Share

II

Third Person Point of View

Nagising si Gilda dahil sa malakas na ingay sa labas ng sasakyan. Agad siyang napaupo sa ppagkakahiga.

Iiniikot niya ang kanyang mga mata. Gabi na. Halos hindi niya matanaw kung nasaan sila.

“Gising ka na pala,” ani sa kanya  ng kanyang lola Teresa. “Bumaba ka na riyan o gusto mong ang patay pa ang unang lumabas bago ikaw?”

“Bababa na ho,” ani ni Gilda at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng sasakyan.

Napatingin siya agad sa kanyang mga paa noong maputikan ito sa kanyang pagbaba.

Nilamon ng putik ang puting sapatos niya. Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay inilawan niya ito.

“Kauulan lang kanina kaya basa ang lupa,” ani sa kanya ng drayber na si Andok.

Medyo naiinis si Gilda dahil kalalaba niya pa lamang ng putting sapatos niya at mahirap tanggalin ang dumi nito. Kung alam niya nga lang ay sana ginamit niya na lamang ang tsinelas.

Napatingin si Gilda sa malaking bahay na nasa may harap nila kung saan nakaparada ang kotse. Gawa ang bahay sa kahoy. Halata na luma na ito dahil ang disensyo ay mga panahon pa noon gang mga tao ay nakasuot ng barong at saya.

Maging ang bintana nito ay gawa sa kahoy.

Medyo madilim din ang loob ng bahay na tila walang kuryente. Natanaw niya sa binatana ang nakasinding kandila sa ibabaw ng mesa.

‘Teka, huwag mo sabihing wala talagang kuryente rito’ ani ni Gilda sa kanyang isipan.

Luminga linga siya sa paligid ngunit walang kapit bahay ang tinitirhan ng kanyang lola.

Napatingi siya sa harapan. Puro palayan lamang ang kaninyang nakikita. Bukod sa tunog ng makina ng sasakyan na sinakyan niya kanina ay mga insekto na ang naririnig.

Napansin naman ni manong Andok ang palinga lingang dalaga.

“Wala ka talagang kapit – bahay dito,” ani ni manong Andok kay Gilda. “Doon sa may highway pa ang susunod na bahay. Papasok kasi ag bahay ng lola mo dito sa may palayan. Wala namang gustong manirahan dito kasama ang iyong lola.”

Napatigil agad si Andok sa sinabi niya pagka’t nadulas siya. Napatingin sa kanya ang lola ni Gilda na si Teresa.

“Mag – ingat ka sa mga sinasabi mo Andok,” madiin na banta ng matandang si Teresa sa lalaki.

“Pasensya na,” hingi ng tawad ni Andok dito habang nakayuko. “Hindi na iyon mauulit. Nagkagrasa lamang ang dila ko.”

Lubos naman na nagtaka si Gilda sa sinabi ng drayber.

“Ibaba mo na iyang anak ko ng makaalis ka na dito,” utos ni Teresa sa drayber.

Agad naman na sinunod nito ang utos ng matanda.

Hindi sana gusto ni Gilda ang kausapin ang lola niya ngunit nais niyang malaman kung wala talagang kuryente ang tirahan ng kanyang lola.

“A-ahh,” panimula ni Gilda. “Lola Teresa, wala po ba talaga kayong kuryente sa bahay?”

“Kauulan lang kaya nawalan ng ilaw,” sabi sa kanya ng kanyang lola Teresa. “Babalik rin yan mamaya. Madalas mawalan ng ilaw dito sa probinsya kahit ambon lang naman at walang bagyo. Masasanay ka rin sa pag – gamit ng kandila.”

Napalunok naman sa sinabi ng kanyang lola Teresa si Gilda. Sa sinabi nito ay tila mas madalas pa ang walang ilaw kaysa meron. Batid ni Gilda na mahihirapan siya na masanay sa buhay na ito. Ang buhay probinsya.

Hinatak naman papasok ng bahay ni Andok ang kabaong ni Dan.

Hingal na hingal ito na lumabas sa gate pagkatapos itabi ang kabaon. Inabutan naman ni Teresa si Andok ng limang daan.

“Salamat po dito,” ani ni Andok sa matanda. “Aalis na ako.”

Sumulyap muna si Andok kay Gilda bago tuluyang sumakay ng kanyang sasakyan. Pinaharurot na ng lalaki ito paalis doon.

“Pumasok ka na, naghihintay sa iyo si Maria,” utos ng lola Teresa niya sa kanya.

Tumango naman siya.

“Dalawa lang ho ba kayo ni Maria sa bahay niyo, lola Teresa?” binasag ni Gilda ang katahimikan sa pagitan nila habang papasok ng bahay.

“Oo,” sagot naman ni Teresa sa apo. “Mula ng umalis si Dan at sumama sa nanay mo ay si Maria na ang nag – asikaso sa akin.”

Binuksan ni Gilda ang pinto ng bahay.

