Sewing the Past
Sewing the Past
Author: senyora_athena
Chapter 1

“Oh my God! Ano iyang pinapanood mo?”

Napalingon siya sa labas nang marinig niya ang sigaw ng isang lalaki. Pinaikot niya ang mga mata, hindi pala lalaki kun’di isang bakla.

Nayanig yata ang buong bahay ni Sharon dahil sa lakas na bulalas ni Gian nang makita ang pinapanood niya sa kaniyang personal computer.

Simple lang naman ang pinapanood niya, isang bed scene ng sikat na movie sa Hollywood pero kung maka-react naman ang baklang Gian na ito ay parang guguho na ang mundo niya. Sa lakas ba naman ng sigaw nito, tiyak pati eardrums niya ay kailangan na niyang ipatingin sa doctor.

Napailing na lang si Sharon. Sabagay, bakit pa nga ba siya magtataka kung ganiyan umarte si Gian? Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsama ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.

Mula noong nakilala niya ito na kahit hindi pa ito tuluyang nagladlad ay masakit na talaga sa tainga ang boses nito na minsan ay ginagawa rin naman nitong lalaki kapag nagsasalubong na ang mga kilay niya.

“Obvious ba?” walang ganang sagot ni Sharon at padabog na muling tumingin sa personal computer. Ibinalik niya sa computer ang atensiyon at nag-focus muli sa pinapanood.

Kung maaari lang sana ay isulat pa niya sa kuwaderno ang bawat eksena para paniguradong hindi niya ito makalimutan. Mula sa paghalik, pagyakap, mga galaw ng bida hanggang sa mauwi sa kama ang lahat.

Kailangan niya talaga ng ibayong focus para kahit papaano ay umayos naman ang takbo ng ginagawa niya. Sa tinagal-tagal ng panahon na inilaan niya para dito ay wala pa rin siyang napala.

“Ang wild naman niyan, Inday, birhen pa po ang aking mga mata,” reklamo na naman ng katabi niya.

Ano na namang kadramahan nito sa buhay? Minsan, napapatanong siya sa sarili niya. Bakit at paano niya kaya natiis ang kaartehan ni Gian? Parang isang malaking himala kasi at natiis niya ang baklang ‘to.

Kahit noong panahon na halos walang minuto na hindi niya ito kasama. Kung iisipin niya pa nga lang ang mga nangyari ay parang hindi niya talaga kaya. Kaya nakapagtataka kung paano niya iyon natiis lahat.

“Mata mo na lang ang virgin, Gian—”

“It’s Janine, not Gian,” putol nito sa litanya niya habang pinapatirik ang mga mata.

Nagagalit talaga si Gian kapag tinatawag ito sa totoong pangalan. Kahit ang mga estudyante nito at kasama sa trabaho ay walang magawa kapag nais nito na tawagin ito sa pangalang Janine. Ewan kung saan napulot ng baklang ‘to ang pangalang Janine.

Pero kahit ganiyan ang ugali ni Gian ay may isang babae na hindi sinusunod ang mga rules nito. Sana nga lang ay magawa ng babae na iyon na gawin matuwid ang balikong utak ng ex-boyfriend niya.

“Lalaki ka, hindi babae,” pagtatama niya sa pinagsasabi ni Gian.

“Excuse me, bakla po ako.”

Hindi na niya pinatulan ang pagda-drama ng bakla niyang ex-boyfriend. Sa totoo lang, naging boyfriend niya talaga ang maarteng baklang fashion designer na ito. Ang kaso nga lang, naging cover girl lang pala siya dahil ayaw pa nitong kumanta ng Ako’y isang serena. Ewan din ba niya kung bakit hindi niya ito naamoy. Mas malandi pa pala ito sa kaniya.

“Ano na naman ba kasing drama mo, Sharon? Bakit nanonood ka niyan?” tanong nito pagkaraan ng ilang minuto.

Tumabi ito sa kaniya at inilapag ang isang bowl ng popcorn na kinuha pa nito sa kusina niya at nagsimula itong kumain.

Ito lang yata ang bakla na hindi nawawalan ng pagkain.

May malaki kasi siyang proyekto na isinusulat ngayon na kahit anong gawin niyang magsulat sa bed scene part ay wala talaga siyang maidugtong. Writer’s block yata ang arte ng kaniyang utak at ayaw talagang makipag-cooperate sa kaniya kaya ang ending, sa panonood at research siya napunta at nagbabakasakaling may makuha siyang kahit anong ideya.

Halos dalawang oras na ang nasayang niya sa panonood pero wala pa rin siyang nakuhang papatok sa kuwento niya. Tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana.

Dati naman ay hindi siya nahihirapan na gumawa ng bed scene. Tila nga ay ito ang naging pinakamadaling parte para sa kaniya tuwing nagsusulat siya ng erotica. Parang mga alon sa dagat kung dumating ang mga eksena para kay Sharon kaya hindi siya nauubusan ng kuwento.

Pero parang nagbago ang lahat.

Nakakainis na, bulong niya sa sarili.

