Share

VI - Plano

Gilda Point of View

       Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag.

       Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito.

       Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin.

       “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.”

       Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito.

       “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya niya. Ilang taon na ang lumipas na gamit gamit namin iyan! Lahat ng bagay dito ni maliit o malaki ay mahalaga sa akin.”

       “Sorry talaga, Lola Teresa,” ani ko at napakagat ng aking labi. Kung sinusuwerte nga naman ako ay nakabasag pa ako ng baso. “Mag – iingat nap o ako sa susunod. Hindi kop o talaga sinasadya.”

       Agad akong tumalungko upang ayusin ang mga bubog na nagkalat sa sahig ngunit nagulat ako sa pagsigaw ni Maria sa akin.

       “Ako na!” sigaw ni Maria kaya naman gulat ang mga mata kong napatingin sa kanya.

       Mukha namang nagulat din siya sa kanyang sigaw.

       “Ako na diyan, Gilda,” ani nito na huminhin ang boses. “Baka mamaya ay masugatan ka pa. Hindi ko gugustuhin na mahiwa ka ng mga bubog na iyan. Ipagpatuloy mo na lamang ang iyong pagkain at ako na ang bahala sa bubog na naikalat.”

       “Pasensya nap o talaga,” ani ko ‘kay Maria at naupo sa aking upuan.

       Habang si Maria naman ay napatayo sa kanynag inuupuan at nagbukas ng maliit na aparador. Mula roon ay kinuha niya ang walis saka dustpan.

       “Huwag kang masyadong magtampo sa iyong Lola Teresa,” ani ni Maria sa akin habang winawalis ang mga bubog. “Masyado niya lang talagang mahal ang mga lumang gamit niya. Sa susunod ay mag – iingat ka na lamang dahil baka masaktan ka sa padalos dalos na ginagawa mo.”

       “Opo,” sagot ko sa kanya.

       “Patingin ko nga ng iyong kamay,” aniya sa akin at inabot ang aking kamay saka tinitigan ito.

       “Wala ka naman bang nararamdamang sakit sa palad mo o sa paa?” tanong nito sa akin habang sinusuri mabuti ang aking katawan. “Baka mamaya ay may tumilapon na bubog at bumaon sa balat mo. Sabihin mo sa akin agad kung may masakit sa iyo ng sa ganoon ay maagapan ko.”

       Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Matapos ko siyang isipan ng masama ay eto siya at nagmamabuting gawa para sa akin. Hinaplos ng pag – aalala niya ang puso ko.

       Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Siya pa ang kailangan gumawa ng paglilinis gayong ako yung nakabasag. Sana ay sa ibang araw ay masuklian ko ang kabutihan niya sa akin.

       Mukhang mabait talaga siya. Siguro ay masyado lang akong makasalanan para isipan pa siya ng masama.

       Matapos maglinis ay bumalik na muli si Maria sa kanyang upuan at napatingin siya sa akin.

       Ngumiti muna siya bago niya ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

       Ngumiti ako ng kaonti pagka’t nahihiya ako sa kanya. Hindi ko pa siya tinulungan kagabi.

       Isang katahimikan ang bumalot sa aming hapg kainan. Mahigpit kung hinawakan ang aking tinidor habang nag – iipon lakas upang kausapin si Lola Teresa.

       “Ahhm,” panimula ko. “Lola Teresa.. Kasi.. Kasi po pasukan na sa isang buwan. Gusto ko po sana ipagpatuloy ang pag – aaral ko.”

       Nakita ko na napatigil sa pagnguya ng karne ang Lola Teresa at matapos ay uminom ng juice sa kanyang baso.

       Tumingin ito sa akin. Mga tingin na tila nagpapabigat sa aking dalawang balikat.

       “Anong baitang mo nab a sa susunod na pasukan?” tanong nito sa akin.

       “Grade 11 na po ako sa susunod na pasukan,” ani ko sa kanya. “Don’t worry po, libre naman ang tuition ko dahil upcoming senior high school ako. Wala po kayong babayaran sa school kahit piso.”

       “Hindi na,” ani nito sa akin na parang bigla akong nanlamig sa kanyang sagot. “Hindi ka na mag – aaral. Wala naman silbi sa iyo iyon. Dito ka na lang sa bahay at tulungan mo si Maria. Babae ka at dapat na matuto ka ng gawaing bahay.”

“P-pero gusto ko rin pong makapagtapos ng pag – aaral,” ani ko sa aking Lola Teresa. “Please Lola Teresa. Tulungan niyo po ako. Ito po ang gusto ng aking mga magulang para sa akin.”

