Share

Chapter 4

Panay iwas si Sharon, kung maaari nga lang ay hindi na talaga siya tatapak sa Education Department. Kung kaya niya lang sana ay hindi na talaga siya tatapak sa lugar na ‘to. Parang gusto na lang niya na magtambay na lang sa lab ng major niya upang hindi masilayan ang pagmumukha ni Lloyd na ayaw na niya talagang makita pa.

Hindi naman sa ayaw na niya talagang makita si Lloyd. Pakiramdam niya lang kasi kapag nalalapit siya sa taong iyon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang tila nagkakaroon ng sariling utak at mundo ang katawan niya at hindi na sumusunod sa nais niya.

Pakiramdam niya na ang department nila ay isa na sa lugar na mapapahamak siya kung tatapakan niya. Lugar na kung saan naroon ang isang tao na dapat niya talagang iwasan. Tao na ang sarap ibaon sa limot.

Ibaon ng buhay, baka puwede pa.

Nakaka-embyerna rin naman kasi, bakit sa department pa nila pumasok ang Lloyd na iyon? Marami namang department na nababagay ang kaguwapuhan nito. Kairita! Bakit sinabi niyang guwapo si Lloyd?

Sabagay, guwapo naman talaga. Masarap pa.

Masarap ibaon ng buhay nang hindi na makahinga!

At ang nakakainis, bakit sa unibersidad pa nila? Marami namang unibersidad na maaari nitong pasukan. Mga unibersidad na roon talaga ito nababagay.

Ang yaman-yaman no’n tapos nag-teacher pa? Siya ba’y pinagloloko nito? Bakit ba kasi nag-teacher pa ‘yon? Dahil ba gusto nitong makita siya? Gusto ba nito ng second round?

Oh my God! What am I thinking?

“Ma’am.”

Kusang tumaas ang kaliwang kilay ni Sharon nang may biglang nagsalita sa tabi niya. Ewan kung pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana dahil tuwing naiisip niya si Lloyd ay nagkakaroon ng disturbo.

Bakit ba siya naiinis? Iyon naman dapat talaga ang mangyari.

Padabog niyang nilapag ang cellphone niya sa mesa at tinaasan muli ng kilay ang kawawang estudyante.

“Bakit?” malumay niyang tanong sa bata.

“Ma’am, ano pong gagamitin na measuring tools kapag—”

Tinuro niya ang mukha niya at ngumiti sa estudyante. “Mukha ba ‘kong G****e?”

Muli siyang ngumiti at kumindat nang paulit-ulit sa estudyante. Mukha talaga siyang weird kapag hindi niya gusto ang tanong. Iyong tipong kahit obvious na ay itatanong pa sa kaniya.

Minsan ay napagkakamalan siyang baliw na kahit hindi naman talaga totoo. Ewan kung inggit lang ba ang iba niyang kasama sa trabaho kaya pinagkakalat nila ang maling balita na iyon. Hindi na siya nagsayang ng oras upang itama ang chismis, nasa kanila na ‘yon kung maniniwala sila o hindi.

Umiling ito at umalis sa harapan niya. Napatawa na lang si Sharon at pagkatapos ay napabuntonghininga. Minsan talaga lumalabas ang pagiging baliw niya kaya kawawa ang estudyante na mabubuntunan niya.

Hindi naman talaga siya terror na instructor. Ayaw niya lang talaga na nakadepende na lang sa kaniya ang mga bata. Na kahit kunting paghihirap lang nito ay magtatanong na agad sa kaniya.

Gusto niyang maging independent ang mga bata. Iyong tipong ang mga ito na talaga ang maghahanap ng kasagutan sa mga tanong na nais nitong magkaroon ng kasagutan. Kasi tanggapin man natin o hindi, mas maganda kapag tayo ang nakakadiskubre ng mga bagay na nais nating malaman.

Nasa 21st century na ang mundo, kaya dapat umaktong independent na ang mga estudyante. Kunting pindot lang naman sa internet ay ibibigay na nito ang mga kailangan at hinahanap na sagot.

Tiningnan niya ang mga estudyante na busy kagagawa ng mga drafts nito. Halos tatlong araw nang ginagawa ng mga bata ang mga drafts na iyon. Ang ganda lang talaga na pagmasdan na sinusunod siya ng mga bata.

Binuksan niya ang laptop. Tanggapin man ni Sharon o hindi, isa siyang manunulat. Dilat ang mga mata niya sa isang responsibilidad na hinaharap niya araw-araw. Para kay Sharon, isa ng malaking responsibilidad ang ginagawa niyang pagsusulat.

Nadiskubre niya ang isang writing platform tatlong taon na ang nakararaan. Isa lamang siyang tao na nais magpalabas ng mga salita sa pamamagitan ng pagsusulat. Noon, nagagawa niya ang pagsusulat na walang isang nagde-demand.