“You know what, bakit hindi ka pumunta sa field at ikaw mismo ang gumawa ng paraan para maranasan ang sinusulat mo. Hindi ‘yong nagsusulat ka nga pero wala kang experience.” Narinig niyang nagsalita na naman ang kaniyang katabi habang ngumunguya ng popcorn.

Minsan talaga, may napapala naman siya kay Gian. Iyon nga lang, kung hindi matino ang sinasabi nito, puro naman kalokohan na minsan pa ay ikapapahamak nila.

Naisip din naman niya ang ganiyang ideya pero hindi madaling isagawa ang ganiyang plano. Pagkababae niya ang nakasalalay doon at idagdag pa na wala siyang nobyo.

“Ang sarap ng popcorn, ‘no?” pagbibiro niya pero hindi pinansin ni Gian.

“Kung iniisip mo ang virginity mo, twenty-six years old ka na. Hindi mo ba rin naisip na it’s time to taste the heaven? Ay perfect!” dagdag nito at pumalakpak pa na para bang nakaisip ng matinong ideya.

Napatulala siya. Twenty-six years old na pala siya pero ang baklang Gian lang ang naging nobyo niya. Paano siya nakasulat ng labin-limang libro na may bed scene content?

Tindi ng imagination mo te, natatawang bulong niya sa sarili.

Tiningnan niya si Gian, guwapo rin naman ito, maganda ang pangangatawan. Bakit hindi na lang si Gian? Bakit hindi na lang ito ang gawin niyang totoong lalaki?

“Perfect nga! Ikaw na lang Gian!” sigaw niya at hinampas sa braso ang katabi kaya nahulog sa sahig lahat ng popcorn na hawak ni Gian.

“Hoy Dios mio! Maghunos-dili ka girl! Kalahi mo rin ako,” nandidiring tugon nito at umarte na tila nasusuka sa sinabi niya at hindi na ininda ang mga popcorn na nagkalat na sa sahig.

Sabi ko nga bakla ka.

“Pero don’t worry, marami akong kilala na perfect sa taste mo pero ‘wag mong agawin sa akin si Lloyd. Don’t you dare!” nanlilisik ang mga matang saad nito.

“Sinong Lloyd?”

“Lloyd Gonzales.”

“Sharon Alvarez! Mag-ha-hunt tayo ng boys tapos ganiyan ang hitsura mo?” Sigaw lang ni Gian ang laman ng kuwarto niya.

Ito na ang gabing isasagawa na niya ang kaniyang plano. Kaya panay puna si Gian sa suot niya, nagdadalawang isip na tuloy siya. Kaya ba niya talaga? Handa na ba siya? Pagkatapos ng gabing ito, hindi na siya birhen.

 “What’s wrong with my dress?” nakapamaywang na tanong niya. Nakalimutan niya yatang fashion designer pala ang kausap niya at bakla pa pero hindi niya talaga makita ang mali sa suot niyang pajama at oversized t-shirt na white na pinapalibutan ng mukha ni Pikachu. It covers all her body well.

“Sis, hindi ka matutulog do’n. Bakit ganiyan ang suot mo?” tanong ulit nito habang minamasahe ang sintido.

“Sa kama rin naman ang punta. Prepared nga ko eh.”

“Gaga! So, paano ka mang-aakit niyan?” nanlaki ang mga matang tanong ni Gian.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang baklang ex-boyfriend niya na malaki ang pangangatawan. Kung sana hindi lang ito bakla ay ito na sana ang ginamit niya para sa gusto niyang mangyari ngayong gabi. Guwapo kasi ito, hindi mo talaga masasabi na berde ang dugo ng hinayupak na ito.

Kung si Gian ang gagamitin niya, panigurado na hindi siya makararamdaman ng kung anong panghihinayang. Maganda ang genes ng ex-boyfriend niya, iyong tipong hinahabol ng mga kababaihan ngunit lalaki ang hinahabol ng hinayupak na baklang ‘to.

“Kinikilabutan ako sa’yo Sharon! Magtigil ka nga!” Pigil hininga siyang napahiga sa kama. Her laugh feels the whole room.

Nako naman Lord, bakit bading itong kaibigan ko?

“Tumayo ka diyan girl, ‘wag mo akong artehan. Writer ka, hindi artista.” Hinawakan nito ang kamay niya upang ibangon siya. She rolled her eyes. “Since you want to get laid tonight. Maghahanap tayo ng magandang damit na makakaakit sa mga guwapong lalaki. Omg! I’m so excited,” sabi nito at hinalungkat ang mga damit niya sa closet.

“Bakit kasi kailangan ko pang magpalit?” reklamo niya na hindi sinagot ng kaibigan niya. Napailing na lang siya.

Pagbalik ni Gian ay may dala na itong damit. Damit na hindi niya kayang ipaliwanag. Isa siyang mananahi pero wala siyang maalala na bumili o nagtahi siya ng ganitong damit.

Black top, actually crop top iyon na may lace sa lower hemline at marami pang dalang damit ang bading niyang ex-boyfriend.

Saan kaya nito nahanap ang mga telang iyan?

