Share

Chapter 6

Chapter 6

Peay

"Oh my gosh! May lakas pa siya ng loob para pumasok at magpakita sa campus? Ang kapal din ng mukha niya, grr!"

"Ay, sis, True 'yan! Balak pa yatang pagsabayin ang dalawang gwapings na lalaki! Like, paano? Lalaki siya! O baka..."

"Waaaahhh!"

"BAKLA SIYAAA!"

Sinuot kong muli ang earphone at nagpatutog ng kanta para hindi ko na rin marinig ang mga nagkakalatan na tsismis dito sa campus. It's been a week nang matapos ang party sa club na pagmamay-ari nina Louise. The Madrigal family is also avoiding me since that night. Well, ineexpect ko na 'yun.

Speaking of Lach, minabuti ko munang umiwas sa kaniya simula nung gabi na pinanood niya lang akong sabutan ni Kim sa buhok. I keep on avoiding all of people around me when they want to spread gossip at the campus.

Mailap rin ang mga students sakin simula nung umaga. Laman din kami ng balita. Even the newspapers ay hindi nakalagpas. Front page pa ang mga mukha naming tatlo na may headlines na kukuha ng atensyon mo.

Ako na rin ang napagod makinig sa kanilang mga tsismisan. Kahit nasa loob kami ng classroom ay ako pa rin ang pinag-uusapan nila. Mabuti nalang at may mga professors na sumasaway sa kanila about sa issue.

About Kim.

She is a BITCH!

Tinakbuhan ako ng putangina pagkatapos niyang sugatan at dungisan ang pagkatao ko. Isa rin siya sa mga taong may kagagawan kung bakit kumalat sa buong campus ang issue. Nalaman kong nagbayad siya ng isang estudyante para ipakalat sa iba't-ibang department ang nangyari sa party.

Sinusumpa ko. Hindi makakauwi ng hindi gumagapang ang haliparot na babaeng 'yon sa gagawin ko sa kaniya. Kahit sampahan pa ako ng kaso ng pamilya niya. Kahit i-banned pa nila ako sa lahat ng universities. Gagawin ko sa kaniya ang gusto kong gawin hanggang siya naman ang magmakaawa sakin na tumigil.

I'm heading at the canteen to eat my lunch. Isang linggo na rin akong kumakain mag-isa. Napipilitan na lang akong lunukin ang pagkain kasama ang mga salita na hindi ko rin makain kasi masasakit. Mas minabuti kong manahimik dahil alam kong walang mali sa nangyari. Wala akong ginawang mali. Sila lang ang gumawa ng istorya behind those fake news. Nasa kanila ang problema. At tsaka, titigil din naman sila kapag nagsawa na.

"Hey!" Its him again. Mas pinalaksan ko ang volume ng tugtog ng cellphone ko para hindi siya marinig.

Nakapila na ako sa canteen at nagbabayad ng fee kaso bigla naman siyang umepal para magbayad ng binili ko. Nakita kong ngumisi ang nagbebenta sa canteen nang oras na 'yon. Kinuha ko nalang ang tray na may laman ng inorder ko tapos dumeretso palabas ng canteen.

Naupo ako sa ilalim ng puno ng mangga sa may likuran ng canteen. This is my favorite place since the issue was exploded. Ang punong ito ang naging saksi sa mga araw na mag-isa ako at umiiyak.

"What brings you here? Dapat kasama mo ang bago mong tropa ngayon. Baka madamay ka pa sa issue na kumakalat." Walang interes na saad ko sabay lagok ng tubig.

"Bagong tropa? Ikaw at si Lach lang ang tropa at kaibigan ko."

Umismid lang ako. "Kaya pala isang linggo mo akong natiis?" Tumawa ako ng pagak. Tumayo ako para iwasan siya. Lilipat nalang ako ng pwesto para umiwas sa kaniya. Mula kasi sa pwesto namin maraming nakatingin at nagbubulungan na estudyante.

Maayos kung iiwas na lang ako. "Saan ka pupunta?" Bakas ang pagtataka sa mga mata niyang nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin.

