NAGISING ako at agad hinanap ng mga mata si Thalia. Muntik pa akong bumangon para hanapin sa labas.
“Aaron?”Napalingon ako nang lumabas siya mula sa banyo.“Akala ko umalis ka na,” ang sabi ko matapos makahinga nang maluwag.“Naghugas lang ako ng kamay,” ang sagot niya at lumapit sa akin. “Humiga ka ulit, hindi ka pa magaling.”Sinunod ko ang sinabi niya at muling nahiga. Tiningnan ko sa side-table ang orasan. Malapit na palang magtanghali.Napansin ko ang damit niya. Kahapon niya pa ito suot. At sigurado akong hindi pa siya nakakauwi sa kanila. “Baka hinahanap ka na sa inyo.”“Nagpaalam na ako kay Daddy at Mommy kaya ayos lang.”“Pero kasi…” Pagkatapos ay tinuro ko ang suot niyang damit.“Bakit?” ang tanong niya. Mukhang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.“Kahapon pa kasi ‘yang suot mo. Baka lang hindi ka na komportable.”Sandaling lumikot ang mga mata niya.“Kung okay lang sa ‘yo may extra akong damit d’yan. Never ko pang nagamit. Pwede ka rinSA LOOB ng ilang linggo ay naging maayos ang trabaho ko. Kahit may dumagdag na mga project ay mas maayos naman sa point na nakalimutan kong may project pala kaming magkasama.Laking pasalamat na lang siguro na naging artista ako at kayang kontrolin ang emosiyon sa harap ng ibang tao.“Do’n lang ako sa likod,” ang sabi ni Gab matapos magkumustahan sa director, staff and cast ng movie. “Ito nga pala ang script.” Sabay abot sa akin.Tinapik ko lang ang balikat niya saka naupo. Katabi ko sa long table ang female lead. Sa hilera namin ang ibang actor na may malaking role sa movie. Kahit hindi ko nakuha ang lead role na in-audition ay thankful pa rin ako dahil napasama sa cast.Ang papel ko sa movie ay kaibigan ng leading man at isang doctor.Sa kabilang side naman ng table nakaupo si Noreen, sa pinakadulo. Nakangiti sa lahat pero hindi man lang ako matignan. Parang hindi ako nag-i-exist sa paningin niya at tumatagos lang.Well,
IN-OFF ko ang shower saka hinagod ang basang buhok. Inabot ko sa may sink ang towel at saka ibinalot sa bewang. Kahit tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ay lumabas na ako ng banyo at lumapit sa side-table para kunin ang cellphone na kanina pa nagri-ring.“Hello, ‘Ma?” ang sagot ko sa kabilang linya.“Kumusta ‘Nak?”“Okay lang ‘Ma, kailan ang balik mo?” Naglakad ako palapit sa cabinet at kumuha ng damit.“Siguro next week pero hindi ko pa sigurado.”“Hmm…” biglang sumagi sa isip ko iyong nangyaring pagtatalo namin noong huli. Nag-sorry na ako sa kanya pero parang hindi sapat iyon. Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya dahil muli siyang bumalik sa probinsiya kasama si Tita habang may sakit ako.Sa susunod, sisiguraduhin kong dadalaw ako sa bahay at hihingi ng tawad sa ginawa ko.“Okay ‘Ma, dadalaw ako sa bahay pag-uwi mo.”
ILANG BESES akong nag-doorbell sa pinto ng apartment ni Gab. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Baka hindi pa iyon gising at nakalimutan ang usapan ngayon. Ang linaw-linaw pa naman nang sinabi ko na maaga kaming aalis dahil malayo ang airport.“Gab!” ang sigaw ko pa na kulang na lang ay kalampagin ang pinto para lang makapasok. Kung bakit kasi wala akong duplicate sa susi ng apartment niya, samantalang siya kayang maglabas-masok sa condo ko.Muli sana akong magdo-doorbell nang buksan na niya ang pinto. “Ano ba! Nabibingi na ako sa kaka-doorbell mo,” ang reklamo niya. Inis ang mukha pero hindi ko na iyon pansin at sa suot niya lang nakatingin. Hindi siya mukhang bagong gising at mukhang nakapanglakad.“Ba’t kasi ang tagal mong buksan ang pinto? Kanina pa rin ako tumatawag tapos hindi mo naman sinasagot.”“Nag-number two ako,” sabay pakita ng kamay sa akin. “Kung gusto mo, am
