Chapter 6

(Past)

HINDI nagtagal ay naging desperado ako sa buhay. Sa kagustuhan kong magkaroon ng pera para matulungan si Mama ay pumasok ako sa masamang gawain.

Marahas akong hinila ng kasama ko. “Hoy, baguhan… alam kong first time mo ‘to pero bawal ang bahag ang buntot dito kaya ayusin mo,” ang bulong nito sa akin. Marahas ako nitong kinuwelyuhan sabay turo sa isang lalake. “Nakikita mo ‘yong lalakeng ‘yon?... ‘Yong mataba at nakasuot ng amerikano. Mukhang mayaman kaya gusto ko kunin mo ‘yong wallet niya,” ang utos nito sabay tulak sa akin paabante. “Ayusin mo, ha. Hihintayin kita sa kabila.”

Lumingon ako sa kasama ko. Kahit na training na kami para rito ay hindi ko maiwasang kabahan.

Tinapik niya lang ang balikat ko saka lumayo sa akin para hintayin ako sa kabilang kalsada.

Huminga ako ng malalim para lakasan ang loob sa gagawin. Wala na itong atrasan.

Hindi ko inalis ang tingin sa target kung saan nakatayo ito at may katawagan sa cellphone. Sa training namin, mas mabilis madukutan ang isang tao kapag distracted ito o kung may ibang ginagawa at hindi naka-focus sa paligid.

Kaya pasimple akong naglakad sa likod nito. Dahan-dahan kong inangat ang kamay papunta malapit sa bulsa… nang bigla itong maglakad palayo.

Sandali akong natanga sa nangyari. Nagdalawang isip kung susundan ko ba o maghahanap na lang ng ibang mata-target.

Pero pinili ko ang unang option. Bahala na si Batman!

Sinundan ko ang lalake hanggang sa pumasok ito sa itim na kotse.

Epic fail ang plano ko! Mukhang paalis na ito.

Marahas akong napakamot sa ulo at naghanap na lang ng ibang ta-target-in nang makitang lumabas ito sa sasakyan at may kausap muli sa cellphone.

Yes! Pagkakataon ko na.

Muli akong pumuwesto sa likuran ng lalake. Ipapasok ko na sana ang kamay sa bulsa nito… nang biglang may pumigil sa akin.

“What are you doing?”

Gulat akong napatingin sa batang babaeng nakatitig sa akin ng kakaiba.

“Are you those guys in television called magnanakaw?” ang tanong nito sa akin.

Napaatras ako at akmang tatakbo nang mahawakan ako nang lalake. “Anong ginagawa mo?”

“Daddy, I saw him trying to snatch your wallet,” ang sumbong nito sa lalake.

“Hindi po!” agad kong tanggi. Nagpumiglas ako pero hindi ko magawa. “Bitiwan niyo po ako!” ang pakiusap ko. Napansin ko pa ang kasamahan kong nakatingin lang sa akin. “Erik, Tulong!” ang sigaw ko pa pero hindi ako nito pinansin at mabilis na tumakbo palayo.

Nagmakaawa ako sa lalake na pakawalan na ako. Pinagdikit ko ang dalawang kamay at kiniskis ang palad habang nagmamakaawa.

"Alam mo bang mali ang ginawa mo? Hindi ka dapat magnakaw."

"Patawad po," hindi ko napigilang umiyak dahil sa takot. Baka dalhin ako sa police station.

"Just forgive him, Daddy."

Lumingon ako sa batang babae. Naroon pa rin ang kakaiba niyang tingin.

"Okay," ang sagot ng lalake. Nakita ko ang awa sa mga mata nito kaya nabuhayan ako ng loob. "'Wag mo ng uulitin 'to." At saka ako binitawan.

Kumaripas ako nang takbo pagkabitaw nito sa akin.

Mabilis akong lumayo sa lugar at baka magbago ang isip ng lalake. Ayokong makulong.

Hingal na hingal ako ng huminto.

"Hoy! Ano 'yong kanina?!" ang tanong ni Eric. Hindi ko napansin na hinintay niya pala ako rito.

"N-nahuli ako," ang nasabi ko na lang.

Bigla niya akong sinikmuraan kaya napaluhod ako sa sakit.

"Sira*lo! Idadamay mo pa ako sa kapalpakan mo!" ang singhal niya. "Umayos ka, ha!"

Iniwan niya ako doong namimilipit. Sobrang lakas ng suntok niya.

Umuwi ako sa bahay na masakit pa rin ang tiyan.

Nagtanong si Mama kung may problema ba ako. Mukhang nahalata niya na may mali.

"Wala 'Ma, napagod lang ako sa school," ang dahilan ko.

