Share

Paalam

Third Person Point of View

                Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang  bagong maiaalay.

                Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban.

                Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina.

                “Bitiwan mo ako!!!” sigaw ni Carmen kay maria habang pilit na nagtatadyak.

                Hindi niya magawang manlaban g sobra dahil nanakit na ang kanyang katawan. Sobrang nahihintakutan din siya sa natamong saksak niya kanina. Natatakot siya sa kung ano ang mangyayari sa kanya.

                Pakiramdam niya ay mamamatay na siya ngayon. Abot langit ang kanyang pagdadasal na sana ay mapadaan na tao sa kanila at matulungan siya.

                “Huwag mo nang subukan na makawala,” ani ni Maria dito. “Hindi ka rin naman makakatakas sa amin.”

                “Bitawan mo ako! Hindi mo ba kilala ang tatay ko?! Isa siyang pulis! Huhulihin ka niya!” sigaw ni Carmen.

                Malakas na tumawa si Maria sa sinabi ng dalagang hawak hawak niya.

                “Sa tingin mo ba ay natatakot ako? Sila ang matatakot sa akin,” sagot ni Maria dito. “Walang mahuhuli, hindi ako mahuhuli kung wala silang ebidensya. Alam mo ba kung saan namin ginagamit ang mga biktima namin? Kung si Teresa ay iniiwan niya na lamang ang katawan ng mga napatay niya ako hindi.

                “Lahat ng parte ng katawan mo hanggang sa iyong buto ay gagamitin ko! Ihahain ko ang iyong laman sa lamesa namin. Ang yong dugo ay ipampapaligo ko sa banyo. Ang puso mo ay iaalay namin sa aming diyos habang ang ibang mga lamang loob mo ay isasahog ko sa mga sabaw na aking lulutuin.”

                “BITAWAN MO AKO KRIMINAL!” sigaw ni Carmen dito na humahagulgol na. Nasisindak siya sa mga sinasabi nito.

                Ang kanyang katawan ay puno ng gasgas kakahatak sa kanya ng babaeng si Maria. Ramdam na ramdam ni Carmen ang hapdi nito sa kanyang balat.

                Sinubukan niyang sumigaw ng pagkalakas lakas. Ngunit sa tingin ni Carmen ay kahit anong sigaw ang kanyang gawin ay walang makakarinig sa kanya sa gabing iyon.

                Ang mga tao ay tulog na. Isa pa ay napakalayo nila sa mga bahay bahay. Ilang sakayan pa ang kailangan nilang sakyan upang makarating sa baranggay nila, at sa pulisya sa may bayan.

                Ang tanging nakakarinig ng kanyang mga sigaw ay ang mga insekto sa paligid, at ang babaeng humahatak sa kanya na si Carmen. Wala itong balak pakawalan siya. Wala siyang nararamdaman na kahit anong awa para sa kanyang mabibiktima.

                Sa katotohanan pa nga ay nangangati na ang kanyang kamay na mapatay ito agad upang maisagawa na nila ang ritwal. Upang mabuhay na ang lalaking kanyang pinakamamahal. Walang iba kundi ag tatay ni gilda na si Dan na matagal ng namayapa. Ngunit muli nila itong bubuhayin ng matandang si Teresa.

CARMEN POINT OF VIEW

                Wala na akong magawa kundi ang mag iiyak na lamang habang hatak hatak ako ng baliw na si Maria. Balak niya akong patayin at gawing pagkain ang kanyang katawan.

                Gusto kong ibalik ang umaga. Sana ay nakinig na lamang ako kay kuya. Sana hindi ko na lang pinuntahan si Gilda. Edi sana wala ako rito sa kapahamakan na ito.

                Kung sana ay natulog na lamang ako sa aking kwarto ay baka hindi ako biktima ngayon. Wala sana akong saksak sa katawan at hindi ako bugbog.

                Pero dahil sa napakatanga kong tao na talagang pinuntahan pa si Gilda sa kanyang bahay gayong alam ko naman na lubhang panganib ay ito ang napapala ko! Napahamak lamang ako. Inilagay ko lamang ang aking sarili sa kapahamakan!

                Ngayon ay maari na akong mamatay ano mang oras. Ramdam ko ang kirot ng kutsilyo sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko ito!

                Nakakatakot! Nakakasindak. Nanginginig ako sa tuwing maiisip ko ito. Ang dinadaanan pa namin ay napakalubak. Sobrang magaspang. Ramdam ko ang init habang hinahatak niya ako ng walang humpay.

                Siguradong nabalatan na ang aking mga nakalabas na balat dahil sa pagkakahatak niya sa akin.

                Patawarin niyo na po ako sa aking mga kasalanan. Pangako na makikinig na ako kila nanay, tatay at kuya. Pangakong hindi na ako tatakas sa bahay.

                Iligtas niyo po ako sa kapahamakan na naghihintay sa akin. Ayoko pa pong mamatay. Tulungan niyo po ako parang awa niyo na.

                Napa aray ako noong isang bato ang tinamaan ng aking katawan na tinamaan ang aking mukha. Pakiramdam ko ay nabali ag aking ilong dahil sa nangyari na iyon.

                Napahawak ako sa ilong ko. Dumudugo ito!

HINDI!! Hindi ako rito mamamatay! Lalaban pa ako habang humihinga ako.

                Pilit akong humawak sa may lupa. Ang aking kamay ay pilit kong ibinabao dito upang mapigilan ang paghatak sa akin. Ang aking mga kuko ay parang matatanggal na .

                Sinipa niya ako sa aking likuran. Naramdaman ko na parang mas bumaon pa ang kutsilyo sa aking likuran dahil sa pagkakasipa niya.

                “Huwag ka nang pumalag!” galit na sgaw niya sa akin. “Huwag mo na akong pahirapan babaita! Mamatay ka na rin naman kaya huwag ka ng manlaban!”

                Pilit niya akong hinatak muli ngunit nakahawak ako sa isang malaking bato kaya hindi niya ako mahatak muli.

                “BITAWW!!” sigaw niya sa akin.

                Isa na talaga siyang baliw! Paanong natiis ni Gilda ang kanyang ugali? Pero sabi niya ay mabait daw si Mara. Paanong hindi niya man lang nakita ang ugali nito?!

                “AYOKO!!!” sigaw ko at mas lalong humatak sa may bato.

                Gilda! Kung nariyan ka sa bahay niyo ay sana makita mo si maria kung ano ang kaya niyang gawin! Sana ay matulungan mo ako at sabay tayong tumakbo!

                “AH AYAW MO HA!!!” sigaw ni Maria at ibinagsak ang aking paa.

                Hinugot niya ang kutsilyo sa likod ko at magkakasunod na saksak ang aking pang naramdaman. Napadura ako ng dugo at napabagsak ang aking ulo sa may lupa.

                Nandilim ang aking mga paningin.

                Tulong! Tulungan niyo ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status