Share

Chapter 4

Namamaga ang mga mata ng dalaga ng makarating siya sa Light bar at dahil hindi pa naman masyadong gabi ay iilan pa lang ang mga tao na nando'n. Umupo siya sa bar counter at nag order agad ng alak.

Gusto niyang mabawasan o makalimutan kahit pansamantala lang ang nasaksihan niya ngayong araw, ngunit kahit anong pilit niyang iwaksi ito sa isipan niya hindi niya magawa. Sobrang sakit! 'Yon ang nananalaytay sa buong pagkatao niya ngayon.

Ang makita ang asawa mo na may kasamang iba ay masakit na pero mas doble ang sakit pag nakita mo ng harap harapan ang asawa mong nakikipagtalik sa ibang babae. Oo nga at sanay na ang dalaga na halos araw araw ay may kinikita ang asawa niya na babae pero ni minsan hindi niya pa nasaksihan ang ganito simula ng maikasal sila isang taon na ang nakakalipas.

Ano ba kasing pwede kung gawin para mawala ang sakit? Hindi ko siya kayang iwan dahil mahal ko siya. Kahit pa sabihin ng iba na napakamartyr ko ay wala akong pakialam. Nagmahal lang naman ako at naniniwala ako na balang araw mamahalin din ako ni Thunder'- isip niya

"Isa pang alak, please," bulalas nito sa bar tender na malapit sa kanya

"Maam kaya niyo paba? Marami na po kayong nainom." bakas sa boses nito ang pag aalala

"Ano bang pakialam mo? Costumer ako rito, kaya bigyan mo na lang ako ng hinihingi ko!" sigaw nito

Wala namang nagawa ang bar tender kaya tumalima ito sa sinabi ng dalaga. Agad itong kumuha ng alak at ibinigay sa kanya.

Tiningnan niya ang orasan niya at mag aalas nwebe na ng gabi kaya pala parami na ng parami ang mga taong nandito, halos ilang oras na din pala siyang naririto.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng Light bar may mga nagsasayaw, nagmamake out, nagsosolo, may mga magkakaibigan at higit sa lahat may mga babaeng halos hubo't hubad na sa sobrang ikli ng mga suot nito halatang nag aabang ng mga lalaking mabibiktima. Psh!

Marami rami na rin siyang nainom kaya nakakaramdam na siya ng konting hilo. Kaya inayos niya na ang gamit niya at tumayo na para umuwi. Halos pagewang gewang na ito dahil sa pagkalasing pero alam niyang nasa katinuan pa siya.

Mabilis siyang nakalabas ng bar ng may makabangga siyang lalaki na halatang nakainom na rin, hindi niya ito pinansin at dinaanan lang ngunit bigla siya nitong hinawakan sa kanyang braso. "Miss, you want me to accompany you?" tanong nito

Tumaas naman ang mga kilay niya. "Excuse me? Who told you that I need one? I'm not interested to anyone so let me go!" aniya sabay bawi ng braso niya

  "Matapang! I really like girls like you, so interesting and I think wild also in bed." ngisi nito

Hindi na pinansin ni Jewel ang sinabi nito at naglakad na pero sadyang makulet ang lalaki at hinila ulit siya sa braso. "Ano ba! Hindi kaba nakakaintindi, ha? Hindi ako interesado sa kagaya mo! Bitawan mo ako." madiin na saad niya ngunit mas lalo lang ngumisi ang lalaki

"Huwag ka ng magpakipot Miss, alam ko naman na gusto mo rin 'to. Huwag kang mag alala pareho tayong masasarapan."

Sinampal niya ang lalaki na ikinawala ng ngisi nito. "Bastos ka ah!" sigaw niya

Mukhang nagalit ang lalaki at akmang sasampalin siya nito kaya napapikit na lang siya, pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi siya nakaramdam ng sakit o walang kahit na anong tumama sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata para tingnan kung anong nangyari.

Nakita niyang nakabulagta na ang lalaking bumabastos sa kanya sa sahig at halatang namimilipit ito sa sakit. Napadako naman ang tingin niya sa lalaking may gawa nito.

Halos manlamig ang buong katawan niya ng makilala kung sino ito. Kitang kita niya ang nag aapoy na galit sa mga mata nito at mga kamay na nakakuyom.

Mabilis siyang hinila ni Thunder at halos ihagis siya nito papasok sa kanyang sasakyan.

Halos mamutla si Jewel dahil hindi mag sink in sa utak niya na sa dami ng makakakita sa kanya sa lugar na ito ay ang asawa niya pa.

Pagdating nila sa kanilang bahay ay mabilis na bumaba si Thunder at agad agad hinila ang asawa papasok.

"Anong ginagawa mo doon, ha?" sigaw nito

Halos hindi makahanap ng tamang salita si Jewel kung paano niya sasagutin ang simpleng tanong ng asawa. Nilulukob siya ng kaba dahil sa nakikita niyang galit dito.

"Bakit hindi ka makasagot? Huwag mong hintayin na ulitin ko pa ang tanong ko sayong babae ka! Punyeta!" halos dumagundong ang boses nito sa pamamahay nila

"Ahhhhh.." napasigaw siya ng bigla siya sinampal ng asawa

Halos ramdam niya ang palad nito sa kanyang mukha sobrang sakit ng pagkakasampal nito sa kanya. Hindi pa nakontento si Thunder ay hinila siya nito sa kanyang buhok at pilit na pinapaharap sa kanya.

