Share

EPISODE V: "Rooftop Girls"

“He’s cheating on you?” Nakakunot-noong sabi ni Jane sa kaibigan. Naupo silang tatlo sa spot kung saan sila nag-iiyakan ni Ashley kanina.

Nadine nodded. “He’s been cheating on me. I don’t know kung sino yung girl this time but it’s his fourth.”

“My gosh, Nads,” hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Bakit ka pumapayag?”

“Well, at first, nadaan ako sa apologies. Sa promises na hindi na mauulit. First and second, tinanggap ko kasi akala ko mahal niya ako.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Nadine. Napansin ito ni Ash.

Nilabas ni Ash ang tissue mula sa bag niya at iniabot kay Nadine.

“Thank you,” pinunasan ni Nadine ang luha niya at nagpatuloy sa pagki-kwento. “His third was Samantha.”

“Samantha? Yung kapatid ng best friend niya?”

“Yes.”

“Pero diba friends kayo nun ni Sam?”

Lalong tumulo ang mga luha  ni Nadine. “Exactly.” Malalim ang pagbuntong hininga niya dahil nagpipigil siyang humagulgol. “That’s when I realized na wala na siyang respeto sakin.  I even caught them kissing in his condo.” Tuluyan nang napahagulgol si Nadine.

Niyakap ni Jane ang kaibigan. “You should break up with him.”

“I can’t. Jom said makakaapekto yun sa career namin, lalo na kay James.”

“So anong balak mo?”

“I don’t know. Right now, we’ll just pretend na okay pa kami. I also don’t want to disappoint the fans.”

“Yun lang ba ang dahilan o umaasa ka pang magkakabalikan pa kayo?”

Napahinto si Nadine sa pag-iyak at inayos ang sarili, “Maybe. Hindi ko alam. Pero sa ngayon, sobrang laki ng galit ko sa kaniya.”

“Grabe, ang gwapo gwapo manloloko pala,” malakas na bulong ni Ash. Tinignan siya ng dalawa.

“Uhm, Ash. I will appreciate kung hindi ito makakalabas sa iba,” pakiusap ni Nadine kay Ashley.

Mapapangiti si Ash. “Oo naman, Nadine. Sa atin lang tong rooftop girls.”

“Rooftop girls?” Matatawa si Jane.

“Oo,” masiglang sambit ni Ash. “Rooftop girls. Pwede nating maging takbuhan ang lugar na ito, at ang isa’t isa kapag may problema tayo.”

Nadine smiled, “Yeah. I like that idea.”

“Group hug?” Nakangising banggit ni Ash.

Napatawa nalang sina Jane at Nadine at pinagbigyan ang bagong kaibigan.

---

“Nadine! James! My favorite couple!” Sinalubong at niyakap ng birthday girl sina Nadine at James na alas-nuwebe na  nakarating ng party.

“Happy Birthday, Mama Lelet,” inabot ni Nadine ang regalo sa matanda. Si Lelet ay isa sa mga beteranong aktres na nakakatrabaho nila sa mga palabas at pelikula.

“Thank you, Nadine. Ikaw,” tinapik si James, “kung saan saan kita nakikita.” Pinandilatan ng mata ang binata.

“Sorry, Mama Lelet,” inakbayan ni James si Lelet. “You look wonderful with that dress.”

“Naku, inuto pa ako. Hoy, ikaw bata ka. Pareho ko kayong mahal ni Nadine. Pero kapag sinaktan mo si Nadine, hindi pwedeng mananahimik lang ako.”

Napalunok si James at tumigin kay Nadine, “I know Mama Lelet. I won’t hurt her.”

Napangiti nalang si Nadine at napatingin sa ibang direksyon.

“Okay. Enjoy the party, mga anak. Pupuntahan ko lang ang ating bossing sa Table 3.”

“Okay, Mama Lelet,” bumeso pa ulit si Nadine bago tumungo sa kanilang table. Sinundan siya ni James.

