Share

Pangalawa sa huli

CARMEN POINT OF VIEW

                Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

                Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali.

                Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon.

                “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

                “ANONG GINAGAWA MO RITO?!” tanong niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “SINO KA! BAKIT KA UMAAKYAT SA BAHAY NAMIN! HINDI KA NATATAKOT HA?!”

                “BITAWAN MO SABI AKO!!!” sigaw habang nilalabanan ang kanyang pwersa ngunit kay higpit ng pagkakahawak niya.

                “AYAW MONG SUMAGOT?! GUSTO MONG SUMPAIN KO ANG PAMILYA MO?!” tanong niya sa akin at tumawa sya na parang isang baliw.

                Natakot ako sa pwede niyang gawin sa akin at sa aking pamilya. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito. Kailangan ko ng tumakbo palayo.

                Takot na takot na ako. Naglakas loob akong kagatin ang kanyang kamay upang mabitawan niya ako. Agad ko itong kinagat ng napakadiin.

                “ARAY!!!!” sigaw niya sa akin at napabitaw.

                Nanlaki ang aking mga mata noong hindi ko nahawakan ang bintana. Napatingin na lamang ako sa itaas. Dire diretso akong nahulog pababa ng kanilang bahay.

                *BLAG*

                Bigla akong nakaramdam ng malaking bato na tinamaan ng aking likuran sa aking pagbagsak. Hindi ko mailarawan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Parang nabali ang buto ko.

                Nahirapan akong huminga at kinapos ako sa boses. Ni hindi ko man lang masabi ang salitang aray. Panandaliang umikot ang mundo ko sa sakit ng aking pagkakabagsak.

                *Inhale* *Exhale*

                *Inhale* *Exhale*

*Inhale* *Exhale*

*Inhale* *Exhale*

Nakita ko si Maria na sumilip sa kanyang bintana at napatingin sa akin. Agad din itong umalis sa pagkakaslip kaya naman kahit masakit pa rin ang likod ko ay umikot ako upang maitukod ang aking mga kamay sa lupa. Dahan dahan akong tumayo. Maging ang paa ko ay napuruhan sa aking pagkakabagsak.

                Noong makatayo ako ay hindi na ako nag atubili na tumakbo. Kumaripas ako ng takbo palayo roon. Ang nais ko lamang ay makaligtas! Jusko po. Kaawan ako ng maykapal! Iligtas niyo po ako sa mga masasamang tao.

                Hayaan niyo po akong makauwi ng ligtas sa aking pamilya.

                Paika ika ang aking takbo at pabagal ako ng pabagal dahil hinihingal na ako. Saan na ba ako napunta? Tama ba ang napuntahan ko? Hindi ko alam. Naiwan ko ang flashlight sa bahay nila. Nabitawan ko kasi noong ako ay mahulog kanina.

                Hindi ko na sinubukang kunin pa dahil ang nais ko lamang ay makaligtas sa kapahamakan na nag aabang sa akin.

                Tumutulo na rin ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Nanay! Tatay! Kuya! Tulungan niyo ako! Natatakot ako! Sana ay makauwi pa akong ligtas sa inyo.

                Lumingon ako sa aking likuran upang tignan kung nakasunod pa siya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Nakasunod pa rin sa akin si Maria. Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo. Kumaripas ito ng takbo patungo sa aking kinaroroonan.

                Kahit hirap ay dali dali pa rin akong tumakbo. Masakit na ang paa ngunit handa kong tiisin ito makatakas lang ako sa kanya. Makauwi lamang ako ng buhay ay ayos na ayos na sa akin.

                Abot abot ang aking kaba ngayon. Sobra na akong natatakot.

THIRD PERSON POINT OF VIEW

                Walang humpay ang takbo ni Carmen habang hinahabol siya ni Maria. Abot langit ang kanyang takot sa nakaambang panganib sa kanya. Kung siya lamang ay nakakalipad ay baka ginawa na niya kanina pa.

                Habang si Maria ay nakangiti habang hinahabol ang dalaga. Isa lamang ang iniisip nito. Ang pumatay. Dalawa na lang ang kailangan nila ni Teresa upang maisakatuparan ang kanilang nais.

                Ang mabuhay ang kanyang minamahal na si Dan. Kapag nangyari iyon ay wala na siyang hihilingin pa sa kanyang buhay.

                Kung mapapatay niya si Carmen ay isusunod niya si Gilda. Dalawang puso na lamang ang kailangan nila.

                Naiinis siya kay Carmen pagka’t kahit nahulog na ito sa bahay ay mabilis pa ring nakakatakbo. Ramdam niya ang takot ng dalaga sa kanya.

                Sino ang hindi matatakot sa taong papatay sa kanya gayong mahal pa niya ang kanyang sariling buhay.

                Habang tumatakbo si Carmen ay natapilok ang kanyang paika ikang paa. Sumubsob siya sa may lupa.

                Agad siyang bumwelo upang tumayo ngunit agad din siyang nadapa dahil hindi kaya ng kanyang paa. Namamaga na ito, at masakit.

                Pinalo palo niya ang paa niya.

                “HINDI KA PWEDENG MAGING GANYAN NGAYON!! TUMAYO KA TUMAYO KA!!! KAILANGAN KONG MAKTAKBO!!!”

                Sinubukan muli tumayo ni Carmen at naging matagumpay siya dito. Iyon nga lang ay ramdam niya ang sakit at kirot ng kanyang paa. Maging ang sugat at mga galos na nakuha ay ramdam niya ang hapdi sa pagsalubong sa kanya ng malamig na hangin.

                Pinilit niya pa rin na tumakbo. Halata sa kanyang mukha ang sakit ng kanyang paa. Sa bawat paghakbang nito ay parang sinasaksak siya sa kanyang paa.

                Sobrang sakit.

                Napangiti si Carmen noong  makita na niya ang highway. Nagpapasalamat siya na tama ang kanyang tinahak na daan. Tanaw na niya ang ilaw ng poste sa kanto nito.

                “Konti na lang. Konti na lang!” bulong ni Carmen sa kanyang sarili.

                Lumingon siya sa kanyang likuran. Wala siyang makita. Palagay niya ay natakbuhan na niya ng tuluyan si Maria. Wala siyang nakikitang ano man sa kanyang likuran kahit bulto nito.

                Muli siyang nadapa dahil hindi na kaya ng kanyang paa. Hindi na rin siya makatayo.

                Ngunit hindi siya titigil dito. Gamit ang kanyang dalawang kamay ay gumapang siya papunta sa kanto.

                Hirap na hirap siya sa bawat paggapang niya. Pagod na pagod na rin siya.

                Narating ni Carmen ang kalsada. Nahawakan na niya mismo ang semento dito.

                Isang kutsilyo ang biglang sumaksak sa kanyang likuran na kanyang kinagulat. Kahit hindi niya na ito tignan ay alam niya kung kanino galing ito.

                Hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang paa saka hinatak pabalik sa daang nilabasan nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status