Share

Chapter 23

[Past]

SA SENYAS ng staff crew ay naglakad ako sa gitna ng stage. Madilim dahil hindi pa binubuksan ang ilaw. Tumingin ako sa pianist nang mag-umpisa na itong magtipa sa piano.

Pumikit ako para damhin ang musikang nililikha ng piano. Inangat ko ang hawak na microphone at buong pusong inawit ang 3rd single ko.

“Lubusan mang nasasaktan, hindi maiiba

Tibok nitong puso’y tanging sa ‘yo lamang

Limutin mo man ako’y laging naririto

Sana’y madama mo itong tinitibok ng puso…”

Nang imulat ang mata ay may nakatutok na sa aking ilaw. Tiningnan ko ang mga audience na parang nakikita ko talaga sila. Kahit madilim at tanging sa puwesto ko lang ang may ilaw ay patuloy ako sa ginagawang pagtingin sa audience. Gusto kong maramdaman nila ang kinakanta ko.

Lalo na at ako mismo ang nag-compose at nag-arrange. Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ang kantang ito.

Masigabong palakpakan ang natanggap ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status