Share

Kamatayan

THIRD PERSON POINT OF VIEW

                Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.

“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.

Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay

“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.

Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”

(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.

Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)

Palakas ng palakas ang kanyang pag usal.

“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.

Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”

(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.

Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)

“TULONG TULUNGAN NIYO AKO!!!!” sigaw ni Gilda at nagkakawag. “TULUNGAN NIYO KAMI!!! TULUNGAN NIYO KAMI!!!”

Pilit na inalis ni Gilda ang pagkakatali sa kanyang mga kamay ngunit hindi niya ito magawa.

“Dominus tenebrarum. Suscipe domine oblationes meas. Exaudi petitionem meam. Haec utinam sic veniat.”

(Panginoon ng kadiliman. Tanggapin mo ang aking alay. Pakinggan mo ang aking hiling. Ito ang aking kagustuhan kaya ito ay matutupad.)

Lumapit si Teresa sa kinalalagyan ni Gilda. Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo nakaamba upang patayin ang dalaga. Hindi malaman ni Gilda kung ano ang kanyang gagawin habang nakatingin sa nakataas na kutsilyo na ano mang oras ay tatarak na sa kanyang dibdib.

“LOLA TERESA MAAWA KA SA AKIN! HUWAG MONG GAWIN SA AKIN ITO! APO MO AKO!!” sigaw ni Gilda habang humahagulgol ngunit walang naririnig si Teresa. Hindi niya pinapakinggan ang mga hinaing ni Gilda sa kanya. “MAAWA PO KAYO SA AKIN! AYOKO PANG MAMATAY. LOLA TERESA!!! HUWAG PO!! MARIA!! TULUNGAN MO AKO!!”

“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”

(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)

“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”

(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)

“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”

(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)

                Matapos usalin ng tatlong ulit ang kanyang dasal ay mabilis niyang ibinaba ang kanyang kutsilyo. Malakas na napasigaw si Gilda.

                Ngunit bago pa naitarak ni Teresa ang kutsilyo sa dibdib ng dalaga ay mabilis siyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig noong isang bagay ang mabilis na tumama sa kanyang ulo.

                Napadilat si Gilda at napatingin noong marinig ang malakas na kalabog. Nakta niya si Maria na hawak hawak ang upuan. Hinampas nito si Teresa bago pa man masaktan si Gilda.

                “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak ko?!” malakas na sigaw ni maria at sunod sunod na hinampas si Teresa ng hawak hawak na bangko hanggang sa magdugo ang ulo nito.

                Kinuha niya ang hawak hawak na kutsilyo ni Teresa saka pinagsasaksak ang walang malay na matanda. Siguradong hindi na ito gigising sa kanyang mga natamong saksak.

                Nagkalat ang dugo nito sa sahig.

                Bumaling naman si Maria kay Gilda. Puno ng sindak ang kanyang mga mata.

                “Anong nangyari sa iyo anak? Bakit ka nakagapos dito?” tanong ni Maria. “Huwag kang mag – alala . Wala na ang matandang lola mo. Hindi ka na niya masasaktan.”

                Hiniwa ni maria ang mga taling nakagapos sa kamay ni Gilda. Pinakawalan niya ang dalaga.

                Agad na napaupo si Gilda sa kanyang pagkakahiga.

                Niyakap siya ni Maria.

                “Anak ko!! Sorry kung hindi kita nailigtas ako sa kamay ni Teresa. Ligtas ka na ngayon! Huwag kang mag alala.”

                Malakas na itinulak ni Gilda si Maria. Napahiga ito at tumama ang ulo sa sahig. Napahawak ng ulo si Maria sa sakit na kanyang nadama. Nabitawan niya ang kutsilyo sa kanyang kamay.

                Agad na bumaba si Gilda ngunit natumba siya pagka’t hindi niya maitukod ang kanyang paa dala ng mga sugat at bali nito.

                Ngunit sa kanyang kagusutuhan na mabuhay ay agad siyang tumayo ng pilit. Mabilis siyang umakyat sa may silid at lumabas ng bahay.

