Share

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)
Author: Zxoul49

Prologue

NIYAKAP ko siya ng mahigpit para hindi tuluyang maka-alis. Pilit mang nanlalaban para makawala ay hindi ko siya hinayaang magtagumpay.

“Cathy, please, alam kong nagkamali ako. Hindi tama ang ginawa ko sa ’yo. Pero hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon,” ang sabi sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinakatitigan ang nagngangalit niyang mga mata. “Mahal na mahal kita, ‘yon ang totoo.”

Tinabig niya ang kamay ko. “Pa’no pa ako maniniwala sa ’yo! Niloko mo ako!” ang sigaw niya at humagulgol sa harap ko.

“Cut!” ang sigaw ng director. “Good job, Aaron and Noreen! It’s a good take!” ang pahayag pa nito at pumalakpak.

Nakigaya na rin ang ibang staff at crew na naroon. Pumapalakpak rin sila habang nakatingin sa aming dalawa ni Noreen.

Ngumiti at masayang nagpasalamat ang katabi kong si Noreen. Inabutan pa ito ng tissue ng Personal Assistant para ipunas sa mga luha.

Lalapitan sana ako ni Gab, nang sinenyasan kong huwag na. Umalis ako sa harap ng camera at naupo sa mono-block chair na nakalaan para sa akin. Kinuha ang script sa mesa at binasa.

“May isa pa palang scene na gagawin,” ang komento ko.

“Wala na, last scene na raw ‘yong kanina,” ang sagot ni Gab matapos sumunod sa akin. “Nasaan na naman ba ‘yang utak mo at hindi ka nakikinig sa direktor.”

“Bakit daw?” ang tanong ko at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Nagtataka dahil may last scene pa dapat na gagawin ngayong araw.

“Bigla kasing hindi na pwede ‘yong lugar na gagamitin para sa shoot.”

“If that’s the case, balik na lang tayo sa company.” Tumayo ako at nauna nang magpunta sa van na nakaparada sa hindi kalayuan. Pumasok ako sa loob at hinintay siyang matapos sa pakikipag-usap sa mga staff, malamang dumada-moves na naman sa mga babaeng staff.

Papaalis na sana kami ng may kumatok sa bintana ng van. Nagtataka kung bakit kumakatok sa bintana si Noreen. Kahit hindi ko pa ibinababa ang bintana ay nakangiti na ito. “Hi, Aaron, pwede bang makisabay?” ang tanong niya pagbukas ko ng pinto.

“Bakit? May problema ba ang van niyo?” ang tanong ko.

Biglang lumikot ang mga mata niya at iniwas ang tingin sa akin. “Nasira ang makina, eh.”

She’s lying.

Pero hindi ko na lang pinansin at lumipat ng pwesto para makasakay siya. “Ang P.A.?” ang tanong ko.

Hindi niya ba isasama?

“Magko-commute na lang daw siya,” ang tugon niya.

“Isama na natin dahil papunta rin naman kami sa company. Saka ang dami niyang dalang gamit baka mahirapan lang siya,” ang sabi ko.

Sandali siyang nagdalawang isip pero kalaunan ay tinawag din ang kasama. “Nakakahiya, naka-abala pa kami.”

“Ayos lang, kasiya naman tayong tatlo rito,” ang komento ko at tinulungan ang P.A. ni Noreen sa paglalagay ng mga gamit sa likod.

Matapos makasakay ni Gab ay lumarga na ang sasakyan.Nilabas ko ang cellphone sa bulsa para malibang naman habang nasa biyahe.

“Ang galing nga pala nang ginawa mo kanina Aaron,” ang sabi ni Noreen.

Nilingon ko siya na nasa kabilang upuan, nakangiti sa akin. Pinakatitigan ko muna ang mukha niya bago nagpasalamat sa sinabi niyang compliment tungkol sa pag-arte ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang malisiyosong tingin ni Gab at nakuha pa akong pandilatan.

May kung ano-ano pang sinasabi si Noreen na hindi ko na pinansin. Kinuha ko ang earphone sa bag at saka nakinig ng music.

I don’t want to waste my time listening to her.

Matapos kong gawin iyon ay natahimik siya at tila naramdaman ang kawalang-interes ko sa kung ano mang sinasabi niya. Hindi na muli itong nag-attempt na kausapin ako.

Isang oras ang biyahe bago nakarating sa company. Ilang sandali matapos mai-park ang sasakyan ay agad nagdagsaan ang mga tao na gustong makalapit. Ang iba sa kanila ay pamilyar sa akin at marahil ay mga fans.

