Share

IDENTITY: FOUR Pt.2

"Where are we going?" tanong ni Sky na kanina pa sunod nang sunod sa akin.

"Sundan mo lang ako." Pagkatapos ng ilang liko at ilang oras ng paglalakad ay narating nga namin ang lugar. It was an abandoned house. Ewan ko pero sa tuwing pumupunta ako dito ay napakagaan ng pakiramdam ko. It felt like, I'm home. "Welcome to my secret place. Well, it's not secret anymore."

"Why here?" takang tanong niya na abala pa ring sinusuri ang kalagayan ng lugar

"Well, sa totoo lang wala na akong maisip na pwede nating puntahan at tanging ito lang ang naisip ko."

"Is this your-"

"No. I don't know who owned this place." Sky travel his gaze around the place na tila inaalam kung ano at sino ang nagmamay-ari nito. "Sorry, kung dito kita dinala."

"It's actually relaxing. This place is so light. It's so calm in here." Mukhang hindi lang pala ako.

"Yeah. Kaya pumupunta ako dito to relax and calm my mind." I closed both of my eyes at saka dinamdam ang katahimikan ng lugar. Ilang araw din akong hindi nakabisita dito.

"You hear that?" tanong ni Sky na siyang nagpamulat sakin. I saw him staring at the ceiling na tila may pinapakinggan na kung ano. Ako naman ay ginaya ang ginawa niya. After a few seconds of silence ay may narinig nga ako. A knocking noise coming from the second floor.

Magnanakaw?

I looked at Sky na nakatingin din sa akin. He gestured at me na huwag akong maingay at saka naglakad patungo sa hagdan papuntang ikalawang palapag. Kahit natatakot ay nagawa ko pa ring sumunod sa kanya papuntang kamatayan. We walked as quite as we could.

Patuloy pa rin ang katok. Pero 'di katulad kanina ay mas malakas na ito ngayon dahil siguro malapit na kami sa pinanggagalingan nito. We've reached the second floor at mas kinilabutan ako nang makita ko ang hallway na parang sa mga horror movies. May tatlong pinto dito at una naming tinungo ang pinakamalapit sa amin.

The door was already open kaya anytime, pwede kaming sunggaban. Pero pinagtataka ko lang ay kung bakit tila hindi natatakot ang lalaking nasa harap ko. Ang kalmado niya at nakalagay pa talaga sa bulsa ang dalawang kamay niya.

"The noise stops," biglang sabi ni Sky na nagpatalon sa akin sa gulat. Saka ko napagtanto na tama siya. Tumigil na ang pagkatok. Pero nagpatuloy pa rin siya.

We've passed the first door at mukhang wala namang tao. Sunod ang pangalawa at wala ring tao. Nagpatuloy kami ni Sky at saka tinungo ang huling pinto. It was the only door na nakasarado at I thought someone was trying to break in.

"It's useless. If they can't open it, then you too," punto ko.

"Well see about that." Sky let out a smile at saka sinubukang ikutin ang knob pero walang nangyari. He twisted it again a couple of times pero wala pa ring nangyari. Hindi pa rin ito bumukas.

"Told you."

"Then, you try," mungkahi niya.

"Hindi mo ba nakikita," inilapit ko ang kamay ko sa knob. "Kung hindi mo nabuksan, hindi ko mabubuks-" The moment I put my hand on the knob ay isang mechanic noise ang kumawala dito. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa knob at saka gulat na tinitigan ang pinto na naglalabas pa rin ng isang kakaibang ingay.

Nakatitig lang kami sa pinto hanggang sa tumigil ang ingay. Nagkatitigan kami ni Sky at tangina kalmado pa rin ang puta, habang ako ay muntik nang maihi sa takot.

"Open it, Alex," utos niya.

"Huh?! Ba't ako?"

"You're the one who made that noise," katwiran niya.

"Coincidence lang 'yon! Ikaw nalang." Nakayuko lang ako at hinintay siyang buksan ang pinto. Pero nakatayo lang siya. Hinihintay ata ako na magkusang buksan ang pinto. "Argh! Fine!" Kahit takot na takot ay nilapitan ko ang pinto at saka dahan-dahan at nanginginig na hinawakan ang doorknob.

'Wag kang maputol! 'Wag kang maputol! 'Wag kang maputol!

Nang lumapat ang kamay ko ay napapikit ako sa akalang may mangyayari, pero wala. I let out a big sigh at saka muling napatingin kay Sky.

Grabe talaga ang gagong 'to. Kalmadong nakapamulsa pa rin!

Sky signaled me to open the door na siyang ikinainis ko.

Ba't ba kasi ako sumama dito? At ba't ko pa ba naisip na dalhin siya dito?

Huminga ako nang malalim at saka dahan-dahang inikot ang knob. This time, mas lumakas ang tibok ng puso ko at mas nanginig ako. Lingid sa kaalaman ko ang kung ano ang nasa loob. It could be a monster, a serial killer, or a trap. But despite of the possibility of being killed, my body seemed eager to continue.

I pushed the door, letting out a screech that made the scene scarier than before. I still couldn't see the inside since it was so dark. Pero nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto ay bigla nalang bumukas ang ilaw na siyang nagpapikit sa akin.

I slowly opened my eyes and I was disappointed sa nakita ko. It's just a narrow empty room. Nothing else. Pero ang mas nakapagtataka, how come this room still had working lights? Wala na dapat itong kuryente kasi nga abandonado na.

"I finally found it," sambit ni Sky.

"Found, what?" kunot-noong tanong ko.

"The answer."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status