Chapter 14
HUMARAP ako sa salamin at inayos ang button-down collar at 2-button cuffs na suot. Matapos ay kinuha ang white english-cut suit. Matapos mabutones ay hinagod ko ang shawl-style lapels.
"Perfect," ang komento ko sa sarili. Bahagya kong tinignan ang suot na black oxford shoes at saka lumabas ng condo.
Bumaba ako hanggang sa parking lot kung saan naghihintay si Gab. Pagbukas sa kotse kong siya muna ang gumagamit ay natigilan ako. "Wow, ibang-iba ang dating natin, a," ang komento ko sa kanya nang makitang suot ang gray american-cut suit.
"Ayos ba?"
Sumakay ako sa passenger. "Oo naman, parang ikaw nga ang may-ari nitong kotse, e."
"Matagal-tagal na rin nu'ng huli akong nakapagsuot ng ganitong damit kaya—" bahagya siyang gumalaw-galaw. "hindi na ako sanay."
Tumingin ako sa suot na relo. "Tara na, ayokong mahuli sa debut ni Thalia."
Kahit maaga pa ay kailangan naming magmadali dahil malayo-layo ang venue. Ma-traffic
NASA pier at pasakay na sa yateng inarkila para makarating sa private island na sinasabi ni Mr. Ben.Nilibot ko ang paningin at hinanap si Noreen. Ang sabi niya sa text ay nandito na siya kanina pa pero hindi ko naman makita. Kahit maraming tao ay kabisado ko naman ang hugis ng kanyang katawan kaya hindi mahirap sa aking makita siya kahit sa malayuan pa."Tara na," ang kalabit sa akin ni Gab. "Sumakay na ang iba, kaya sumakay na rin tayo para makahanap ng pupwestuhan.""Okay," ang sagot ko at dinampot ang dalang bag. Muli kong nilibot ang paningin bago sumakay."Sa'n mo gusto, sa loob o sa labas?""Sa labas na lang para mahangin," ang sagot ko."Sige, akin nang bag mo at du'n ako sa loob." Kinuha niya ang bag ko at akmang papasok sa loob nang pigilan ko."Napansin mo ba siya kanina?""Sino?"Tumingin muna ako sa paligid ba
KINAUMAGAHAN ay sabay-sabay ang lahat na nag-breakfast. Kasama ko sa table si Kim, Gab at Jackson.Kulang na lang ay umirap ako kapag napapatingin rito. Bakit ba siya biglang naki-seat in sa amin? Masiyado akong pagod para makipagsabayan sa kanya, kung may binabalak nga na hindi maganda.Napatingin ako kay Kim na kanina pa papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Umiling pa siya para paalalahanin akong huwag awayin si Jackson.Pinanlakihan ko nga ng mata. "Ba't ako?" —ito kaya ang laging nag-uumpisa ng away.Hindi na lang ako kumibo hanggang sa ma-serve na ang pagkain. Mabuti na lang at wala itong ginawang kakaiba at kumain lang din.Patapos na akong kumain nang magsalita ito, "Ba't hindi mo kasama ang babae mo?"Nagpanting ang tenga ko at mabilis na tumingin nang masama. "Anong sinabi mo?"Hawak ang tinidor ay tinuro niya kung saan nakapuwesto si N
MATAPOS lumabas ni Gab sa suite ay dali-dali akong nagpadala ng message kay Noreen."Nagpa-reserve na ako ng room katabi ng akin."Naghintay akong mag-reply siya pero bumalik na lang si Gab ay wala akong natanggap."Tara na, naghihintay na sa baba ang rented car," ang sabi niya at kinuha ang mga gamit ko for the photoshoot.Tumingin muna ako sa balcony ng suite kung saan ay makikita ang lugar sa labas. Ang ganda ng city rito sa Toulouse. Sigurado akong magugustuhan rito ni Noreen kapag nandito na siya.Sandali pa lang ako rito pero parang gusto ko ng magtagal. Mabuti na lang talaga at ako ang kinuha ng isang kilalang fashion brand para gawing model.One-day shoot lang ang gagawin at magtatagal pa kami ng isa pang araw pagkatapos para ma-enjoy naman namin ang lugar.Lumabas ako sa suite at sinundan si Gab. Naabutan ko siyang naghihintay na sa akin. Napansin
DUMATING kami sa restaurant na sinasabi ng photographer na si Mr. Leonardo at kasama nito ang asawa."Hello, ako nga pala si Pia," ang bati agad sa amin ng asawa ni Mr. Leonardo."Hello, salamat sa pag-imbita sa amin," ang sagot ko at nilahad ang kamay para makipag-shake hands."No'ng nalaman ko na ikaw ang isa sa makakatrabaho ng asawa ko ay agad akong nag-request sa kanya na mag-dinner kasama kayo. By the way, 'yung bunso kong kapatid ay fan mo.""Oh, talaga... naku, nakakatuwa naman," ang sagot ko. Matapos ay naupo katabi ni Gab.Nilibot ko ang paningin. Kami pa lang apat ang nandito. Hindi pa dumarating ang iba.Napansin ko naman ang baby bump niya nang mapatingin sa kanyang tiyan. At mukhang napansin niya kung saang direksiyon ako nakatingin kaya napahawak siya rito."Ilang months na?" Hindi rin kasi masiyadong halata dahil sa suot niyang jacket.