"Mas mabuti kung lumayo ka muna sakin, Louise. Mainit pa ang mga mata ng tao satin. Ikabubuti nating parehas kung iiwas tayo sa isa't-isa." Binitbit ko ang tray ng pagkain ko at kumain nalang sa loob ng canteen nang makitang walang tao doon. Mas tahimik at walang sasagabal sakin.

Tinapos ko lang ang lunch break bago bumalik sa next subject namin. History. Balita ko ay may ipapakilalang bagong estudyante ang professor namin sa oras ng class niya.

Maputi at medyo nerd ang itsura at laging may hawak na libro. 'Yun ang sabi-sabi ng mga tsismosang estudyante sa paligid na narinig ko lang kanina habang naglalakad papasok sa canteen.

"Good afternoon, class." Bati ni Professor Boromeo habang nilalatag sa lamesa ang dalang libro at laptop. Inayos muna niya ang suot na salamin bago binaling ang atensyon saaming mga estudyante niya.

"Good afternoon, Sir!" We greeted in unison voice.

"You may seat down. So, before I proceed to our discussion and topic for this afternoon. I would like to meet you all your new classmate." Sumulyap si Prof Boromeo sa pintuan at tinawag ang bago naming kaklase.

"P-Peay?" I whispered in shock. He's my cousin!

"Come in and introduce yourself to the class." Hinawakan ni Prof sa balikat si Peay kahit mas matangkad ang pinsan ko sa kaniya.

Tulad ng sabi ko, may hawak siyang libro sa kanang kamay. Bilog ang suot na salamin. Kung titignan si Peay. Hindi siya pagkakamalang nerd. He's standing 5'10 tall. Matangkad siya kaysa sakin. Kung idedescribe ang physical appearance niya. Papasa siya bilang isang international model.

Katulad ang isang korean pop star ang buhok niya na medyo tumatakip sa suot na salamin ang haba. Prominent jawline. Pointed nose. Bushy paired of eyebrows. Hazel nut eyes and pouty lips. Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan. Lean body. Mahahaba ang daliri at biyas. Parang isang basketball player.

Napansin kong kinikilig ang mga kababaihan sa kaniya dahil ang gwapo ni Peay. Sobrang gwapo niya. Idagdag pa sa kagwapuhan niya ang suot na white polo longsleeve na nakatupi hanggang siko tapos naka-tucked-in sa suot na itim na slack na medyo bitin sa haba kaya medyo kita ang maputing balat niya sa bandang binti. Naka-rubber shoes pa siya na puti.

Sino ang ang hindi mapapatili sa itsura niya ngayon? Isa ba siyang nerd o isang hot na modelo?

"Hello, I'm Peay." Idagdag pa ang malalim at buong boses niya noong nagpakilala siya sa harap. Itinaas ang kanang kamay na may hawak na libro. "I love books. I love reading." 'Iyon ang huling sinabi niya bago siya pinaupo ng prof namin. May bakanteng upuan sa likuran ko kaya doon siya umupo.

"Ang swerto namang ng libro, sis!" Kinikilig na saad ng isa naming kaklase.

"Look at his fingers, sis! Ang hahaba!" Parang kinikiliti naman na sumagot ang isa pang babae.

"Imagine those fingers inside me, hihihi" bungisngis nung unang babae.

Bumuntong hininga ako at pinatong ang baba ko sa palad habang pinapanood si Peay na maglakad papunta sa area ko.

"Pisan!" Bati niya nang makaupo sa upuan.

Inismidan ko siya. "Oh?"

"Napaka-sungit naman. Dito ako sa bandang likod mo mauupo para may makausap na rin ako." Naramdaman kong sinabit niya ang shoulder bag sa sandalan ng upuan ko.

"Bahala ka kung saan mo gustong maupo." Nakita ko lang ang pag-iling niya bago naupo at binuklat ang binabasang libro. Inayos ang suot na salamin at ang pagkakaupo niya.

Lahat ng babae sa amin nakatingin. Pinagmamasdan ang bawat galaw ng pinsan ko. Nawala lang ang atensyon nila sa amin nang pumasok ang President ng student council sa loob ng classroom namin.

"Calling the attention of Mr. Sebastian Gerenales? Pinapatawag ka sa Dean's office. Right now."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status