ASH POV“HI” masiglang salubong sa akin ni Vance pagkauwi ko.“What are you doing here?” nilampasan ko siya saka ako dumiretso sa kusina at nanguha ng malamig na tubig saka uminom.“Oh nakauwi ka na pala. Kain na ba tayo?” Si Aira.“Mamaya lang papahinga pa ako.” saad ko saka pumuntang sala at umupo.“Hindi ka man lang ba matutuwa na dinalaw kita?” tiningnan ko lang si Vance saka ko itinaas ang paa ko sa center table at inihilig ang batok sa sofa kung saan sa kisame ako nakaharap.“Ay nagsalita rin sa wakaaaas. Akala ko talaga mapapanisan ka na lang ng laway jan Vance eh.” Maingay na sabi ni Aira. Hindi naman siya sinagot ni Vance.“Tss magsama kayong dalawa! Kausapin mo yang pinakamamahal mo Vance!” daldal pa niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo sa amin.
“Pwede naman silang kiligin pero bakit kailangang ipagsigawan?” saad ni Aira habang naglalakad kami. Pareho rin pala kami ng iniisip. Parang mga hindi babae kung kumilos. Ganiyan ba talaga dapat sa tuwing dadaan sila? Hindi man lang ba sila naririndi sa araw araw na sigaw ng mga babae sa pangalan nila? O baka naman yan ang mga bitamina nila sa araw araw para mas ganahang pumasok. Tsss napakaiisip bata.Lumihis na lang ako ng daanan para maiwasan ko sila saka baka matagalan pa ako bago makarating sa room namin dahil ang daming babaeng nakaharang sa daanan.“Hi Ash good morning.”“Good morning.” Bati ng tatlo ng makapasok kami. Tinanguhan ko naman sila.“Ghorl hindi ka ba napapanisan ng laway sa pagiging tahimik mo? Nakakabingi yang sobrang katahimikan mo ah.” Si Jamin.“Nakalunok ata yan ng maraming menthol bakla kaya huwag kang mag-alal
ASH POVPagkatapos umorder ng pagkain namin ay kumain na rin kami.“Hindi mo pa rin ba sinasagot te ang papa Kendrick?” biglang sambit ni Jamin na ikinailing naman ni Sophia.“Ay bakit naman te baka maghanap na yun ng iba high school pa lang tayo nanliligaw na edi kung sinagot mo na counting na kayo.”“Kung mahal niya talaga ako maghihintay siya.” Seryoso at may punto namang ani ni Sophia.“Gaga hindi lahat kayang maghintay!” sigaw ni Jamin na ikinanguso naman ni Sophia. Nakinig na lang ako sa daldalan nila. Tatayo na sana ako ng biglang sumama sa akin yung upuan!“HAHAHAHAHAHAHA” malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong cafeteria.“Anong nangyari te?” tanong ni Jamin ng nakatayo na silang lahat. Sinubukan kong alisin yung upuan sa pwetan ko pero langya masyadong madikit! Gagong warfreak! Kaya pala ab
Mga komento ng mga nakakita. Kung makareact akala mo naman sinaksak na ang ultimate crush nila. Hindi ko naman magawang awatin si Ash dahil baka mas lumala. Kilala ko naman siya eh hindi siya lumalampas sa pagsuntok.“Napakaimmature mo.” Blangko at malamig niyang saad. She’s really mad.“Anong tingin mo sa mukha ko? punching bag?” turo niya sa mukha niyang nasuntok. Masyado ka kasing sumobra kaya buti nga sayo.“Hindi mo alam na maraming manghihinayang sa mukhang to kapag nabangasan? Pero sa mukha mo? Aso lang ang manghihinayang.” Dagdag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ito titigil kung pareho silang matigas ang ulo.“Atleast may nanghinayang.” Sagot naman ni Ash.“Let’s go.” Tatalikod na sana si Ash ng hawakan siya sa braso at iniharap kay Kent pero hindi namin inaasahan ang sunod niyang ginawa kahit ako ay nagulat ng suntukin niya si