       “Nasa bahay kita ata ko ang masusunod!” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Hindi ka na mag – aaral. Dito ka lang! Baka mamaya ay magboypren boypren ka lang sa eskwelahan! Mag – aral ka manahi at magluto. Tuturuan ka ni Maria. Ayoko na maririnig pa na pipilitin mo ako.”

       Gusto kong maiyak sa sinabi ni Lola Teresa. Tila ba wala siyang pake sa kanyang apo. Ayaw niya bang makatapos ako? Ayaw niya ba akong maging successful sa buhay?

       Napapunas ako ng aking luha na kusa ng tumulo sa aking mga mata. Gusto ko mag – aral! Gusto kong makapagtapos! Tapos pipigilan niya lamang ako? Sa anong dahilan? Hindi ko maintindihan! Libre naman iyon.

       Hindi ko naman alam kung ayaw niya. Saka hindi naman ako magboboypren agad. Kung meron man ay magpapakabait naman ako. Hindi naman ako agad mag – aasawa.

       “Hindi po ako mag boboypren, Lola Teresa,” ani ko dito. “Pangako! Uuwi agad ako ng maaga! Payagan niyo na po ako please! Magtratrabaho din po ako para sa baon ko kung kinakailangan.”

       “Hindi!” matigas na sabi ni Lola Teresa sa akin.

       Parang gusto kong umiyak sa harap niya para makamtam ko ang kanyang sagot na oo.

       Kailangan ko pa bang lumuhod para lang payagan niya ko? Sila nanay at tatay nga ay nagpupursige para lamang mapagtapos ako pero ngayon naman si Lola Teresa ay parang ayaw akong makatapos sa pag – aaral.

       Parang nakakatampo naman. Nagtatampo na ako sa kanya. Bakit ganon? Bakit ayaw niya? Nakakasira ng araw yung sagot niyang hindi.

       Hindi pa nga nangangalahati ang araw ko.

Maria Point of View

       Ang bruha! Talagang gusto niya pa mag – aral? Sa tingin niya ba ay hahayaan ko siya? Kung nais kong mapariwara ang kanyang buhay ay dapat pigilan ko ang Lola Teresa na pag – aralin siya.   

       Mukhang may balak pang lumuhod ang bruha sa harap ng matanda at mag makaawa.

       Pinagmasdan ko ang mukha ni Lola Teresa. Mukhang wala itong balak na umu oo sa kagustuhan ni Gilda. Napapangiti ako ng lihim dahil dito.

       “Lola Teresa, payagan mo na po ang inyong apo na mag – aral,” ani ko ‘kay Lola Teresa para naman magmukhang concern ako sa bwiset na apo niya. “Mukha namang matinong dalaga itong apo mo.”

       Nakita ko kung paano magkaroon ng liwanag sa mukha ni Gilda dahil sa sinabi ko.

       Ha?! Asa kang babae ka!

       Tumingin ako ‘kay Lola Teresa upang hintayin ang kanyang magiging sagot.

       “Sa tingin mo?” tanong ng Lola Teresa sa akin na nakapagpawala ng lihim kong ngiti.

       Mukhang biglang papayag ang matandang ito.

       “O- oo naman,” ani ko. “Matino naman si Dan at nagmana naman siguro si Gilda sa kanya. Hindi ba Gilda?”

       Mabilis naman na tumango tango si Gilda sa matanda.

       “Opo,” ani nito. “Sobrang matino po ako! Masipag po ako mag –aral! Sisiguraduhin ko pong hindi ko kayo bibiguin. At kahit nag – aaral na ako ay pangakong tutulungan ko pa rin si Ma- si Miss Maria dito sa bahay.”

       At talagang pangakong pangako pa ang bruha na ito sa matanda.

       Hukluban! Huwag mong pagbibigyan ang babaeng ito! Kung hindi ay malilintikan ka sa akin.

       Bwiset kasi! Dapat hindi na ako nakielam pa. Dapat hinayaan ko na lang sila.

       Nanaahimik na lamang ako upang hayaan na magdesisyon ang matanda. Ayoko na magsalita at baka maapektuhan pa ang mga kagusutuhan kong mangyari sa hinaharap.

       Hindi pwedeng mag – aral ang babaeng ito. Ako nga ay hindi man lang nakapagtapos ng high school para kay Dan. Tapos iba lang pala ang pipiliin ni Dan. Si Lilybeth lang pala na walang kwentang babae. Hindi ko hahayaan na makapagtapos itong bata na ito. Kung pwedeng patayin ko siya bago niya maabot ang kanyang diploma ay gagawin ko.

