ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin.
Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro.
Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago.
Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito.
“Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator.
Pero mabilis ang
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.