PAGMULAT ng mata ay likod agad ng babae ang nakita ko. Ang mahaba at itim nitong buhok ang tumatakip sa hubad niyang katawan.Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama. 7: 06 am pa lang... napa-aga ang dating niya.Pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay nandito na siya... kasama ko.Hinawi ko ang mahaba niyang buhok saka siya niyakap nang patalikod. Hindi pa ako nakuntento at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.Hinalik-halikan ko ang balikat niya pero hindi man lang siya magising. Mukhang may jet lag pa siya.Sa dami nang nangyari kagabi... reward ko na itong nandito siya at yakap-yakap ko."Noreen... I'm glad you're here." Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya saka siya sinilip. "A-anong..."Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. Tulad ko ay gulat na gulat rin.Agad akong napalayo sa kanya sabay hila ng kumot. Tuma
HINDI MAKAPANIWALA si Gab matapos makita si Thalia sa room. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa. Kinusot niya pa ang mata pagkatapos."A-anong nangyayari? Ba't nandito ka?" ang tanong niya kay Thalia.Napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko sasabihin sa kanya lahat kung pareho kami ni Thalia na walang maalala.Tumingala ako habang mariing napapikit. Nakakabaliw ang mga nangyari pero kailangan namin itong pag-usapan at mabigyan ng solution bago pa dumating si Noreen dito at mas lalong magkagulo."Okay, do'n tayong tatlo sa sala. Kailangan nating pag-usapan ang nangyari," ang utos ko at nauna na sa kanila.Pero ilang sandali na kaming nakaupo at magkaharap ay wala ni isang nagsasalita. Hindi ko rin kasi sigurado kung saan mag-uumpisa."Walang gustong magsalita sa inyong dalawa?" ang tanong ni Gab. "O sige, ganito na lang... magtatanong ako, tapos gusto kong
KANINA ko pa tinitingnan si Gab mula sa rearview mirror ng sasakyan. Nasa passenger seat siya at abala sa cellphone.Dahil natapos na namin ang photoshoot sa Toulouse ay balik na naman siya sa pag-aasikaso sa schedule ko."Mamayang 2 p.m. ay may schedule ka sa isang mall to promote the drama. Tapos... nakikinig ka ba?" ang tanong niya matapos lumingon.Tumango naman ako."Malapit na tayo sa condo, makakapagpahinga ka na," ang dagdag niya pa.Sa tingin ko nga ay kailangan ko talaga nang pahinga. Pareho naman kaming bumiyahe pero bakit parang ako lang ata ang may jet lag?Inabala ko na lang ang sarili sa cellphone habang papunta na ang kotse sa condo. Tinignan ko ang inbox... at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang messages sa akin.I need to see Noreen. I want to know kung bakit hindi ito nakarating sa Toulouse. Buong araw akong naghintay na dumating pero
Chapter 22 ANG SAKIT sa dibdib at ang hirap huminga nang maayos kung ganito ang nararamdaman ko. Humahapdi pa ang mata ko dahil sa halo-halong emosiyon.Parang sasabog na ang puso ko nang makitang may pumatak na luha sa mata niya.Ang ibig sabihin..."Sino si Boss?" ang ulit ko. "Sino siya?!"Pero hindi niya masabi at panay lang ang iling. Tumayo ako para lumapit pero agad siyang lumayo.Agad kong nahabol ang braso niya. "Sabihin mo sa 'kin, sino siya?" mas mahinahon na ang boses ko. "Hindi mo kayang sabihin? Bakit?"Tuluyan na siyang umiyak. Pumatak sa kamay ko ang luha niya. Binitiwan ko ang braso niya at niyakap siya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan."Shhh... tahan na," ang bulong ko,"I'm so sorry Aaron... I'm sorry," ang hikbi niya."Ayos lang," sabay punas ko sa luha niya. "Hindi na importante sa 'kin kung ano man ang nangyari."Ilang beses siyang umiling at pagkatapos ay lumayo sa akin. "Aaron... I'm sorry, pero kailan