PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita.
Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko.
Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta.
“Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong.
“Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.”
“Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
NIYAKAP ko siya ng mahigpit para hindi tuluyang maka-alis. Pilit mang nanlalaban para makawala ay hindi ko siya hinayaang magtagumpay.“Cathy, please, alam kong nagkamali ako. Hindi tama ang ginawa ko sa ’yo. Pero hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon,” ang sabi sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinakatitigan ang nagngangalit niyang mga mata. “Mahal na mahal kita, ‘yon ang totoo.”Tinabig niya ang kamay ko. “Pa’no pa ako maniniwala sa ’yo! Niloko mo ako!” ang sigaw niya at humagulgol sa harap ko.“Cut!” ang sigaw ng director. “Good job, Aaron and Noreen! It’s a good take!” ang pahayag pa nito at pumalakpak.Nakigaya na rin ang ibang staff at crew na naroon. Pumapalakpak rin sila habang nakatingin sa aming dalawa ni Noreen.Ngumiti at masayan
ILANG minuto ko ng tinititigan ang mukha ni Noreen habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ilang beses ko na siyang hinalikan sa pisngi at labi pero hindi pa rin magising-gising. Mukhang napagod talaga siya kagabi.Napapangiti ako habang iniisip kung gaano ka swerte dahil kasama ko siya at katabi. Ang babaeng ilang taon ko ng pinapangarap...[Past]LUMABAS ako ng bahay para maglaro sa may malapit na court. Dala ko ang laruang bola at patakbong nagtungo roon nang mapahinto.May nakaagaw kasi ng aking pansin. Isang batang babae na malusog at mas matangkad pa sa akin.Sa tabi nito ang isang pink na bike. Pero sa halip na sakyan ay hila-hila niya lang ito. Tinitigan ko ito pero ilang sandali ay hindi rin nakatiis at lumapit na."Sa 'yo 'yan?" ang tanong ko."Oo, bakit?" ang sagot nito."Ba't hindi mo sinasakyan?" ang tanong ko at nag-dribble nang isang
PAGKABABA sa kotse ay si Gab agad ang bumungad sa akin. Halatang galit na galit at gusto na akong saktan.Tinignan ko ang oras sa suot na relo. “Hindi ako late,” ang sabi ko sa kanya.“Tang*na mo!” isang malutong na mura ang sinagot niya sa akin. Buti na lang at pabulong niya iyong sinabi dahil baka marinig siya ng staff na nasa paligid.“Bakit na naman?!” ang reklamo mo.Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko na kulang na lang ay baliin. “Ngumiti ka,” ang utos niya sa akin.Kahit gustong-gusto ko ng mapaaray sa sakit ng pagkakahawak niya ay sumunod ako. “Masakit, gag*!” ang pabulong kong reklamo. Gusto nang tanggalin ang kamay niya.“’Di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag mo munang puntahan ‘yang babae mo… putulan kita ng ano r’yan, eh, makita mo.”“May
PATAPOS na ang pag-aayos sa akin nang pumasok sa dressing room si Jackson—my co-artist in T. R. Entertainment. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Para siyang si Gab. “Kumusta?” ang bati nito at naupo sa tabi ko. Pasimpleng inaayos ang buhok sa harap ng salamin. “Ayos lang.” “Galingan natin mamaya sa show,” ang sabi niya at naupo pakaliwa para ibigay sa akin ang buong atensiyon. “Tapos na po,” ang singit ng make-up artist kaya agad kong sinenyasan na maari na itong umalis. Hinintay ko lang na maisara nito ang pinto at saka ko hinarap si Jackson. “Ano na naman ang trip mo?” “Wala, gusto lang kitang kausapin.” Habang may ngiting nakakaloko. “’Wag na tayong maglokohan… anong kailangan mo?” Hindi ko gusto ang pinapakita niyang ngiti. Umismid siya at kalaunan ay natawa. “
MAINGAY ang gabi at puro mga sasakyan ang nakikita ko sa labas ng van. May kasama ako pero bakit tila hindi ko marinig ang lahat na tila napakatahimik… pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Tumatakbo naman ang oras pero bakit tila nakahinto ang lahat.“Sa bahay tayo,” ang utos ko sa driver. Gusto ko munang umuwi kay Mama ngayong gabi. Gusto ko siyang makita at makasama.“Masiyado ng gabi para umuwi ka pa sa inyo. Maaga pa tayo bukas,” ang sabi ni Gab.“Sunduin mo na lang ako bukas.”“Ang layo-layo kaya—“ nahinto siya nang tignan ko… at mukhang naintindihan naman niya ang pinahihiwatig ko. “Bahala ka na nga, basta maaga kang gumising bukas para hindi mo na ako maabala pa ng husto.”Tumango ako at pagkatapos ay pumikit. Hindi ko napansin na nakatulog ako sa biyahe kung hindi lang ako ginising ni Gab.&l