CHASE POVAng buong akala namin trip lang talaga ni Ash ang suntukin si Kent, todo awat pa naman kami sa kaniya at todo kampi naman kami kay Kent yun pala kasalanan niya rin naman kung bakit siya nasuntok.Nalaman namin lahat kay Kendrick dahil tinanong niya si Sophia kung ano ba talagang nangyari at bakit galit na galit si Ash at biglang sinuntok si Kent. Nilagyan niya pala ng non-odor na pandikit ang upuan ni Ash na siyang ikinagalit niya.Papasok na kaming tatlo, si Kendrick at Gavin ng biglang naming makita ang sasakyan ni Kent na papasok.“The bully is here.” Saad ni Gavin habang nakatingin sa kotse ni kent.“Hey guys.” Masaya pang sigaw ni Kent kahit na nasa kotse pa niya.“Tss, bahala siya sa buhay niya hindi ko nagustuhan ginawa niya.” naiinis pa ring ani ni Kendrick. Palabiro si Kendrick, palaging masaya pero oras na nakagawa ka ng hindi niya nagustuh
“Hindi ko talaga alam.” Iling ko pang sagot sa kaniya.“Eh yung ginawa mo kay Ash kahapon, alam mo ba?” bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Yung ginawa ko kay baduy girl kahapon? Ang pagkakatanda ko yung nilagyan ko ng pandikit ang upuan niya. Iyun ba ang ikinagagalit nila sa akin? Ang babaw naman yata nun! Kumpara sa sinuntok ako ng dalawang beses.“Hindi nakakatuwa yung ginawa mo Kent, sana alam mong mga college na tayo at hindi na mga high school na parang nakikipaglaro lang.” Dagdag naman ni Chase.“Iyun lang ba ang ikinagagalit niyo? Mga pre walang wala yun sa pagsuntok niya sa akin ng dalawang beses.” Tanggol ko sa sarili ko.“Well you deserve it.” Nainis naman ako sa sinabi ni Gavin.“I deserve it?” hilaw akong natawa.“Pandikit lang yun! Pwede niyang tanggalin!”“Oo pandikit lang yun! Pero
Nagtungo na lang ako ng gym. Pagpasok ko marami ng mga basketball player ang nandun. Nakita ko rin si warfreak na siyang may hawak ng bola. Sa kabilang ring sila nakaharap, sa likod naman ako dumaan kaya hindi nila ako makikita. Nagdirediretso na lang ako sa practice room namin at dun na lang naghintay ng mga kasama ko.“Dre pasa mo sakin!” rinig kong sigaw mula sa labas kaya nagtungo akong bintana para silipan ng makita kong naglalaban laban sila ng basketball. Hawak ni Kendrick ang bola at drinible ito papuntang kabilang ring saka mabilis na ipinasa kay warfreak. Pagkadrible ni warfreak ng bola umatras lang siya saka talon at bitaw ng bola. Pinanuod ko pa ang pagbagsak nito sa ring.HULOG“Wala talagang kupas!” kantyaw sa kaniya ng mga kateam niya.“Syempre kelan ba kumupas ang isang Luxurious hahahaha.” Nangibabaw ang tawa niya sa buong court. Tsss hambog din.“Crush mo?&rdq
Napatingin naman ako sa kaniya ng ipagpag niya ang dalawa niyang kamay na akala mo ay mga alikabok ang nilinisan. Napayuko naman ako ng sakin na siya sumunod na tumingin.“Ayos ka lang Miss?” pormal niyang tanong sa akin. Tumango naman ako.“Salamat.” Mahina ko pa ring saad dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung takot ko at panginginig ng katawan. Ang buong akala ko talaga katapusan ko na.Napatingin na lang ako sa kaniya ng alisin niya ang jacket niya at ilagay iyun sa bewang ko at itinali. Tumayo na siya at inilahad sa akin ang kamay niya. Tinitigan ko pa iyun.“Tara na baka gusto mong marape pa bago ka tumayo.” Malamig niyang aniya na nakapagpatayo sa mga balahibo ko sa batok. Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya at tinulungan akong tumayo. Naglakad naman na kami paalis dun hanggang sa makarating kami sa tingin ko ay motor niya.“Saan ka pupunta?” tanong ko n