Share

IDENTITY: TWO

***

Alex

6 months later...

"...meet me in pouring rain, kiss me on the sidewalk, take away the pain..." Listening to Taylor Swift's song while walking towards my classroom was my kind of scenario. 'Yong tipong wala kang poproblemahin kundi ang makinig lang sa paborito mong kanta. It's a beautiful day... walang nagbabantang ulan o bagyo. Just a plain sunny day.

"Yahhhhh!" Isang sigaw ang narinig ko pero hindi ko ito pinansin, hanggang sa may tumama sa ulo ko na kung ano. Hindi naman siya masyadong masakit pero tama lang para makuha ang atensiyon. Napahinto ako sa paglalakad at saka nilingon yung posibleng nambato sa akin. "Kanina pa ako tawag nang tawag sayo!" inis na sigaw ng isang babae na nakasuot ng uniform ng eskwelahang pinapasukan ko. It made me more irritated kasi nalaman kong bestfriend ko pala ang nambato sa akin.

I removed my earphones at saka pinatay ang music. "Kailangan talaga mambato? Eh kung ikaw kaya 'yong batuhin ko!" galit kong buwelta. Hindi naman talaga ako galit. Hindi ako nagagalit sa best friend ko. Hindi ko kasi natitiis. After all, she's all I'd got. Without her, baka kung saan-saan na ako napunta.

"Hmp!" irap niya at saka pinuntahan ang notebook na ibinato niya sa akin na nasa lupa na. Nilinis niya ito at saka isinali sa pile ng book at notebook na hawak-hawak niya.

"Ikaw pa ngayon ang may lakas na magalit, eh ikaw nga 'tong may kasalanan sa akin," depensa ko.

"Excuse me! Kasalanan ko bang bingi ka? Ba't kasi ang lakas-lakas ng volume kapag nage-earphone ka! Para akong tanga kanina kakatawag sa'yo. Pinagtitinginan na ako ng mga ibang estudyante!" rason niya habang dahan-dahan kaming naglakad papunta sa classroom namin. It's already 7:23 and our classes started at 7:30. That means, 7 minutes left bago ang first class. Luckily, 2 minutes na lang at mararating na namin ang classroom namin.

This was my third week of being here pero tila naninibago pa rin ako. I'm not a transferee dahil nakalagay sa records ko na I'd been studying here since first year, which hindi ko maalala. It's weird to think na hindi ko maalala ang freshman years ko. And the worse case was, pati second year memories ko ay wala din akong maalala. It seemed that I skipped the two years and got accelerated in third year. I tried to G****e this condition of mine at tanging lumilitaw lang sa results ay "Amnesia".

"Alex!" tawag sa akin ni Maica na nagbalik sa akin sa katinuan. I looked at her, standing on her desk na katabi sa desk ko. "It's time already! Papasok ka ba o tutunganga ka lang dyan?"

Agad akong pumasok nang mag-sink in sa utak ko na may klase pala ako. I moved my way towards my seat at saka umupo dito. Pagkaupo ko, ay sakto namang pumasok ang professor namin.

"Good morning, aspiring Medical Technologists!" bati sa amin ni Ms. Porte. She's my favorite professor dahil sa angking positivity niya. She always wore this smile na kayang kong titigan buong araw. Ms. Porte was in her 40s pero maganda pa rin siya.

Agad kaming tumayo at binati din siya. Ms. Porte started her discussion focusing on bacteria. As a MedTech Practitioner, kailangan naming malaman lahat ng klase ng bacteria for us to know what to do and what process to perform. As usual, Ms. Porte made our discussion a fun one. Hindi 'yong ibang subjects namin na ang boring. Makatulog ka nalang dahil sa kaboring-an.

***

Nandito kami ngayon sa canteen para mananghalian. I ordered my favorite ulam na adobong manok paired by a coca cola. Si Maica naman ay 'yong paborito niyang chicken curry na may kasamang royal. As we look for a table, may napapansin na naman akong titig ng mga estudyante at mga bulungan. Na tila pinag-uusapan ako.

Ano ba kasi ang problema nila?

I tried to ignore them. After all, I just didn't care kung ano man 'yong pinagsasabi nila tungkol sa akin.

"I can't believe how he did it, pero he deserve to be punished, or maybe expelled," bulalas ng isang babae na pansin kong nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. I could see in my peripheral view the way she was mocking me.

Anong "punished" na sinasabi niya? Did I do something wrong?

"Trisha! Baka marinig ka niya," pigil sa kanya ng kaibigan niya.

"I don't fucking care! Totoo naman ah. He's a murderer. He killed my brother!"

"Kill him, Alex! Kill him." Hindi ako makagalaw sa narinig ko.

"He's a murderer..."

Did I killed someone? Bakit di ko yan alam? Totoo ba? Mamamatay-tao ba ako?

"Hoy! G*go ka pala eh!" biglang bulyaw ni Maica na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "Kung wala kang magawa, 'wag kang mangbintang ng tao!"

"Sinong gago ang tinatawag mo? Me?! Excuse me, what I said is true. Yang kaibigan mo na yan ang pumatay kay Xander!" galit din na sigaw na sa tingin ko ay Trisha ang pangalan.

Sino si Xander? How could I kill him if I didn't even know him?

"You mean the bully? Kaya pala eh. Karma pala sa kanya 'yon!"

"Miss Cristavilla?!" Agad kaming napatingin sa pinangyarihan ng boses, lalo na si Maica. Nakita namin ang School Dean na nakatingin sa amin, and by the looks of her face, mukhang galit na galit siya. "In my office, now!" Napatingin ako kay Maica na nakayuko na.

Wait... ba't si Maica lang ang tinawag?

"Good luck...bitch!" nakangiting bilin ni Trisha at saka muling hinarap ang mga kaibigan niya.

"Let's go, Alex," paanyaya ni Maica. Malungkot kong sinunod si Maica habang iniiwasan ang mga titig ng mg estudyante. All of their glares shot dagger at us na kulang nalang ay mabutas kami.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami sa canteen, pero hindi pa rin nawala sa akin ang pag-aalala para kay Maica.

"Mauna ka na sa room, Alex. Mukhang matatagalan ata ako."

"No, I'm coming with you. In fact, ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng 'to."

"Huwag na nga. Hindi naman ikaw ang tinawag."

"Bestfriend code: We're all in this together," bitaw ko na siyang nagpangiti sa kanya.

"Sabi ko nga ba. Sige na. Tutal, hindi naman ako makakatanggi sa bestfriend code."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status