                Sa kanyang bawat pagtakbo ay siyang paglagutok ng kanyang mga buto. Hindi niya na maramdaman ang sakit. Basta takbo na lamang siya ng takbo palayo sa bahay na iyon. Nais niyang mabuhay. Nais niyang makalayo sa mga nakakasndak na tao.

                Ngayong nasa labas na siya ng kanilang bahay na impyerno ay hindi niya hahayaang mahuli siya nila Maria muli. Hinding hindi na siya babalik pa sa bahay na iyon! Hindi kailanman!

                Kung saan saan na siya napadpad. Kitang kita niya ang bilog na buwan sa langit.

                Noong makatayo si Maria ay agad niyang kinuha ang kanyang kutsilyo saka lumabas ng bahay upang hanapin si Gilda.

                Nagtumakbo siya ng tumakbo upang hanapin ang dalaga. Alam niyang hindi pa ito nakakalayo pagka’t  sugatan ang mga paa nito.

                Imposibleng mauna pa sa kanya ang isang taong malapit ng mapilantod.

                Nadapa si Gilda sa kanyang pagtakbo. Napatigil siya noong makita ang bangin. Wala ng ibang daan kung hindi doon na lamang,

                Hindi nya rin kaya pang tumakbo. Hindi na nakikisama ang kanyang mga paa. Nais na nitong maputol.

                Hingal na hingal siya  at napasandal sa may puno.

                Mamahinga na muna siya sa lugar na iyon.

                “GILDA?! ANAK?!!”

                Nanlaki ang mga mata ni Gilda noong marinig niya ang boses ni Maria. Malakas na kumabog ang kanyang puso. Agad siyang nagsumiksik sa puno upang hindi siya makita nito.

                Laking gulat niya na sa kanyang paglingon ay nakangiti sa kanya si Maria habang may dalang kutsilyo.

                “ANAK BAKIT MO ITINULAK ANG NANAY?” tanong ni Maria. “MASAMA IYON. HINDI MO DAPAT GINAGAWA IYON. HALIKA KA NA! UMUWI NA TAYO. HINAHANAP NA TAYO NG IYONG AMA.”

                Napalunok naman si Gilda sa sinabi ni Maria. Binibigyan siya ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang itsura ni maria ay nakakatakot.

                “HALIKA KA NA ANAK,” aya ni Maria dito. “HUWAG KANG MAG ALALA. HINDI KITA SASAKTAN. WALA NG MANANAKIT SA IYO. LIGTAS KA NA.”

                “T-talaga po?” tanong ni Gilda kay Maria.

                Bigla namang kumislap ang mga mata ni Maria.

                “Oo anak. Halika ka na. Sumama ka na kay nanay. Mahal na mahal ka ni nanay,” ani ni Maria.

                Dahan dahan namang lumapit si Gilda kay Maria. Noong makalapit siya ay inilahad ni Maria ang kanyang kamay ngunit imbes na kuhanin iyon ni Gilda ay malakas niya itong itinulak sa bangin.

                “AHHHH!!!!” sigaw ni Maria noong mahulog siya.

                Isang malakas na kalabog ang sunod na narinig ni Gilda. Kalabog ng pagkahulog ng katawan ni Maria.

                Tinignan ni Gilda ang katawan ni Maria sa ibaba ng bangin.

                Nakalagupay ito habang kumakalat ang dugo mula sa ulo.

                Napatakip ng kanyang bibig si Gilda. Nakapatay siya ng tao. Pinatay niya si Maria.

                Napahagulgol siya sa kanyang sinapit , at kanyang mga nagawa.

                Napasandal na lamang muli siya sa matayog na puno.

                Inaantok na siya. Malapit na rin siyang makatulog. Isang pagtulog na hindi niya alam kung siya ay magigising pa.

                Unti unting pumikit ang kanyang mga mata. Habang ang luha mula roon ay patuloy na tumutulo.

                “Ina, ama, Carmen. Papunta na ako riyan,” bulong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status