Share

Chapter 2

Kinaumagahan ay tanghali na nagising si Jewel dahil hindi kaggad ito nakatulog ng bumalik siya sa kanyang kwarto matapos nitong puntahan asawa sa silid nito.

Mabilis itong lumabas ng kwarto para tingnan ang asawa kung naroon paba ito o umalis na naman. Napadaan siya sa kwarto nito nang nakarinig ako ng kakaibang ingay na nagmula roon. Naglakad pa ito papalapit sa pintuan para tingnan kung ano ang nangyayari.

"T-thunder! Ahh Ahh, Fuck baby, Yeah that's it! Fuck me harder. Oh shit.." boses ng isang babae

"Ahh fuck shit! Harder please baby, Ugh! Faster faster.. Oh oh.. Ahh.. I'm cu-cumming."

"Oohh scream my name bitch! Let's cum together."

Napasinghap ito sa mga ungol na narinig niya, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Habang nakatayo sa harap ng pinutan ng kwarto ng asawa niyang nagpapakasarap kasama ang ibang babae.

Parang pinupunit pira-piraso ang puso niya dahil sa ginagawa ng asawa nito, pati ba naman sa kanilang bahay na mag asawa ay magdadala ito ng babae at dito pa gagawa ng mga kababalaghan.

Nakarinig siya ng mga yapak na nanggaling sa silid at mukhang papalabas na ang mga ito kaya dali dali siyang naglakad pabalik sa kwarto niya para hindi malaman ng asawa na nandoon siya.

Nagkunware siyang palabas din ng kwarto niya at saktong nakasalubong niya ang dalawa na papalabas din.

Tiningnan lang siya ng babae habang nakakapit ito sa braso ng asawa na mukhang walang pakialam kung nasa harapan siya nito.

"Sino siya baby? Katulong mo?" tanong ng babae sa asawa niya

"Don't mind her, she's just a maid." sagot ng asawa nito

"Oh I see," ngising turan ng babae na parang nang aasar

"Oh ano pang tinitingin tingin mo? Umalis ka sa harap namin, hindi 'yong haharang harang ka diyan." sigaw ng babae sabay wakli sa kanya

Napaurong siya dahil sa ginawa nito, gustuhin niya mang magsalita o gumanti dito pero hindi niya magawa dahil alam niyang sa oras na gawin niya ito ay mananagot siya sa asawa.

Nagpatuloy lang sa pagbaba ang dalawa na parang hangin lang siya sa mga paningin nito. Himbis na sundan niya ang mga ito ay hindi niya ginawa bagkus ay bumalik na lang ito sa kanyang kwarto at agad na humiga sa kanyang kama.

Napatingin siya sa paligid ng kanyang silid ng mapansin niya ang mga litrato nilang dalawa na magkasama nung ikinasal sila. Makikita sa mga kuhang litrato na sobrang saya niya ng mga araw na yun samantalang ang asawa niya ay walang emosyon naman.

Nagsimula na namang manubig ang kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilang tumulo habang kaharap ang asawa at babae nito.

Kahit masakit na thunder, kakayanin ko pa. Titiisin ko ang lahat ng ito dahil mahal kita.'- turan ng isip niya

Naniniwala ang dalaga na tulad ng iba magkakaroon din sila ng happy ending. Kaya hangga't kaya niya ay ipaglalaban niya kung ano ang sa kanya. Mahal niya ang asawa at gagawin niya ang lahat para mahalin din siya nito.

Maya maya pa ay biglang kumulo ang tiyan niya, naalala niyang hindi pa pala siya nakakain simula non'g magising siya. Ayaw niya kasing bumaba at baka maabutan niya pa doon ang babaeng kasama ng asawa.

Nanatili pa siya ng ilang minuto bago nagpasyang tumayo at lumabas ng kwarto para makapagluto na. Nang makarating siya sa baba ay walang katao tao na naroon, mukhang umalis ang asawa niya kasama ang babae nito.

Dumiretso na lang siya sa kusina at nagsimulang magluto para makakain na rin. Pagkatapos niyang kumain ay naglinis siya ng buong bahay dahil wala naman siyang gagawin. Hapon na ng matapos ito sa lahat ng mga ginagawa niya at pati na rin ang pagluluto ng hapunan ay nagawa niya na pero wala pa rin ang asawa.

Umupo na lang siya sa sofa dahil nakaramdam ito ng sobrang pagod, binuksan niya ang tv at nanood ito ng teleserye. Inabot na siya ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang asawa, kaya himbis na hintayin niya ito para kasabay kumain ay hindi niya na lang ginawa dahil alam niyang hindi na naman ito kakain.

Maya maya pa ay nakarinig siya ng tunog ng kotse, senyales na nandiyan na ang asawa nito. Nagmadali siyang tumakbo sa pintuan para buksan ito dahil baka masigawan na naman siya nito.

Pagbukas niya pa lang ng pinto ay bumungad nasa kanya ang mukha ng asawang namumula at pagewang gewang, halatang lasing na naman ito.

Hinawakan niya ito para alalayan ngunit malakas lang siya nitong tinulak. "Anong sabi ko sayo, diba huwag mo akong hahawakan?" sigaw nito

Pero hindi niya inalintana ito at lumapit ulit sa asawa at akmang hahawakan niya ulit ng sumigaw na naman ito. "Putangina Jewel! Hindi kaba nakakaintindi ha? Alin sa ayaw kung hawakan mo ako ang hindi mo maintindihan ha? Tanga kaba talaga!" dumagundong sa loob ng bahay nila ang galit na boses nito

Wala siyang nagawa kundi ang hayaan ang asawa nito na dumiretso paakyat ng hagdan. Hindi niya na ipinilit pa ang gusto niya dahil baka mag away lang sila at masaktan na naman siya nito.

