Share

Chapter 6

Calleigh POV

Mabilis na pumasok sa starbucks si Jewel dahil excited siyang makitang muli ang kanyang kaibigan. At ng makita niya ito ay agad agad siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit.

"Hindi naman halatang sobra mo akong namiss." saad ko.

"Ang tagal mo kayang nasa ibang bansa. Psh!" sabi niya sabay irap sa akin

Hindi ako umimik sa kanyang sinabi kaya nagtaka siya. "Oh bakit natahimik ka yata?" tanong nito sa akin.

Ngunit matamang tinitingnan ko lang siya habang sinusuri ng mabuti. Hinawakan ko pa ang kanyang mukha. Agad niya naman tinanggal ang kamay ko. "Hoy napapano kaba, ha? Epekto ba 'yan ng mahabang byahe?" pagbibiro nito

Ngunit nanatiling seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "Are you sure na okay ka lang Jewel? Look at you now, ibang iba kana."

"What do you mean iba?" tanong niya

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin para maintindihan mo ang ibig kung sabihin. Seriously? What are you doing to yourself? Hindi na ikaw ang Jewel na kilala ko. You look like a trash," prangkang anas ko.

Napayuko naman ang si Jewel dahil sa sinabi ko dahil alam niyang may punto ito. Masyado niya ng napabayaan ang sarili niya, ni pag aayos hindi niya man lang magawa.

"Masyado lang akong busy, kaya hindi ako nagkaroon ng oras para mag ayos." mahinang bulalas nito

"Busy? Busy saan? Sa pag aalala sa asawa mong wala namang pakialam sayo? Huwag mo akong patawanin best. Huwag mong hayaan ang sarili mong maging ganyan. You're better than this," positibong sambit ko.

"Hay naku, kung makapagsalita ka ah. Bakit kayo ni Dark ay maayos naba?" 

Agad naman umirap ito sa kanya. "Paano naman nasali sa usapan ang lalaking 'yon? Ikaw at ang asawa mo ang topic dito hindi siya. Duh!"

Umiling na lang siya at hindi na nagsalita pa. Umorder na kami ng pagkain, marami din kaming napag usapan at mahahalata mong sobrang miss na miss namin ang isa't isa.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siya para mag ikot ikot at mag shopping pero bago 'yon ay dinala ko muna siya sa isang parlor shop para ipaayos.

Halos ilang oras din silang magkasama at hindi na namalayan ang oras. Malapit ng mag gabi ng nakalabas kami sa mall, hinatid ko na lang siya pauwi.

"Thank you best! I enjoy this day. Take care." ngiting turan nito pagkalabas ng sasakyan.

Ngumiti naman ako sa kanya at sumenyas na aalis na.

Nakita ko naman siyang magmadaling pumasok sa loob ng kanilang bahay dahil baka nando'n na ang asawa nito at hindi pa siya nakapagluto.

Jewel POV

Hindi na ako nag atubili pang magpalit ng damit at dumiretso na ako sa kusina para magsimulang magluto.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto senyales na nando'n na ang asawa ko. Agad ko siyang sinalubong ng may mga ngiti sa labi. "Thunder, nagluto ako kumain kana," ani ko.

Hindi man lang siya nito pinansin at nagtuloy tuloy nasa hapag kainan, pero kahit gano'n ay masaya pa rin siya dahil dito ito kakain ngayon na malimit lang mangyari.

Sinundan niya ito at nakita niyang nagsisimula na itong kumain. Mas lumawak naman ang ngiti niya ng makitang mukhang sarap na sarap ang asawa sa pagkain.

Hinintay niyang matapos kumain ang asawa at saka niligpit ang pinagkainan nito. Nang matapos na siya ay napansin niyang nando'n pa rin ito at nakaupo habang tinitingnan siya nito. Nakaramdam naman siya niya hiya.

"Anong oras ka umuwi?" biglang tanong nito

"Ah, mga ala sais na." maikling sagot niya

Tumango tango naman ang asawa. "Saan ka nagpunta?" 

"Sa mall, nakipagkita ako kay Calliyah."

Napansin niya naman na nandilim ang mukha nito.

"Huwag mo nga akong ginagago Jewel, paanong si Calliyah ang kasama mo eh nasa ibang bansa siya. Huwag mo ng gamitin ang pangalan ng kaibigan mo kung nakipagkita ka lang naman sa lalaki mo." paghihinala nito

Sobrang naguguluhan naman siya sa sinasabi ng asawa. "A-ano bang sinasabi mo?"

