Share

Chapter 3

Chapter 3

Kiss

"Please welcome, Louise Sandoval, the birthday celebrant with his partner for tonight, Sebastian Generales!" From behind of this thick and expensive maroon curtain I heard the emcee called our names.

"Don't be so nervous, Seb. This night will serve as your birthday present to me. Thank you for accepting my invitation." Louise sincerly said.

I don't know what happened next. But the thing I could remember is Louise kissed me on my forehead before the curtain opened and everyone saw us standing behind of it.

He mouthed 'Thank you,' before facing the crowd. The spotlight hitted us and I could barely see the broad back of Louise's being. Applause surrounded the entire club as I and Louise walked at the aisle until we reached the main stage. The emcee leave the stage as he handed the mic to my bestfriend and let him stand behind the podium and speak. I was in his back. Watching everyone mezmerized how Louise speak for his birthday.

He cleared his throat like there is a big lump inside of it that stop him to speak. "First of all, thank you coming tonight. To my nieces, nephews, family and friends and especially to the person behind me." He started and looked at me.

Louise gave me a sweetest smile that I could see the whiteness of his teeth. I used the back of my hand to cover my sight, I can't see my bestfriend because of the spotlight. Click of cameras are everywhere.

Bigla kong naalala ang newspaper ng school namin para bukas. Malamang sa malamang, kami ni Louise ang front page 'nun bukas.

Mabuti nalang at nagsalita agad ang kaibigan ko kaya bumalik muli ang maayos na paningin ko sa paligid. Medyo naging malabo lang dahil sa nakatuktok na spotlight sakin kanina.

"Kung hindi dahil sa lalaking ito, hindi ako makakalakad sa gitna ng mag-isa. Hindi siya tumanggi nang tinanong ko siya kung pwede siyang maging partner ko ngayong gabi. Gladly, he always supporting me in everything kaya nagpapasalamat ako sa lalaking 'to. Would I lend everyone's hand to give my bestfriend an around of applause?"

For the third time, puro kamera at spotlight lang ang nakatutok sakin dahil sa walang sawang pagpapasalamat at papuri ni Louise sakin. Tsaka kaibigan ko naman siya. Bakit kailangan kong tumanggi? May magagalit ba?

Wala namang siyang girlfriend and far as I know. Kaya I am sure na walang magagalit. Not unless Louise speak up again. Bumaling ang paningin ko sa VIP seat ng club. I saw Lach.

Walang emosyon ang mga mata. Nakasimangot. Hindi tulad kanina bago kami pumasok sa loob ng venue. He seems alright earlier but I don't know what happened after why he looked... mad?

Baka dahil kay Kim? Bruha talaga ang babaeng 'yun! Lagi nalang binabad-trip ang kaibigan ko! Kapag nakita ko talaga siya, isang magkambal na sampal ang igagawad ko sa kaniyang pangit siya!

Speaking of Kim, bakit walang katabi sa bakanteng upuan sa tabi ni Lach? Nasan ang impaktang babaeng 'yon at hinayaan si Lach na mag-isang nakaupo doon sa unahan. Hindi ba niya alam na ayaw nung tao na may ibang katabi unless kilala ni Lach yung tatabi sa kaniya?

Humanda talaga ang babaeng 'yun sakin mamaya. Makakatanggap talaga ang clear skin niyang pisngi sakin dahil sa sampal na gagawin ko!

Hindi ko na namalayan na tapos nang magsalita si Louise. Bumalik lang ako sa ulirat nang magpalakpakan ang mga bisita niya sa paligid. May naghihiyawan at nasipulan na mga lalaki doon sa may dulo kaya napatawa ako nung makita ang grupo ng mga kalalakihan na magugulo doon sa dulo.

Louise assisted me to walk down at the stage. He hugged me tight when we reached the back stage. "Thank you so much, Seb. You don't know how important this special event to me!"

Dahil sa galak ay napayakap muli si Louise sakin. Hindi ko naman inexpect na sa pagyakap ko ring iyon ay makikita ko si Lach na nakatayo malapit sa entrance ng back stage kaya napabitaw ako ng bigla. Nagulat naman si Louise nang marahan ko siyang tinulak para matapos ang yakapan naming dalawa.

"L-Lach?" Nauutal na banggit ko sa pangalan niya. Napalingon naman si Louise kung saan ako nakatitig.

"Pupuntahan ko muna ang mga guests ko sa labas, Seb. Gusto ka yatang kausapin ni Lach. Nasa table lang ako ng mga pinsan ko, okay?" Nagbaba-taas ang ulo ko bilang sagot. Nawalan ako ng boses para magsalita.