Mabuti at agad kumilos ang mga security guard na nagbabantay sa labas ng building at humarang sa mga taong gustong makalapit sa van.

Lumabas ng kotse si Gab at binuksan ang pinto ng van. Agad akong nakarinig nang malakas na sigawan galing sa mga fans.

Nang lumabas si Noreen ay biglang tumahimik. Pero kalaunan ay nagsigawan uli nang kumaway.

Nang bumaba ako ay agad nagkagulo. Ang daming nagtitilian at sinisigaw ang pangalan ko.

Mabilis na kumapit sa braso ko si Noreen, kaya mas lalong nagtilian ang mga fans.

May mga nakikita pa akong sign na suportado ang love-team namin.

Kahit naiinis ay ngumiti na lang ako at kumaway sa mga fans. Nagpasalamat sa walang sawang pagsuporta sa akin.

Nang makapasok sa loob ng building ay nilayo ko ang braso sa kanya at dinala siya sa lugar na walang masiyadong tao na dumaraan.

“Ano ‘yong nasa labas? Ba’t ang daming tao at fans?” ang tanong ko.

“I don’t know,” ang sagot niya na hindi makatingin sa akin.

“Plano mo ba ‘to?” puno ng pagdududa.

“Anong sinasabi mo?” muling lumikot ang mga mata. “Anong plano ang tinutukoy mo?” ang pagmamaang-maangan pa niya.

“I know you, Noreen. Kaya hindi mo ako madadaan sa pagkukunwari mo.”

Sa isang-iglap ay nagbago ang tingin niya. Hindi ko matukoy kung ano… Galit? Lungkot? Hindi ako sigurado.

Lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Ipinulupot ang dalawang kamay sa aking bewang.

“Ba’t gan’yan ka sa ‘kin? Gusto lang naman kitang makasama,” ang bulong niya at ramdam ko ang sakit sa tono ng boses.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil pagod na akong makipagtalo sa kanya. Hahayaan na lang sana siyang yumakap sandali nang biglang napadaan si Chris. Kunot-noo itong nakatingin sa aming dalawa ni Noreen kaya bahagya ko siyang inilayo.

Nang mawala na sa paningin ko si Chris ay saka ako nagsalita, “Matagal na tayong tapos, Noreen.”

Mariin niyang nakagat ang labi upang pigilan ang maiyak. “Pero ako naman ang mahal mo,” niyakap niya akong muli. “Please, Aaron tayo na lang uli,” ang bulong niya na bahagyang gumaralgal ang boses. Tumulo ang luha niya sa mata. Nasasaktan.

Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. “I’m sorry,” ang sagot ko at iniwan siya roon.

MATAPOS mag-shower ay nagpunta ako sa kusina. Kumuha ng maiinom.

Binalikan ko ang cellphone sa kuwarto at tinawagan si Gab.

“Ibili mo ako ng dinner,” agad kong utos pagkasagot niya sa tawag. Hindi ko na hinintay pang makasagot at pinatay agad ang tawag.

Sigurado akong manggagalaiti na naman iyon sa galit dahil inutusan ko na naman.

Kumuha ako ng damit at nagbihis. Pagkatapos ay nagpunta sa sala habang hinihintay si Gab nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad akong napangiti ng makita ang pangalan niya sa screen.

“Hello?” ang sagot ko sa kabilang linya.

“Aaron, where are you now?” ang tanong niya.

Pumikit muna ako at dinama ang pagkakasabi niya ng pangalan ko. “Sa bahay,” ang sagot ko pagkatapos.

“Okay,” ang sagot niya. “Sige, ibababa ko na ‘to.”—no, wait!

Gusto ko pa siyang kausapin ng matagal pero binaba na niya ang tawag.

Balak ko sana siyang tawagan nang bumukas ang pinto at pumasok si Gab, dala ang pagkain ko.

“Sir, ito na po, ang dinner niyo,” ang sabi ni Gab at pagkatapos ay inambahan akong sasakalin na mabilis ko namang napigilan. “Tar*ntado ka! Ilang beses ko ng sinabi sa ‘yong ‘wag mo kong mautos-utusan. Manager mo ako, manager!”

Pilit akong gustong sakalin ni Gab pero hindi ko siya hinayaan. Nagpambuno kami sa sala.

Nasa ganoon kaming sitwasiyon ng bumukas ang pinto at narinig ang matinis nilang boses.

“Daddy!”

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status