Bigla naman itong tumayo at naglakad papalapit sa kanya. "Huwag kana magmaang-maangan pa. Sinasabi ko sayo Jewel huwag kang magpapahuli sa akin." madiin na saad nito

"Sinabi ko na sayo si Calliyah ang kasama ko, nandito na siya sa Pilipinas kahit tawagan mo siya at tanungin para sa ikakatahimik niyang isip mo," inis na turan niya

Hindi niya talaga maintindihan ang asawa. Kung ano-ano ang binibintang sa kanya na hindi niya naman ginagawa. Palibhasa kasi gawain niya ang mambabae kaya napaparanoid na.

"At bakit ganyan ang ayos mo? Hindi ka naman nakaayos no'ng umalis dito tapos biglang nakaayos kana pag uwi mo? Sabihin mo nga sa akin saan kapa nagpunta?" hawak nito sa braso niya

Agad niya naman winaksi ang kamay nitong madiin ba nakahawak sa kanya. Baka magkasugat na naman ito.

"Seriously Thunder? Tigilan mo nga ako sa kadumihan niyang utak mo!"

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na nakipagkita kapa sa lalaki mo! At ano pang ginawa niyo, ha? Did you two do it?"

Nangunot naman ang noo niya. Gusto niya na talagang sigawan ang lalaki. "What are you talking about? Do what?" tanong niya

Ngumisi naman ang asawa nito habang papalapit sa kanya. "Sex! Sex jewel, ganyan ba nagiging epekto sayo? Let me ask you this. Since we are married one year ago at hindi pa natin nagagawa ang bagay na 'yon. Do you want to try it with me?"

Biglang nabalot ng kaba ang buong sistema niya at hindi niya na napigilan pa ang masampal ng malakas si Thunder.

"Anong akala mo sa akin katulad ng mga babae mong parausan? Asawa mo ako!" sigaw nito

"Ikaw na ang nagsabi na asawa kita. Kaya pwede kung gawin sayo 'yon kahit kailan ko gusto. Isa sa obligasyon mo ang punan ang pangangailangan ko bilang asawa mo and that include sex," saad nito

Lumapit pa ang asawa nito sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang leeg.

Mabilis niya itong itinulak dahil hindi niya kinakaya ang sensasyon na dalaga ng asawa. "Stop what your doing! Aakyat na ako at matutulog," aniya

Kahit na isang taon na simula nung maikasal sila ay wala pang nangyari sa kanila kahit isang beses.

Pero bago pa siya makatalikod ay marahas siyang hinablot ni Thunder, kitang kita niya ang galit na namumutawi sa mukha nito. "Bakit pagod kaba? Pinagod kaba ng lalaki mo? Nakailang rounds naman kayo? Magaling ba siya? Mas magaling naman ako sa kanya. We can do it now in here," madiin na wika ng asawa habang hawak hawak nito ang kanya braso.

Agad namang nakaramdam ng takot ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil kinabahan siya sa mga pinagsasabi ng binata. Kung sana nasa maayos lang sila na sitwasyon at mahal nila ang isa't isa ito sana ang isa sa magiging masayang pangyayari sa buhay niya, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya makaramdam ng kasiyahan kung sakaling may mangyari man sa kanila sa estado ngayon ng asawa alam niyang galit ito.

"Matulog kana lang din Thunder, pagod ka lang." mahinang bulong nito

Ngunit tila walang narinig si Thunder at marahas siya nitong hinila at sinunggaban ng halik. Nakakaramdam siya ng sakit sa bawat paghalik nito sa kanya at alam niyang pag nagpatuloy pa ito ay magkakaroon ng sugat ang labi niya. Hindi niya tinugon ang bawat halik ng asawa. Sinubukan niya itong itulak ngunit sadyang mas malakas ito kumpara sa kanya.

Unti unti na niyang nalalasahan ang dugo na galing sa mismong mga labi niya kaya buong pwersa niyang itinulak ang asawa at hindi naman siya nabigo dahil natigil ito sa paghalik sa kanya. Mabilis siyang tumakbo paakyat ng kanyang kwarto at inilock ito.

Kasabay ng pag upo niya sa kanyang kama ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Sa ginawang ito sa kanya ng asawa ay ramdam na ramdam niyang hindi siya nito nirerespeto bilang asawa o kahit bilang isang babae. Pakiramdam niya ay isa siya sa mga babae nito na kaya niyang gawin ang nais niya kung kailan niya gusto. Pakiramdam niya ang dumi dumi niya. Sobrang sakit nito para sa kanya pero wala siyang magagawa mahal niya ito. 

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
James Austin
jewel hanggang kailan ka mag titiis sa asawa mo
goodnovel comment avatar
Calista Dale
ang hanash talaga till now tanga parin
goodnovel comment avatar
Tess Castillo
grabe si writer o,ngayon lang naisip na ilagay na marealize ni jewel na walang respeto ang asaea nya sa kanya..pls.tama na yun martir palaban nman na jewel ang gusto namin............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status