Naghintay pa siya ng ilang minuto bago sumunod na umakyat, agad siyang nagpunta sa kwarto ng asawa para tingnan kung tulog na ito hindi nga siya nagkamali ng pagpasok niya dito ay mahimbing na itong natutulog.

Lumapit siya rito para tanggalin ang sapatos na nakasuot pa sa mga paa nito pagkatapos ay nilagyan niya ito ng kumot.

Tinitigan niya lang ang gwaping mukha ng asawa, nagagawa niya lang ito tuwing tulog si Thunder dahil kapag gising ito ay para itong tigre na lalapain siya.

Hinaplos niya ang makinis na mukha nito. "Patuloy pa rin akong aasa Thunder, mahal na mahal kita kaya lahat kakayanin ko para sayo." bulong na usal nito

Hindi niya alam kung ano pa ang susunod na mangyayari sa buhay nilang mag asawa. Hindi niya alam kung ano ang kahahantungan ng lovestory na meron sila, kung mararamdaman niya ba ang saya na ninanais niya o patuloy pa rin siyang masasaktan.

"Sana dumating na ang araw na mahalin mo ako, hihintayin ko ang araw na yun at pag nangyari yun ako na siguro ang isa sa pinakamasayang babae."

Ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang sukuan at iwan ang binata, sabihin man ng iba na ang tanga niya ay wala siyang pakialam. Nagmahal lang naman siya at naniniwala siyang parte iyon ng pagmamahal ang masaktan. Hanggat kaya ko aasa ako, kahit na masakit at nakakapagod susugal pa rin ito.

Lumabas na siya ng silid ng binata at lumipat sa kwarto niya. Humiga agad siya habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya, biglang sumagi sa isip niya ang unang usapan nila ng asawa nung gabing matapos ang kasal nila.

Nasa hotel sila ng gabing iyon, pagpasok pa lang nila kung saan sila mag iistay ay agad siyang hinigit ng malakas ni Thunder,

'Aray, thunder ano ba nasasaktan ako!' sigaw niya

'Ano ha, masaya kana ba? Masaya kana ba sa pagsira mo sa buhay ko ha, Jewel?' galit na sigaw nito

Bakas naman ang pagkalito sa mukha ng dalaga dahil sa sinabi ng asawa. 'Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan' sagot nito

'Huwag kanang mag maang maangan pa! Alam kung alam mo kung ako ang tinutukoy ko!' sigaw nito

Halos lumukob ang kaba sa buong pagkatao ko ng mga sandaling ito. Kitang kita ko ang galit at puot na nananalaytay sa kanya, kulang na lang ay saktan niya ako sa sobrang galit niya.

'Thunder akala ko ba naiintindihan mo na, ito ang napagkasunduan ng mga pamilya natin. ' giit ko

Agad niya namang binalibag ang upuan na malapit sa kanya. 'Huwag mo akong gawing tanga Jewel! Alam kung ginusto mon din ito. Hindi mo ako maloloko. Pwedeng pwede lang umayaw sa kasal pero hindi mo ginawa.' pagdidiin nito

'Hindi ko bibigyan ng kahihiyan ang pamilya ko Thunder! Ayoko na madisappoint sila sa akin. Bakit hindi ikaw ang gumawa? Pwede kang umayaw at hindi sumipot sa kasal!' sagot ko

''Para ano, ha? Para sa akin lahat ang sisi? Ang galing mo rin eh noh, Jewel!'

'Ano bang gusto mong sabihin ko? Tapos na Thunder, nangyari na at wala na tayong magagawa.' mahinahon na wika ko

'Ang sabihin mo gusto mo talagang magpakasal! Huwag kana mahiyang umamin. Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka sakin? Kaya nga ang bilis mong pumayag nung sinabing magpapakasal ka sakin.'

Yumuko siya para hindi makita ang nag aalab na galit ng lalaki, alam niyang may nararamdaman ako sa kanya.

Agad kung ingat ang tingin ko para tingnan siya ng magsalita na naman ulit ito. 'Huwag kang masyadong umasa Jewel na mamahalin din kita, kung ano sayo ititil mo na yang kahibangan mo ngayon pa lang. Apelyido ko lang ang nakuha mo pero hindi ang pagmamahal at puso ko. Ipasok mo yan sa maliit mong kukote.' huling sinabi niya bago lumabas sa hotel suit namin.

Halos manghina ako sa mga narinig ko mula sa kanya nung araw na yun. Tama nga ako sinisisi niya sakin kung bakit kami humantong sa ganito. Gustong gusto kung ang maikasal kami, kaya nung napagkasunduan ng pareho naming pamilya ang bagay na ito ay pumabor ako kaagad.

Napabuntong hininga na lang ako ng maaalala ang pangyayaring iyon. Kaya heto ako ngayon nagdurusa, pero ayos lang kung para sa taong mahal ko lahat kakayanin ko. Alam kung magiging worth it lahat ng pagtitiis ko balang araw.

Hindi nagtagal ay tuluyan na akong dinalaw ng antok kaya tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

Comments (13)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
ka tanga lang ni jewel sobra
goodnovel comment avatar
Fevelyn Velarde Pangadlo
agree di na uso martyr.sana khit unwanted wife palaban pa din hanggang sa matauhan.
goodnovel comment avatar
Lenny Yruma
nakakainis ang ganito story ...d na uso martir ngayon ..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status