“Welcome sa aming tahanan, Gilda.” Bumungad sa kanya ang babaeng may hawak na kandila sa tapat ng pinto. Nakangiti ito sa kanya.

Maliit lamang si Maria at mahaba ag buhok nito. Gaya ng kanyang lola ay nakasuot rin ito ng itim na bestida. Kitang – kita niya ang kaputian ng babae. Mapupungay ang mata nito at maliit ang mukha.

Napatigil si Gilda sa nakita. Kilala niya ang babaeng ito. Ito ang ipinakita sa kanya ng kanyang ina dati na patay na patay sa kanyang ama. Kahit na madilim ang paligid ay kitang kita ni Gilda ang itsura nito.

Naalala niya rin na Maria ang pangalan ng babae na habol ng habol sa kanyang itay. Ito rin ang kaalitan ng kanyang ina noong nasa probinsya pa lamang ito.

“Siya po ba si Maria?” tanong ni Gilda  sa kanyang lola Teresa.

“Ako nga,” ani ni Maria sa dalaga.

Inisip na lamang ni Gilda na magkamukha at magkapangalan lang ito dahil mukha pa naman itong bata. Isa pa ay baka anak ito ng Maria na kilala nila.

“Halika at ihahatid na kita sa iyong silid,” sabi ni Maria habang ang mga ngiti ay hindi nawawala sa kanya labi. “Inayos ko iyon kanina dahil nasabi sa akin ni lola Teresa na paparating ka kasama niyo.”

Maging ang boses ni Maria ay mahinhin at hindi makabasag pinggan.

Tumango naman si Gilda at sumunod kay Maria. Tinahak nila ang kahoy na hagdan. Mapaghahalataan na marupok na ito at sa bawat paghakbang nila ay tumutunog ang marupok na kahoy.

May malalaking pagitan rin ang bawat baitang. Sinilip iyon ni Gilda at wala siyang makita kundi kadiliman lamang. Natakot siya na baka madulas siya sa mga pagitan na iyon.

“Huwag kang mag – alala,” ani ni Maria kay Gilda habang humahakbang paitaas. “Matitibay naman ang mga kahoy na ginamit sa hagdan kahit luma na. Hindi iyan masisira dahil nilagyan namin iyan ng sangkap.”

Nais sanang tanungin ni Gilda kung ano ang sangkap na tinutukoy nito ngunit nanahimik na lamang siya.

“Ito ang kwarto ng lola Teresa,” ani ni Maria noong marating nila ang tuktok. Inilawan niya pa ang pintong iyon. Bahagya itong nakabukas.

Medyo kinilabutan si Gilda pagka’t pakiramdam niya ay may nakatago sa dilim at tinitignan sila. Sinira ni Maria ang pinto.

Pagkatapos ay naglakad na muli si Maria. Sa kabilang panig naman nito itinutok ang ilaw ng kandila.

“Ito naman ang kwarto ko,” sabi ni Maria. Nakasara ang kwartong iyon. “Magkatabi lang tayo ng kwarto. Mukhang ginawa talaga iyon para sa iyo.”

Naglakad muli si Maria patungo sa dulong kwarto ng bahay.

“Hindi ba?” tanong ni Maria sa dalaga.

“Ano po ang tinatanong ninyo?” tanong ni Gilda dahil hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng babae.

“Sakto ang kwarto sa bahay,” sabi ni Maria. “Tatlo. Isa kay lola Teresa, isa sa akin at isa sa iyo. Akala ko nga ay walang kwenta ang pangatlong kwarto ngunit ngayon na narito ka na ay magkakaroon na ito ng silbi. Kay’ tagal kang hinintay siguro ng iyong kwarto.”

Hindi naman agad nakasagot si Gilda. Kinikilabutan kasi siya sa sinabi ni Maria. Tila ba wala itong pakielam sa nararamdaman niya. Kaya lang naman siya umuwi sa probinsya ay dahil namatay ang kanyang mga magulang.

Tumunog naman ang mga susi sa kamay ni Maria habang itinataas ito. Noong mahanap nito ang tamang susi ay ipinasok na ng babae sa kandado.

Binuksan ni Maria ang pintuan at tumambad sa kanila ang madilim na paligid.

Unang pumasok si Maria at sinindihan gamit ang apoy sa hawak na ang kandila ang extra na kandilang nilagay niya kanina sa kwarto.

Nagkaroon ng maliit na liwanag sa loob. Nakita ni Gilda ang maliit kama na matanda na rin ang itsura. Isa itong Ah tay bed na gawa sa mga kahoy. May mga kurtina rin ito sa bawat sulok.

Nasa sulok rin ito ng kwarto at katabi ng mga binatana. Sa wari ni Gilda ay hanggang dalawang tao lang ang espasyo ng kamay.

“Bago ang mga kumot at punda ng kama,” sabi ni Maria sa dalaga. “Pwede mo na agad sila gamitin.”

