diyan, kung patay ka na sana naman namatay ka ng walang mga cctv o mga saksi. Nakakahiya ka!"

Ang mga taong nakakita sa kanila ay para bang hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan at sabay napaisip na kung bakit may mga baliw sa ospital.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status