       Ako ang unang unang hahadlang sa kanya. Magiging problema niya ako sa hinaharap hanggang nabubuhay pa siya. Sisiguraduhin ko na susuko na lang siya sa mga pangarap niya sa buhay.

       “Sige, pag – iisipan ko muna,” ani ng matandang hukluban.

       Dapat tumanggi na lamang siya. May pag iisipan pa siyang nalalaman.

       Nagpatuloy na sa pagkain ang matanda. Kung hindi lang talaga kay Dan ay hindi ako mag papaalipin sa kanya. Kung hindi lang talaga siya ang nanay ng lalaking minamahal ko.

       “Maraming salamat po, Lola Teresa,” ani ni Gilda sa kanya.

       “Hindi pa ako umu oo,” ani naman ng matanda dito.

       “Kahit na po,” ani ni Gilda. “Nais ko lamang pasalamatan kayo dahil nagbago pa ang inyong isipan. Promise po ay hindi ko kayo bibiguin.”

       “Tama na ang pangungulit mo,” ani ko sa bruhang babae. “Hayaan mo ng pag isipan ni Lola Teresa ang kanyang isasagot sa iyo. Baka mamaya ay makulitan pa si Lola Teresa sayo. Sige ka.”

       Ngumiti naman si Gilda sa akin at tumahimik na.

       Kapag tinuloy niya pa ang mga sinasabi niya ay baka tuluyang bumigay sa kanya ang matanda at umu oo. Hindi ako papayag.

       Ano ba kasing balak ng matanda na ito sa bruhang ito at inuwi niya pa. Pwede namang si Dan na lamang ang iuwi niya.

       “Ah,” ani  ni Gilda. “Napansin ko po na wala na ang ataul ni tatay sa ibaba. Saan po siya napunta? “

       Napatingin naman ako ‘kay Lola Teresa dahil sa tanong na iyon ni Gilda. Tumingin din sa akin ang matanda at sinenyasan ako na sagutin ang tanong ng bruha.

       Napalunok ako at tumikhim.

       “Nako, pasensya ka na, Gilda,” ani ko sa dalaga. “Hindi na kita naantay pa. Inilibing na namin ang iyong tatay na si Dan kagabi. Naisip ko kasi nab aka bumaho pa sa loob ng bahay. Ayoko ng abalahin ka pa kaya hindi na kita ginising.”

       “Pero sabi niyo po kasi ay isasama niyo ako pag inilibing si tatay Dan,” ani ni Gilda sa akin sa malungkot na tono.

       Pwe! Hindi naman siya kailangan don.

       “Nako pasensya ka na talaga ha,” sabi ko sa kanya at nagdala ng malungkot na emosyon. Akala niya ba siya lang? Magaling akong mag panggap! “Mali ako. Dapat pala ay isinama kita dahil anak ka niya. Patawarin mo ako Gilda. Mali ang naging desisyon ko. Ayoko lang kasi na mahirapan pa ang Lola Teresa sa amoy ng bangkay ng iyong ama.”

       “Saan niyo po siya inilibing?” tanong ni Gilda sa akin.

       Bwiset talaga itong pesteng bata. Bat ba ang dami niyang tanong? Pwede bang itikom na niya lang ang kanyang bibig? Basta inilibing ko siya! Bwiset!

       “Doon sa likuran pa ngating bahay,” ani ko. “Sa hindi kalayuan. Malayo ang lalakarin mo.”

       “Okay lang po,” sagot sa akin ni Gilda. “Gusto ko lamang malaman kung saan para alam ko kung saan siya dadalawin.”

       Pwes sa akin ay hindi okay. Naiimbyerna na ako sa batang ito.

       Kumagat ako ng karne saka uminom ng juice. Hindi ko na siya sinagot.

       Sinayang niya pa ang lason ko kanina. Kung hindi siya naging padalos dalos ay patay na sana siya ngayon. Edi sana kasama niya na ang impakta niyang ina. Idi sana ililibing ko na rin siya mamaya.

       Tapos ako pa talaga ang pinaglinis ng mga bubog. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip o nahiya. Talagang naupo agad at hinayaan na lang sa akin.

       Hindi niya ba alam ang salitang hiya? Mahiya naman siya sa akin. Kabago bago niya pa lamang ay nambwibwiset na siya ng mga tao.

       Dapat talaga sinasampulan ko ang bata na ito para matuto siya. Hindi pwedeng ako lang palagi ang maglilinis ng mga pinaggamitan niya at mga kalat nya. Pwe! Ano siya sinusuwerte. Hindi ako papayag. Maghirap siya dito.