And after ten minutes, she was amazed, the clothes safely covered her up. Naglagay din siya ng pampaganda upang mas magningning daw ang ganda niya.

“Now, you’re ready,” bulong nito sa tainga niya. “Make me proud, honey.”

Sa edad na bente-sais, wala siyang nightlife. Mas gugustuhin pa niyang magtambay sa kuwarto at magsulat. Ayaw niya sa ilaw na dulot ng club, nahihilo siya at mas lalong ayaw niya sa maingay. No’ng tinanong siya ni Gian kung saang bar sila pupunta, sinagot niya ito ng katahimikan.

“Ano pa bang aasahan ko sa’yo bruha?”

She was breathing hard, and keep asking herself if she was really sure of what she was going to do. Siguro, ito na ang tamang oras na burahin na niya ang salitang birhen sa buhay niya. Ano ‘to te? Tatanda siyang birhen? Ayaw din naman niya ng ganoʼn.

“Sana deserving ‘yong lalaking makikita ko mamaya,” wala sa sariling banggit niya.

“Nagdadalawang isip ka na ba?”

Umiling siya. She wanted to get rid of it. Tonight! Nang huminto na ang kotse na sinasakyan nila ay hindi na niya maintindihan ang pagtibok ng kaniyang puso. Tila may sariling ritmo na iyon. This is it, no turning back Sharon. Keep calm, you can do this.

“Smile, honey. Choose wisely,” bulong ni Gian sa kaniya. She nodded.

Dapat guwapo at matino ang mapili mo, sabi niya sa sarili at diretsong pumasok sa bar. Walang lingon-lingon. Focus.

Si Gian na ang umasikaso sa gate pass nila, hindi rin siya sigurado kung gate pass ba talaga ang tawag doon. She welcomed with lights and music. God, she hates it.

Desenting bar din naman pala itong pinasukan nila. Iniisip pa naman niya ay iyong bar na nakikita niya sa TV, iyong kahit saan siya tumingin may nagkakainan ng labi. Eww, gross.

Halatang mga professional ang nandito sa loob ng bar na naghahanap ng refreshment. Sabagay, professional din naman siya. Bukod sa pagsusulat, isa siya sa bestselling erotic writer sa mundo ng W*****d. She’s also a teacher, college teacher.

 “My God, sist! Ang daming pogi. Daming fafa!” tili ni Gian sa kaniya. Baklang ‘to! Hindi niya talaga alam kung bakit naging nobyo niya ito noon.

“I’m watching you ha? Take care. Choose wisely, bebegirl,” sabi nito at pumunta sa isang mesa.

“Do you think na mababantayan mo pa akong bakla ka?” She rolled her eyes.

Hmm, so anong gagawin ko ngayon? She steps.

Hanggang nakarating siya sa isang mesa na walang nakaupo. Puwede na siguro siyang tumambay dito kahit saglit lang. Sino kaya sa mga lalaking ito ang puwede niya maging target ngayong gabi? Natawa siya sa naisip. Parang bampira lang. Ang ganda naman niyang bampira.

Inilibot niya ang paningin. Naghahanap ng maaaring maging target. Pero wala, wala talagang nakapasa sa panlasa niya. Wala kahit isa. Gusto ko ng chinito pero iyong med’yo may kalakihan ang mata. Okay, she’s already a bit crazy.

“Hindi naman pala madaling maghanap. Kalerkey!” sabi niya sa sarili.

“Maghanap ng?” tugon ng isang baritong tinig.

My god, narinig niya ko? Ay malamang napalakas yata ang pagsabi ko kanina. Agad siyang lumingon para tiyakin kung sino ang sumagot sa kaniya. When she laid her eyes, she slowly bit her lowerlip. Oh, my goodness! Ang guwapo, para itong hunk na lumabas galing sa magazine or isang greek god na nag-anyong tao.

“Do you mind if I seat?” tanong nito sa kaniya na nagpatanga sa kagandahan niya.

Ang ganda ng boses nito. ‘Yong lalaking kaharap niya ngayon ay parang ang hero sa sinusulat niyang nobela. Matangkad, matangos ang ilong, at tamang-tama ang pangangatawan. Sayang nga lang hindi maliwanag ang ilaw, kaya hindi niya mausisa ng maayos ang binata. She smiled.

“Of course, have a seat,” nakangiting sabi niya.

“Ano ba ‘yong hinahanap mo? Baka makatulong ako,” tanong naman nito.

“Ahm, gift,” nauutal niyang sagot sa binata.

Lihim niyang kinastigo ang sarili. Hindi dapat siya mautal baka ma-disappoint itong kaharap niya. Kinalma niya ang sarili at nagpalabas ng malakas na hininga.

“Gift for what?”

“For myself,” she said and smiled, exposing her white teeth and her dimples.

“I see, a birthday gift.”

“Nope, by the way I’m Sharon,” sabay lahad ng kamay niyang sabi sa binata. “And you are?”

“Lloyd, Lloyd Gonzales.”

The game is about to start. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yrrej B Nolosar
really really best story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status