Share

Chapter 25

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Bumangon ako para ayusin ang kurtina pero bago pa makatayo ay agad kong naramdaman ang sakit sa ulo. Ilang beses akong napamura dahil sa sobrang sakit.

Gaano ba karami ang nainom ko? Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

Nahigit ko ang hininga nang biglang sumakit ang tiyan. Sh*t! sobrang sakit!

Muli akong napahiga nang hindi na kinaya ang sakit. Resulta na ata ito nang pag-inom ko ng walang laman ang tiyan. Kahapon pa ako hindi kumakain.

Hindi pa nagpupunta si Gab dito simula nang magkasagutan kami.

Imbis na ayusin ang kurtina ay lumabas na lang ako ng kwarto para maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan.

“Bw*sit! Wala bang gamot para sa sakit sa tiyan?” Namimilipit na ako sa sakit. Halos itapon ko na ang laman ng medicine box para lang mahanap ang kailangan pero wala akong makita kahit isang gamot para sa tiyan.

Pumunta na lang ako sa kusina at uminom ng tubig. Baka saka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status