       Sabagay. Ano bang mapapala ko kapag pinatay ko na siya agad. Mapupunta lang agad siya sa dapat niyang puntahan na hindi man lang nakkaranas ng sobrang hirap. Pero kung pananatilihin ko siya dito ay pwede ko siyang alilahin.

       Pwede ko siyang utus utusan. Kung kukuhanin ko lamang ang kanyang tiwala ay susunod na siya sa akin. Hindi niya malalaman na sinasaksak ko na siya sa likod.

       Tama! Kailangan ko lang mag bait baitan sa harap niya habang pinapahirapan sya ng hindi niya alam.

       Madali lang naman sa akin gawin iyon. Kumbaga especialty ko na iyon lalo na at halos buong buhay ko ay kasama ko ang nanay ni Dan na araw araw ay kailangan kong sundin upang makuha ang loob. Hindi naman siguro ako pahihirapan ni Gilda.

       Tama, maganda nga ang naiisip ko para sa batang ito. Sa bawat araw na dadaan ay pahihirapan ko siya.

       “Ako na po diyan, binibining Maria,” ani niya sa akin at kinuha ang plato sa akiing kamay.

       Nagliligpit na kami ng pinagkainan at umakyat na nga si Lola Teresa sa taas upang gumawa ng mga dasal.

       Ibinigay ko naman sa kanya ang mga plato sa lamesa.

       Hindi na ako tatanggi at hahayaan na siya na lamang ang maghugas ng mga pinggan.

       Tama, ganto nga dapat palagi para hayayay ang buhay ko. May papalit na sa akin na parng isang katulong. Walang iba kundi si Gilda. Ang anak ni Liliybeth.

       Grabe, naiisip ko pa lang na inaalila ko siya ay labis labis na ang aking tuwa. Ano kaya ang reaksyon ni Liliybeth habang pinagmamasdan ang anak nya ngayon dito?

       Siguro ay naiiyak na ito dahil hawak ko na sa palad ko ang magiging kapalaran ni Gilda.

       Manigas ka diyan Lilybeth. Kahit maglulupasay ka pa diyan ay wala ka ng magagawa dahil patay ka na!

       “Maraming salamat kanina, Miss Maria,” ani sa akin ni Gilda habang naghuhugas ng pinggan.

       “Para saan?” tanong ko sa malambing na boses.

       “Kasi tinulungan niyo ako kanina kay Lola Teresa,” ani ni Gilda. “Hindi ko malilimutan ang kabutihan na ipinapakita mo sa akin Miss Maria. Sobrang thankful talaga ako. Sana lang ay pumayag na si Lola Teresa na mag aral ako this school year.”

       “Ano ka ba,” ani ko sa kanya. “Wala iyon. Syempre gusto ko rin namang makapagtapos ka. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay. Gusto kong matupad mo ang mga iyon.”

       Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Mukhang paniwalang paniwala siya sa mga kabutihan na pinapakita ko.

       “Huwag kang mag – alala. Kukumbinsihin ko pa ang Lola Teresa mo upang masigurado kong papayag siya,” an ko ‘kay Gilda habang minamasdan siya sa likuran.

       Hinawakan ko ang kutsilyo sa may lamesa at lumapit sa kanya.

       Unti unti kong itinaas ito hanggang sa marating ang kanyang bewang.

       Napalingon naman sa akin si Gilda at agad kong inilagay sa may lababo ang kutsilyong hawak hawak.

       “Salamat ng marami, Miss Maria,” aniya sa akin na hindi napansin ang hawak – hawak kong kutsilyo kanina lamang. “Sana nga ay payagan ako ng aking Lola.”

       “anong kurso ba ang pipiliin mo pagdating mo ng kolehiyo?” tanong ko sa kanya.

       “Medisina po,” ani nito sa akin. “Nais kong kumuha ng medisina at maging isang magaling na doktor pagdating ng panahon.”

       Medisina? Pangarap din iyon ni Dan. Syempre pangarap ko rin iyon. Sabay kaming nangarap ng bagay na iyon.

       Ngumiti naman ako.

       “Napakaganda ng iyong pangarap tulad mo,” ani ko sa kanya. “Nasa iyo ang aking suporta. Pagbutihin mo ang iyong pag aaral kung sakali. Magandang kurso ang nais mo. Pangarap ko rin iyon.”

       “Opo, Miss Maria,” ani ni Gilda at nagpatuloy sa paghuhugas.

       Hindi bagay sa kanya ang kursong ito. Mas maganda sa kanya ay maging katulong na lamang sa bahay. Pwe! Bwiset!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status