"A-aray! T-thunder n-nasasaktan ako." sigaw nito habang hinahawakan ang mga braso ng asawa

"Talagang masasaktan ka sakin, tangina ka! Sagutin mo ang tinatanong ko bakit ka nando'n? Nakipagkita kana naman ba sa ibang lalaki?" madiin na wika nito

"H-hindi Thunder, Walang akong kasamang iba m-mag isa lang ako do'n. Maniwala ka sakin" halos mautal na ito.

Mas lalong sumama ang tingin nito sa kanya. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hindi ako tanga Jewel kaya huwag mo akong pinagloloko!"

Napasigaw na naman ang dalaga dahil sinampal na naman siya ulit nito. Halos mamanhid na ang pisngi niya at ramdam niya na din ang unti unting paghapdi ng kanyang mukha.

Kahit na nanginginig si Jewel ay nagawa niya pa ring tumayo at hawakan ang braso ng asawa. "Nagsasabi ako ng totoo, Thunder." aniya

Ngunit parang walang naririnig ang asawa at malakas siya nitong tinulak dahilan para matumba siya sa lamesa at tumama ang tagiliran niya rito. Impit na napasigaw naman siya dahil sobrang sakit nito.

Mabilis naman na lumapit sa kanya si Thunder ay hinawakan siya ng mahigpit sa panga. "Sinasabi ko sayo Jewel huwag na huwag mo akong gaguhin!" madiin na turan nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.

Buong lakas niya namang winaksi ang kamay ng asawa para mabitawan siya nito dahil nagsisimula ng kumirot ang panga niya na halatang nagkasugat ito.

Kahit kailan hindi niya naranasan ang ganitong buhay, mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang kaya kahit kailan ay hindi siya napagbuhatan ng kamay ng mga ito. Tinuring siyang prinsesa sa pamilya kaya masakit para sa kanya na maranasan ito at sa kanyang asawa pa mismo.

Mas lalong dumilim ang mukha ni Thunder at mabilis na sinakal na naman ang dalaga. "Itong tandaan mo Jewel at ipasok mo diyan sa maliit mong kukote! Kapag mahuli kitang may kalandiang lalaki ay mapapatay ko kayo lalong lalo kana. Ginusto mo ang buhay na ganito kaya magtiis ka! Huwag kang gumawa ng bagay na makapagdadala ng kahihiyan sa pamilya ko at mas lalong huwag mong dudungisan ng kalandian at maduming gawain mo ang apelyido ko." agad siyang binitawan nito pagkasabing pagkasabi niya at umalis nasa harapan niya

Halos maghabol ng hininga si Jewel ng dahil sa ginawang pagsakal sa kanya ng asawa. Kahit na masakit ang buong katawan niya ay pinilit niya pa ring tumayo at umakyat sa kanyang kwarto. Nang makarating siya rito ay agad siyang dumiretso sa cr at tumingin sa salamin. Kitang kita niya ang mga pasa sa kanyang makinis at maputing mukha, dumudugo rin ang gilid ng kanyang labi at pakiramdam niya ay nabalian siya ng buto dahil sa pagkakauntog ng tagiliran niya nung tinulak siya ng malakas ng asawa at nabangga ito sa lamesa.

Ngumiti siya ng mapait habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. 'Hindi ko na nakikita ang dating ako, 'yong masayahin na babae, ngayon puro na pasa at puno ng lungkot ang mga mata ko.' isip nito

Pero kahit ganito ang ginawa sa kanya ng kanyang asawa ay hindi niya pa rin magawang iwan. Sabihin man ng iba na sobrang tanga niya para manatili, pero para sa kanya parte naman ng pagmamahal ang masaktan. Mahal niya si Thunder kaya kakayanin niya ang lahat para dito at manatili dito kahit na ganito ang nangyayari sa kanila.

Tanga ka ngang tunay! Parte ng pagmamahal ang masaktan pero hindi ang mabugbog! - kontra ng isip nito

Inayos niya ang kanyang sarili at nagpalit na rin ng damit, ginamot niya rin ang mga pasa niya kahit papaano at hinilot hilot ang kanyang tagiliran. Pagkatapos no'n ay humiga na siya sa kama para matulog.

Pero ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin siya makatulog. Bumabalik sa kanyang ala-ala ang nangyari kanina at ang ginawa ng kanyang asawa.

Minsan naiisip niya kung makakaranas pa kaya siya ng kasiyahan sa lalaking mahal niya o habang buhay na siyang magiging miserable. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung worth it pa ba ang lahat ng ginagawa niya o hindi na? Kung hanggang kailan siya magtitiis at mananatili.

Ilang minuto pa ang nagdaan at unti unti na siyang dinadalaw ng antok hanggang sa tuluyan na siyang lamunin nito at nakatulog.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Fely Santiago
parang ayaw kunang basahin grabe
goodnovel comment avatar
Fely Santiago
sobra nmn tong malupit galit ata samundo si madam author brutal nmn
goodnovel comment avatar
Calista Dale
hindi na uso ganyan na babae.. nyetang ugali yan haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status