NAKAPIKIT akong bumangon sa kama nang magising sa ingay ng doorbell. Tiningnan ko muna ang orasan sa may side-table bago lumabas ng kwarto.Five forty-three? Sino namang magdo-doorbell sa condo ko nang ganito kaaga?Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa buksan ang pinto. “Anong—!“ Bigla akong matigilan nang makita ang isang babaeng naka-cap at mask. Itim ang suot na damit at pants.Sino ito?!“Ahhhh!!” Bigla siyang sumigaw at nagtatatalon. Muntik pa nga akong yakapin pero mabilis kong naisara ang pinto. Ni-lock ko agad kung saka-sakaling buksan nito mula sa labas ang pinto.“Aaron!” ang rinig ko pang sigaw ng babae sa labas. Napaatras ako nang kalampagin pa nito ang pinto.Anong nangyayari?! Fans ko ba iyon? Bakit nakapasok rito sa building?Nagpunta ako sa sala para tawagan ang security ng building. “Hello?... Yes, sa condo unit 049 ‘to. May babae sa labas ng pinto ko… Pwede bang umakyat kayo r
ILANG ARAW na akong ayaw kausapin ni Mama, sa tawag man o sa personal. Nagtatampo siya dahil sinaktan ko raw si Noreen.Kaya hinayaan ko na lang ito. Mawawala rin siguro ang tampo niya sa akin sa pagtagal.Habang si Noreen ay nagpasalamat kahit hiyang-hiya sa nagawa. Nagpasalamat siyang hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Ayaw niyang sumama ang loob ni Mama lalo na at tinuring na rin niya itong isang tunay na Ina.“Kumusta?” ang tanong ni Gab. Pero umiling lang ako pagkatapos ay binalik sa bulsa ang cellphone.Muli ko kasing sinubukang tawagan si Mama pero ayaw niya talagang sagutin. “Ayaw talaga akong kausapin, e.”“Kung hindi ka ba naman sira*lo, ba’t ka nagsinungaling? Dapat sinabi mo ang totoo sa kanya.” Nakatingin siya sa akin at napailing. Parang sinasabing ang tanga-tanga nang ginawa ko.“Ayokong mag-iba ang tingin niya kay Noreen.”“Ay ang gag*, ano? Mahal mo pa rin ba ‘yun?
PAGKARINIG pa lang nang sigaw ay agad na akong tumakbo. Napansin ko agad ang isang may edad na babae ang hindi mapakali at kung saan-saang direksiyon tumitingin.“Tulong, Doctor! Tulungan niyo ang anak ko!” ang sigaw nito muli nang lumapit ako.“Anong nangyari?”“Manganganak na po ata ang Anak ko, Doc.” Kumapit pa ito sa suot kong white coat.Inayos ko ang stethoscope at lumapit sa babaeng b-buntis.“Cut! Aaron, nakalimutan mo ang lines!” ang sigaw ng Director.Nahinto naman ako at saka agad humingi ng paumanhin sa nagawang pagkakamali.“Pangsampung take na natin ‘to. Titingnan mo lang ang condition ng patient, ba’t hindi mo magawa nang maayos?!” Ramdam ko ang inis ng Director sa akin.Yumuko ako at muling humingin ng sorry.“Break nga muna! Sa susunod na take gusto kong maayos na,” ang dagdag pa ng Director. “Ka-stress!” ang pahabol pa nito ha
MAAGA akong bumangon o tamang sabihing hirap makatulog mula pa kagabi kaya tumayo na lang sa kama kaysa ang mahiga.Bahagya kong binuksan ang pinto at saka sumilip sa labas. Tinitingnan kung nasa paligid ba si Thalia. Pagkatapos ay tumingin sa katabing pinto kung saan ang kwarto niya. Sa katapat naman na kwarto ang kanila Mr. Ben at Tita Lea.Parehong sarado ang mga pinto at wala rin akong naririnig na ingay. Kahit sa sala na makikita agad pagbukas ko ng pinto ay walang tao. Marahil ay natutulog pa sila kaya lumabas ako at dumiretso sa kusina para makapagkape—Bigla akong napahinto at nagmamadaling umatras para makabalik sa kwarto nang makitang nasa kitchen area si Thalia. Nakatingin ito sa ibang direction kaya hindi ako napansin.Pumihit ako patalikod para bumalik sa kwarto nang makitang paparating si Mr. Ben. “O, Aaron, nakapag-breakfast ka na ba?”Natigil ako sa paghakbang at dahan-dahang nilingon si Thalia na nasa akin na ang tingin. Na
HABANG nakaharap sa salamin at nakikita ang reflection ay hindi ko mapigilang tingnan ang make-up artist na nag-aayos sa akin. Bago siya sa paningin at napapansin ko talaga ang panginginig ng kamay niya. Pero kahit kabado ay masasabi kong maayos at talagang professional ang ginagawa niya.“Okay ka lang?” ang tanong ko at tumingin sa kanya.Ilang beses siyang tumango at halos hindi ako matingnan sa mata. “O-okay lang po.”“Nanginginig kasi ang kamay mo.”Nang sabihin ko iyon ay mas lalong nangining ang kamay niya. “W-wala lang po ‘to, bago lang po kasi ako.”“Ah, kaya pala ngayon lang kita nakita,” napatingin ako sa labi niya na parang may gustong sabihin. “May gusto kang sabihin?” ang tanong ko.Nanlaki ang mata niya at saka kumurap-kurap. Pagkatapos ay tumingin muna sa paligid kaya napasunod rin ang tingin ko. Sobrang daming tao rito sa dressing room pero lahat ay abala kaya