Nagkulong ako sa kwarto at hindi na lumabas. Matapos ang araw na iyon ay hindi na ako nagpakita kay Eric. Ayokong sayangin ang buhay ko. Kahit gaano pa ako ka-desperado para sa pera ay ayokong biguin si Mama.

Gusto kong maging proud siya sa akin kahit anong mangyari.

LUPAYPAY ang balikat na umalis ako sa venue. Sayang ang grand prize. Kung bakit kasi bigla na lang akong kinabahan.

Tinignan ko ang hawak na envelope. Pero ayos na rin dahil ako naman ang first runner up. Kahit paano ay may pera na akong mabibigay kay Mama.

Nagmadali agad akong umuwi dahil sa sobrang excitement. Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Mama na first runner up ako sa singing competition na sinalihan ko.

Nag-short cut ako ng daan para mabilis na makauwi nang makarinig ng sigaw. Napahinto ako at hinanap ang may-ari.

"No!"

Isang matinis na sigaw muli ang narinig ko. Agad akong tumakbo kung nasaan ang sumigaw at nakita ko ang isang batang babae na nakikipag-agawan ng bag sa dalawang matatangkad na lalake.

"Ibigay mo na! Kung ayaw mong masaktan!"

Agad kong nakilala ang isa sa mga lalake nang akmang susuntukin ang bata. Walang pagdadalawang isip akong sumigaw, "Hoy, Eric!"

Bumakas ang galit sa mukha ni Eric at saka ako tinuro. "Hoy, nagpakita ka ring gag* ka! Humanda ka sa 'kin ngayon!" Tumakbo siya palapit sa akin kaya kumaripas ako ng takbo.

Nagpahabol ako para pakawalan nila iyong batang babae. Mabuti na lang talaga at mabilis akong tumakbo. Kabisado ko rin ang buong lugar kaya hindi mahirap para sa akin na iligaw sila.

Nagtago ako at hinintay silang makalampas bago ko binalikan iyong bata.

"Ba't nandito ka pa? Dapat umalis ka na, baka bigla silang bumalik dito," ang sabi ko.

"I'm lost," ang sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa hawak na bag.

Napakunot-noo ako. Bakit parang pamilyar ang mukha niya?

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Ang bilog niyang mata at namumulang ilong. Ang labi niyang kagat-kagat.

Nang titigan niya ako sa mata ay doon ko lang naalala kung sino siya.

"Ikaw 'yong batang pangit ang mata!" bigla kong nasigaw sabay turo sa kanya.

Bigla naman niyang hinawakan ang mga mata. "Hindi pangit ang eyes ko!"

Hindi nga! Pero 'yong tingin mo kasi kakaiba.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang bag. "'Lika, umalis na tayo rito at baka bumalik sila.

Umalis kami sa eskinita na hila-hila ko ang strap ng bag at siya naman sa dulo.

Nang malayo na kami ay huminto ako. "Safe ka na rito," ang sabi ko sabay lingon sa mga taong naglalakad. Nasa mataong lugar na kami kaya ayos nang iwan siya rito. "Sige, alis na 'ko."

"W-wait!" ang pigil niya sa akin. "I'm lost nga 'di ba? Can you help me, I want to go home na."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Rich kid nga naman.

"Humingi ka na lang ng tulong sa iba, gusto ko na ring umuwi."

Bigla siyang umiyak kaya nagsitinginan ang mga dumadaang tao.

"Hoy! Ba't ka umiiyak?" Lumapit ako sa kanya.

"I was in danger! Those bad boys threatened me!"

Napakamot ako sa ulo. "Ba't ngayon ka lang umiiyak? Dapat kanina pa."

Late ang reaction niya. Ngayon lang siya umiyak, eh, kanina pa iyon. Sa sobrang shock niya siguro kaya ngayon lang siya nakaramdam nang takot.

"Kasi nakita ko sa TV na ayaw ng mga bad guys sa batang umiiyak."

Pinunasan ko ang luha niya. "'Wag ka ng umiyak, sige na, sasamahan na kitang umuwi sa inyo."

Matapos noon ay naglakad pa kami hanggang sa makarating sa isang malaking building.

"Dito ka nakatira?" Tumingala ako dahil sa sobrang taas ng building.

"Nope, nandito si Daddy. He own this building."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang yaman-yaman naman pala nila.

"Ow! There he is!" ang turo niya sa isang lalakeng nakatalikod. "Daddy!" ang tawag niya rito.

Bigla akong napatalikod. Biglang naalala iyong nangyari dati. "Sige, alis na 'ko."

"Wait!" ang pigil niya. Nilahad niya ang kamay sa akin. "By the way, I'm Thalia."

***<[°o°]>***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status