Lumapit si Maria sa aparador.

“Pwede mong ilagay dito ag iyong mga gamit at damit,” sabi ni Maria at binuksan ang aparador. Wala itong laman kundi ang sampayan lamang sa itaas.

Napukaw ang atensyon ni Gilda sa isang lamesang gawa sa kahoy. May bilog na salamin ito sa gitna na halos kalahati ng lamesa ang laki. Sa bandang ibaba naman nito ay ang kahoy na upuang hindi tataas twenty four inches na haba. May foam ito sa itaas.

“Mahilig kang manalamin?” tanong ni Maria ng mapansing nakatitig ang dalaga sa salamin. “Ang ganda ng salamin hindi ba? Kalilinis ko lamang niyan kanina. Lumabo na kasi. Huwag ka lang masyadong titingin sa salamin na iyan dahil baka mabaliw ka.”

“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ni Gilda sa babae.

“Ang ibig kong sabihin ay baka-,” ani ni Maria at inilapag sa lamesa ang kandila saka lumapit kay Maria at hinawakan ang mukha ng dalaga saka ipinaling sa salamin. “Oras oras ka na lamang nakatingin sa maganda mong mukha.”

Nakatingin silang dalawa sa salamin ngayon.

Agad na lumayo si Gilda kay Maria. Pakiramdam niya ay feeling close ang babae sa kanya.

Napatawa naman ng mahinhin si Maria sa inasta ng dalaga.

“Sorry,” ani ni Maria dito. “Nagulat ka ba?”

“Pasensya nap o,” sabi ni Gilda at lumikot muna ang mata bago tumingin kay Maria. “Hindi lang ako sanay na may humahawak sa mukha ko na hindi ko kaclose.”

Ngumit naman si Maria sa kanya.

“Naiintindihan ko,” ani kay Gilda ng babae. “Hindi ko lamang napigilan ang aking sarili dahil kamukhang kamukha mo si Dan.”

“Kilala mo po si tatay?” tanong ni Gilda sa babae.

“Oo naman,” sabi  ni Maria. “Kilalang kilala ko ang tatay mo. Hindi niya ba ako nabanggit sa iyo?”

Napaisip naman si Gilda sa sinabi ng babae.

“M-mayroon po siyang nababanggit sa akin dati,” sabi ni Gilda at iniisip kung anong magandang sabihin. “May kababata raw siya dati na ang pangalan ay Maria.”

Hindi na binanggit ni  Gilda ang sinabi sa kanya ng kanyang ina na si Maria na habol ng habol sa kanyang itay.

“Tama, ako nga iyon,” sabi ni Maria kay Gilda at bahagyang napatawa. “Ako ang tinutukoy na kababata ng iyong ama. Akala ko ay hindi niya ako naikwento sa iyo. Magtatampo sana ako.”

Napakunot naman ang noo ni Gilda. Imposible kasi ang sinasabi nito. Napakabata pa tignan ng babaeng ito at malayo ang itsura niya sa edad ng kanyang mga magulang.

“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” tanong ni Maria. “Akala mo ba ay nagsisinungaling ako?”

“H-hindi naman po,” sabi ni Gilda at napahigpit ang hawak sa maleta. “Ang bata niyo kasi tignan. Parang anak na po kayo ng tatay ko. Pwede ko na po kayong ate.”

Napahagikgik naman si Maria sa sinabi ni Gilda at napatingin sa salamin at hinaplos ang mukha.

“Tama ka,” sabi ni Maria. “Kung makikita ako ng iyong ama ngayon ay tiyak na magugulat rin siya. Magkaedaran lang kami ng iyong ama ngunit tignan mo at para pa rin akong nasa edad bente.”

“Akala ko nga po ay anak kayo ng Maria na kilala ng aking ama,” sabi ni Gilda.

Tumingin naman sa kanya si Maria.

“Hindi mangyayari iyon dahil si Dan lang ang gusto ko,” sabi ni Maria na nakapagpatigil kay Gilda. “Hindi ako magpapakasal sa iba kung hindi lang din kay Dan.”

Napansin naman ni Maria na tumahimik si Gilda.

“Mukhang hindi nasabi ni Dan ang tungkol dito,” sabi ni Maria. “Ikukwuwento ko na lamang sa ibang araw at kung magiging mabuti ka ay ituturo ko rin sa iyo kung paano mapanatili ang pagiging itsurang bata.”

Peke namang tumawa si Gilda upang pagaain ang atmospera sa kwarto.

“Salamat po,” sabi ni Gilda.

“O sige na,” sabi ni Maria. “Magpalit ka na ng damit at bumaba pagkatapos. Ipapainit ko na ang hinanda kong ulam kanina ng sa ganoon ay makakain na tayo ng hapunan. Alam kong gutom ka na rin dahil sa byahe.”

Tumango naman si Gilda. Matapos ay iniwan na siya ni Maria at isinara ang pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status