Nagsusulat siya kung kailan niya gusto. Gumagawa siya ng isang kuwento kung kailan niya gusto. Nag-uupdate siya kung kailan niya gusto. Pero no’ng lumipas ang mga taon at naging sikat siya sa mundo ng W*****d, parang biglang nagbago ang lahat.

Hindi naman sa nagrereklamo siya. Sa totoo nga’y masaya siya na naabot niya ang lahat ng ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na magiging sikat siya at habulin ng mga mambabasa. Na may maghihintay ng mga updates niya.

Pero no’ng tumagal kasi parang nagbago na talaga. Ang daming nagde-demand na para bang isa siyang robot kaya tuloy natataranta siya. Iyong tipong kaka-update niya pa lang pero may nanghihingi na naman.

Pumikit si Sharon at pinakalma ang sarili. Mahal niya ang pagsusulat kaya kahit anong mangyari, hindi siya titigil.

Muli niyang sinulyapan ang naghihintay na laptop. Laptop na parang pinagtatawanan pa siya dahil hindi niya matuloy-tuloy ang sinusulat niyang kuwento. Pinakalma niya ang sarili, magsusulat na lang siya kaysa naman masayang ang oras niya kakaisip ng mga walang kuwentang bagay.

Oo, walang kuwenta. Walang kuwenta na isipin si Lloyd nang paulit-ulit, sumasakit lang kasi ang ulo niya.

Hinilot niya muna ang sintido niya. Parang mas niyayakap siya ng stress dahil sa nangyayari sa kaniya. Nakaiinis din naman kasi, gusto lang naman niya ng payapang buhay pero ibang payapa yata ang nais ibigay sa kaniya.

Gusto lang niya na magkaroon ng simple at maayos na buhay. Isipin pa ang edad niya ay kailangan na niya yata talaga na mag-settle down. Hindi na siya bumabata at mabilis na tumakbo ang oras at panahon. Parang isang pikit pa lang ang nagagawa niya ay isang araw na ang katumbas niyon.

Muli niyang naisip si Llyod. Ipinikit niya ang mga mata at umiling.

Ayos lang naman mag-isip ng lalaki, lalo na kung si Lloyd ang iisipin.

Hay nako, Sharon. Nababaliw ka na naman. Hindi na maganda ‘to kaya umayos ka sana.

Pinilit niyang magseryoso. Kailangan niyang tapusin ang chapter nine na isang linggo nang naka-stock. But writer’s block is eating her system, over and over again. Wala talagang eksena na pumapasok sa utak niya.

Kapag talaga nasa ganitong sistema siya ay kusang pumapasok sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Lloyd. Dahil sa writer’s block na hinaharap niya ay nakilala niya tuloy ang lalaking naging dahilan kung bakit nagkaganito ang takbo ng utak niya.

Utak ba talaga o kahalayan?

“Nakakainis! Ano nang gagawin ko?”

She closed her eyes and imagining some plots but still, it all black. Wala siyang maisulat.

Lunch break, hindi na kayang mag-inarte ng mga bubwit sa tiyan niya. Tumutunog na iyon at nanghihingi na ng pagkain. Natatawa siya minsan, ang arte kasi ng mga bubwit niya sa tiyan, para kasing kasalanan pa niya dahil nagugutom na ang mga ito.

Napatawa siya ng lihim. Gutom na talaga siya dahil kung ano-ano na lang ang naiisip niya.

She’s been trying to call Gian but the man is out of coverage. Saan na naman kayang lupalop ng mundo nagpunta ang baklang iyon. Wala na siyang mapagpipilian pa, kailangan niyang bumaba at pumunta sa faculty room upang kumuha ng pera.

Ang tanga lang din naman kasi, sa lahat ng puwede niyang maiwan, wallet pa talaga. Ang tanga lang!

At dahil doon, kailangan niya tuloy bumaba upang pumunta sa faculty na sigurado siyang doon niya naiwan ang tangang wallet niya. Ang wallet niya talaga ang totoong tanga, hindi siya.

Dali-dali ang hakbang na ginawa niya upang makarating agad sa faculty room at umaasang sana wala roon ang lalaking naka-pop sa cherrypop niya. Sana talaga panaginip lang ang lahat. Sana hindi totoo na nandito si Lloyd.

Kasi kahit iisipin niya lang ay biglang sumasayaw sa kaba ang puso niya. Biglang nagkakaroon ng club ang utak niya at gustong sumayaw ng katawan niya sa tugtugin na ginawa nila ni Lloyd noon.

Ayan na naman siya, umaandar na naman.

Juskong buhay ‘to! Nasaan ang hustisya? Pumasok agad siya sa faculty at walang lingon-lingon. Please Lord, help me. Nang makarating siya sa table niya, hinarap niya agad ang wallet niya at sa kamalas-malasan, hindi niya ito mahanap.