Hindi ko alam kung para saan ang mga tingin na 'yon ni Lach. Galit ang nakikita ko. Nag-aapoy na galit. Unti-unti siyang naglakad palapit sakin nang mawala sa eksena si Louise.

His hands are inside of his pocket while walking towards me. Magkasalubong ang dalawang kilay na makakapal at walang ngiti na masisilayan sa labi niya. Even his stares are deadly and cold.

"W-where is Kim?" Sinubukan kong magsalita kahit nauutal ang boses ko. Hindi rin ako makatingin ng deretso sa mga mata niya dahil nakakatakot ang mga yun. Sobrang blanko talaga. Para siyang makakapatay ng tao dahil sa mga nakakatakot na titig niya.

I didn't received any response to my question. But he forcely reached my hand behind my back.

"L-Lach... m-masakit. Nasasaktan ako." Reklamo ko sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Why you..." he stopped asking. Bigla nalang siyang naglakad palabas ng back stage.

Napatingin ako sa iniwan niya sa palapulsuhan ko. Nag-iwan ng pulang marka ang mahigpit niyang hawak sa palapulsuhan ko. Bakit ganun ang inakto ni Lach. Nag-away ba sila ni Kim kaya sakin niya binuntong ang galit niya. Kaya nung narealize niyang mali ay bigla siyang natauhan at iniwan ako dito na mag-isa?

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si Lach." I whispered.

Nagpunta muna ako sa private na comfort ng bar para maghilamos ng mukha at para mahimasmasan din ako. Daig ko pa kasi ang nakainom dahil sa init na nararamdaman ko. Hinanap ko rin kung saang lupalop naroroon ang maharot na si Kim. Mamaya ko na iisipin kung nasaan si Lach o kung saan siya pumunta. Uunahin ko lang muna si Kim para pagsabihan.

Sana sinabihan niya ako para sinamahan ko si Lach dito sa loob. Kilala ko si Lach, ayaw niya sa mataong lugar dahil naiingayan siya. Most especially ang mga ganitong klase ng party na malalakas ang tugtugan at hiyawan ng mga tao habang sumasayaw sa paligid. Dahil na rin sa itsura ng lugar, nahirapan akong hanapin si Kim.

Umakyat na ako sa second floor ng club kung saan naka-pwesto ang mga VIP guests kaso wala doon si Kim o kahit si Lach.

Tinanong ko rin si Louise kung alam niya kung nasaan si Kim kaso hindi niya ako masagot. Bukod sa abala siya sa pag-aasikaso sa mga guest at kausap rin niya ang kapatid niya at magulang kaya dumistansiya ako sa kanila.

Napapagod na ako sa kakahanap kung nasaan si Kim. Kating-kati na ang kamay kong sumpal ng hipon. Dahil sa kapabayaan niya, pati si Lach ay hindi ko matagpuan kung nasaan.

Napadpad na ako sa may counter bar at umorder ng tequilla para inumin. Naubos ko na lahat-lahat ang limang shot ng ininom ko pero hindi ko pa rin makita kung nasaan ang bruha.

Hanggang sa nakaramdam ako ng hilo at gusto kong sumuka. Ang hina talaga ng tolerance ko sa alak. Kaya napilitan akong lumabas ng venue. Humanap ako ng madilim na part ng lugar para doon sana magpalipas ng hilo kaso sa bandang kanan at sulok kung saan sobrang dilim ay may naririnig akong nagsisigawan. Parang nag-aaway.

"Shut the fuck up Kim!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na sigaw na 'yun. Hindi naman maririnig sa loob dahil maingay at malakas ang music. Isabay pa ang hiyawan ng mga nagsasayawan na mga guests. Lalo pang lumakas ang ingay.

"But Lach,"

It was Kim.

"Can't you see, napilitan lang akong isama ka sa party na 'to. I was supposed to be with Sebastian but because of you, everything became mess. You destroy my plans!"

Habang palapit ako ng palapit sa sigawan. Mas naririnig ko ang boses ng lalaki. Si Lach yun. Kaya napatakbo ako. Alam kong si Kim ang kaaway niya dahil sa narinig ko kanina.

Sisigaw at aawat na sana ako kaso napahawak ako sa bibig ko. Pinigilan ko ang sarili ko na maluha dahil sa nasaksihan.

"L-Lach??" I tried to call his name.

But he didn't turn his gaze at me because...

He is busy kissing Kim at her lips.

****

Author's Note: Earthlings! Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Busy sa work e. Pero here it is, sana nagustuhan niyo. Enjoy reading.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status