“I’m so glad pumayag kang sabay tayo pumunta,” hinawakan ni James ang kamay ni Nadine.

Nadine did not look at him. She pretended to be enjoying the performance of the singers in front.

“Nads, please talk to me.”

“Whatever lies you plan to tell me, keep them to yourself. I’ve had enough, James. Gusto ko nalang matapos ang party para makauwi na tayo.”

James looked sad. “Nadine, I’m sorry. Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo ko?”

Hindi pinansin ni Nadine si James. James stood. Pumunta siya sa harap at kinausap ang performers. Maya-maya pa ay hawak na niya ang mic.

“Hi, everyone. First of all, Happy Birthday Mama Lelet!” Nagpalakpakan ang mga  bisita. “I would like to sing this song, for Mama Lelet, and for my beaufiful date tonight. Love, this is for you.” Naghiyawan ang mga bisita. “I found the love for me.”

Napuno ang venue ng ingay ng mga hiyawan ng mga kinikilig na guests. Ang ilan ay tumayo pa at isinayaw ang kanilang mga date para sabayan ang pagkanta ni James. Pinanood lang ni Nadine si James at pilit na ngumiti para magmukhang naa-appreciate niya ang ginagawa ni James. But at the back of her mind, she knew that James was just showing off.

Maya maya pa ay lumapit si James sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay. Napilitan si Nadine na tumayo at makipagsayaw sa kasintahan. Habang isinasayaw siya ni James, tinignan niya si James. Nakatingin din ito sa kaniya kaya nagkatitigan sila. Naalala ni Nadine ang unang beses na kinantahan at isinayaw siya ni James. That was the happiest day of her life. And she realized that, yes, she still loves this man.

Nang matapos ang kanta ay ibinaba ni James ang mikropono at bumulong, “Sorry, love. Babawi ako.” He kissed Nadine at lalong nagkagulo ang guests dahil sa kilig.

Nadine felt giddy because of the kiss. Parang naglaho ang galit sa dibdib niya and she hugged James.

---

“Nadine, andyan ka pa?” Dumaan ang isa sa mga kaibigan nila sa showbiz. Dinatnan niya si Nadine sa labas. Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga bisita.

“Aaah. Yes, I’m waiting for James. Sasabay ako sa kaniya pauwi.”

“Wow, great. Where is he?”

“Nag-CR lang. He told me to wait in the car pero sabi ko dito nalang ako maghihintay.”

“Aaah. I see. I’m so glad na hindi totoo ang rumors about the two of you.”

Nabigla si Nadine when Carl said that. Simula mag-umpisa at hanggang sa matapos ang party ay walang nagtangkang kumustahin ang estado ng relasyon nila ni James. “Yeah. We’re good. I mean, whatever you’ve heard, hindi totoo yun.”

“Good,” ngumiti si Carl. “Ang tanga nalang ni James kung pakakawalan ka pa niya. Pero Nadine,” hinawakan ni Carl ang kamay ng dalaga. “Andito lang ako kahit anong mangyari. Pag sinaktan ka niya, ako ang bahala.”

Nadine was right. Lasing na si Carl. She felt uncomfortable so she made an excuse. “Th-thanks, Carl. Uhm, sige. Ingat ka. Check ko lang din si James, baka nakalabas na ng CR.”

Nadine hurriedly went back inside. She decided na mag-CR na rin since malapit lang naman ang CR ng boys sa girls kaya nagbakasakali siyang baka makasalubong niya na rin si James. Di nga siya nagkamali, pagliko niya palang ay nakita na niyang lumabas si James ng CR.

“Love, 15 minutes na ako sa labas,” lumapit si Nadine sa boyfriend.

“L-love? Sabi ko sa kotse mo na ako hintayin diba?” James looked uneasy.

Maya-maya pa ay may lumabas na babae mula sa male restroom. “James you forgot-” Nagulat si Ysa nang makita si Nadine. Ysa is James’ ex-girlfriend.

Nanlaki ang mata ni Nadine sa nakita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status