“Sigurado akong hindi ko naiwan sa bahay ‘yon. Sa’n ka na ba?” banggit niya habang hinahalungkat ang mga gamit niya sa bag at mesa.

“Sha, nag lunch ka na?”

“Ay butiking may pakpak!” gulat niyang sabi nang marinig niya ang boses ni Lloyd.

Anong kamalasan ba naman ito, oh!

“Kanina pa kita hinahanap eh, sabi ni Gian hindi ka pa raw bumababa,” sambit nito. “At isa pa, hindi naman siguro mukhang butiki ang pet ko, ‘no?” dagdag nito habang bumulong sa kaniya.

She rolled her eyes. Sha, kalma. Totoo rin naman ang sinasabi niya na hindi butiki ang alaga niya, diba? Malaking ahas iyon eh. Malaking ahas na tumuklaw sa cherrypop mo.

Huminga siya nang malalim. Pilit niyang pinakalma ang mga ugat niya sa katawan. Bakit ba kasi umiinit na naman siya? Tila may apoy sa katawan niya na nagpupumilit lumabas.

“Kumain na ko eh,” sabi niya at umupo sa swivel chair niya pero sa kamalas-malasan, tumunog ang tiyan niya. Putang-inang tiyan ‘to. Narinig niyang tumawa ang binata.

“Stop laughing, will you!” Tiningnan niya ito nang masama. Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

“’Wag na kasing maarte, let’s go honey,” sabi nito at hinila siya palabas ng faculty room.

At hindi na siya nakapalag pa. Kahit gusto niyang pumalag pero nagugutom na talaga siya.

Huwag ka na lang mag-inarte, Sharon. Nakain ka na nga niya noon eh, bulong ng utak niya na nadadala na naman sa paghawak ni Lloyd. Hindi na maganda ‘to. Hindi na talaga.

Temptation. Naka-eembiyerna ang bawat pagsubo nito ng pagkain! Ang guwapo pa rin kasi nito. Hindi niya alam kung guwapo ba talaga o sobrang gwapo.

Binilisan niya ang pagkain, kung puwede lang na kaliwa’t kanan ang gawin niyang pagsubo, gagawin na niya pero may hiya pa rin naman siya, kaya ‘wag na lang.

Pagkatapos niyang ubusin ang pagkain niya. Tumayo na agad siya at naglakad palabas pero ang bilis talaga ng binata at nahawakan agad nito ang braso niya. Kasing bilis ng pagbayo nito. Oh my God, ano na naman itong iniisip ko?

“Aalis ka na?” tanong ni Lloyd sa kaniya habang nakakulong ang braso niya sa kaliwang kamay nito.

“Yes, may gagawin pa ‘ko.”

Ngumiti ito sa kaniya. “Okay, take care honey,” malakas nitong sabi.

Patay na, anong honey? Honey bunch? Honey babe? Honey bee? Nakarinig siya ng bulungan galing sa mga estudyante na kasalukuyang kumakain.

“Ma’am Sha, boyfriend mo po si Sir Lloyd?” tanong ng isang estudyante.

Ito na nga bang sinasabi ko. She rolled her eyes.

“No,” sabi niya.

“Yes,” sabi nito.

Tiningnan niya ng masama ang binata.

“So, ide-deny mo ‘ko?” tanong nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano. Ang nais lang niyang gawin ay ang umalis at lumayo sa binata. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Lloyd, mabuti na ‘yong malayo siya rito. Pero ang tanong, paano siya makakalayo kung kasama niya ito sa trabaho?

Gulong-gulo ang utak niyang lumabas sa cafeteria, mabuti na lang hindi na siya pinigilan ni Lloyd. I don’t know what to do. I guess I have to deal with him na lang. Total, sinimulan ko, so ako na lang din ang tatapos nito. But, how?

Unang araw pa lang na kasama niya si Lloyd pero ang laki na nang ginawang panggugulo nito sa kaniya pero diba siya naman ang unang nang-gulo sa binata. Take your own medicine, Sharon.

Hindi siya makatulog. Alas-onse na ng gabi pero ayaw siyang dalawin ng antok. Tanging laman ng isip niya ay kung paano niya haharapin bukas ang binata.

Ano kayang mangyayari na naman kinabukasan na magpapagulo ng matinong mundo niya? Mukhang babagyuhin na naman kasi siya ng katinuan ni Lloyd.

Balak niyang kausapin ito na kalimutan na lang nila ang nangyari sa kanila. Pero, paano? Gusto niya ng tahimik na buhay! Pero paano tatahimik ang mundo niya kung ginagambala siya ni Lloyd?

Pero in fairness, ‘di niya nakalimutan ang mga hawak nito sa katawan niya. Erase, erase. Ano na namang kahalayan ang tumatakbo sa isip niya?

Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. Nag-open siya ng Messenger at laking gulat niya nang makita niya ang isang unread message galing kay Lloyd.

I miss you.

- Lloyd.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miss Art
Update poooo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status