Chapter 57

KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin.

Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong.

Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan.

Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama

Zxoul49

Last 3 chap na lang po with epilogue.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status