Share

Kabanata 19

Nabasag ang katahimikang bumabalot sa dalawa, nang dumanting ang pulis na naatasang bumili ng pagkain.

"Heto na po chief." Inabot ng pulis kay Anton ang supot na naglalaman pagkain. Agad namang nagpasalamat si Anton nang matanggap na ang pinabili niya.

Nang makita ito ni Angelo, at ng kuneho na kanina nagtatago ay takam na takam nilang tinignan ang supot na may lamang pagkain. Napalunok ang dalawa sa kanilang nakita, at kulang nalang atakihin nila si Anton upang makuha ang supot na may pagkain.

"Penge." Hindi makatiis si Angelo kaya humingi na siya kay Anton, samantalang napangisi naman si Anton sa inasal ng kapatid.

"Bakit naman kita bibigyan?" ang tanong niya kay Aimie habang kinukuha sa supot ang mga pagkaing pinabili niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status